Tuesday, August 15, 2006

Wacha!!

3 days na ako sa cebu ng maalala ko na may blogmate ako na taga davao.. (I really wanted to explore davao, pagkakataon ko na to.).. Habang nakatambay kami sa PLDT/Smart at naghihintay ng gate pass, may vacant pc don na nagdedemo ng smatbro.. Ayos, may access ako sa internet..hehehehe

Got it! Si Ev taga davao, I’m really hoping that she’s staying at davao.. So I just leave my contact number sa shoutbox nya.. Kala ko nga hindi nya papansinin, kase impression ko sa kanya sa blog, e suplada.. (ahehehehe kase laging busy). But but but, after two hours, nagtxt sya sa akin.. ayan na.. Meet meet na. Nasa SM na ko gusto pa akong papuntahin sa Gaisano, e di nga ako marunong mag commute dun, unless nakataxi.. Pero gusto kong sumakay ng jeep, cute kase ng salita nila pag napapapara.. ganito, pag sasabihin mong “sa tabi lang po” sa bisaya “lugar lang” with malambing na tono.. nakakaaliw.. “gar lang” for short. Nun una akala ko ang “gar lang” ay isang place..hehehe

Finally nagkita rin kami, jolly pala si Ev, kala ko mukang seryosong tao..

Dahil nag lilibot pa kami ng mga sites.. ayon, napasama tuloy sila.. (w/ her friend sheng).

Sabi ko naman sa kanya pasyal nya ako, gimik sana kami sa MTS, kaya lang busy pa kami.. hanggang sa busy sya, ako naman hindi.. hay, hindi nagconnect ang sked namin.. in short, hindi nya ako ipinasyal.. waaaaahhh. Kaya mga kapatid, pasked kayo kay Ev pag pupunta ng Davao ha. (lav yah Ev!) ayan tuloy, last minute nagpapapicture sa car park..




Parehas pa kaming nakapink.. Nagulat un may ari ng shop sa likod dahil sa flash.. hahahaha.


Halina't maupo sa kalye...

Monday, August 14, 2006

First day..

Tama na ang paglasap sa hinalang, oras na para magtrabaho, diretso trabaho ako that morning.. I have to accomplish at least 6 sites this day.. sana may powers pa ako hanggang hapon.. Sa unang site ko, syempre pa ako lang mag-isa, nangangapa ako na parang ewan.. Iniwan na ako ng F.O. dun kase alam nya matatagalan ako, kase ako lang mag-isa.. sugod mga kapatid, kaya ko to..

Pagkatapos ng isang site, tnagtxt sa akin sina yeye, san na daw ako, sabi ko on the way to piltel lanang.. yeye: sige, puntahan ka naming.. nagulat ako, bat sila pupunta e hindi nga sila pedeng Makita na kasama ko.. (hindi sila pedeng makita, kase hindi pedeng malaman ng client na pinasubcon sa amin ang proj na ito, dahil may history sila, ako ay kunyaring taga ibang contractor) ayan medyo magulo ang set-up namin. Basta ganon.

Hay buti na lang dumating at tinulungan nila ako, para bang may superman na tumulong sa akin.. naawa na rin nga un F.O., kase bakit ako lang mag-isa ang tatrabaho.. ayun ang drama kuyaring friends kami ni yeye, sabi ko nga sabihin na lang nating BF kita, para walang tanung tanong.. ahehehehe

Lunch time na…. Aba, seryoso talaga silang pakainin ako ng hinalang na kalabaw.. Kase hinalang na kalabaw na naman pinakain nila sa akin, and un tapa na kalabaw.. hmmm, sarp un tapa..
At hindi pa sila nakuntento, pati dinner ko, hinalang na naman……… oh no… wala bang ibang pagkain sa davao??? (to be continued)

Saturday, July 29, 2006

Bulkachong, hinalang, non air atbp


Halos hindi na nahintay ng mga mata ko ang tunog ng alarm clock ko, kusa itong nagmulat at nabuhay ang diwa ko.. alas tres na ng umaga, in 30min kelangang makaalis na ako.. habang natutulog pa ang kuya kong, maghahatid sa akin sa airport, tumayo na ako para maligo.. exited na ako, na kinakabahan na ewan..

Ayan na ang oras ng pag-alis: tanong naman ako sa kuya ko kung anong ggawin sa loob ng airport, kung saan pupunta, you know.. things that I should know.. huh! Baka magpashonga shonga ako dun, kakahiya.. sabi ng kuya ko, basta sundan mo lng ang mga tao, magtanong ka kung di mo alam..

Habang nakapili, nagmamasid na ako sa mga tao kung anong ginagawa nila. Magaling naman akong magpretend, kunyaring sanay na ko.. patingin tingin, Buti na lng un babae sa harapan ko e sa davao din ang punta.. yes! Ok na to, sa loob loob ko.. kung saan sya nagpunta, pumunta din ako.. Kaya kahit yung bag ko na pedeng hindi na I-baggage, e na baggage rin, (dun kase nagpunta un babae e) Go with the flow pa rin ako, finally nakarating naman ako sa seat ko.. sayang, wala ako sa tapat ng bintana.. di ko makikita masyado ang view sa ibaba.. hay.

After 1 ½ hour, nasa davao na ko.. ang layo ko na sa manila. Good thing is may team naman kami sa davao, hindi nga lang nila ako maaassist sa job, kase may iba silang project.
Huwaw, ibang place na to, nakakatuwa talaga.. kakaexcite. Parang gusto kong tumambling..
Una kong natuklasan sa davao, ang mga taxing non-air kung tawagin.. Ito ang mga taxi na walang aircon, 26 pesos plus 1 peso kada patak ng metro.. San ka pa ang mura diba.. Unlike manila, kahit aircon, pakiramdam mo walang aircon.. Buti naman, mura ang taxi sa Davao..

Dahil hindi pa ako nagbbreakfast, dumaan muna kami sa isang kainan, Bulkachong ang tawag sa restaurant na ito.. Nagseserve sila ng “kalabaw”. Nu kayang lasa nun..? Di pa ko nakatikim ng kalabaw.. Sabi nila, kelangang matikman ko daw yun. So kahit hindi ako kumakain ng may sabay tuwing breakfast, napilitan ako.. Ang pagkaing bulkachong ay parang bulalo, maraming sabaw, at gumuguhit ang anghang sa lalamunan, paghinigop.. halos tumulo ang sipon ko sa anghang. Tinatawag din itong hinalang. Masarap naman.. ok ang lasa, mahilig naman ako sa maanghang.. (to be continued)

Thursday, July 27, 2006

Here`s your ticket....

Mag-aalas singko na ng hapon, wala pa rin akong natatanggap na confirmation kung seryoso nga silang ipadala ako sa davao, at yun ay ikinatuwa ko ng lihim..
Kase naman nun malaman ko na ako lng pala mag-isa ang pupunta don, aba nanghina ako, hindi kaya ng powers ko un.. new job, new environment… what`s new.. waaahh..
Sa kabila ng pagkabusy ko sa, testing na ginagawa naming sa paranaque MSC, ang isip ko ay abala rin sa panalangin na sana ay hindi ako matuloy at iba na lamang ang ipadala nila, gusto ko na ngang ilabas ang novena booklet ko, pero sa isang saglit lang, nagring ang telepono ng isa ko pang boss.. Matapos nyang makipag-usap ay nakangiting syang nakatingin sa akin, para sabihin may ticket ka na to davao, daan ka muna office para kunin.. gusto ko sanang maglaho na lang bigla, bakit hindi dininig ang panalangin ko, nangingilid na ang luha ko sa mata, pilit kong itinatago.. Kunyaring exited pero sa kabila nito napapamura na ako sa malas.. malas talaga.. Big job for a beginner.
Nagmamadali akong nagtungo sa opisina para kunin ang ticket at syempre ang orientation.. Wala na akong magagawa kaya, sige na nga.. Davao here I come.. Konting orientation sa office kung anong mga gagawin, gate pass for some sites.. Hay kakapagod, 8pm na, I`m still at makati, para sa mga ilang bagay na kakailanganin ko sa survey.. Ang flight ko ay 5am in the morning.. Wala pa akong nakaprepare na gamit.. Halos hindi na ako nakatulog, nagshift ang mode ko, naging excited.. First time ko ba namang sasakay sa airplane, tapos ako lang mag-isa.. “first time mo?” First time ko lahat…….. (to be continued)

Saturday, July 22, 2006

What really matters…

I love traveling.. mahilig kase ako sa kung anu anong adventure.. pero right now, nagdadalawang isip ako. Pag natuloy na ang pagtatravel ko, may mag-eend naman na gusting gusto ko rin gawin.. pilit kong pagsabayin, pero parang hindi ko yata kaya.. and it really breaks my heart.
Hay, medyo malungkot na topic to, next time ko na lang ilalahad.. adventures ko muna sa davao.. bwehehehehehehe

I’ve no choice, but to go…

Recently we’re doing ericsson project at paranaque-cavite.. The allotted time for us to finished it is just four days, pero dahil maraming delay inabot ng one week ang installation namin.. we only have 3hrs to configure it and link it.. pero dahil talagang luck was not on our side, gabi na hindi pa rin kami tapos, hanggang umabot ng one week..
Nakakaexhaust na, nakakapagod… lahat na ginawa naming para maisolate ang problema, pero wala pa rin… Eventually, after a long sleepless nights, nakakita rin ng liwanag… Frequency assignment pala problema, pati transmit power.. nakakaloka ang project na ito. Paroon at parito kami, from one site to another. Kung akyatin ng mga riggers ang tower, parang isang palapag na lang ito ng building. Kahit umuulan pakiramdam naming, mainit pa rin.. wala na kaming maramdaman, ang tanging nais naming ay mapagana ito, whatever it takes..
Pero bago masolusyunan ang problema, one of my bosses talked to me about the new project.. that is site survey, at DAVAO… what??!! DAVAO??!! Hesitant talaga ako, pero marami naman kami, kaya ok lang.. then when we’re settling it, aba biglang ako lang ang magpupunta, dahil isa lang daw ang gusto ng smart.. At ako ang pinapapunta nila.. Darn, ayoko nga.. I’m new with that work, tapos pag-iisahin nila ako.. wahhhh, mangiyakngiyak na ako. I don’t wanna go, really..i’m new with the work, new with the place…
Pero wala naman akong magawa, inorient nila ako ng 30min, imagine 30minutes lang… I tried to convince one of them pero walang effect.. Kaya ko daw un.. wahh there’s a lot of things running on my head that time.. Pag umalis na ako it would be the start of the journey.. and the end of the other journey.. nakakalungkot isipin.. bahala na…

Saturday, July 1, 2006

I'm back for awhile

Sa wakas nakapag internet din ako. Pakiramdam ko ang isang dekada na akong hindi nakakasulyap sa bahay ko.. ang mga muwebles ko ay puno na ng alikabok pinaglumaan na ang mga entry.. Hindi ko alam kung sa aking pangsumandaliang pagbabalik ay makilala pa ako ng mga kapitbahay ko..

Sa pag-kawala ko, nagbago din configuration ng time ko at buhay. Sa umaga gigising ng maaga para pumasok, uuwi ng gabi, kakain, kwentuhan with the team at tulog na.. ganon ulit kinabukasan.. Unlike before, no responsibility at all. ngayon kahit ayaw mo, hindi pwede..

Nagulat ang lahat pagbalik ko, hindi na yata nila mapigurahan kung sino ako.. nagtransform daw ako.. to make it clear naging nognog ako, as in super itim, sunog ang balat.. kung dati rati ay sa opisina lang ako, at puro pag bblog ang ginagawa, at hindi naarawan, kabaligtaran ngayon.. but i enjoy it a lot, full of adventure..

Dumaan ako sa bahay na ito para madalaw din ang lahat... Sa susunod na lang ang iba pang kwento, at mga pics na rin.. kamusta na kaya kayo?? Dalaw muna ako sa inyo...

Monday, June 19, 2006

have a break.............


Naku, hindi ako makakapag-update sa ngayon.. I'll be gone for 2 weeks I guess... Hindi na ako nakapagpost ng dapat ay ipopost ko, dahil hindi ko natapos (bout my father sana)... Fully book ako ngayon para sa serbisyo publiko, hehehehe.. Ngayon lang ako nagkaroon ng time para buksan ang pc...
Mag uupdate ako as soon as i get back.. mamimiss ko ngayong lahat..

Sunday, June 11, 2006

Break up letter

Sa pag hahalungkat ko ng mga papel sa kwarto ko, nakita ko ang isang sulat... Sulat para sa Ex-bf ko... 4yrs ago. With the help of my friend mia, kaya napaganda pa ang letter na ito..

When we first met I had doubts if you were serious with me, especially when I received a letter from someone warning me about you. But when you courted me, I got to know you. Each time the phone rang I always prayed that it would be you, it felt so good knowing that you’re calling. Your voice really soothed me. I never knew when and how it started it just happened. I realized then that I was falling in love with you. And I suddenly don’t know how to stop. I never expected that it is possible for me to love someone as deeply as I loved you.

When we started our relationship, I told you “I’ll take the risk and be prepared for the pain and struggle that will come our way.” And they did come our way, they came in different packages, some little pains and some big hurts. I can say we were able to struggle together and conquer though not all of them. What we often ignored was the way it left scars in the relationship and our lack of interest to repair it. I used we and our, because I know that building and holding on a relationship should always be a double effort….. by YOU and ME. But at any given point, I never saw that in you…

My most recent pain was the last time you didn’t talk to me for almost a moth. It came as a bomb to me when I was finally able to reach your friend and she made it appear to me that you wanted out from our relationship without you telling me firsthand. But you see.. I didn’t give up then. I even sought the help of my friend Mia to reach you for us to work it all out. You never knew how devastated I was then. When we finally saw each other…we never talked about how I felt about it, neither yours. You even made me feel that what you did was just a justification of my actions because I’d been a naughty girl…because I did not listen to you. I tried to tell you how I felt but you weren’t interested to know. I was waiting for you to tell me about what you have said to Mia but you didn’t. I was so much prepared to listen.

We both pretended everything was all right. But it wasn’t Proof is what happened thereafter…until now. We never gained back the kind of communication we used to have. The kind of respect we had for each other. You might be unaware of it (I’m not really sure ‘bout that) but you completely shut me off. You abandoned me beyond my wildest imagination. I felt like a rugdoll left in a corner completely forgotten. I kept on wondering if I still have somebody to care for me, hold me…and love me. And my big question until now is DO I?

I realized in the end that what’s happening to me is so unfair…and that I don’t deserve this. Nobody does as a matter of fact. Not even my Yaya. And I think it’s unfair for both of us…clinging to a non-existent relationship. In my dreams perhaps.

I may still have so much love to give for you, Oscar. But it seems that you don’t want me to. I can’t say that we need space from each other. Right now the gap we have stretch all through the Great Wall of China.

But please do believe me that I don’t feel pissed about you. I'm fine now. I don't know how I survived it. Maybe I just know that I have to. Maybe you prepared me all through the course of our almost two year relationship. Or maybe i had to understand that we're not just meant to be... maybe not for now. Because I know that if I'm going to meet another Oscar in the near future i will still be falling inlove with that Oscar because you're worth falling for. You're even worth the pains accompanying it. I don't regret all the hurt I felt in the past, at least I had you. Having you was enough consolation for me.

I can't ignore the fact that you made me feel cared for, protected, and loved. The duration of our friendship was not all sorrows....a lot of times you made me happy. In fact, if i'm going to look back and reminisce the past all i'm going to remember about you, are the good things you made me feel and those are not just a handful. Those were accumulated in boxes that can fill my whole room: the times when you would lay me down on your lap because I'm to tired from school, your gentle strokes on my hair to help me nap, the times we talked on the phone for hours no end, the times you get mad at me because I didn't have lunch.

I'll miss all those things... I'll never regret that I met you... got to know you... your dreams, ambitions, your deepest aspirations. I'm thankful that you were there with me when i was depressed, troubled, tired and of course, when I was happy.

I will forever be thankful that I had you and that I fell in love with...
...because you're a wonderful person...and you will always be for me. You deserve all the happiness in the world.

And more than anything else... I'll be here....for you... for always

Wednesday, June 7, 2006

TAGay ni misty

TAGay ni misty . Salamat sa TAGay misty.. ahehehe

Instructions: Remove the blog in the top spot from the following list and bump everyone up one place. Then add your blog to the bottom slot, like so.

1. In My Pocket
2. Experimental ni Jong
3. Masterbetong's on-going journey
4. Mistyjoy’s Blog
5. Anything goes

Next, select five people to tag:

1. TK (una ka dito)
2. Gerrycho (paramdam ka naman)
3. Ruth (buy ka na ng card)
4. Kukote
5. Ev

And now the questions…

* What were you doing 10 years ago?
nagpapakadalubhasa sa pag guhit…

* What were you doing 1 year ago?
Work work work. Magpuyat.

* Five snacks you enjoy:
1. Lumpiang gulay with masarap na suka
2. yakisoba
3. French fries and float
4. hamburgoo
5. al pesto w/ garlic bread

* Five songs to which you know all the lyrics:
I’m not good with lyrics… but I know a lot of songs.. Kahit nga yun kinakanta namin sa choir, nakakalimutan ko pa.. One time, concert na namin, nagkakabisado pa ako ng lyrics..

* Five things you would do if you were a millionaire:
1. Magbayad ng utang
2. Magtayo ng sariling company.
3. Buy my own car
4. Have my teeth fixed bridge
5. Ibigay ang pinansyal na pangangailangan ng pamilya..

* Five bad habits
1. Procrastination
2. MAgpuyat
3. Magastos
4. late
5. mainitin ang ulo

* Five things you like doing:
1. road trip
2. badminton
3. buy slippers
4. ang tumitig sa pc
5. sing

* Five things you would never wear again:
1. Tsinelas na nakaapak ng poopoo
2. rubber shoes ko na sinuot ng iba
3. shirt na maraming kaparehas
4. make-up sa mata na kulay blue
5. mahabang hikaw

* Five favorite toys:
1. RC (battery operated lang)
2. scrabble
3. yonex racquet
4. remote
5. PC

Ngek, tapos na pala, parang gusto ko pa mag-isip…