
Supposed to be, I’ll post something lighter..something happy.. Kase syempre I celebrated my birthday last week, pero next tym ko na ikwekwento yun. This time parang gusto kong mag-emote.. hehehe
I was convinced by my friend gerrycho to visit his blog site, pero bago nangyari yun, katakut-takot na pangungulit muna ang inabot ko sa kanya.. Yung tipong pag-online sya, wala syan ibang imemessage sa akin kundi ang site address nya.. Sus, lagi ko sinasabi, ano na namang kaartehan yan?
One time, I was really bored at the office, and I remembered his site blog. “hmm, matingnan nga”. Sundenly, I don’t know how to stop reading.. Akalin mo yun, si gerbs, napakaraming kadramahan sa buhay.. I thought ako lang ang maraming kadramahan sa buhay, hindi pala ako nag-iisa.
Sobrang nakakarelate ako sa kanya, sa lahat ng depression moment, sa career, everything. And I realized, wow, buti pa si gerbs, nailalabas nya ang lahat lahat ng kadramahan nya. Bigla akong naiingit, kase I never had courage to tell someone, kahit bestfriend ko pa, yung mga frustrations ko. Medyo mahirap, kase nakakalungkot.
So, na enganyo akong gumawa ng blog, basically to voice out my frustrations and everything that is bothering me..Ako kase yung tipo ng taong, medyo strong ang personality, parang walang problema, always energetic and happy, Ewan ko ba, basta ayokong nakikita ako ng iba na weak,… siguro that’s why I really have a hard time na ilabas ang mga frustration ko. Growing up with a family that has a high expectations, good family background, aba nakakatakot magkamali at mabigo..
(nyah! Nagbrownout…. Yoko na ulitin ang mga natype ko.. haba nun.. huhuhuh, saka na nga ako mag-eemot, yoko ng ganitong feeling, nilalamon ako ng kalungkutan)
Nalulungkot talaga ako………..







