Wednesday, November 8, 2006

Exam exam exam

Napakabilis ng panahon, exam na naman.. Sa mga hindi nakakaalam, ito ay ginagawa quarterly, para mapag-alam kung sino ang patanga tanga at hindi nakakaaman ng tono at hindi nakakaalam ng pinag gagagawa nila sa buhay. hahahaha..

Dalawang kategorya ang exam, may individual singing at may quartet.. Ang lupit no, 2years na naming ginagawa to, pero nakakakaba pa rin, nakakatuwa at nakakaasar pa minsan. Pero sobrang malupit ngayon, hightech na.. Pag mag-eexam ka, nakavideo ka pa.. astig. E di lalong madadagdagan ang pag-aagam agam mo, hindi lang tono ang iisipin mo pati ang itsura mo.. Ano ba naman kase naisipan ng conductor at kelangan pang i-video.. Siguro kase, rich kid ang GPS, hahahahaha..

Sa pamamaarang ito, aba talagang mapipilitan kang mag-aral ng tono, ayaw mo naman sigurong magmukhang abnormal at katawa tawa sa harap ng marami. Kaya ang bawat member kanya kanyang aral. Kahit nasa trabaho, nag-aaral pa rin. Nakakahiya naman kaseng hindi mag-aral no, kase may provided na ngang cd db.

Sa individual, susubukin kung gaano mo kaalam ang tono mo, wala ka nga namang kasabay kaya, pag hindi mo alam... huli ka. Mahirap din minsan, kase may tunog kang hinihanap, guide mo sa pick-up. Parang ang dali, pero marami parin ang windang.
At ang masaya ay ang quartet, apat kayong kakanta, kaya nga quartet.. Ang masaklap dito, kahit alam na alam mo ang tono pag ang ka jamming mo ay patanga tanga, ay naku patay na ang tonong pinaghirapan mong kabisaduhan na halos hindi ka na matulog. Dito naman i-tetest ang tatag mo. Kaya mo bang makasurvive??

Ang kelangan dito ay team work. Paano ka naman makakasurvive kung ang kasabay mo e, may lakad pa, yung tipong nagmamadali.. o kaya naman ay naghahanap ng kanyang sarili.. parang bang nawawala sya na hindi mo malaman, in other words nawala sa tono.. o kaya naman biglang sisigaw na parang naposses, o db kawindang windang un.. Bilib ako sa makakasurvive sa ganitong sitwasyon. Isang class S na super scian siguro yun.. Malas mo pag naranasan mo ang ganyan. KAse bunutan ang labanan dito. Hindi ka naman pwedeng mamili ng gusto mo ka quartet.

Pag nawindang ka, wala ka ng magagawa kundi ang magmukmok, yan e kung masyado mong kinareer ang exam. Kaya ang chance mo na lang e mag-ulit, pero kapag nag-ulit ka, magdasal ka na, na sana pagpalain ang mga nabunot mo..

Eto lang masasabi ko, hindi ko alam kung may class S nga, pero marami pa rin ang nakakasurvive kahit malulupit ang kaquartet mo.. magagaling rin naman kahit papaano ang GPS.. hahahahahaha. Ang hirap ng "Ave Maria" infairness... saludo ako sa mga nilalalng na nakasurvive sa awiting ito.. Bonus na siguro ang "papuri sa dyos" pero naman, pag walang sa wisyo ang kaquartet mo, hindi mo makakanta ng matino to at baka isumpa mo ang kaquartet mo :)

Nakalimutan ko sa quartet, dalawang boses ang ginigrade-dan.. kaya sa mga panabla, wag kayong mansabutahe... hehehehehe. Nung nagina panabla ako, hindi ko sinasadyang manabutahe.. nyahahahahahahahaha

Thursday, November 2, 2006

Busy days

I’ve been so busy this past few weeks. Makikita nyo naman sa picture ang tambak ng folder at papel sa table ko.. isa lang yan sa mga ginagawa ko dito sa office. Tinanong ni melai sa akin kung ano raw ba ang work ko.

Ano nga ba, part time engineer, part time singer at minsan part time bum... hehehehehe.

Sa pagiging part time engineer muna tayo. I’m working with a new established company, isang consulting and contracting company, (telecoms). Sa vendor kami nakikipagdeal like ericsson, eci atbp, then sila ang nagbebenta sa smart, globe and sun. So basically, contractor kami, we do installations and plannings. Para mag ka idea kayo, eto ang ginagawa ko kapag nasa field ayan ang pics. Taga hila ng lubid.. hehehehehe. Installation ng transmission (microwave), I also do commissioning and configuration ng mga radiong iniinstall. Nagsusurvey ng mga possible na tatayuan ng network..
Hatak pa.....


Transmission project

Kapag nasa ofis, heto naman ang ginagawa ko...




Planning and everything. Pagkatapos magsurvey, planning naman, kaso noong mga nakaraang araw, lahat yata trabaho ko. Kung baga sa bonaketch e all around. Assign ako sa planning, tipong mag-iisip ka kung anung tower gagamitin, microwave antenna size at kung anu-ano pa. Ang masaklap, gagawin ko rin ang malupit na tssr (technical survey summary report). Ay sus, nakakatoxic ito.

Sabay sabay lahat yun, biglang tatawag mga client, gawin mo to, design mo to (from transmiision design department), tapos maya maya tatawag ulit ang client, (from Installation engineering naman) "Asan na ang tssr??”. Tatawag client ulit from radio network design,.... aba naman, lahat ng department ng client sakop ko na.. sana lang hindi ako machine, tapos pagagalitan ka ng client kase ang tagal daw.. Kung pwede mo lang sabihin na “ako lang po ang gumagawa ng lahat…huhuhuhuhuh.” Ako lang kase yung gumagawa ng tssr, nakaleave kase yung isa kong boss, tapos isa rin lang gumagawa ng autocadd..

Pambihira talaga, kaya kapag nagring ang phone, waaaahhhh, mapapamura ka na lang. Ang masaklap nun, kapag ayaw kausapin ng boss ko, e di sa akin ipapasa, ako ang mararatrat.. nakakapraning talaga..

Minsan, inaabot na kami ng umaga dito, dahil sa commitment na kelangang ipasa.

Kaya ang pagiging part time singer ko affected. Heto naman ginagawa ko pag wala sa trabaho..

Hindi kami church choir lang, sabi ng musical director namin, meaning may ipagmamalaki. Malapit na naman ang December kaya hectic ang sked, sumasali kase kami sa mga big contests and aim naming magcompete sa ibang bansa, o db taas ng pangarap. (ang ibang detalye ay sa ibang post na hehehe).

At minsan, nagiging bum din, sakit sa ulo pag walang magawa.. kaya ganito na lang --> click

Thursday, October 26, 2006

Nagliliwaliw


What?! Oh dear..
















Conservative party. :)












Medyo hindi conservative..

Walang kamuang-muang. Inosente po ako.

Ayoko ng matulog..

Naghahanda pa ako ng mga new post, gusto ko lang i-post ang mga pics ko.. hehehehehehe. ipaglaladlaran ko ulit ang pagmumukha ko.. (sasabihin na naman ni Tk, binabandera ko pagmumukaha ko.. Mana mana lang yan.. nyahahahahaha)

Unloaded

Nyahahahaha, sa wakas... no rush, no pressure, no phone calls, no papers, no client to deal with, no planning... wohou.

Sasamantalahin ko na ito habang walang nangungulit, back to blogging.. Kakamiss din ito, yung tipong may connection ka sa internet pero hindi mo magawang sumilip man lang sa bahay mo. Ang sarap ng feeling, pero hindi pa kami tapos, marami lang pending.. hehehehehehe.

Absent pa ang mga boss ngayon, kaya ako ang senior partner ngayon.. bwehehehehehe. Maaga ako makakauw, kahit late pasok, makakakain na rin ako ng tama, at higit sa lahat makakaharap na sa salamin para magsuklay.. parang roller coaster ang buhay ko nun mga nagdaan araw.. ikwekwento ko na lang ito sa susunod na post para marami akong post.. hehehehe..

Thursday, October 19, 2006

What time is it???



tons of work....... Hindi na ko makapagblog waaaahhh... pasilip silip na lang.

I'll ba back soon....




Friday, October 6, 2006

Six feet from the edge..........



Supposed to be, I’ll post something lighter..something happy.. Kase syempre I celebrated my birthday last week, pero next tym ko na ikwekwento yun. This time parang gusto kong mag-emote.. hehehe

I was convinced by my friend gerrycho to visit his blog site, pero bago nangyari yun, katakut-takot na pangungulit muna ang inabot ko sa kanya.. Yung tipong pag-online sya, wala syan ibang imemessage sa akin kundi ang site address nya.. Sus, lagi ko sinasabi, ano na namang kaartehan yan?

One time, I was really bored at the office, and I remembered his site blog. “hmm, matingnan nga”. Sundenly, I don’t know how to stop reading.. Akalin mo yun, si gerbs, napakaraming kadramahan sa buhay.. I thought ako lang ang maraming kadramahan sa buhay, hindi pala ako nag-iisa.

Sobrang nakakarelate ako sa kanya, sa lahat ng depression moment, sa career, everything. And I realized, wow, buti pa si gerbs, nailalabas nya ang lahat lahat ng kadramahan nya. Bigla akong naiingit, kase I never had courage to tell someone, kahit bestfriend ko pa, yung mga frustrations ko. Medyo mahirap, kase nakakalungkot.

So, na enganyo akong gumawa ng blog, basically to voice out my frustrations and everything that is bothering me..Ako kase yung tipo ng taong, medyo strong ang personality, parang walang problema, always energetic and happy, Ewan ko ba, basta ayokong nakikita ako ng iba na weak,… siguro that’s why I really have a hard time na ilabas ang mga frustration ko. Growing up with a family that has a high expectations, good family background, aba nakakatakot magkamali at mabigo..

(nyah! Nagbrownout…. Yoko na ulitin ang mga natype ko.. haba nun.. huhuhuh, saka na nga ako mag-eemot, yoko ng ganitong feeling, nilalamon ako ng kalungkutan)

Nalulungkot talaga ako………..

Saturday, September 23, 2006

Not again..

Alas sais y medya pa lang ng umaga, nakikipagsapalaran na ako sa kalye, kasama ang aking kaibigan. She’s a bit pressured kase flight na nya ng 11am, and she still has to pick-up her ticket at makati. Nagkataon pa namang nasira ang aircon ni esme (short for Esmeralda, name ng sasakyan namin).

Punta don punta rito, wala pa naman akong matinong tulog. Pagkabalik sa bahay ng alas otso ng umaga, aba ang kaibigan ko noon pa lang titinbang timbangin ang mga dadalhin. Susme, inabot kami ng isang oras at kalahati kakatimbang, baka kase mag-excess. Ewan ko ba kung bakit hindi pa kagabi ginawa.

Alas nwebe y medya, ng umalis kami ng bahay, at kelangan nasa makati kami ng 10am for the ticket. Ngak, goodluck sa akin.. Ayan at pinagpapawisan na ako, dahil sa pressure na malate kami sa 10am, ayan pa ang traffic. Ok na sana kung traffic lang, pare parehas pa kaming geographically idiot.

Ay sus, hayan ang mapa, pakitingin na lang kung saan ang thai airways. Ang matindi hindi pa marunong magbasa ng map si mia, ay sus talaga. Ako, alam ko pagnasa ayala na, kaso hindi ko kabisado ang mga one way na daan. Delikado, mahigpit pa naman sa makati..

Eventually, napagtanto namin kung saan dadaan, unang disgrasya, dahil sa patingin tingin ako sa mga landmarks, baka kase makalampas kami, hindi na ko nakafocus sa pagddrive, biglang BLAG!!!, ooooooooopppss, ano yun?? Darn, may taong nagbukas ng pinto ng sasakyan na nasagi ko, pero parang walang nangyari, diretcho lang ako, kala ko nasagi lang ang kamay. Sa wakas nakarating din kami sa patutunguhan, pagkatapos kong magpark, tiningnan ko ang passenger side, nak ng teteng, may gasgas si esme.

Nakakaasar talaga. Lalo akong pinagpawisan, malalagot ako sa kuya ko. Habang, kumukuha ng ticket si mia, pinag-aral na namin ni ate yvel ang map at kung saan kami daan, papuntang airport. Ayan, makati ave, then edsa na lang.

Ok, makati ave, pero san na tayo? Kaliwa, kanan? One way yata? Kelangan sa kabilang lane, ok… Sige, hanap na lang tayo ng U-turn.. sige, kaliwa ka jan?? broooommm,, ooops, orange na ang stop light, no choice na ako, kung hindi ang ideretso, kase mabilis ang takbo ko, hihinto lang sa gitna.

Pagkalampas ko, ayan na ang mga nakayellow, kumakaway.. pakers talaga.. Darn! Pagminamalas ka nga naman. “hija, red na, ah” nak ng pating, anung gusto nyang gawin ko, tumigil sa gitna? Pucha talaga.. Ayan, walang nagawa ang beauty naming tatlo, kinuha ang lisensya ko.. kung kelan nagmamadali, dun naman, napakaraming abirya.

Bumaba ang mia, mayamaya bumalik sya sa sasakyan, pumasok… nagmamakaawa na kami, reckless driving daw un at kung tutubusin mo sa LTO, may fine na 2thou.. Leche talaga, ayan na negotiation na, “ano po ba ang gagawin natin?” Si mia, naglabas ng isang daan.. Hindi daw pede yun, aba maya maya pinaclose na ang windo, nga naman, baka may makakitang nangongotong sya, aba ang gusto pala limang daan.. Damn it talaga, ang kakapal ng mukha… hindi ko maatim na tingnan sya habang inaabot ang limang daan..

Kakalungkot talaga, hindi mawala sa isip ko ang mga pangyayaring yun. Hindi na nga ako nakapag-emote dahil aalis ang isa sa pinakaclose kong kaibigan, dahil sa mga mokong nay un. Kasumpa sumpa ang mga nakayellow na uniporme sa makati…

Wednesday, September 20, 2006

CHANGES....

Monday morning, abala na naman ako sa pag-eedit ng mga kung anu-anong planning sa harap ng pc. Biglang nainip, at nagbukas ng blog. Sa aking shout box, syempre pa nakita ko si tk, lagi naman, love ako nyan e.. heheheh

"Razzrazz, gandang monday morning! ano palit ka narin ng template? tara na! heheh"

Syempre nagulat ako, aba may nakaisip na palitan ang template ko. Actually matagal ko ng balak palitan ito, pero wala akong source at time. Tapos nakita ko pa un kay
Rho, bago na ang bahay, sabi ko mapapalitan ko rin ito.

Shy pa ako kay TK, baka kase marami syang ginagawa, finally nag-offer sya na tutulungan nya ako.. Huwaaaaww, bait talaga.. Since wala pa akong ginagawa, sinamantala ko ang pagkakataong walang inuutos ang boss ko..hahahaha..

Pilipili ng mga template na binigay ni tk, e ako ang taong masyadong mapili, kaya nagtagal pa. Sa wakas may nakita na akong ok.. Excited na ako, yehey, chat chat kami ni tk for some instructions.. Maya-maya, sabi nya:

"Gusto mo bigay mo na lang account mo?"

Ang bait talaga ni TK. Grabe na to... Yehey.. Actually nahihiya ako, kaya ayaw ko muna bigay, baka kase kalabisan na ito..

Kaso, biglang "Raz, punta tayong laguna", nananahimik ang mundo ko sa pagbblog, biglang inutusan ako.. Kala nga nila abalang abala ako sa work, yun pala nageedit lang ng template.. hahahaha.

Kahit kalabisan na ito, hinayaan ko na si TK na gawin ang aking bahay..

Pauwi na ko from laguna, naisip ko ano na kayang itsura ng blog ko?? Super excited naman ako, pagdating na pagdating ko sa house, kahit gutom na gutom na ako, wala akong pakialam, connect to the internet... Charannnn, bago na ang bahay ko... (dancing with glee).. Sa wakas nabago din..

Kung hindi dahil kay TK, naku, hindi mababago yan.. Kaya, THANKS TUTUBI......!!!!
I owe you one.

Thursday, September 14, 2006

Padagdag na lang po…

“Padagdag na lang po”, that’s a famous line from a taxi driver when it’s traffic, too far, at lalong lalo na pag-umuulan.

Ate yvel and I watched movie at SM sta. mesa to unwind, hindi naming namalayan lakas na pala ng ulan sa labas. Kaya ng oras na ng pag-uwi, dahil sa umuulan, naisip na naming magtaxi. Aba, sandamakmak na tao ang nakita namin sa harap ng SM, mga nakaupo at tila ba naghihintay sa kawalan. Mayron namang ginawa ng luneta ang main entrance.. Dahil na rin siguro sa walang masakyan, kaya kung anu-anong ginagawa para hindi mainip.

Lipat naman kami ng paghihintayan, labas pasok kami ng mall para matingnan kung saan ba mas madaling sumakay. Ayan at natigil kami sa side ng mall, sa hintayan ng taxi.

Para hindi mainip, inumpisahan ko ng buksan ang M&M na binili namin sa grocery kanina.. Aba, malapit ng maubos wala pa ring taxi, pero unti-unti na ring nawawala ang mga tao. May mga kanya kanyang sundo na.

Mukhang aabutin kami ng pagsikat ng araw kung maghihintay kami don, kaya box out ang labanan.. takbo rito takbo roon, sa wakas nakasakay kami ng taxi.

Unang banat ng taxi driver “padagdag na lang po, kase baha”.. Sabi naman ng friend ko “Manong walang baha sa daraanan natin” tuturo ko ang daan.. Walang nagawa ang manong kundi ang sumunod na lang.. Hindi nagtagal, baha na nga. Ikot kami, balik sa dating lugar…

Si manong nagkakamot na ng ulo, at maya”t maya ang reklamo. Ako nagpipigil lang, dahil naiinis na ako kay manong dahil sa mga himutok nya. Maya maya, ayan na ang traffic, as in hindi na halos kumikilos ang mga sasakyan. Galit na ang manong.. Ikot na naman kami.

May nadaanan kami baha, siguro hanggang sakong, kung tutuusin nasa baha na sya at binabaybay ang baha, mga 2metro na lang at mababaw na (kabisado ko ang kalye) aba, bigla ba namang niliko at hindi raw kakayanin.. Nampucha naman o, e yung dinaanan nya same level dun sa dadaanan nya papuntang bahay.. How stupid. Si raz nagpapakabuti na, kaya pinili kong manahimik.

Ok, diretso na kami sa bahay ng friend ko, wala ng choice, natawa na lang ako, kase sa loob ng subdivision, may baha… wala ng magawa ang manong driver.. hahahahahaha. Walanjo, ang bill namin sa taxi 120.00 pucha, SM sta. mesa lang yun hanggang sa may Lourdes hospital..

Mga taxi driver nga naman, kung ayaw nila ng traffic at baha, bat pa kase bumabyahe ng umuulan? Tapos, maaasar sila. Nakakatoxic yung ganon ah, sa lahat ng ayaw ko yun maiinitin ang ulo sa traffic.. E di wag ka na lang magtrabaho kung ganon din lang. Dami dami pang reklamo, padagdag ng padagdag, kaya nga may metro. Yung iba naman pag di mo alam ang lugar, sasamantalahin na. Pagkakataon na ito. Marami talaga rin ang mapagsamantala, kaya walang kaunlaran.

Thursday, September 7, 2006

My baby chloe girl

(First time at home)

This is my baby chloe girl. She’s a gift from my bro, when I passed the board exam. Haha, kala ko dati joke lang nya un, kase alanganin mag-alaga sa bahay, maliit kase ang space, at malamang na mag-aagaist sila nanay at tatay..

Nung baby pa sya, sobrang kulit nya, as in, masasapak mo na minsan sa kakulitan. Sabi nila nagmana sa nag-aalaga hahaha..

Nun maliit pa sya (maliit pa rin naman sya ngayon) naiibyahe ko pa sya, nasasama sa bahay ng kaibigan ko na may aso din, parang bata, nagsusuka sa byahe, parang nanay naman ako na sinasapinan ko ng towel ang bibig..hahahaha

She’s so malambing, laging nakadikit.. napaka expressive ng mukha. She has her own ways to communicate. She knows how to sit, down, shakehands, stay.. at pagpinapakain, kelangan marinig muna nya ang “eat na” bago nya lapitan ang kainan nya. Minsan nakakalimutan ko sabihing “eat na” aba, kaya pala nag iiyak sa tabi ko habang may kausap ako sa Phone kase gutom na sya, at hinihintay na lang nya ang mahiwagang “eat na”.

She understand “ligo”, once na sinabi mo sa kanya yon at may dala kang towel, naku magtatago na un sa ilalim ng lamesa, pagbubuhatin mo, ibibigat nya un katawan nya, na parang gusting sabihing, “ayoko please”. Mabait naman syang paliguan, nakastay lang.

Napalitan yung dati namin kasama sa bahay, so un pumalit di pa kilala masyado ni chloe, kung baga hindi pa sila close. Un dati kase, pag di ko napapaliguan si chloe, sya nagpapaligo.. Nung inutusan ko si badet na paliguan si chloe, naku inaway si badet.. As in, chloe barked at badet, na parang sinasabi, ‘wag mo ko hawaka’. Which is unusual with her, hindi naman kase nangangagat si chloe, as in super bait. Nagkataon lang siguro na big deal sa kanya ang pagliligo, at sa amin lang sya nagpapaligo, kase alam nyang wala syang magagawa..

Pero ngayon close na sila, pumapayag na si chloe, isa lang naman weakness ni chloe, biscuits… Wag lang nyang bibiglain, at wag nyang sasabihing “ligo na” dahil magagalit na naman yun.

Alam din nya, pag sinabing “let’s go”, “labas tayo” pag narinig na nya yan, para syang turumpong ikot ng ikot sa binti mo.. Kase makakalabas sya ng bahay, excited kase lumabas yan, kase minsan lang mailabas.. Napakaobservant din, minsan niloloko ko lang, tapos di ko na papansinin, pag nagpalit na ko ng tsinelas, aba matutuwa un, kala nya lalabas na kami. Kase pala everytime na lalabas kami, nagpapalit ako ng tsinelas..

Kung gusto mo syang tanungin kung gutom na, ask mo lang “gutom ka na?” magwawag yung tail nya, mas excited, meaning gutom na gutom na. Pagmedyo excited lang, medyo gutom lang.. hehehe

I love this dog sooooooooo much.. Miss na miss ko nga to pag nag a-out of town ako..

Nung galing akong Davao, sinama ni kuya nel sa pagsundo, aba para kaming 10years na di nagkita, malayo pa daw ako, at nakikita pa lang inside the car, e nagtatatalon na.. Pag may sumasalubong sayo ng ganon, nakakawala ng pagod at stress..