Thursday, May 24, 2012

Academics, Titles, does it matter?

    CPA board exam 2012.. ang bilis na lumabas ngayon ng results ng exams.. At least mas konti na lang yung kaba ng paghihintay. Naalala ko noong panahon na nagtake ako ng board exam, tatlong araw akong hindi mapalagay, napakabagal ng oras, sana may result na pero sana ma extend din. Ang pinakamahirap gawin talaga sa totoo lang ay maghintay.

     Noong nalaman ko ang result ng exam ko noon, walang paglagyan ang tuwa ko.. sleepless nights, hard work, paid off.. iba talaga. Yung confidence mo sa sarili mo lalong lumakas, feeling mo ang tali talino mo.ehehehe.. Pero mayron din lungkot, sabi nga wala naman sitwasyon na lahat kayong magkakaibigan ay papalarin.. mayron din hindi pinalad. Noong mga panahon na yun wala akong maicomment kase syempre ikaw nakapasa sila hindi, ang hirap naman sabihin na "ok lang yan" kase kung ikaw mismo ang nandun sa sitwasyon na yun, e lalo siguro akong malulungkot.. syempre hindi ok yun..

   At ngayon eto na naman, this is my friend's second time to take the board exam, we really prayed for her, and talagang winiwish namin makuha na nya.. But unfortunately wala pa rin.. Mas mabigat siguro ngayon ang pakiramdam, mas doble pa sa sakit nun unang take. Nalulungkot ako para sa kanya, ako kase yung una nyang tinatawagan, pinaghuhugutan ng lakas ng loob... and talaga naman nakakalungkot...

    But then, minsan itatanong mo sukatan ba talaga ng talino yan o passport ba yan para maging successful? Para sa akin hindi ito sukatan.. Iba ang may title syempre, but it doesnt mean na wala ka ng pag asa to get high paying job.. Nun nagsisimula akong magtrabaho pakiramdam ko non pag hindi ka galing sa mga kilala at popular na school deadma ang resume mo. And kung ang grade mo sa board ay average lang, deadma pa rin kahit license ka na.. pero habang nagkakaexperience ka pala, dun mo makikita it's not the academics actually...but of course syempre dapat may diploma pa rin.. pero transcript? tinitingnan ba? hindi rin e... the most important part e dapat talaga may kakilala ka o backer.. pag wala, patay ka na...

     I've seen a lot, iba talaga ang politics din sa trabaho.. minsan kahit nakasalang ka na as in ok ka na, minsan narereplace pa ng iba.. depende sa kakila or kung sino ang nakapwesto sa company na un.... kung may experience kas mas may chance ka at kakilala pasok ka agad.. iba ang experience, pagdadala ng sarili at diskarte pa rin talaga ang pinakamalakas na pwersa.

    Hindi rin porke nakagraduate ka ng ganitong kurso, ay magiging ganun na ang profession mo.. Minsan kahit board passer sa call center din nagwowork.. Marami akong kakilala, sa buhay telecoms sa ibang bansa hindi board passer, hindi rin ECE, but they earn a lot, pero pang ECE ang trabaho... 

    Pero dapat pa rin tayong mag pursige sa napili nating profession.. hindi ko sinasabi na wag na lang magtake or ok lang na hindi pumasa... my point is, don't get too depressed or isuko ang laban kung mag fail man tayo sa academics..

     Basta gusto mo ang isang bagay, don't give up.. and focus lang.. Claim it.. Just believe na you can do it.. most importantly, naalala ko sinabi ng isa sa mga mentor ko, Don't entertain negative thoughts... kelangan ma divert mo sya agad into something happy and positive.. and i still apply it until now..

Thursday, May 17, 2012

want my tummy flat... again


Bakit kaya ang hirap mag workout?  My tummy is getting bigger and bigger… huhuhu..  instead of going to a gym, I would rather play badminton na lang siguro, this is what I prefer  and enjoy doing.  Kase naman sa gym, pagkatapos ng treadmill ayaw ko na.. ehehhe.. nakakainip, unlike badminton hindi mo namamalayan ang oras (sana lumiit nga tyan ko dito).  My only problem lang talaga is TIME…  

Pero ngayon kelangan na.. para na rin kahit papano may exercise. Hindi ko rin kase ma maintain ang jogging, kakatamad pag wala kang kasama.. kaya eto talagang pina re-gut ko ang raket para ready to play. Right now, I’m doing it every Saturday, kelangan talaga kase meron akong coach, para hindi ako tamarin at kahit ako lang mag isa nakakaplay and train ako.. 



I really need to improve my stamina, kase talagang feeling ko mahihimatay ako sa drill.. ahahaha… ikaw na ang puyat tapos patakbuhin ka ng isang oras sa court? Grabe super nakakapagod. My coach always ask me, puyat ba ako? Sabi ko na lang hindi.. ahahahha… para tuloy tuloy ang laro.  Sabi ko na lang sa sarili ko, I’ll do the drill everyday.. at least 3min na dire-diretso.. kaso naman Thursday na ngayon at kahit isang beses hindi ko pa ngawa ang sinasabi kong practice on my own.. kamusta naman ang 11pm kong pag uwi gabi gabi?  I still have 2 days para magawa ang drill, para naman pag dating ng Saturday ay hindi ako tumirik sa gitna ng court…  I can do it… ehehehe

Tuesday, May 15, 2012

Inlove with books


Pag napapadaan ako sa mall or when I have to wait for somebody, dalawang lugar lang ang possible place na hanapin ako.. Bookstore or car accessories shop.. 
Last week I’ve been thinking about the book The Art of War. My team has been talking about it a lot lately, because of what’s happening in our office.. the battle bet bosses, how they act..how things are going on the upper management… Noon ko pa gustong basahin yun, ewan ko lang bakit di ako nagkakatime.. Actually hindi naman ako bookworm as in…wala nga akong time magbasa.. ehehehehe. I wish I could have time reading… Pero ganun pa man, ewan ko ba kung bakit sa tuwing nasa bookstore ako e hindi ko maiwasan ang dalhin sa counter ang mga libro, hindi ko naman mabasa lahat… 
I wanted to read the art of war, kaya dumaan talaga ako sa bookstore, kaya lang naging tatlo ang librong hawak ko, nakakita kase ako ng mga photography books... eheheheh…  gusto ko pa sana humirit e, buti na lang napigilan ko… I hope I can read all of these…  :)


Tuesday, February 28, 2012

Whatta Monday

Not so good start of the week… since top 3 ako sa late sa buwan ng January na hindi ko alam kung ano na naman ang pakulo nila at naisipan nilang mag check ng time in… sa pag kakaalam ko na-orient kami na walang bearing kung malalate kami, as long as natatapos namin ang mga dapat gawin. Madali naman ako kausap e… tapos biglang maglalabas sila ng wala na daw ganun? Weh… kaya naman eto ako ngayon at kinakailangang makasakay at makipag siksikan sa pang alas otso kinse na tren..

Pero sadyang minamalas ata ang lunes ko, walang tren ng 8:15 inaayos pa daw… akala ko naman mga 830 me dadaan na, so safe pa rin ako..di pa rin ako malelate.. Maya maya lamang nag announce na naman, and dadaan na tren ay pang alas 8:45 na madalas ko naman nasasakyan dati nun wala pang issue sa late daw. Sa 845 kase ay may pag asa pa akong hindi malate, kadalas buzzer beater ako pag 845.. un tipong nasa lobby ako ng first floor, 914 na… isang minuto na lang para makatakbo ako at umabot sa 915. Subalit sadyang hindi maganda ang araw, announcement ulit, ordinary na tren ang dadaan, walang aircon.. Whattttttttt??? Naiimagine ko na ang amoy pawis sa loob ng tren, na hindi mo na maintindihan kung anong klaseng amoy meron ka pag dating mo ng opisina kung mukhang tao ka pa ba, amoy bagong ligo ka pa ba? Kahit yata magbuhos ka ng isang bote ng pabango pag sa ordinary ka napasakay ay mababalewala lang… at ang napakasikip na pinto na parang dumadaan ka sa butas ng karayom bago makapasok ay goodluck talaga… halos isang oras ang tren na ito mula Espana hanggang Edsa, samantalang ang aircon na tren ay 25min lang. Sa isip isip ko malamang mag top 1 na ako nito sa late. 845 dumating na ang choo choo tren, dahil sa dami ng tao, at sobrang liit ng pinto, walang nakasakay sa mga kaumpukan ko.. galit na galit yung isang babae kase ayaw pumasok sa loob ng mga nasa may pintuan sa loob ng tren, kase nga naman medyo may space pa naman sa gitna. Hay kakaloka talaga ang PNR paminsan minsan…

Wala na akong magawa kundi maghintay na lang ng susunod na tren. Buti na lang maluwag yung 915 yung nga lang uber late na ako. Time in 950… hayyyyssss

Monday, January 10, 2011

Promo period...

My friend called me and told me to booked a ticket to Bicol, kase daw may promo.. Since I also wanted to visit Bicol and makapagphotoshoot.. then go go go lang.. Dati kase hindi ko niggrab un mga promo promo sa plane tickets kase iba ang schedule ng nagttrabaho sa telecoms.. you can’t just plan 3 months ahead, kase baka after 3 months baka nasa ibang lugar ka na, or may kailangang puntahan na mga sites.. But this time, sige magpabook tayo, tutal promo naman… and sayang naman.. Marami na kong pinalampas na mga ganyan kase baka hindi ok sa magiging schedule ko.. ok let’s take the risk.. (Crossing my fingers)…

Nagkakagulo pa kami sa booking kase madaling maubos ang seats. After 30min wala na.. Wala na akong makuhang available from manila to naga, so I checked manila to lagazpi and yes… available pa.. click click click.. yan ok na.. confirmed.. yey… Ang problem ngayon yung return.. hahahhaha.. wala na kaming makuha pabalik… hayz… So right now, abang abang ulit ng mura… anyways sa march pa naman ito.. meron nga lang available zestair… pero legazpi lang sya.. our last day would be at naga na… abangan na lang ang susunod na booking...