Showing posts with label personal. Show all posts
Showing posts with label personal. Show all posts

Tuesday, July 9, 2013

Just when I befriend everybody

We always have our firstday at work, walang masyadong kilala, nangangapa sa trabaho, nakatunganga, di alam san kakain, anung gagawin. Pero siguro sa mga nalipatan kong company, hindi ako nahirapang magadjust. In 1week time, nakaadjust na ako at medyo may mga kaibigan at kakulitan na. Pero nabago ang lahat noon napasok ako sa 2298 Pasong Tamo. Iba ang aura, akala ko syempre sa umpisa lang. Pero lumipas ang isang linggo, hindi ko pa rin sila makausap. Simpleng hi and hello nga wala e. Simpleng ngiti sa hallway wala din. Mga tao ba talaga sila o naligaw lang ako? Ehehehe. Iba kase talaga, unlike sa ibang company, pag nakikita ka nila for a week, kahit papano nag ngingitian na kayo sa hallway. Take note pa ha, 10 lang kami sa isang room. Akalain mo nga naman. Alam ko medyo may kakulitan din naman akong tao, pero sa sitwasyon na yon, hindi ko yata nagawang mangulit or makipagkwentuhan. Akala nga nila seryoso akong tao. Kaya feeling kawawa ako doon pag absent ang partner ko sa TX, mag isa lang ako, alone na alone. Ehehehe. Kase sila yun tipong pag sumama ka naman, OP ka.. so wag na lang. Yung feeling na hindi ka welcome sa group nila.
Oh well, dumaan ang mga events kahit mag kakateam, parang wala pa rin. Ganun pa rin kami, papasok, magtatrabaho… Sabi ko nga oldies ang mga tropa ko dito. Ehehhe. Kase sila naman may family na, wala na yung mga tipong labas tayo, or let’s watch movie after office or tara shopping…
Pero ang nakakalungkot at nakakatawa lang, kung kelan wasak na ang working place namin, kung kelan nagkaron ng delubyo, tsaka ko ba parang naramdaman sila. Na tipong, “ay nakikipag kulitan na sila sa akin”.. Yung tipong, wow ha, nakakasama ko sila sa travel. Kung kelan naman nagkakaron na kami ng chance to get to know each other, tsaka naman nagkaron ng delubyo.. Nakakalungkot din in a way, kase I never thought I could really be close to them tapos hindi na pala kayo magkakasama. But just when you thought it’s over, hindi pa pala. I’m glad we still manage to keep in touch.. kahit watak watak na. Then yung mga kasama mo pa rin sa work, mas nagiging close kayo, kahit ngayon, mas marami akong circle of friends sa new work. Nakakatuwa lang iba talaga ang karanasan ko sa 2298… E sa bagong table ko nga ngayon, wala pa akong 1week pero na manage ko na makipagkulitan sa kanila, or maybe yung iba sa kanila ay kakilala ko na.
I’m glad those people na hindi mo rin inaakala na magiging kaclose or sabihin na nating nakakausap, e mas nakakausap mo na ngayon. Yung ramdam mo na sa kanila yung presence mo. Kase dati akala ko deads na ako tapos hindi ko lang alam kaluluwa na lang pala ako, kase parang wala akong presensya.. ahahahah..
Sad lang din na totally disbanded ang TX team.. tatatlo na nga lang kami hiwa-hiwalay pa. Pero sabi nga maliit ang mundo ng telecoms. I’ll see you around for sure. Thank you sa lahat Sir Warren, ang dami kong natutunan sa work and life. And kay Sir Bing na talagang handang magshare ng knowledge.
 
Pero sabi nga first impression won’t really last. And some people who you barely know would help you out when you need them. Pero hindi talaga ako friendly na tao.. eheheheh

Monday, June 17, 2013

Concealing...radiating only good vibes

Hindi dapat ito ang post ko, pero since nakarecieve ako ng isang text brigade, eto na lang.

One of my friend told me, mahirap alamin ang ugali ko, kase you know how to control your emotions, you know how to conceal. Napaisip naman ako don, really? And then naisip ko nga maybe… Because sometimes kung ano yung gusto ko lang ipakita sa iba yun lang. But, once I let out, dun na nagkakaproblema ulit, because when I open up, it’s really open.. and marami rami na rin ang nagtatake advantage..

Anyways, habang nag hihintay ako ng pagtila ng ulan kanina sa lobby, nakakulitan ko na naman si kuya guard, since halos walang nakaligtas sa delubyo sa company namin napag usapan naming ang mga empleyado at nahantong sa ganitong usapan…

Guard: ikaw ba Mam ilang taon ka na? me asawa ka na?

Me: (Ngumiti) Bata pa ako. I'm not married.

Guard: Ah siguro, ok ang lovelife mo. Feel na feel ko e. Kase lagi kang nakangiti at masaya.

Me: (thinking, really now...wow ha feel na feel. ahahaha.. kaloka si kuya, at dahil dyan ang linya ni layda pasok). Kuya, di ba pwedeng Inlove noon, nasaktan noon, at nakamove on na ngayon? Ahahaha
Natawa naman ako sa kanya, and naalala ko yung sabi ng kaibigan ko, I know how to conceal. Sa totoo lang e hindi naman talaga ako masaya at lalo naman ang puso ko ay hindi masaya, the last time I check, e nag rerecover pa sya sa pagkamatay.. ahahahah.. Ikaw na ang walang trabaho at the same time nasa ICU ang puso? Oha ahahhaha. Makakangiti ka pa ba?

But I think being happy is really a choice, yeah yeah… mahirap. Pero dyosmiyo… hindi ka naman ipinanganak para isumpa ng Dyos. There’s always something that could really make you smile and happy. I don’t know, but sometimes kelangan mo talagang tanggalin ang negative vibes. Kelangan laging nakangiti para dumapo ang swerte. And I have a lot of things to be thankful. My family na sumusuporta sayo kahit hindi nila alam ang emo mo sa buhay, friends… ang dami rin pala nila, na kahit hindi rin nila alam ang drama mo, sasabayan ka lang nila.. I got mulberry and lily.. anu pa ba? So i think mind setting rin lang naman ang buhay, at napatunayan ko na yan many times. Just think it will come and it will come and of course you MUST trust God.

Lahat kase sa engineering, anxious like my big boss.. katulad kanina, sabi nya “so ano na plano natin? Ano na gagawin natin?” ako naman taking it lightly, eat, sleep and pray.. eheheheh. Naiintindihan ko naman sila kase nga may family sila na kelangan nilang buhayin, well syempre big adjusments yan, kapag malaki ang kita then suddenly biglang wala ka na palang work? Pero sabi ko nga, let’s just wait and hope for the best.. hindi na kase natin hawak ang sitwasyon. Madali lang siguro ngang sabihin ito para sa akin kase nga wala naman akong pamilyang binubuhya, but my point lang is, be positive, there’s always a way.. Basta trust God, and do whatever you think is right..

Ayun lang, maybe people would think that I don’t have problems.. na ok lang ako.. but sometimes, I’m just focusing on something positive, dahil kung iisipin ko lahat ng frustration ko at pain, ay baliw baliwan na ako nyan. Mas masarap ang feeling ng nakangiti, at least you can influence others to smile. Sabi ko nga sa kanila, at the end of the month baka tayo na mamroblema nyan dahil di natin alam kung aling offer ang pipiliin natin.. eheheh

Thursday, June 13, 2013

It was like a…Bomb

Oh well, we heard everything.. Hearsay? Would you believe that? Oh no. Yes, usap usapan naman na talaga sa office, that everything will end. SMCT will take over WTI. As far as I know, may lists na ng mga matatangal at babayaran. Dahil wala na e, pabagsak na talaga, and we’re just waiting for the announcement. And then finally, we received email, meeting at 930AM. Whoaw… maybe this is it..”The Verdict”.  I think I’m prepared. Whatever happens, ok lang. I have this positive outlook naman kahit ano pang mangyari.
But then, kahit pala gaano ka kaprepared, pagnanjan na.. ayun, it was like a bomb in your face. Them, informing you, that it is your last day.. whoa… then check is here, you need to sign this..blah blah blah.. to stop the financial bleeding, blah blah blah.. ok ok.. We got it.. But they leave us without a choice. Wow. Walang counter offer? Yung sabihin sa inyo na, Engineering will be dissolved? Oh wow.. kakabigla din ah, kahit alam mo na na ganun ang mangyayari. We we’re expecting na, re-alignment lang, since operator kami and of course mga regular employees kami. And we’re the one who built the network.. Unlike Sun and Smart, may transition talaga, and matagal... Hindi yung bibigyan ka ng sakit sa puso.
So, suicidal ba ito for SMCT? Anong plano nila? Kanino kami magtuturn over? Eheheh.. nakakalito na nakaktawa, na nakakakaba… Mixed emotions. Pero isipin na lang natin, na para kang nagresign pero may bayad.. eheheh.. Noong natapos ang meeting, I went straight to our room, and nandun si Director Bossing.. Actually hindi nama ako masyadong affected sa mga nangyayari, sabi ko nga nararamdaman ko na aalis ako sa WTI or feeling ko somewhere along the way, meron akong malilipatan.. Eto na ang pinakamatagal kong stay sa isang company.. ahahha.. Pero nun nakita ko si bossing, parang nalungkot ako para sa kanya.. KASe nga naman, it was a big blow talaga para sa management. I remember before ang angas pa nila sa SMCT pero ngayon, wala na.. Iba din when you’re earning a lot tapos biglang wala na… yung feeling mo na akala mo secure ka? Hindi mo talaga masasabi ang panahon. Sometimes it’s great, sometimes you’re at your worst day of your life.
But what can we do? Ganun talaga ang buhay.. Right now, we’re just waiting.. Since bayad naman na kami until end of June, and hindi na kami required pumasok, e di wag na lang pumasok.. Asikasuhin ang clearance.. But June, it would be a make or break. for me. I’m excited at the same time nervous kung anung mangyayari sa end of june. If option A is good, then ok.. If option B is good, I’ll go for it, but….. it will change… big adjustments for me.. but I know it will be worth it.
Hindi pa man halos nangangalahati ang 2013, napakarami ng pasabog sa buhay ko. Grabe. Minsan parang overloaded na ako sa mga surprises. Ako na ang winner, lahat na… surprises, adventure, heartache, sadness, pain, happy moments, good news, bad news, joy… hay naku, maloloka na yata ako.. But so far, I’m really proud of myself.. I’m still able to be happy and happy.. And for the past 5months, mas lalo kong nasasabi na I’m one hell of a strong woman.. wahahahahaha…
There’s a rainbow after the rain. I know there’s something better out there.. it happened before.. I just need to trust God.. So let’s always be happy even if we are in pain… it’s difficult but it’s possible.

Monday, June 10, 2013

Basta bago, pinipilahan…

Habang naglalakad sa High Street kanina, napadaan ako sa Happy Lemon. Napansin ko, walang pila, sabi ko sa kaibigan kong si Mia, wow wala ng pila. Naalala ko dati noong bago pa lamang ang mga milk tea sa Pilipinas, naku blockbuster ang peg ng mga stores. As in akala mo kung anung meron at napakahaba ng pila. Akala ko nga dati may buy 1 take 1, ehehehhe. Dati rati noong nagtatrabaho ako sa Hanoi, Vietnam, ito lagi ang libre sa aming ng mga nananalo sa poker. At doon ko talaga na appreciate ang Milk Tea or anything na Tea, kase mahilig talaga sila sa tea. Nagbibiruan pa kami noon na ganyan na lang ang gawin nating negosyo sa Pinas, tutal wala namang ganyan doon.

At ayun na nga pag uwi naming dito after a year, nagsulputan na bigla ang Milk Tea… Nauso ba. At dahil uso, wow ha, halos abutin ka ng 30min makainom lamang ng milk tea sa dami ng tao. Pero noong natikman ko naman, iba ang lasa, matabang.. masyadong maraming yelo and milk.. Walang kick ng tea.. (Pero may iilan naman na store na masarap).

Ganun yata talaga pag may bago or iba sa pandinig at panlasa.. Ang mga pinoy siguro talaga curious. Kaya minsan kahit di naman sila mahilig sa mga ganun, masabi lang na nakakasabay sa USO, go na.. Tulad noong dumating dito ang Krispy Kreme, aba ay pagkahaba haba ng pila… akala mo ay may namimigay ng isang kilong bigas sa barangay. J.Co na lamang… grabe talaga.

Pero tingnan mo ngayon, may pila pa ba? E yung ibang store nga halos wala namang costumer. Iba talaga ang pinoy minsan, makauso lang talaga..

Saturday, May 25, 2013

FEUropa-V, 2013 (Before the Semi-Finals round)

Unang competition para sa taon ng 2013. Hindi kami sumasali dito nun mga nakaraan nilang pacontest kase medyo mahirap sa schedule, weekdays kase. E karamihan ng members ng Gloria Patri Singers (GPS) ay mga nagtatrabaho at estudyante. Pero bago magsimula ang taon, nakapag desisyon na kami na sumali. January pa lang may napili na kaming aaraling panlaban na kanta. Ito yung Ayug ti Amianan (Scenes from the North) which is in 3parts.. we sang the last part, variations on the Igorot song Chua-Ay, composed by Fidel Calalang Jr. – a conductor from UST Singers. Isa ito sa mga pinanglalaban nila sa international competition. Since ang conductor namin ay estudyante ni Sir Fidel, Chua-Ay naman daw ang kantahin namin, at may tiwala naman sya sa group na makakaya namin itong kantahin… So kami, go lang.. ehehhe… ang hirap kaya.

So eto naman kami aral, aral. Ang problema hindi kami makumpleto sa mga rehearsal, which is so important na kumpleto lagi, kase nga may kahirapan ang kanta. Ang tempo, kamusta naman. Ang mga sagutan na part, mahirap.. whew. Wala akong matandaan na araw na nakumpleto kami sa rehearsal. Kaya minsan nakakastress talaga. Hindi maiiwasan talaga yung ang daming pasaway, and daming drama sa buhay. Buti sana kung hindi pinagtatanong isa isa kung makakacommit o hindi. Importante kase dito yung commitment sa rehearsal. Hindi kase rin naman kami mga singers talaga, natrained lang kami ng conductor namin na nag aaral sa conservatory of music sa UST. May mga nagbabakasyon ng 7days tapos 2weeks na lang competition na, yung kung saan saan pumupunta, alam naman ang schedule ng rehearsal. Samantalang yung masisipag magrehears, kahit di na makapanood ng sine, basta makapagrehears lang, bawal makipagdate may rehearsal.. mga ganung moment.. Kaya sobrang nakakastress ang last 2weeks ng rehearsal.

At eto na nga po, sa GPS kase pag magcocompete hindi mawawalan ng drama at kaguluhan. Expected ko na to e, last day of rehearsal.. nag walk out si conductor, panung hindi mag w-walk out, kulang kulang ang singers sa kahulihulihang pagkakataon. Wow, nganga na naman kami. E kase parang ang konti talaga ng oras, tapos ganun pa. And magbaback out pa. Wow sayang ang effort, buti na lang kaming mga trustee ay nag usap usap. Aba naman ay nandito na rin lang naman tayo ay ituloy na, whatever happens, tuloy pa rin.

Pero hindi natapos ang lahat nun gabing iyon, pagdating sa venue, ang ganda pa naman ng ngiti ko, may kaguluhan na palang nangyayari. “Ang marker”… asan ang markerrrr.. ahahahhaha… gawa nya kase yung para sa marker sa stage, may pag ka OCD kase ang conductor namin.

 

Tuesday, May 21, 2013

So into P!NK


Gusto ko talga si Pink since “JustLlike a Pill” na kanta way back 2001.. Astig kase… I like the voice and the genre, alternative woman ang dating parang ako.. ehehehhe.. I used to memorize all her songs, tapos kakantahin ko lagi sa videoke, feeling performer din like Pink. Parang gusto ko nga ring magpakulay ng pink na buhok that time.. ahahaha


Then, when I was just looking for songs in youtube, dahil nag eemote ako last time, nakita ko ang “Just Give me a Reason” wow bago? Kasama pa si Nate ng Fun… Interesting…  And it’s a nice song, parang kakaibang Pink, ang galing, and syempre super relate ako sa song, and I fall in love with the song instantly. Na parang bang ramdam na ramdam ko yung kanta, from the bottom of my heart, “we’re not broken just bent”, yung pakiramdam na WE CAN STILL BE OK, sa kabila ng lahat. That’s why I love the song..  Naging national anthem ko na rin..  Umpisa pa lang ng kanta pasok na sa banga..


Right from the start
You were a thief
You stole my heart
And I your willing victim
I let you see the parts of me
That weren't all that pretty
And with every touch you fixed them


Pero habang tumatagal, parang di ko na sya feel, I come to realize na, we’re really broken.. Na you can’t just sit in there and everything will be ok. It’s like something you have in your hand suddenly slipping away that you can’t do anything about. And it should not always be me fixing things…  Nakakapagod na rin maghintay, nakakapagod rin pala talaga. Hindi ko na rin sya feel kase masyadong uso.. ehehhe.. ewan ko ba, me ganung factor pa ako, pag lahat na ng tao paborito ang isang bagay, nawawalan na ako ng gana.. Pero dati repeat mode ito sa kotse.. including “Break even” na kanta ng “The Script”.. mga kanta ba ito ng mga sawi? Eheheheh


Last weekend, my friend Mia and I travel together, and found out na gusto rin nya yung song. So ayun naging repeat mode na naman sya sa sasakyan..  Pero mas nalulungkot na ako pag naririnig ko ang song na to, specially sa part na to:

Oh, tear ducts and rust
I'll fix it for us
We're collecting dust
But our love's enough
You're holding it in
You're pouring a drink
No nothing is as bad as it seems
We'll come clean



I’ll fix it for us??? We’ll come clean?? DARN… ahahahaha.. so bitter… ahahahah… it was like.. arrrgghhh.. kalokohan…  (pero nakarepeat mode pa rin)



But I think “Just Give Me a Reason” deserves the popularity and all… Maganda naman talaga kase,lyrics and melody… moving song, with lots of emotion.. tagos na tagos.. 


Tuesday, May 14, 2013

Election 2013 - High Blood mode



Eto na naman tayo, karamihan highblood sa resulta ng eleksyon. Pag iisipin mo nga naman ang daming nag rant sa results sa online world, pero bakit marami pa rin ang nahahalal na sa tingin naman natin ay hindi karapat dapat?

                Marahil napakarami talaga ng nasa class D and E na voters, yan yung mga sinasabi nating mahihirap at hindi nag iisip. Iniisip ko nga feeling ko nga class D rin ako e… Di naman ako mayaman.. ehehehe… Nahighblood talaga ako sa pulitika sa aming bayan ng Marinduque. Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit hanggang ngayon mga Reyes pa rin ang namamayagpag sa itaas. Wow ha, landslide ito, as in… kaya nakakapag init lalo ng ulo.. Sobrang grabe na ba talaga ang bayaran sa bayan ko? OMG, hindi pa ako pinapanganak, kandidato na yan e, e baka hanggang sa kabilang buhay kumandidato pa rin sya.. 

                Anu na bang nangyari sa Marinduque? Wala. 15years na akong naninirahan sa Maynila, umuuwi lang pag sembreak at ngayon pag bakasyon sa trabaho. Aba naman, buti pa dati every Christmas and New Year lang walang kuryente, aba ngayon araw araw, fan yata sila ng earth hour… susme talaga. Sa tuwing umuuwi ako, ang provincial road, hindi na natapos sa pag gawa, yung kalye nga sa amin kung anu yung dinadaanan ko before, ganun pa rin hanggang ngayon. Kung tutuusin dapat maganda ang Marinduque dahil virgin Isaland ito, maraming magagandang isla na i-explore. Pero nangyare?? Substandard  ang mga kalye kaya madaling masira. Laging brownout kaya malulugi ang negosyo mo dito. Ang mga bilihin, kamusta naman ang mamahal.. lalo na ang mga seafoods, to think na isla tayo, dapat nga mura na lang.. Pero san ba nangagaling ang mga yan, kinukuha pa sa Lucena.. Ang mga gulay sa divisoria pa binibili.. Hay naku ang sakit sa ulo…. Uso na rin ang nakawan na dati dati naman kahit naiwan mo ang wallet mo sa palengke, sigurado maibabalik sayo yun. Uso na ang mga adik. Dati takot akong maglakad sa gabi dahil baka may mumu, ngayon takot na akong maglakad sa gabi dahil baka may adik..

                So anung nangyare sa gobyerno dito? Forever na lang ba kayong manghuhuthot ng pera na bayan? Namulat talaga ang mata namin sa bayaran dyan, nung nagtangkang kumandidato as brgy. Captain ang father ko, may pagka popular naman ang tatay ko at maganda ang public record. Pero dahil wala naman kaming perang ipamimigay sa mga tao, aba bumaliktad sa halagang isang libong piso. Pero kung iisipin mo nga naman malaking bagay na ang isanglibong piso para sa aming probinsya, ilang kilong bigas na rin iyon, yun ang masakit sa lahat, puro band aid solution tayo, yung pangmadaliang ginhawa.. hindi natin naiisip yung future.. pero sino ba talaga ang dapat sisihin sa lahat?? Iniisip ko nga pano na ba talaga tayo?   

                Sobrang nakakalungkot lang na Reyes na naman ang nahalal as Governor, sayang si Doc UY, maaring corrupt din sya pero ang pinakamahalaga yung pag babago. Mas mainam na yung mag take chance ka sa iba, kesa yung sa alam mo na na walang magagawa kundi pansarili lamang.. Nakakalungkot na wala pa sa kalahati ng boto ni Reyes and bumoto kay Doc Uy.. kamot na lang tayo sa ulo..

                Same here in Manila, juice ko po… Erap para sa mahirap, baka maghirap na tayo nyan pare pareho.. Headache talaga..

Saturday, May 11, 2013

Friendship that never fades


 
We’ve been friends for more than a decade now. Friends sila ng kuya ko, na eventually naging mas close ako sa kanila… ehehehe.. Dati we hang out a lot, laging magkakasama everyday.. Siguro dahil magkapitbahay lang kami sa GSIS. Lahat yata ng important events sa buhay ko nakicelebrate sya, simula ng debut ko, nakagraduate ako, nakapasa sa board exam, first job, first bf, first abroad… and sa lahat ng down moments ko, heartaches, frustrations… Pero sa lahat ng mga naging close friends ko, sya lang yata yung nandyan pa rin…

Then she decided to go abroad, then ako naman nagwork din abroad.. So we seldom see each other… Well, we are not the kind of friends na araw araw nagkikita, araw araw nag uusap or nagcchat or nagttxt. Parang minsan nga 1yr kaming di nag uusap.. at eto pa, nakakalimutan nga namin ang birthday ng isa’t isa… ahahahahha… Ngayon parehas kaming nasa pinas, swerte na ang isang taon na magkita kami… swerte na rin na sa isang bwan naaalalang magtxt..

What’s good about our friendship? It feels like home, every time na magkakaroon kami ng chance na magkita. It feels refreshing; we’re still the same as before… We are still comfortable with each other.. yung tipong nasasabi mo pa rin un mga bagay bagay.. nakakapag emote ka pa rin sa kanya, nakakapagsabi ng kadramahan mo sa buhay.. It’s like no time has passed at all. You pick up where you left off, kulang ang isang gabi sa kwentuhan… And I’m thankful, even some trusted friends fails you, there’s still somebody who’ll remain your friend.. And I know, she will always be there for me… It’s nice to see her again.. J

Friendship is not measure on how you talk often or see each other often; I guess if it’s real, it’s real kahit saan pa kayo makarating.

Friday, April 5, 2013

Darkest Event

I'm now in a place where i should pick up the pieces of myself.. i was shattered beyond repair... Hindi man lang sumagi sa isip ko na mangyayari to, not even in my wildest dream.

   My most trusted person in my life betrayed me.. It was like hell, it was like you can never move on and be whole again..just like a bomb explode in your face and turn into pieces..  you don't know where to start all over again.. because that person become a big part of your life.. like a some veins in your system that once it breaks, your life will end..

  I was miserable that day when i found out. as in OMG... how could it be?? pano nya nagawa yun? and all those memories, kaya pala ganun, kaya pala may times na ang mga dahilan nya sablay.. but I kept quite, na pag nagconfront ako baka mawala sya... i keep my eyes closed for the longest time.. meaning nagpakatanga ako kase naniniwala ako na hinding hindi nya yun magagawa.. but then I was so wrong... sabi nga ng friend ko... "possibilities are infinite"... hay buhay... i've been good.. yung isusubo ko na lang ibibigay ko pa sa kanya... yung itutulog ko isasakripisyo ko na lang para magkatime sa kanya.. all the support lahat na.. emotionally, financially... oh well i'm only human initially talaga isusumbat mo lahat e...

  I don't know how to get up everyday.. it's like i wish i didn't feel this pain.. yung pakiramdam na ganun pala when you're devasted na hindi ka talaga makakakain at makakatulog... hindi ko matanggap.. how could it be? how could that person so innocent do this to me? Parang gumuho ang mundo ko... my bestfriend and my partner in crime, my partner in life betrayed me, lied to me, hurt me.. 

Tuesday, June 12, 2012

Closure

    It's been awhile since i've heard his voice or anything about him, until i received an overseas call from him. Nung una, akala ko kung sino, pero syempre alam ko na sya, nahiya lang akong sabihin agad ang name nya baka mali ako, tas sabihin lang nun tumawag e hindi pa ako nakakaget over at waiting ako.. ahahaha... Marinig ko lang yung "pre" (well parang tawagan na rin namin) e alam kong sya yun... Nagulat lang ako kase since Vietnam days namin, e hindi naman kase gaanong nag uusap. Tapos biglang tatawag, so dalawa lang ang pumasok sa isip ko, galit sila ng GF nya, or magpapakasal na sya... ahahahahha

  Akala ko nun una sya na ang sagot sa aking mga dasal na sana dumating na ang makulay kong lovelife.. pero ewan ko ba sa dami dami ng dasal ko e hindi naman e umaayon sa pagkakataon.. Pangatlo ko syang BF and sya rin yung pinakamabilis na pang yayari. pero matagal.. ahahah ang gulo.. in short magulo kami. And I guess it wasn't genuine love after all, well on my part siguro. Kase wasn't able to at least fight for something..

  Nung una ko syang makita in Hanoi, napaisip ako meron palang installation engineer na may face.. ehehhe.. e kase naman matatanda na ang karamihan o di kaya naman e... alam mo na.. ehehhe... (kala mo naman kagandahan) eheheh... That was our first week in Hanoi, syempre maraming pinoy sa group namin, kaya kamustahan... Syempre exchange of contacts pero never ko syang nakakausap... ehehe un pala kala ko kase kaya hinihingin nila para sa coordination, yun pala may nagpapahingi, parang highschool lang, ehehe.. (designer kase kami sila implementation)...

  At first akala ko joke time.. pero seryoso pala..pero nun nagkakausap na kami, para bang pakiramdam ko parang hindi e. Pero dumating parin yung time na ok i'll give it a try, gusto ko rin naman sya..e hehe.. let the love blossom.. ehehhehe... Pero as days goes by, parang hindi sya magiging happy ending.. well maybe because iba kami ng paniniwala when it comes sa religion.. ang it was hard. kahit sabihin pa natin na pede naman yun still... Iglesia kase sya, ako naman Catholic.. and sometimes nag aargue kami about that.. e mag bf-gf pa lang kami.. nag aargue na kami.. what more kung usapang kasalan na yan.. rather than investing more feelings, nag jump ako out sa relationship.. ibang usapin kase pag faith na pinag uusapan. Things are so complicated nun mga panahon na yun. hindi lang sa religion kahit sa aming mga personal na gusto. Sabi nga nila, what's wrong with him, ang bait bait nga nyan e.. minsan kase wala sa bait yun e.. yun e kung nagkakasundo kayo ng matiwasay kahit may mga argumento..I don't know, para bang hindi talaga tugma yung time.

 Then nun umuwi na kami sa pinas, i never heard anything from him... sa mga common friends lang. Then i've heard na may GF na nga sya.. and happy naman ako sa kanya.. and everytime na maiisip ko sya parang sayang pero pag iisipin ko, siguro hindi rin kami talaga kahit gusto ko syang balikan. Dumating kase minsan na nakapag usap naman kami here in manila, na parang we both want each other back.. (well, malabo yung kase me GF na sya). siguro hindi rin pinag adya na magkita kami personally here, kahit group date... never ko sya talaga nakita dito sa pinas.(iniiwasan ata ako)

  Ayun that call.. i conclude na it's more of a closure.. na we say sorry and yung nga, nitreasure ko talaga un time na yun.. and sya din naman.. kala ko nga lasing lang sya e.. ehehe... na kaya daw talaga umiwas sya sa akin when he was here ay para mag move on... kase kung kakausapin nya pa ako, hindi daw sya makaka move on.. well on my part sana makita ko na ulit yung makulay na lovelife... naiingit ako sa kanya e... ahahahhaha

Eto kami noon.. :)