Saturday, February 24, 2007

Rest Day

It’s been a long time… Sa wakas nakapag update din.. Sobrang busy, nawala pa antivirus sa pc ko, kaya hindi ako makapag-internet.. Tambak na tuloy ang mga kwento.. Thanks to Rho, Ev, Ghee at sa mga ibang hindi nag-iiwan ng bakas, na naghahanap at nag-iiwan ng bakas sa page ko..







Dahil sa sobrang busy ko sa office, at medyo nakakapagod na rin, kaya i'v decided na lumabas naman. Ako naman ang magsisite survey, since tagaytay naman ang area, medyo makakapag unwind kahit papano.. Naadik na yata ako sa kakamotor kaya ang means of transportation namin ay motor, tatlo kaming magkakaconvoy..

First time ko naman ngayong malayo.. 6:30AM pa lang umalis na kami ng bahay, para naman hindi mainit masyado. Breakfast muna sa bacoor, habang hinihintay ang isa pang team. Pagdating ng Dasma, ang sarap ng magdrive.. Habang paakyat na ng tagaytay, ang lamig ng hangin, ang sarap... Halos umabot ng 90kph ang speed namin... I tried 100kph, just for 10sec, kakatakot ang lakas ng hangin... Parang liliparin ka sa lakas ng hangin..

We arrived at tagaytay around 9am. So usapan muna kung anong site ang uunahin.. Ewan ko ba kung bakit sa initan nag-uusap, pwede naman sa may lilim. Ayan, naghanap din ng may lilim... Medyo matarik yung napili nilang place, so we have to go down.. Medyo nag-alangan ako, at the middle of the road, nagbreak ako, sa unahan, kaya heto ang nangyari..














Ang sakit... Grabe, hindi ako makatayo, sakit ng dalawang tuhod ko.









Heto ang kalye kung saan nahulog ako. Kung kelan nakastationary ako, saka ako nadisgrasya. Pagkafullstop ko, nakagilid yung motor, patapak ko sa lupa, malalim pala, kaya ayun nagtumbling ako.












Ouch!!!!


ouch! ouch! kinabukasa, mas lalong lumaki, kase sobrang nagpasa yung gilid.
So, kahit injured, akyat pa rin tower.. Hindi ako nagpapahalata na masakit ang tuhod.. hehehe

Ayan, hanapin ang kinaroroonan ng picnic groove.. (dun kase itatayo ang kabilang site)


Time to eat lunch... Masarap ang bulalo... Nice place, nasa edge ng cliff..

So guys, yang ang rest day ko... Sakit palang mag-unwind... Next time, join me... Hahahahahaha. Para mapuno ng adventure ang rest day nyo... hehehehe.


Monday, February 5, 2007

Fast break...

Bakit kaya malamig ang panahon ngayon??...brrrrrrr...


Nalulunod na yata ako sa dami ng trabaho sa office ngayon.. Sang damakmak na sites ang dapat i-survey, gawan ng planning at gawan ng TSSR (technical survey summary report).

Sa project na ito mga Chinese naman ang ka deal namin. Wah, ang kulit din nila at higit sa lahat mahirap intindihin.. May counter part din naman silang Pilipino, kaya lang sila mismong magpartner hindi magkaintindihan, masaya to.. Hayan at minsan sa meeting nagtatalo sa harap namin.. Mahirap silang intindihin kase hindi masyadong makapag English.

One time nag meeting kami, may gusto akong i-clear sa kanya, pero hindi nya makuha ang point ko, parang gusto ko ng kunin ang pen at ako na ang mag-eexplain sa kanya sa board.. ay sus, “I don’t want any question again, I repeat it one more time”, yan ang sabi nya sa amin… So sige go ahead..

Dahil pinupwersa nila kami, kaya 6am pa lang nasa office na kami para ma meet ang deadline ng 12nn. 1 week na kaming ganito, pag wala sa office, nagffield.. Kakapagod.. Kausap ko nga pala si Rho kahapon, yung isang site namin malapit lang sa kanila, as in few blocks away. Tamang tama, pag implementation na, dun na lang ako makikiligo at makikikain…kahit wala sya. nyahahahahahahaha.

Medyo delay ang sked namin sa mga survey nun mga nagdaan araw, kaya naalarma na naman ang huawei, nagpatawag ng meeting si franco (Chinese guy ng huawei). Naku, nasabon tuloy kami, nabanlawan pa..at hindi pa nakuntento, ibinilad pa.. May mga problem kase ang mga sites na napupuntahan namin kaya we cant expedite the survey. So pinaliwanag naman namin ang problem. Medyo mahirap talaga magpaliwanag sa kanya.. Ano ba ang ingles sa bangin??? Alam ko kase precipice, pero for sure hindi nya maiintindihan lalo un. So ang ginamit namin na term ay cliff. Hindi pa rin nya magets.. pina spell pa sa amin, so may spelling session pa kami…waaaahhhh. Ewan ko kung nagets nya.

Weird ang client na huawei talaga, nung isang araw, binantayan talaga kami sa office, hangga’t hindi namin natatapos ang TSSR, aba walang uwian.. wahh. So, magdamag kami sa office..





3AM... Sakit na ng mata ko, gusto ko na mahiga......






Pagwalang tulog, may tendency na mapossess...hehehehehe

try nyo rin minsan, wall paper ng office nyo e topo map... (buong laguna at cavite nakadikit sa wall)

Pag-nagpupuyat, don't forget to bring coffee...


Pwede na rin to, mag-init na lang ng tubig... mahal ng naunang kape sa taas, magtipid tayo.. :) Basta kape, kahit kopiko... hehehe

Sunday, January 28, 2007

Dare?!?

Gusto ko sana magpost ng kwento after the party, kaya lang I wanna share this thrilling part of my life today..

A year ago, I was really eager to learn how to drive a motorcycle.. Uso na kase dito sa pinas ang motor.. My brother bought one, an XRM Honda, kaya ayan, lagi lagi ko syang kinukulit na turuan ako.. Lahat ng favor nya sa akin, ang kapalit ay i-drive ko ang motor nya, (I don’t even have a licence then, kaya hesitant din sya na turuan ako). Pero makulit pa rin ako, kaya napilit ko rin sya isang beses.. wow, sarap palang magmotor. Yung nga lang sa continuous nya akong tuturuan kung makakaya kong akayin ang motor at itayo ang motor mag-isa.. (using the center jack, dunno kung jack ang tawag don or stand, yung ginagamit para matayo ang motor alone.)

Aba, after our session, halos hindi ako makagulapay, ang bigat, sakit sa katawan.. para akong narape ng sampung beses.. sa liit ba naman ng braso ko tas, itatayo ko mag-isa yun.. yay.

So that’s the end of the session, hindi na nasundan yun. But when I got my licence pinalagyan ko na talaga ng restriction 1 un (for motorcycles) if in case, makapag-aral ulit ako.

And this day… Nagamit ko yata ang mga tinuro sa akin.. Meron kase sa office na mga motorcycles, used for site survey.. But I never used it pag ako nagsusurvey, kase car pinapagamit nila sa akin…hahahahahahah. Ayan tuloy dina ko pinagsusurvey..

When I got to the office this morning, naabutan ko pa ang mga engineers na magsusurvey for the day.. May gagamitin silang sasakyan at masyadong malayo ang mga sites para magmotor, kaya naiwan ang motor sa office. Then kuya dong asked me if I can drive the motorcycle home (magkapitbahay lang kami kase). I was half kidding, at hindi ko talaga sure na madadala ko yun.. hindi pa ako nakapagdrive ng motor, sa loob lang ng compound namin.. Pero nag yes pa rin ako.. So naiwan ang motor sa akin..

Time na ng uwian, kinakabahan na ako.. kaya ko ba?? My gosh.. parang may naghahabulang daga na sa dibdib ko.. kaya ko ba talaga?

Nasa car park na ako, no turning back na ito, alangan namang iwan ko na lang ito dun.. start… ayaw mag start… nakasampung pagpastart yata ako.. ang mga daga, sinamahan na ng pusa..nangalabog ang dibdib ko..

Ok nagstart na, first gear (ganon din ba tawag pag motor?) Naalala ko, nun tinuturuan ako ni bro, nilalagay nya sa 3rd para hindi mabigla ang hatak.. pero hindi sya pumapasok sa 3rd, first lang.. Ok, subok, brrrommm, waaahhh, humarurot, halos hindi ko na macontrol, muntik na.. whew! Di ko talaga kaya, tawag ako kay kuya dong, “hindi ko kayang iuwi, iwan ko na lang kaya dito?” Tawa naman sya sa akin, “sige iwan mo na lang”…

Balik ako, pero at the back of my mind, kaya mo yan Raz…parang andun yun urge.. And I love adventure and risk.. Mas naiisip ko ang risk, mas gusto kong gawin.. dare para sa sarili ko.. Parang pag hindi ko nakaya, I’m a looser..

Dahil nagpupumilit ang utak ko na kaya ko, try ko kung papasok sa 2nd, pumasok.. pinihit ang accelerator ayan… nahahandle ko na… then I decided, I’ll go.. Imagine from ayala to sta. mesa ang route ko.. Keep in mind, slowly but surely, wag mabilis at wag ng sisingit.. when I was driving along ayala, I feel free, grabe ang thrill, parang gusto ko sumigaw. Ang galing, sarap ng hangin.. Sarap ng feeling…

Pero dahil medyo may pagka geographically idiot ako, medyo naligaw ako ng konti.. hehehehehe. Sarap talaga ng feeling na na accomplish mo ang isang bagay.. oooppss, wag nga pala kayo maingay sa bahay, mayayari ako..

Dinaan ko pa sa bahay nila bestfriend ko, natuto rin ako ng may back ride, kaya lang ang bigat, mas delikado.. for sure, bukas masakit ang katawan ko..


Sometimes in life, you must have enough courage to get want you want.. To accomplish something, just ignore the risk, but take note the extra precautions. Life is full of risk, take some of it… you may not get it at the first time, try it again, you might get it this time..

Wednesday, January 17, 2007

Party, party, party..

Hindi ako makapag-update agad, nahihighblood ako sa PLDT DSL... grrrrr... laging down, kala ko wala ng mas worst sa smart bro... kung magpapa broadband kayo, try nyo globe, baka ok..

Kahit sawi kami sa nakaraan kompetisyon, walang makakapagilil para ipagdiwang ang pasko.. Ang tanong may pera pa ba ang GPS?? Wala na yatang pang party… Dahil naubos na nun nakaraan competition at sa bagong damit.. So paano na??

Still, kahit walang pera go pa rin. Hindi pwedeng natalo lang tayo e, magpapakalungkot na tayo.. Let’s paaartyyyyyyy.. wohou..

Concept: Pajama Party.
Location: Kina Jay, pero masikip don, tsaka hindi tayo makakapag ingay, kina len, masikip din don, yoko dun, mainit pa.. E di sa rooftop, lalong hindi pede, hindi tayo makakapag-ingay. Ok fine, e di sa clubhouse, nyeh, may bayad, tsaka walang privacy, dinadaan ng mga taong galing parking yun e. Pero clubhouse pa rin pinaka ok, kahit hanggang anong oras pede, at higit sa lahat pedeng mag-ingay at hindi masikip. E pano ang privacy, gawan na lang ng paraan..
Solution: para walang bayad, si kuya nel ang nakipag negotiate sa kinukuhanan ng permit; (ok na, walang bayad). Privacy: lahat magdadala ng kurtina… problem solved.. Let’s party…..
Food: Finger Foods. Lahat ng section may naka assign na food. No problem.
Drinks: May mga magdodonate ng wines, at ang iba ay ambag ambag na lang para sa water and softdrinks. All set..


Mukha bang naghihirap kami?? :)

Kainan na....

Games, games games... Bakit ba ako nakaganyan?

Tulog na tayo...

Awards... Kanya kanyang kawirduhan..



Modelo ng vodka.. :)
Sobrang enjoy talaga ang party na ito. For three years, ngayon lang naging ganito ka ayos at kasaya, kahit nagkakapikunan sa pag prepare..








Wednesday, January 10, 2007

Then...

New year na pero pang 2006 pa rin ang post ko, hehehehehe. Wala lang since parang hindi nagpasko sa bahay ko, pede pa rin siguro..

After those sad moments during the competition, well I have to get rid of it.. Thanks to clark ang lana, nalibang ako ng husto, hindi lang naaliw, naadik na rin.. hehehehehe. Na hook ako ng sobra sa smallville, dati nakikihiram lang ako ng DVD sa officemate ko, ngayon bumili na ako..hehehehe.

Dati isa akong yagit na squatter sa room ni kuya nel, nakikinood pag wala sya at pag dumating na sya, nakikiusap ako na makinood.. may TV kase sa room nya and DVD player… ako, tanging PC ko lang, kaya lang walang DVD sa pc ko..waaahhh.. Ako lang dito sa bahay ang walang TV sa room. (kawawa naman)

Ayaw ko kaseng ilagay sa room ko yung TV sa baba kase I don’t have a lot of space. San ko naman isisiksik dito yun? And I don’t watch TV; I don’t have time for it. Pero minsan gusto kong bitbitin sa kwarto ko at pagkasyahin, kaya lang ano naman ang gagawin ko sa TV? Wala na kaming cable, wala rin akong DVD, kakasikip lang.

Since walang gumagamit ng TV sa baba, nakita ko na lang nasa harap na ng pinto namin.. waaahh, balak itapon ni kuya arnan… whhhaaaatt? Ok lang sya, aba parang pinupulot lang ang TV sa kalye ah.. Topak kase yun, pag hindi ginagamit, gusto tapon, ayaw ng masikip.. kulang na nga lang itapon na pati sala namin.. huh! KAla siguro nya sira na yung TV, ah ewan ko sa kanya.

Naisipan naman ni kuya arnan ngayon na magpakabit na ulit ng cable, nasangkot tuloy ako.. syempre share share ng bill.. kaya ayan, napilitan akong iakyat ang TV… Useless pa rin ang TV, nakikinood pa rin ako ng smallville sa kabilang room, naawa siguro si kuya arnan, kaya niregaluhan nya ako ng DVD player… huwaaaaawwww… Finally, makakanood na rin ako ng smallville ng walang hassle at may pakinabang na ang TV ko. Ang masaklap, darating na ang bill ng cable, di ko pa napapakinabangan, nakakalimutan ko kaseng bumili ng splitter (ssshhhhh).

Kaya ngayon, walang tulugan, kahit may work kinabukasan nood pa rin, nakakaadik… (kaya rin pala hindi ako makapagpost, kakanood ng smallville, hehehehehehe)

*******

Some of our pics during the competition.. kakapagod ito.. :)


At vivere suites.. (Elimination)


At UST.. Finals...

Vivere Suites finals... (Judge si Jed Madela cute pala yun, and superb ang boses galing)

Friday, January 5, 2007

So what happened…??

It’s been a long time since I last visit my blog. Busy I guess or maybe I’m kinda lonely kaya nagpapakabusy..

Pero busy talaga ako. Hehehe.

Sad maybe because, things don’t fall in their respective places. After the competition, nagmuni muni talaga ako. I never thought it could be this hard, just for me. I seek for an answer, bakit hindi ngayon? Bakit hindi namin nakuha ang title ngayon? I need it now, because I’m really not sure if I still be at the group next year for another battle. And besides, we have an upcoming major concert; of course we need a concrete title for it.

But then I realized, siguro hindi pa time. No matter how hard you pray, how eager you are, minsan talaga hindi Nya ibibigay. I guess the group needs to fall hard, feel the pain of losing before we attain what we wanted. Mas masarap daw kase, pag naramdaman mo muna ang pain. We need to be broken and down, so the group will be whole again, stronger and unbeatable.

On a brighter side, it’s really nice to compete.. The best ang mga pangyayari. GPS is a really young group, 3 years pa lang kami, ang kalaban namin, 10 years and above, well experienced na talaga, beterano kung baga.. Kami ang mga bagong salta, mga rookie.

3 years na kaming nagcocompete. 2004 una kaming sumabak sa labanan, ang lakas pa ng loob namin, konti pa lang kami, pero go pa rin… 13 pa lang kaming singers nun. Sobrang hina pa naming kumanta. Take note, contest na namin, hindi ko pa kabisado ang lyrics ng kakantahin.. waaah, at ang ibang singers ay ganon din.. Sobrang bago, ang aim lang namin nun first time ay makaexperience. Yun ang una naming pagkatalo, no hard feelings, hindi masakit, kase we know where we stand.. It’s just for fun..

2nd time around.. Pinaghandaan talaga, sobrang disiplina sa sarili.. No hanging out late, kase mapupuyat, nakaksira ng boses, walang ice tea, juice at kung anu-ano pang matatamis.. vocalization araw araw.. our piece was arranged by our conductor, at lumaban kami as one big family.. Under dog pa rin kami, kase hindi kami kilala, nagpapakilala pa lang.. And take note, kahit tulog kabisado ko ang lyrics at tono. And we made it that far, nagkapangalan, hindi man kami nag champion sa finals, pero nakilala kami na choir na hindi basta basta.. Masaya, pero sa isang competition narealize naming na mas may magagaling pa talaga.

This is our third time, pinaghandaan din naming to, kase alam na namin ang mga makakalaban. Alam na namin ang mga dapat gawin.. But when we’re there, we really don’t know what happen, first competition, isa sa mga kilalang choir nandun, we perform the contest piece, almost perfect, as in the best, everybody said that. But when it comes to our choice piece, pumalpak, we rehears it well pero pumalpak.. We didn’t have any place after all.. Nakakapanghina, pero sabi nga, may bukas pa, at bukas makakaharap ulit natin sila. Kinabukasan, we did very good, hindi na pumalpak, but still we didn’t make it.
Sa bawat competition may iba ibang battle field.. Yan ang hindi namin na anticipate. Kala namin dati, ok na kung alam mo un place, dry ba ito, aircon, open air…etc., meron pa pala. It will always depend on the judges, if they want showmanship, work for choreography. Hindi lang boses ito, there’s a lot more. Dami namin natutunan ngayon, know the competion, pang masa ba ito, pang intelehente, pang show…. At least we know now.. We’re happy because we got this far, to be a finalist is a big thing already, marami pa palang magagaling na choir… marami pa talaga.. Along the way marami pang matutunan, hindi lang one sided…

Hindi pa siguro kami hinog sa ngayon, marami pa talagang dadaan na bumpy, maybe God doesn’t give us what we wanted, because He has a better plan, I know there is, maybe I can still be in the group for the next battle, only God knows… Continuous prayer na rin dapat… :)

Monday, December 18, 2006

Manood tayo...

I'm inviting all of you to watch and support us on our contests on Dec. 20-22.
Dec 20: Vivere Suites at alabang (elimination 4pm)
Dec 21: Chorale Fest 'Tis Christmas at UST Medicine Auditorium (finals 7:30PM)
Dec 22: Vivere Suites at alabang (finals, hope we can make it to the finals :) )
May solicitation din kami para sa mga costumes namin, kaya kung sinong gustong magdonate, message nyo lang ako.. hehehehe.
Kinakaharap namin ang matinding pagsubok ngayon, dahil ang isang myembro namin ay may sakit sa kasalukuyan.. Sana gumaling na sya at makasama, dahil napakalaking factor pag wala sya... suicide ito, pag pinilit naming magcompete ng wala sya.. We're all praying for her...
Nga pala naging maayos naman ang result ng unang simbang gabi namin.. sabi nga ni MD:
I commend you guys for your courage and spirit. It may not be perfect as we want
it but still we did it good. Kudos! Let's keep it up!

Saturday, December 16, 2006

Dumaan lang... napepressure ako...

Hay naku... Medyo wala na ko time para sa blog.. I need to finish all my deadlines sa office before mag Dec. 20, kase magleleave ako ng 20-22 (3 days yun), sana maapprove..

Gabi gabi kami nagrerehearsal para sa competition, grabeng nakakapagod, kase late na kami natatapos.. wala ng tulugan to..

At mamya ay simula na ng simbang gabi, naimbitahan ang choir namin ng isang kaibigang pari na kumanta sa parokya nila. Kaya heto, 1am na kami natapos ng rehearsal para sa kakantahin sa simbang gabi.. Sa kasamaang palad nagkasakit ang isang soprano na gumagawa ng obligato, unfortunately sa akin ipinagawa... waaahhhh.. nakakapressure. Ayoko ng ganito, ok sa akin yun kung medyo may isang araw pa... waaahhh.. kaya heto, nag-aaral ng cd kahit 2am na, 3am ang kita kitas.. waaahhh..

Ang nakakaasar pa hindi ko marehears ng maayos, kase hindi ako makakanta, baka batuhin ako ng kapit bahay sa ingay... hayayay...

Maging maayos sana ang lahat....

Thursday, December 7, 2006

Weirdo, I don’t think so..

Medyo mahaba na naman ang vacation ko, and it’s so scary. Sometimes I’m crying to death because of too much work, now I have a lot of free time, and when I have a lot of free time, for sure the next thing is going to be hard.

Right now, we have a choice; we can work at home, on call, you can report to office anytime you want, it’s because we’re not that loaded as of now. I choose to stay at home, it’s convenient for the broke like me.. (hehehe) So bahay ko, office ko. I can move freely, but if there’s a deadline, naku, feels like I’m still at the office rushing. Kanina, I wasn’t able to eat lunch on time, because I have to rush things.. Maya’t maya tumutunog ang telepono.

Well too much for that, I’ve been thinking if I’m really nuts. My close friends, always tell me that I’m crazy, but it’s hard to believe.. I’m NOT. My friend Mia, once said that I’m crazy because I’m accessing my computer at 5am, yes, I’m doing that for the longest time. So what?? I’m doing that, kase nun time na nakadial up pa ako, it’s free time pag ganong oras, so kahit antok na antok pa ako, I don’t care, as long as I can have internet connection for free, wala pang hassle sa phone.. (hindi pa uso sa akin ang blog that time.) And I always told her not to send me forwarded messages in my mails, gusto ko yung wala lang.. and she told me I’m really nuts.. whew!

I don’t know, I’m an addict I guess, with my computer. It’s my routine before, I’m going to sleep at 12midnight and wake up at 3am for internet. Well, I guess this is my comfort zone, marami kong nagagawa in front of my PC, sometimes I caught myself just starring at my monitor..

When I don’t have work, and I don’t have any plans to go out (mall, movies, hang out, dinner), just look at my room, I’m there in front of my PC. Sometimes I forgot to taka a bath (hahahaha). Mia would shout in the drive way to come over, and I would realize, hindi pa ako naliligo, naaliw na naman sa computer. Of course she won’t wait for me, she knows, kung gano ako katagal maligo. Sometimes she doesn’t have a choice, naawa rin sa akin, she’ll pull me on my chair and throw me towel.. Hahahahaha.

My bestfriend always yelled at me when she came here, and see me in front of the computer, she yells because she knows, I haven’t eaten yet. And she would check at night if I’m using the internet, sasabihin non, puyat na naman ako. The last thing I know, we’re arguing about it.

Even my brother would knock at my door, and say, hey maawa ka sa mata mo, lumuluwa na.. (syempre excited ako nun nagshift na ako to broadband). So what more now, na nauso ang blogging sa akin at unlimited pa account ko sa internet at mabilis? Figure out guys… :)

So guys, Am I nuts?

Mukha bang crazy??

Monday, December 4, 2006

Sad but eventually happy (part 2)

Ang dami kong naisip na dahilan kung bakit hindi kami na kapasok, siguro kase, may taong masama ang loob sa choir, basta hindi kami as one nagcompete, napakalaking factor nito sa group.

Nakakalungkot isipin na may taong galit na galit syo, na hindi mo alam. Yung sa halip na susuportahan ka, hihilahin ka sa baba.. Inggitan and all.. Nakakalungkot.

Before the competition, we took the exam, individual singing, kase yun first competition, maximum of 15 members, 22 kami lahat, so you better perform well during exam kung gusto mong makasama. I did pretty well sa exam, and I landed on top 6. 100% pasok ako. Hindi maiiwasan na may maiiwan na members, but all the members na naiwan, naintindihan nila and they are very supportive except for this one person.

I don’t know why she’s so mad at me because I was one of the selected performers. Lahat na yata ng masasakit na salita sinabi nya sa akin, (habang nakatalikod ako) wala naman akong ginagawa sa kanya. It’s the decision of the Musical Director not mine. And besides, pangit ang result ng exam nya, kahit i-review pa sa video. Maikli ang pasensya ko pero somehow mahaba pa rin, I just keep quite, sige bahala kang magmaktol dyan, ang nakakaasar pa pag nadyan ako, hindi naman nya ako inaaway.. isang malaking Plastic. It really affect the group and somehow naapektuhan ako. Nalulungkot ako na parang pinipray pa nya na hindi ko ma hit yun part ko sa ending. Hindi naman ako ang mapapahiya pag hindi ko nagawa yun, GPS ang mapapahiya. Pero I understand medyo maluwag kase ang isang turnilyo nun kaya hindi ko na pinapatulan. And besides, hindi ko dati part yun, kumbaga na elevate lang ako, tas ako na yung taga birit sa last part, meron kase dating gumagawa nun, lyric soprano ito, magaling.. galit na galit din sya dati don, no wonder galit sya sa akin ngayon.

At dahil sa mga ganyang asal, muntik na i-cancel ng MD ang upcoming competitions. Nawindang na naman kaming lahat.. Hay, sayang ang ipinatahing damit. Isa pang nakakalungkot, hindi kami OK ng bestfriend ko (parehas kaming nasa choir)

Kaya heto, dumating ang Tuesday, walang tawag.. Lahat ng members, halos walang gana, pati kanya kanyang trabaho, affected. And we’ve heard tinawagan na ang isang choir. Wala na talagang pag-asa. Wednesday, hindi na kami nakatiis ng bestfriend ko, kinuha namin ang number ng PREX, para matahimik na kami at wala ng what if at matigil na rin kami kaka hope, kung hindi talaga pumasok, tatanggapin namin. Finally we phoned PREX. Kunwari friend kami ng GPS. Ask namin kung nakapasok ang GPS, tawag daw kami after 10min, coconfirm pa nya sa list.

Feeling ko isang taon ang 10minuto, hindi na kami mapalagay, sumapit ang 10minutes.. “ah GPS ba, nasa list kayo, makukuha nyo ang contest piece on Dec.10”. Pagkababa na pagkababa ng phone, as in sigawan talaga kami……… waaahhh…tumambling tambling pa kami sa kama, na parang mga walang muang sa mundo na nagsisisigaw. hindi lang pala naasikaso… Nak ng pating naman oo, wooooooooooooooooohhh, pasok kami. LAhat ng mimyembre nabuhayan, txt dito txt doon, para sa good news.. Hay, God is good. Sabi nga ng isang member na optimistic, hangga't hindi dumarating ang dec. 10, pasok pa rin tayo, kase ang distribution ng contest piece for the finals ay dec. 10.

Kaya heto, sa kabila ng mga problema, may reason pa rin ako para maging masaya. Kaya ngayon puspusan na naman ang aming pag-eensayo. Ang haba ng entry na ito, isa pa palang reason to be happy, naka DSL na ako sa house, goodbye dial-up.. yahoooooooo… and finally, ok na kami ni bessy.. wehehehehehe.