Sunday, April 22, 2007

Kelangan ko ng tulog....

Halos hindi na ako nakakatulog sa mga nagdaang araw, malaki na daw eyebags ko at ang masaklap, pangit na daw ako sabi ng kuya ko… kaya, bumili ako ng vitamins at gatas.. kase naman, biglang tumambak ang trabaho naming dito sa ofis. Halos dito na kami nakatira, dahil nirurush kami ng client.. Affected tuloy ang ibang rehearsals ko, hindi ako makakanta kase puyat o kaya totally walang tulog. Hirap kumanta ng puyat, talagang magbbreak ang boses at higit sa lahat prone sa flat..hindi stable ang pitch. One time we’re rehearsing the “putong song”, and I’m hitting the highest note, naku nayari ako ni MD… out ako, malaking flat…tigilan ko na raw ang kakapuyat kung gusto ko pang kumanta… huhuhuhuhu.

Last week, halos 2 days kami dito sa office na walang uwian, tumatakas lang ako, pag rehearsal time na sa gabi, kaya lang hindi rin ako makapagrehears ng maayos, kase pagod na ako wala ng matinong boses na lumalabas. Napagalitan pa tuloy ako ng Musical Director namin at ng Kuya ko, wag na daw ako kumanta.. waaahhh.. Tapos, nagka appointment pa ako with my dentist, paparenovate ko na kase ipin ko, hehehehehe.. kaya sa dental chair lang ang pahinga ko, nakatulog na nga yata ako habang kinakalkal ang bibig ko.. Ask pa nya kung puyat ako, kase bubunutan nya ako ng ipin, ngumiti na lang ako…(hindi pa nga ako nakakatulog) hehehehe.

Kahit bagong bunot ang ipin, work pa rin..matapos lang ang lahat at ng maging free ako next week. Walang makakapigil sa pag leave ko…

Naku naman, next week na ang major concert naming sa marinduque, pero halos kalahti pa ng songs ang kakabisaduhin ko ang lyrics.. Bakit kase hindi ako pinagpala na maging magaling sa pag mememorize. Mahirap magmemorize lalo na pag ibang lengwahe.. o kaya ibang dialect, nabubulol pa ako.

May traditional ilokano song kami “onaraniag a bulan”. Nung kinanta namin ito, pinagtatawanan kami ng ilokano kase mali daw yung diction naming.. Aba malay ba naming, wala naman kase ilokano sa amin.. Kaya nagresearch kami kung pano ba kakantahin yun, I mean yung diction. Kaya ayan nabago na, so naninibago pa akong kantahin, kaya isa ito sa mga pinag-aaralan ko pa..

May ibanag folk song din kami “waway” one of my favorite, kaya lang nabubulol din ako… hirap din ang altos dito.. hehehe.. basta natutuwa ako sa rhythm nito at sa galaw ng nota. At ang pinakamahirap para sa akin ang “tanguendo” rhythmical song kase ito, nakakalito talaga…” …sucare dumare gunta feye fusa buya sunga”… o diba nakakabulol yan, whew! Pag kumakanta nga ako dito sa ofis at sinasabayan ang mp3, naku nababaliw na daw ako.. (tanguendo, and others songs na kakantahin namin are playing sa background..)

I really don’t have time at all, kaya lang ako nakakapagpost padito, e over time na ito..puyat na rin lang, e di magpakapuyat na lang..hehehehe. Idagdag pa sa sched ko ang mga frends na nangangailangan ng tulong, o kaya mga frends na nagyayayang mag-unwind.. Namimiss ko na nga ang kama ko, I wish I could have a lot of sleep at makapagstay ng bahay kahit isang buong araw lang.

Ok na rin nga na ganito, at least hindi ko na naiisip ang mga bagay bagay na nakakapag palungkot sa akin.. kaya kelangang lagi masaya kahit, wala ng energy.. hehehee.. Sabi nga ni EV, super hyper at energetic daw ako… hindi nya alam, adik lang ako.. hahahahahahahahaha.

Sunday, April 15, 2007

HAppy anniversary

Naalala ko bigla, april 15 ako unang ng post, aba one year na pala ang nakaraan ng ma adik ako sa pagboblog..





No more sadness muna, besides i feel better now...





Noong una ang pagbblog ay isang malaking kalokohan lang.. Para lang ito sa mga wala masyadong magawa.. Si gerrycho ang unang nag introduce sa akin ng blog.. everytime na makikita ko syang online, lagi nyang sinasabi sa akin na puntahan ko yung site nya. E hindi ko naman pinapansin, kaya ayan umabot yata ng 3months bago nya ko nakumbinsi..





Wala lang talaga akong magawa non kaya, tiningnan ko na rin yung sinasabi nya.. nakita ko naman, hindi ako naaliw.





Hanggang sa magkawork ulit ako, kinukulit nya pa rin ako, so yun pinagbigyan ko sya at naantig ako sa mga post nya.. akalain mo yun si gerry, madrama rin pala, nakakarelate ako sa mga pinagsasasabi nya, good for him nasasabi nya, ako hindi e..





So yun, nagsimula na akong magkalikot, syempre hindi ko pa alam dati yun, nagtingin tingin ako ng mga nakalink sa kanya.. una kong nakita si PB, namangha ako sa page nya.. ang galing, syempre ang template nya ay wala dun sa mga choices sa blogspot.. basa basa, naaliw ako talaga. Tas nakita ko si TK at tuluyan na akong nahook sa blog.. friendly pa nga itong si TK, agad nya akong inentertain sa bahay nya at sya rin ang matyagang nagcocomment sa mga post ko..





Si Ella rin, sa bawat post nya ako ay napapatawa.. nakakawala ng pagod.. number 88 pa sya non..galing ng mga post nya..





Hanggang sa nadagdagan ang mga friends ko dito sa blog. Hindi ko man kayo kilala talaga or nakikita, parang somehow part ako ng buhay nyo at part din kayo ng buhay ko... hehehe.. seryoso to ah..





Si Ev, ang unang unang nameet ko sa blog, kala ko hindi totoo ang mga bloggers, hanggang sa nameet ko su Ev, nakakaaliw, i was in davao that time ng maalala ko na may blogger na taga davao.. great, may tourist guide, pero dahil parehas kami busy sa work, hindi kami nakapasya together.. next time Ev..





Si Rho, na lagi kong nakakachat at nagiging shock absorber ko. hehehe. ang masayahing babae, na parang hindi namomroplema.. ang laging may hugs and kisses.. Si Ghee ang hot mom, na nakailang balik na sa pinas, pero hindi pa rin ako nililibre ng kape.. hehehehe. Cool talaga itong si ghee, young at heart at looking young and sexy pa rin.. Ang makulit at mabait na si ruth na mahabang magcomment, nakakamiss din itong batang ito... hehehe.. si Melai, na adik sa twitter, kung gusto nyong malaman ang mga kilos nya, tingnan nyo na lang sa twitter nya..hehehe ang babaeng palaban, na may napakabait na employer... si Vince, na nalito ako kung pari ba sya or what???





At sa mga bago kong friends na sina ann, na mahilig magluto, pede bang ampunin nyo ko para mag gain ako ng weight..? Si cess na mamahalin ang mga slippers, pengeng isa (love ko slippers e..hehehe) at mahilig sa mall... hahahahaha..





Thanks everybody, may sense talaga ang blog, sa bawat post nyo, marami akong natutunan, words man yan or lessons in life... I love blogging talaga...





Just wanted to thank TUTUBING KARAYOM.....sa big favor na hiningi ko sa kanya at hindi nya ako binigo...hehehehehe.. In behalf of GLORIA PATRI SINGERS, salamat sa poster... we really do appreciate it sooooo much... kahit nalulungkot ka, ginawa mo pa rin, kahit nagleave ka sa blog... Thanks talaga...








Yan ang ginawa ni TK na poster for our upcoming concert in marinduque.. Thanks a lot, nakabandera na po sa marinduque.. Thanks TK....................

Wednesday, April 11, 2007

still.......

I'm still fixing something.. Medyo tiring na ito, hindi tuloy ako makapag-update.. I really wanna share it with you guys, baka sakaling may sagot.. hay kaya lang hirap magtype.. :)



Ayan, mukha na ba akong ok?? Mukha pa rin naman akong normal ayt?? hehehe.. Mukhang adik malamang, dahil puyat na naman ako.. hayzzzzzz.... kape kape kase..


Thursday, March 29, 2007

waaaahh

Nalulungkot ako sobra........ darn!! something's eating me.. baka pating?? errr..

Friday, March 16, 2007

Politics....masama o mabuti?

Sa dami ng gusto kong i-blog, naghalu-halo na yata sa utak ko, nagkaroon na yata ng jam, kaya sa halip na maraming maisulat mukhang wala pa akong maisip… Wala na kase akong time para pumindot sa keyboard…

*******************************************

Matunog ang usap-usapan dito tungkol sa pulitika, mga kanya kanyang gimik and so on… Meron ngang gusto yatang magtanim ng gulay sa senado, at ang pangarap ay pangarapin… Mga hindi mo mawaring dance step, ang mga kandidato, e nagpupumilit magsayaw…hehehehe. Aba, pati nga si pacman, tatakbo na sa senado, at pati na rin si cesar montano at Richard Gomez…oh no.

Pati pala ang tatay ko naiimpluwensyahang kumandidato, pero hindi sa senado ha..hehehe. Si Tatay ay isang simpleng mamamayan lamang. Ang akala ng marami mayaman kami, pero akala lang nila yun.. :) Retired High School Principal sya sa Pampublikong paaralan… Mga tatlong taon na rin syang wala sa paaralan.. Noon pa man ay, naiisip na namin na what if tumakbo si Tatay na Brgy Chairman, manalo kaya sya kahit walang ipamigay na pera? Medyo sikat kase si Tatay sa aming bayan.. Pero ang pagkandidato nya ay joke joke lang yun… Sa school pa nga lang, e medyo marami na ang nagagalit sa kanya, kase naman si Tatay ay may pagka straight, yung tipong always on the right side, sinusunod kung alin ang tama.. Kaya nga mataas ang respeto ng nakakrami sa kanya.

Yan ang dahlilan kung bakit kelangan naming maging matino..hehehe. Good image kase sina Tatay at Nanay. (Hindi nila alam ako’y isang pariwara..aheheheh).

Dahil retiro na sya, marami ang nagmumungkahi sa kanya na tumakbo bilang konsehal. May mga partidong kumukuha sa kanya, pero hanggang ngayon ay pinag-iisipan pa nya. March 29 yata ang last filing of candidacy. Sabi naman namin, go ahead tingnan natin kung mapapatunayan natin na kahit walang pera ay pwedeng manalo.. kung baga, kung umuubra pa ang malinis na pagkandidato.

Mainit ang pangalan ni Tatay, kung ako ang tatanungin, maaari syang manalo..Posible yun. Kaya lang napag isip-isip naming, huwag na lang. Active kase sa church sina Tatay at Nanay. Sa darating na Abril, magcoconcert ang choir namin sa Marinduque, so big event din ito na si Nanay ang isa sa mga nag-aasikaso. Pag kumandidato si Tatay, baka mahati ang magsusuport sa concert.

Syempre may mga partido partido pa yan, e di baka mahati lang, bukod don hindi na maasikaso pa ni nana yang pagsuporta sa kanya dahil nga sa concert. And besides, Tatay is a good man, marami rin namang natutulungan kahit hindi pulitiko. Nag-usap usap kaming magkakapatid at si Nanay about that, parang mas makabubuti nga na huwag na lang. Sadyang marumi ang pulitika, and when you’re there, for sure marami kang maviviolate na rules from God, na mahirap para sa kanya, because he’s serving the church.. Para bang somehow you’ll get your hands dirty because of politics.. Kahit gaano siguro kabuti ang isang tao, matetempt at matetempt ka pa ring gumawa ng masama. Sadyang magulo ang pulitika, nature na siguro yan, at wala na tayong magagawa dyan. Magmalinis ka, ikaw ang masama..gumawa ka ng masama, para sa ikabubuti ng iba masama ka pa rin..

Mas ok na siguro kung nakaconcentrate sya sa pagserve sa simbahan… Wala syang ibang iintindihin kundi ang pagsilbi sa Dyos at ang pamilya..

***********************************

Buhay na buhay ang singing career ko ngayon.. Kung sino man ang nasa pinas, I’m inviting you to watch our concert at philamlife auditorium, United Nations Avenue, Manila..

COLORS OF WORSHIP – A Festival of Sacred Choral Music
March 24, 2007 (Saturday) 3:00PM (P200 po ang tickets)

5 kaming choirs na kakanta, sila yung mga choirs na nakakasama na namin sa competition, masaya to…. heheheheh

Saturday, March 3, 2007

Idaan na lang sa war...

Kanya kanyang pressure sa trabaho, kanya kanyang kadramahan sa buhay, kanya kanyang galit, kaya ang solusyon.. war na lang.. hehehehehe.

Buong team sana kami, senior vs junior engineers sana, pero ang iba pinadala sa cebu at ang iba naman, ay sadayang hindi available.. Nagreready na nga kami ng printout ng mukha ni franco (chinese guy ng huawei, ang makulit na client), para mailabas na ang lahat ng kinikimkim na inis..pero wala pala kaming litrato..

Kahit anim na lang ang natira sa labingdalawang manlalaro, tuloy pa rin kami... sa dami ng trabaho, kelangang mag-unwind.. First time naming lahat mag war games, kaya excited kami.. Pagdating namin sa venue may mga inoorient na rin... anim din sila maglalaro, so ang nangyari kinalaban na lang namin sila, para mas marami.. first time din daw nila..
Ready to fight na ko.... kakakaba pala..

First game, may scenario pang nalalaman ang facilitator, kami ang counter terrorist... nagstart na ang game, nakakakaba pala, masakit din daw kase pag tinamaan ka ng bala.. Tuhod ko nanginginig, since hindi pa magaling that time sugat ko sa tuhod, hindi ako makaluhod, para makapagtago ng mabuti... 15minutes lang ang game.. nakapwesto lang ako sa isang lugar.. maya maya, ayan putukan na... last 5min nakikibaril na rin ako, tinamaan ako sa kamay, masakit nga... waaaahhhh.. pero considered buhay ka pa rin, kase sa kamay lang naman tama...hehehe.. first game panalo kami..

2nd game, kami naman ang terrorist, natalo kami....

Sa decision game, fast ball na ang tawag... ibang playing ground naman.. as in sugod kung sugod.. konti lang yun mga tataguan mo, malakas na loob ko nun, kaya sumusugod na.. panalo kami sa last round..hehehehe. ang masaklap, yung kabilang team, medyo nasaktan, nagkapasa yung braso nun isang babae.. kawawa talaga, kase pagnasa field na, mahirap marecognize ang babae dahil sa mask.. mukha nga raw kaming hindi first time... (malaki lang siguro ang galit, kaya akala ng mga kateam ko e si franco at julius yung kalaban). Nagsorry naman kami sa kanila, kala tuloy nila mga pulis kami at hindi first time na naglaro kami.



Dahil may mga natitira pa kaming bala, kaya naglaro pa ulit kami.. Kami kami na lang... at sa kasamaang palad, nadapa naman ako.. ang kulit kase ni justin, sabi ko sa gitna ako, sya sa kaliwa, nagkabanggaan ba naman kami sa gitna, parang sa pelikula na comedy... waaahhh... nagkapasa tuloy yung isang tuhod ko...
Kahit nasaktan ako, i really enjoyed the night, nakakawala ng stress.. Ganon siguro pag sundalo ka, isang paa mo nasa hukay na.. you'll never know kung kelan ka tatamaan ng bala...

Saturday, February 24, 2007

Rest Day

It’s been a long time… Sa wakas nakapag update din.. Sobrang busy, nawala pa antivirus sa pc ko, kaya hindi ako makapag-internet.. Tambak na tuloy ang mga kwento.. Thanks to Rho, Ev, Ghee at sa mga ibang hindi nag-iiwan ng bakas, na naghahanap at nag-iiwan ng bakas sa page ko..







Dahil sa sobrang busy ko sa office, at medyo nakakapagod na rin, kaya i'v decided na lumabas naman. Ako naman ang magsisite survey, since tagaytay naman ang area, medyo makakapag unwind kahit papano.. Naadik na yata ako sa kakamotor kaya ang means of transportation namin ay motor, tatlo kaming magkakaconvoy..

First time ko naman ngayong malayo.. 6:30AM pa lang umalis na kami ng bahay, para naman hindi mainit masyado. Breakfast muna sa bacoor, habang hinihintay ang isa pang team. Pagdating ng Dasma, ang sarap ng magdrive.. Habang paakyat na ng tagaytay, ang lamig ng hangin, ang sarap... Halos umabot ng 90kph ang speed namin... I tried 100kph, just for 10sec, kakatakot ang lakas ng hangin... Parang liliparin ka sa lakas ng hangin..

We arrived at tagaytay around 9am. So usapan muna kung anong site ang uunahin.. Ewan ko ba kung bakit sa initan nag-uusap, pwede naman sa may lilim. Ayan, naghanap din ng may lilim... Medyo matarik yung napili nilang place, so we have to go down.. Medyo nag-alangan ako, at the middle of the road, nagbreak ako, sa unahan, kaya heto ang nangyari..














Ang sakit... Grabe, hindi ako makatayo, sakit ng dalawang tuhod ko.









Heto ang kalye kung saan nahulog ako. Kung kelan nakastationary ako, saka ako nadisgrasya. Pagkafullstop ko, nakagilid yung motor, patapak ko sa lupa, malalim pala, kaya ayun nagtumbling ako.












Ouch!!!!


ouch! ouch! kinabukasa, mas lalong lumaki, kase sobrang nagpasa yung gilid.
So, kahit injured, akyat pa rin tower.. Hindi ako nagpapahalata na masakit ang tuhod.. hehehe

Ayan, hanapin ang kinaroroonan ng picnic groove.. (dun kase itatayo ang kabilang site)


Time to eat lunch... Masarap ang bulalo... Nice place, nasa edge ng cliff..

So guys, yang ang rest day ko... Sakit palang mag-unwind... Next time, join me... Hahahahahaha. Para mapuno ng adventure ang rest day nyo... hehehehe.


Monday, February 5, 2007

Fast break...

Bakit kaya malamig ang panahon ngayon??...brrrrrrr...


Nalulunod na yata ako sa dami ng trabaho sa office ngayon.. Sang damakmak na sites ang dapat i-survey, gawan ng planning at gawan ng TSSR (technical survey summary report).

Sa project na ito mga Chinese naman ang ka deal namin. Wah, ang kulit din nila at higit sa lahat mahirap intindihin.. May counter part din naman silang Pilipino, kaya lang sila mismong magpartner hindi magkaintindihan, masaya to.. Hayan at minsan sa meeting nagtatalo sa harap namin.. Mahirap silang intindihin kase hindi masyadong makapag English.

One time nag meeting kami, may gusto akong i-clear sa kanya, pero hindi nya makuha ang point ko, parang gusto ko ng kunin ang pen at ako na ang mag-eexplain sa kanya sa board.. ay sus, “I don’t want any question again, I repeat it one more time”, yan ang sabi nya sa amin… So sige go ahead..

Dahil pinupwersa nila kami, kaya 6am pa lang nasa office na kami para ma meet ang deadline ng 12nn. 1 week na kaming ganito, pag wala sa office, nagffield.. Kakapagod.. Kausap ko nga pala si Rho kahapon, yung isang site namin malapit lang sa kanila, as in few blocks away. Tamang tama, pag implementation na, dun na lang ako makikiligo at makikikain…kahit wala sya. nyahahahahahahaha.

Medyo delay ang sked namin sa mga survey nun mga nagdaan araw, kaya naalarma na naman ang huawei, nagpatawag ng meeting si franco (Chinese guy ng huawei). Naku, nasabon tuloy kami, nabanlawan pa..at hindi pa nakuntento, ibinilad pa.. May mga problem kase ang mga sites na napupuntahan namin kaya we cant expedite the survey. So pinaliwanag naman namin ang problem. Medyo mahirap talaga magpaliwanag sa kanya.. Ano ba ang ingles sa bangin??? Alam ko kase precipice, pero for sure hindi nya maiintindihan lalo un. So ang ginamit namin na term ay cliff. Hindi pa rin nya magets.. pina spell pa sa amin, so may spelling session pa kami…waaaahhhh. Ewan ko kung nagets nya.

Weird ang client na huawei talaga, nung isang araw, binantayan talaga kami sa office, hangga’t hindi namin natatapos ang TSSR, aba walang uwian.. wahh. So, magdamag kami sa office..





3AM... Sakit na ng mata ko, gusto ko na mahiga......






Pagwalang tulog, may tendency na mapossess...hehehehehe

try nyo rin minsan, wall paper ng office nyo e topo map... (buong laguna at cavite nakadikit sa wall)

Pag-nagpupuyat, don't forget to bring coffee...


Pwede na rin to, mag-init na lang ng tubig... mahal ng naunang kape sa taas, magtipid tayo.. :) Basta kape, kahit kopiko... hehehe

Sunday, January 28, 2007

Dare?!?

Gusto ko sana magpost ng kwento after the party, kaya lang I wanna share this thrilling part of my life today..

A year ago, I was really eager to learn how to drive a motorcycle.. Uso na kase dito sa pinas ang motor.. My brother bought one, an XRM Honda, kaya ayan, lagi lagi ko syang kinukulit na turuan ako.. Lahat ng favor nya sa akin, ang kapalit ay i-drive ko ang motor nya, (I don’t even have a licence then, kaya hesitant din sya na turuan ako). Pero makulit pa rin ako, kaya napilit ko rin sya isang beses.. wow, sarap palang magmotor. Yung nga lang sa continuous nya akong tuturuan kung makakaya kong akayin ang motor at itayo ang motor mag-isa.. (using the center jack, dunno kung jack ang tawag don or stand, yung ginagamit para matayo ang motor alone.)

Aba, after our session, halos hindi ako makagulapay, ang bigat, sakit sa katawan.. para akong narape ng sampung beses.. sa liit ba naman ng braso ko tas, itatayo ko mag-isa yun.. yay.

So that’s the end of the session, hindi na nasundan yun. But when I got my licence pinalagyan ko na talaga ng restriction 1 un (for motorcycles) if in case, makapag-aral ulit ako.

And this day… Nagamit ko yata ang mga tinuro sa akin.. Meron kase sa office na mga motorcycles, used for site survey.. But I never used it pag ako nagsusurvey, kase car pinapagamit nila sa akin…hahahahahahah. Ayan tuloy dina ko pinagsusurvey..

When I got to the office this morning, naabutan ko pa ang mga engineers na magsusurvey for the day.. May gagamitin silang sasakyan at masyadong malayo ang mga sites para magmotor, kaya naiwan ang motor sa office. Then kuya dong asked me if I can drive the motorcycle home (magkapitbahay lang kami kase). I was half kidding, at hindi ko talaga sure na madadala ko yun.. hindi pa ako nakapagdrive ng motor, sa loob lang ng compound namin.. Pero nag yes pa rin ako.. So naiwan ang motor sa akin..

Time na ng uwian, kinakabahan na ako.. kaya ko ba?? My gosh.. parang may naghahabulang daga na sa dibdib ko.. kaya ko ba talaga?

Nasa car park na ako, no turning back na ito, alangan namang iwan ko na lang ito dun.. start… ayaw mag start… nakasampung pagpastart yata ako.. ang mga daga, sinamahan na ng pusa..nangalabog ang dibdib ko..

Ok nagstart na, first gear (ganon din ba tawag pag motor?) Naalala ko, nun tinuturuan ako ni bro, nilalagay nya sa 3rd para hindi mabigla ang hatak.. pero hindi sya pumapasok sa 3rd, first lang.. Ok, subok, brrrommm, waaahhh, humarurot, halos hindi ko na macontrol, muntik na.. whew! Di ko talaga kaya, tawag ako kay kuya dong, “hindi ko kayang iuwi, iwan ko na lang kaya dito?” Tawa naman sya sa akin, “sige iwan mo na lang”…

Balik ako, pero at the back of my mind, kaya mo yan Raz…parang andun yun urge.. And I love adventure and risk.. Mas naiisip ko ang risk, mas gusto kong gawin.. dare para sa sarili ko.. Parang pag hindi ko nakaya, I’m a looser..

Dahil nagpupumilit ang utak ko na kaya ko, try ko kung papasok sa 2nd, pumasok.. pinihit ang accelerator ayan… nahahandle ko na… then I decided, I’ll go.. Imagine from ayala to sta. mesa ang route ko.. Keep in mind, slowly but surely, wag mabilis at wag ng sisingit.. when I was driving along ayala, I feel free, grabe ang thrill, parang gusto ko sumigaw. Ang galing, sarap ng hangin.. Sarap ng feeling…

Pero dahil medyo may pagka geographically idiot ako, medyo naligaw ako ng konti.. hehehehehe. Sarap talaga ng feeling na na accomplish mo ang isang bagay.. oooppss, wag nga pala kayo maingay sa bahay, mayayari ako..

Dinaan ko pa sa bahay nila bestfriend ko, natuto rin ako ng may back ride, kaya lang ang bigat, mas delikado.. for sure, bukas masakit ang katawan ko..


Sometimes in life, you must have enough courage to get want you want.. To accomplish something, just ignore the risk, but take note the extra precautions. Life is full of risk, take some of it… you may not get it at the first time, try it again, you might get it this time..

Wednesday, January 17, 2007

Party, party, party..

Hindi ako makapag-update agad, nahihighblood ako sa PLDT DSL... grrrrr... laging down, kala ko wala ng mas worst sa smart bro... kung magpapa broadband kayo, try nyo globe, baka ok..

Kahit sawi kami sa nakaraan kompetisyon, walang makakapagilil para ipagdiwang ang pasko.. Ang tanong may pera pa ba ang GPS?? Wala na yatang pang party… Dahil naubos na nun nakaraan competition at sa bagong damit.. So paano na??

Still, kahit walang pera go pa rin. Hindi pwedeng natalo lang tayo e, magpapakalungkot na tayo.. Let’s paaartyyyyyyy.. wohou..

Concept: Pajama Party.
Location: Kina Jay, pero masikip don, tsaka hindi tayo makakapag ingay, kina len, masikip din don, yoko dun, mainit pa.. E di sa rooftop, lalong hindi pede, hindi tayo makakapag-ingay. Ok fine, e di sa clubhouse, nyeh, may bayad, tsaka walang privacy, dinadaan ng mga taong galing parking yun e. Pero clubhouse pa rin pinaka ok, kahit hanggang anong oras pede, at higit sa lahat pedeng mag-ingay at hindi masikip. E pano ang privacy, gawan na lang ng paraan..
Solution: para walang bayad, si kuya nel ang nakipag negotiate sa kinukuhanan ng permit; (ok na, walang bayad). Privacy: lahat magdadala ng kurtina… problem solved.. Let’s party…..
Food: Finger Foods. Lahat ng section may naka assign na food. No problem.
Drinks: May mga magdodonate ng wines, at ang iba ay ambag ambag na lang para sa water and softdrinks. All set..


Mukha bang naghihirap kami?? :)

Kainan na....

Games, games games... Bakit ba ako nakaganyan?

Tulog na tayo...

Awards... Kanya kanyang kawirduhan..



Modelo ng vodka.. :)
Sobrang enjoy talaga ang party na ito. For three years, ngayon lang naging ganito ka ayos at kasaya, kahit nagkakapikunan sa pag prepare..