Saturday, September 22, 2007

4X4 is it??

So wala ng atrasan to.. Meron na silang na rent na 4x4, hilux daw yata.. At 8am nasa meeting place na kami, hindi na ako nakapagbreakfast, para hindi malate sa 8AM. Sa meeting place, hanap namin kung asan na, wala pa pala… sa may gate daw e, e ibang gate pala yung sinasabi nun nirent nilang 4x4.

Pagdating namin sa sinasabing gate, hinanap ko ang 4x4 sa pag aakalang hilux nga ito o kaya terrano.. or yung toyota na 4x4…pero ito lang ang sasakyang nakita ko sa paligid…












I ask them:
Raz: asan un 4x4???
SP (Service Provider): “Ayan po mam”…
Raz: “San??”
SP: “Ayan sa harap mo mam, dalawa gear nyan”..
Raz: What?????

Oo nga naman, dalawa nga naman ang gear ng 4x4, tiningnan ko, dalawa nga.. Oh God, makarating nga kaya kami sa taas??

Ok, sige sakay… kahit yung SP rin pala nagulat sa na-hire nila.. weeeeeeeee.. Habang sumasakay ako, nagtatawag na ako ng mga santo.. hehehe

Paakyat pa lang kami sobrang foggy na, wala ka na talagang makikita..kapit na kapit ako sa pwesto ko, baka tumapon ako sa bangin.. Sa kalagitnaan ng aming paglalakbay, huminto si manong at may inilagay sa gulong nya.. Talagang kinakabahan ako, ganito lang kaliit ang dinadaanan namin, at sobrang steep ng daan, konting mali mo lang, maaring pulutin ka sa ibaba ng bangin.. sobrang zigzag pa, 20deg angle siguro un.







Patuloy ang pag-akyat namin, pero halos hindi nababawasan ang kilometers namin base sa GPS namin.. Hanggang sa makarating na kami sa tuktok ng bundok, ang bundok ng sto. Tomas. Nasa dulo na kami, pero hindi pa rin dun ang hinahanap namin. Nagduda na ako sa coordinates nila, pag check ko sa data ko, oooppsss, mali nga… balik ulit kami..baka may ibang daan.

Habang bumababa ang malupit na 4x4, gusto ko ng sabihin kay manong, “teka lang po ha, bababa na lang po ako at maglalakad”… weeeeeeeeee.. katakot, lalo sa curve.. tumutunog na ng mga pyesa.. Sa kalagitnaan ng aming paglalakbay, flat tire pa inabot naming.. dyosmiyo… Pero ayon sa aming GPS at google earth, sa may kenon road yata ang nominal point namin, dahil wala ng ibang daan…

So medyo nag-iinit na ang mga ulo, kaya lunch na lang muna, para ma-plan na rin kung pano matatagpuan ang possible na location ng RS namin…

Sa kenon raod nga ang direction… Nakakita kami ng bundok na pedeng akyatin.. Tanong tanong kung may way sa bundok na yun, meron naman daw.. hay, 300m pa lang hindi na ako makahinga ng maayos.. lawit na dila ko.. grabe, parang magcocollapse na ako.. pahinga at tubig, tagal ko nagpahinga.. matarik rin kase ang bundok na inakyat namin.. 2km pa ang lalakarin bago mpuntahan ang nominal point.. darn!!

Around 1km, nagrereklamo na si civil works, mahirap na raw yung area..baka daw pede na dun sa kalagitnaan ng bundok.. Sabi ko, hindi pede ang layo natin sa search ring, kelangang akyatin pa kung may way pa.. pero nakakabadtrip na civil yan, nagmamarunong.. as if naman na hindi ko alam yun.. I can’t drop the site, hangga’t hindi dumarating yung no choice na talaga.. kung di lang matanda yun.. so pinakita ko sa kanya hindi talaga pede dun kase walang line of sight.. kelangang maghanap ng way para mapuntahan ang location ng nominal, o kung saang lugar na pedeng magtayo ng tower na may link sa kabilang bundok. (ang gulo ko ba magkwento?? Basta ganun).
So we decided to go back at maghanap ng ibang paraan.. hay, kakapagod ang araw na ito… sana matapos na to…. Gusto ko na bumalik manila… waaaaaaaaaaaahhhhh.


"THE SURVIVORS"



"VIEW" Masyadong foggy, hindi makita ang magandang tanawin.



"Flat tire"


Tuesday, September 18, 2007

BREATH TAKING

We have 26 sites to survey here in baguio at ito na nga ang ayaw ko, may kasamang RS (relay station). Relay stations are usually placed in mountains.. Nung nakita ko yon, kinabahan na ako. Expected ko na, na possible na mahabang lakaran sa bundok ito, and worse of all, as in oras ang bibilangin mo bago ka makarating sa site..ayaw ko nun..huhuhu

Today nakasked ang pagpunta naman sa RS, ang hirap pa naman dito sa Baguio kase pag dating ng 2pm, foggy na at maulan. Hindi naman kami nakaalis ng maaga kase hinintay pa naming dumating ang civil works… Kaya after lunch na kami nakaalis. Alam ko na mahihirapan ako sa part ko kase hindi ako makakapag LOS (line of sight), dahil foggy at umuulan.. Pero para mapuntahan na rin tuloy pa rin..

Adventure lang ang dala namin, yun lang kase ang available na pedeng umakyat sa bundok, hindi naman pede lalo yung dala naming kotse…goodluck.. Kaya ayun.. nakakatakot talaga, kase magkamali ka lang ng konti, bangin na kaagad.. Halos hindi ako humihinga sa kina-uuppuan ko, at kapit na kapit na talaga.. Dahil 25km pa ang layo ng pupuntahan namin according sa GPS, late na rin at masyado ng steep ang way at madulas, so we decided to go back..

Friday, August 31, 2007

Online Friends..

Friends in blog world are for real.. We finally meet.

Kahit maulan nun nakaraang lunes, go pa rin kami sa MOA, it's something i don't wanna miss.. Kase nun dumating dati si rho at nagmeet sila ng mga teachers ay hindi ako nakasama, kaya ngayon hindi ko na palalampasin to.. Malakas sa akin yang si Tikey eh..hehehe

Pero ako'y nalate at paumanhin po. Masyado lang akong na excite sa magandang balita sa aming tahanan.. I informed TK naman na malelate ako, hindi pala kilala ni fafa piolo kung sino si Tikey.. ahehehehehehe. Well, well, well... mukha ba akong nene??/ Hahahahahaha... Baby face lang talaga ako.. wow, mukha pa pala akong 22..nyahahahahahahahahaha..


The lovely couple... ann and richard (sana hindi ko napagpalit name ng hubby ni ate cess at tikey). Tikey, what can i say about Tk...hmmm. Soft spoken, kelangang fully charge bago mo makita ang makulit na tk sa blog...baka kase kasama lang fafa piolo...ahehehehe.. Sweet nila ni fiolo...match pa color nila.


This is mam greys a.k.a "tekla"
Akala ko snobbish si mam greys, pero mabit pala to.. funny din ang thoughtful, binigyan nya kami ng pasalubong na pagkasarap sarap.. hehehe.. si mam greys pala byahilo..may mga in case of emergency na mga plastic.. aheheheh
nagpicture sya kay fafa piolo naku lagot...hahahahahaha

Mam Rems a.k.a "Clown"
Always has a smile....can go along with her easily. Wow, natandaan nya mga pinagagagawa ko sa buhay ko at mga posts ko, kahit matagal na nawala... salamat mam sa mga pasalubong..

Ate Cess or Ladycess
Kahit anung kulit ng mga sipon, at me sakit...hindi mababanaag sa kanya ang tamlay at pagod na katawan...never a dull moment with her.. cowboy din pala to, hahahahahahaha.. at napupuno ng tawa nya ang foodcourt ng MOA..hahahahahahaha..kulit po pala si ate cess...


ayan at kinukulit ako... e makulit din akong magpapicture..hahahahaha catch me if you can..hahahahaha. kase naman pipicturan ako e my mouth is full pa..hahahaha...



Ito ang pasalubong ng mga teachers... matamis na sampalok... sarap, kahit sumasabit sa brackets ng ipin ko.. hehehehe


Hmmm, marami na yan ate cess, share daw tayo.. ahehehehehehehe



Cute...


PAgkatapos kumain, naglakad lakad.. Buti na lang hindi nakatingin ang sales lady, hiniram ko muna yung isang teddy bear..hhehehehe



at ng mapagod...... kape kape naman..


inaantok na daw kase si mam greys... pero mukhang lalong inantok sa sulawesi.... sayang, ate cess wasn't able to join us at starbuko...next time na lang ate cess..

I really enjoyed the day with you guys…. I never thought I could really have friends online.. And it’s not all about posting, reading during spare time, or wala ka lang talagang magawa..it’s so much more than that.. nakakaaliw. Blogging gives more meaning to me now.. See you again guys…

Monday, August 27, 2007

Get together...

Let’s have a break sa complicated stories..hehehe..

Matagal tagal na rin ng huli kaming magkita kita ng mga high school friends ko.. We seldom see each other…everybody’s busy.. When we we’re still in college, we have a get together every Christmas break in Marinduque.. Laging may party sa bahay nila Doie..kase madalas pa kaming umuuwi. We were oblige to spent our vacation in the province, kaya nagkakaroon ng time para magkita kita..

Pero kung kelan nag ka work na lahat, at may mga sariling income, dun naman nawalan ng time para magkita kita. Aba, puro drawing nga kami, parang archi lahat and engineering ang mga natapos, kase puro plano, walang natutuloy.. samantalang nun college ok lang anytime..

Kahit busy rin ako, pinipilit ko ring makarating, kase mawawala ako sa picture kung hindi ako makakasama..hahahahha.. picture lang talaga habol ko.. hahaha.. Sabi ko nga kay ellen, “naku, wala ka sa pics kung di ka magpupunta”, aba, biglang nagbago ang isip, darating daw sya..hahahaha

Nakakatuwa talagang mag reminisce, parang kelan lang, mga bata pa..walang muang sa mundo, ngayon, may mga family na ang iba… may mga anak na rin.. Iba na ang topic ng mga usapan.. usapang panganganak and taking care of their babies.. Samantalang dati, puro mga kalokohan lang.. hehehe.. pero hindi naman kami seryoso… mga makukulit pa rin…

Ladies

Mga Loyalists

Gutom na kami..


Dnt break the line.. hehehe

mga mommies

mga singles

boys..

Nag check in kami sa Holiday Inn, pero dalawa lang talaga nakacheck in... Medyo pasaway po talaga kami..hehehehehe, ginawang party room ang executive suite..toink.

Kahit hindi kami madalas magkita, nandun pa rin yung friendship ng bawat isa.. Nakakatuwa rin makita kung kamusta na ang buhay buhay makalipas ang ilang taon...kahit yung iba may conflict, dahil sa lovelife... hehehehe. Yung iba dating mag karelasyon, hehehehehehe... pero ok naman sila. Ayaw pa darating yung iba kase may conflict sa usaping puso..pero for the sake of friendship, nandun pa rin sila... Sadyang masalimuot ang buhay...nyahahahahahahahahahahahaha


Friday, August 24, 2007

Complicated... (part2)

So here’s the complication. JRR dnt want his name to be involve sa paglipat namin, ayaw nya na malaman nun dalawa na sya ang nag endorse sa amin sa company na yun..kase daw mayayari sya lalo nun dalawa (jsm and rpp). So hindi malaman ang gagawin sa resume namin, pinasa na lang kmi sa agency..hindi kase sila nagdidirect hire. Ang original na gusto ng PM ng company na lilipatan namin, parang mag o-outsource ang pdm ng mga engineers.. nyeks..hindi nga pede.. so agency talga.

JRR told us, na parang tanggap na kami..90%.. “oppss may 10% pa. NAku, hindi pa rin yan sure.. “

Monday morning we have an appointment at the agency.. Makati rin ito, 1 block away from our office. Nun pabalik na kami sa office around 11am, they told me, let’s eat first, sabi ko “huwag na, dito na lang tayo dumaan”. Ewan ko pero pumasok sa isip ko na possible na makasalubong namin mga taga pdm sa way na un. Sa tapat ng carpark, nakita ko nga paparating si jsm with the technicians.. hala!!.. no turning back na… hi and hello tuloy kami… but I simply cross the street para hindi masyadong obvious kaming tatlo. The way JSM looked, parang nagdududa.. parang alam nya na may something.. Caught in the act kami..wahahahahaha..

Me kasunod pa to...hehehehe


Sunday, August 19, 2007

Complicated...

Kelan ba nagsimula na nag-isip ako na lumipat ng company?? Matagal na, since the beginning I guess. Pero I learned to like it…well, I love my job per se, and this is my dream job. Pinangarap ko dati pa na maging in line with telecoms ang work ko. After passing the board exam, I targeted Telco Company, pero walang nangyari. I ended up working in a job which is not really in line with my course. Aba at hindi pala ako nag-iisa, marami pala kami, tapos mga board passers pa.

Sadyang mahirap pumasok sa telecoms, kung may kakilala ka, well, madali lang. I was given a chance to be involved in telecoms because of our family friend. Nalaman ko na relative pala naming yun. Student palang ako sa college, pinagbilin na ako ng tatay ko sa kanya, na sana matulungan din ako sa work. Well, mapride po si razberry, kaya kahit nakagraduate na ako at nakapasa sa board, never kong kinontak yun.. Naghanap ako mag-isa ko at dumiskarte ng sarili…

Nung magsawa sa first job ko, at hindi na nakatiis, nakipag-usap na rin ako kay “jrr”, kase may bagong put up sya na company in telecoms.. E di ayun, napunta ako sa telecoms…great!!..

Then that’s it, kala ko ba maganda na work ko??? Yup maganda ok naman…but along the way ang daming ng lumabas na problem,..mainly sa management.. And I really can’t take it anymore, sobra na sila. Tatlo silang boss ko, magpapartner sila.. we call them ‘jrr-family friend na nagpasok sa akin’, ‘jsm-the super kulit’ and ‘rpp-the most arrogant person I know’.

Sobrang conflict na talaga, jrr keep his distance to the company for some personal problem with his partners. He tried to pull out his shares, pero ayaw yata nun dalawa. Simula nun na inaway ako ni rpp ng nakatalikod, sa kabila ng lahat ng sacrifices ko sa company, tinira nya ako ng nakatalikod, at simula nun time na he’s blaming my team… that’s the time na nawalan na ako ng drive to work.. he even fired one of my co-engineers dahil sa naglunch lang kami..my god!!.

Nun nawala si partner, mas naging bullshit ang trabaho namin.. I’m not meeting the deadlines, lahat pending..how can I survive e mag-isa lang ako, and I’m handling how many sites?? Around 120hops for south Luzon.. my gulay, hindi ako wonder woman..

Naging magulo ang team naming, and I don’t even wanted to handle it, kahit sabihin pa ni rpp na ako na ang bahala.. but where’s the support?? Nawalan na nga kami lahat ng drive.. When I talked and open up to jrr, sobrang iyak ako ng iyak, lahat ng sama ng loob ko sa company sinabi ko, he even have a personal conflict with his partner… o di ba, silang magpapartner walang direksyon…

Well anyway, hindi na ako naghandle ng project, bahala na sila, basta ako, kung ano lang yung dapat gawin yun lang..i’m not taking extras… no extra time, no ectxa effort. Absent ako kung gusto ko at magfifield ako pag gusto ko…ahehehhee.. nagging bad ako in short.. hehhe.. I’m just waiting for the new opportunity. Gusto ko umalis ako dun ng unexpected.. anyways, 2 engineers nap ala ang nagresign, at susunod na kami..hehehe

Last week, pagkapasok ko pa lang, Rachel told me na tumawag si jrr at baka interested kami sa vacancy sa ericsson… Of course I’m very much interested.. Ayun pinass namin resume naming tatlo.. (core group ng transmission planning). Imagine na lang pag kaming tatlo ang nawala… sobrang mapipilayan ang compamy.

So ang idea na ito ay sobrang confidential.. It’s between, sa aming tatlong engineers at kay jrr.. Sabi ni jrr, basta hindi sya ang nagrecommend, dahil malalagot sya sa mga partners nya.. Parang conspiracy nga ang dating.. si jrr na boss namin na partner ni jsm at rpp, tinutulungan kaming makaalis sa company nila…ang gulo namin.. si jrr kase nagpasok sa aming tatlo..

JRR is a good boss, sa kanya ko nga lang lahat natutunan kung anu man ang knowledge na meron ako.. he’s a good mentor..

Complicated ang paglipat namin sa ericsson, yung pinakaproject manager ng ericsson ang nagpipirate sa amin.. Of course hindi pedeng malaman ni rpp at jsm na lilipat kami, lalong majojeopardize ang paglipat, at anu na lang ang mangyayari pag nalaman na involve si jrr… ang gulo talaga, complicated.. Basta ako, all I want is to leave the company..

To be continued…….

Tuesday, August 14, 2007

100 questions.... from lay.

I'm just here, sitting on my computer table. walang magawa kaya, ganito muna.. (from friendster bulletin.

100.WHATS YOUR PROFILE SONG & WHY?
~ yani's ari.. gusto kong kantahin yan and dreaming i'm the soloist..hehehe

99. DO YOU HAVE A JOB? IF SO WHAT IS
IT?
~ yes, tumambay and gumala..

98.MIDDLE NAME?
~ Rodelas

97. DO YOU HAVE A CRUSH ON SOMEONE?
~ oo..

96. LIED IN THE LAST 24 HOURS?
~ di pa ata..

95.BEST BREAK UP SONG?
~ break it to me gently version ni mark bautista..

94. WHAT WAS THE LAST PLACE YOU TOOK A
PLANE TOO?
~ ang gulo ng tanong! cebu

93. WHAT IS THE LAST MOVIE YOU WATCHED?
~ pirates yata...

92. WHAT MAKES YOU MAD?
~ ang makita at marinig magsalita si jsm.. grrrrrrr..kulit nya.

91. WHAT WOULD YOU LIKE TO BE WHEN YOU
GROW UP?
~ grown up n ako eh..

90. WHAT'S YOUR NAME?
~ Raz

88. DO YOU HAVE A FRIEND OF THE
OPPOSITE SEX YOU CAN TALK TO?
~ yep..

87. WHAT'S THE LAST THREE DIGITS OF
YOU MOBILE PHONE?
~ 811

86. WHERE ARE YOU NOW?
~ sa room ko.

85. FAVE COLOR?.
~ green

84. WHAT DOES THE 7TH MESSAGE IN YOUR
INBOX SAY ON YOUR PHONE?
~ pumasok ka? lakas daw ulan dyan..b-day ngyn ate wena m bka malimutan nyo batiin. --> from mom.

82. WHAT IS SITTING TO THE LEFT OF YOU?
~ chloe

81.WHERE IS YOUR DAD RIGHT NOW?
~ marinduque

80. DO U HAVE PIERCINGS??
~ yup

79. WHO IS THE 5TH PERSON YOU GOT A
MISSED CALL FROM?
~ from agency

78. CLOSEST BLACK OBJECT?
~ cellphone, dvd player

76. ?
~ ??

75. DO YOU SING IN THE SHOWER?
~ yep.

74. DO YOU OWN ANY PET?
~ yep.. si chloe

72. WHEN'S THE LAST TIME YOU LISTENED
TO COUNTRY MUSIC?
~ at the office..nun hindi pa nawawala yung speakers..

69. WHAT ARE YOUR FEARS?
~ not to get out from pdm

68. WHAT CAN YOU HEAR NOW?
- rain drops..

67. HOW MANY DRUGS ARE IN YOUR SYSTEM
NOW?
~ wala.. i'm sober

66.WHAT ARE YOU WEARING RIGHT NOW?
~ shirt and shorts

64. LAST PERSON TO COMMENT YOU?
~ justin

63. DO YOU SING?
~ yep. i'm soprano1

62. SCREAMO OR COUNTRY?
~ anong screamo?

61. ROCK OR RAP?
~ rock

59. WHO DID YOU LAST CALL?
~ ate yvel

58. WHO LAST CALLED YOU?
~ rachel

57. WHAT JEWELRY DO YOU WEAR DAILY?
~ earrings

56. WHAT ARE YOU DOING NOW?
~ nag iinternet.

55. WHO WAS THE LAST GUY/GIRL YOU
HUGGED?
~ charisse, when her father passed away

54. WOULD YOU DIE FOR SOMEONE?
~ maybe...

53. LATEST THING YOUVE RECENTLY
LEARNED?
~ nawawala yung GPS na orange.

52. ARE YOU COLD NOW?
~ nope.

51. WHAT DO YOU SMELL?
~ smell of the rain.

50. IS ANYTHING BOTHERING YOU RIGHT
NOW?
~ yup.. transferring to other company... rpp might jeopardize.. wheew!

48. WHAT ARE YOU gOING 2 do TOMORROW?
~ magtrabaho..

47. IF UR EX WANTED YOU BACK WOULD U
TAKE HIM/HER BACK?
~ nope..

44. BED SHEET COLOR?
~ white and pink

43. CAN YOU SWIM?
~ a little..

37. FAVORITE SMELL?
~ amoy baby...

36. EVER GONE A WHOLE DAY WITHOUT
EATING??
~ yep..

35. UNITED STATES OR CANADA?
~ CHIle! hehehe

33. WHAT WOULD YOU DO IF YOU FOUND OUT
YOU WERE PREGNANT?
~ immaculate conception? hehehe...

32. JEANS OR SWEATPANTS?
~ jeans

29. DO YOU HAVE SOCKS ON?
~ no

28. DO YOU OWN BIG SUNGLASSES?
~ yep

27. HAVE YOU CRIED SO HARD YOU MADE
YOURSELF SICK?
~ no

23. HAVE YOU RECENTLY TALKED TO AN EX?
~ no

19. FAVORITE TV SHOW?
~ i dont watch tv.. UAAP na lang.. from dvd lang ally mcbeal, grey's anatomy and smallville.

18. DO YOU LIKE 80S MOVIES?
~ konti lng..

15. WHAT KINDA MUSIC DO YOU LIKE?
~ indie, classical... basta yung hindi uso...hehe

13. BEST CITY YOU'VE VISITED?
~ davao

12. BEEN TO LONDON?
~ nope

11. FAVORITE SCHOOL SUBJECT?
~ geometry, transmission media.

9. BEEN TO COLLEGE?
~ yes

7. FAVORITE TIME OF DAY?
~ 8 pm

6. EVER LICKED SOMEONES CHEEK?
~ yeah.. hahahahahahahahahaha..

5. SEEN ALL THE SPIDERMAN MOVIES?
~ yah

4. WAT R U LOOKING FORWARD TO?
~ to be transmission planner in ericsson.

3. EVR GOTTEN LOST IN d DARK?
~ no

2. DO U SNORE/TALK/WALK IN UR
SLEEP?
~ no

1. R U AFRAID WEN U'RE HOME
ALONE?
~ nope!!

taking a moment

I'm troubled. I'm taking a moment. (I'm not a wacko, oh, maybe I am)

It's like i'm drowning, trying to survive.
I'm surrounded by water no land.. ooppss i see it. I can see it, that little island...

I'm gathering all my strength now, i'm scared, gasping breath... hope i can make it.. i have to make it..

It's now or never...


-----
im not sick anymore...but i still have cough. :(

Sunday, August 5, 2007

Is it tragic?

Noong isang lingo nagising ako sa tawag ng aking kaibigan na si charisse, it was 6a.m. in the morning, and it is very unusual for her to call me at that hour, hindi kase kami early people. Hindi ko muna pinansin ang telepono ko ng mga panahon na iyon, hindi kase ako sumasagot ng tawag sa umaga unless emergency. NAng tingnan ko ang telepono ko, 1 missed call from cha, I thought magpapareserved lang sya sa akin ng flight to tacloban, pero bakit napakaaga naman, at alam nya na hindi ako gumigising ng ganong oras.

Pangalawang vibrate ng telepono ko, naisip ko, importante talaga siguro ito, dali dali kong tiningnan ang telepono, si cha ulit. Pagkasagot ko ng fon, umiiyak sya, at nauutal sa pagsasalita, halos wala akong maintindihan, pero parang alam ko na ang sasabihin nya.. ang tangi ko na lang naintindihan…”si mama”. And I get it, her mama passed away.

Last night, bago mamatay ang mama nya, napagkwentuhan pa namin na baka hindi na nya abutan ang mama nya sa tacloban, and it happened, hindi na nga sya umabot. Ang mama nya ay may lung cancer, at lately na lang nila nalaman, kung kelan critical na. Matagal ng may sakit ang mama nya, pero walang diagnosis, ang akala ng lahat depression lang ito or psychological, dahil sa walang makita ang mga doctor sa mga tests before.

Ang sobrang nakakalungkot lang nung time na tumawag sya sa akin, para sabihing namatay na ang mama nya, kasalukuyan namang critical din ang papa nya. Ang papa naman nya ay may cancer sa bladder.. Kinakailangang nyan madala agad sa hospital, kailangan ng ambulansya para madala ito. Hindi ko nga alam ang gagawin ko nun, ang nasabi ko na lang “calm down”, kelangan makakuha ng ambulasya. Tawag agad ako sa hospital para maassist agad ang papa nya.

Hindi rin nagtagal ang papa nya. Kamakailan lang ng pumanaw na rin ito. Libing ng mama nya sa tacloban, ang papa naman nya nakaburol dito sa manila. Dumalaw ako sa burol ng papa nya kahapon, habang magkasama kami, tinanong nya sa akin, “sa tingin mo trahedya ba ang nangyari sa amin?” hindi ko naman nasagot. Trahedya nga ba?

Pero bilib ako sa kanya, she’s strong woman, full of life, and good thing, hindi nya inisip na trahedya nga ito. Sa kabila ng lahat, nakikita pa rin nya ang liwanag, that there’s a life out there. Sabi nga ng isa nyang kaibigan, mabuti para sa kanya na very positive ang thinking nya. -Singit ko lang, maganda itong sinabi ng kaibigan, (interview sa isang kaibigan nya). “Saan mo hinuhugot ang lakas ng loob mo? How do you manage to be strong? “You don’t need to be strong; you just need to be humble…”

Pero minsan, kahit gaano tayo katatag, dumarating pa rin sa point na, nararamdaman mo lahat, depression, pain, everything..yung tipong iiyak ka na lang. Minsan hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya to comfort her, wala lang akong masabi. Sometimes kase hindi kelagan ng isang tao na maawa ka or malungkot ka sa sitwasyon na kinakaharap nya, all I have to do is to be there, kahit literally nandun lang ako..

Sabi nila, kung sino daw ang pinaka iyakin sa pamilya pag may namatay, yun daw ang pinakaguilty. Hehehe. Totoo kaya yun? Maybe.. Some people cried a lot dahil may mga pagkukulang sila sa pamilya, and wala na silang magagawa pa to correct it, patay na e, mapaparamdam mo pa bas a kanila kung gaano mo sila kamahal? Na sana nun nabubuhay pa e inasikaso mo ng lubos? Medyo guilty ako dito, kase nun nakaraan nagtampo si nanay sa akin, naisip ko, who knows maari ako o kung sino man mahal ko sa buhay ay mawala, kaya naman lagi na akong tumatawag kina nanay at tatay, iba kase yung feeling na alam mong may tampo sayo ang parents mo, baka pag nawala sila ako ang pinaka iyakin…hay, hindi ko yata kaya.

That’s life, may kanya kanyang intensity ng pain, kanya kanyang sakit na nararamdaman sa buhay, kanya kanyang dagok. The most important part is how you cope up with all the pains, with all the hardship, would you be able to look at the brighter side, na kahit anung sakit ang maramdaman mo ay hindi ka naman pala nag-iisa? God wont give us pain na hindi natin kakayanin. Pain is everywhere, it makes us stronger, sabi nga ni Meredith Grey:

“Pain, you just have to ride it out, hope it goes away on its own, hope the wound that caused it heals. There are no solutions, no easy answers, you just breathe deep and wait for it to subside. Most of the time pain can be managed but sometimes the pain gets you where you least expect it. Hits way below the belt and doesn't let up. Pain, you just have to fight through, because the truth is you can't outrun it and life always makes more.”

Monday, July 30, 2007

Coffee Expert???

Last night we’re craving for some coffee, (as we always do) or I guess just a place to hang out, for little talk. May friend cha, wanted to go out. She’s been through a lot of thinking that day.

I was experimenting on coffee lately, trying to classify it, in other words, pinaninindigan ang pagiging coffee addict. Hehehehe. My brother was a barista before, and lately almost every night may coffee session kami after rehearsal. Kwentuhan hanggang 2am. Jay ang Cha, would stop by at hour house for the coffee session, lately rin kase parang pang teleserye ang buhay ng GPS (Gloria Patri Singers), kaya maraming napag-uusapan..

Kuya Nel give me some information about coffee, kung ano muna ang dapat kong inumin as a starter, mild daw muna, kaya house blend ang iniinom namin ngayon.. House Blend, a blend of Latin American coffees. The bright flavor is tempered with a round smoothness and ends with a clean finish. Tamang tama pa lang to sa panlasa ko, hindi masyadong bitter.

So, instead of ordering frapp, coffee press na lang..para kunyari marami akong alam sa coffee..wehehehehe. After sitting at the coffee house for almost 2 hours, may coffee tasting sila, and we are the chosen customer..hahaha. Isang barista ang lumapit sa amin, feeling ko new lang sya kase, may binabasa pa sya habang nag-eexplain sa amin..

First coffee, a komodo dragon blend, (Bold) a spicy, herbal, and earthy with a full body.. bold ang coffee na ito, so medyo bitter ang taste. Galing sa Indonesia ang coffee na ito. Indonesian coffees are known as the deep, stalwart elements of the coffee world. Komodo Dragon Blend— is wholly an Indonesian coffee.

Next is Sulawesi, (Extra Bold) an assertive coffee with a heavy body and creamy texture, it is best describe as spicy ang herbal.. Hmm, parang nakatikim ka ng ampalaya..hehehe. Most of the coffee Starbucks purchases from Sulawesi comes from a region called Torajaland.

Last one is Sumatra, (Extra Bold). It has a full, syrupy body with virtually no acidity - so the coffee's intensity lingers in your mouth. The concentrated spicy, herbal notes and earthy aroma are the telltale signatures of this well-loved coffee. Ito talaga ang sobrang matatandaan ang lasa, kakaiba talaga, medyo mapakla, na spicy. The island of Sumatra produces 70% of Indonesia's income and is home to over 38 million people.

How to taste the coffee? First, cover the cup with your palm, ¾ lang daw yung natatakpan mo, then smell the aroma of the coffee.. then slurp it..(kelangan daw ganon.. J) Nakakaaliw ito…coffee experience. Kaya naman, gising na gising ang diwa namin hanggang madaling araw.. hehehe. Ikaw ba naman ang maka apat na cup ng coffee..

Now I realized, kaya pala iba ang lasa nun 3 in 1 na coffee na binili ko last time, parang walang lasa, parang uminom ako ng mainit na tubig na may cream and sugar.. Maybe because, tumataas na ang level ng pag-inom ko ng kape, mas strong na ang panlasa… And nun bata ako, pag nagtitimpla ako ng kape, sobrang konti lang ng kape na nilalagay ko, tip lang ng teaspoon, ngayon kalahati na ng tablespoon na kape ang nilalagay ko.. :0