Halos hindi na ako nakakatulog sa mga nagdaang araw, malaki na daw eyebags ko at ang masaklap, pangit na daw ako sabi ng kuya ko… kaya, bumili ako ng vitamins at gatas.. kase naman, biglang tumambak ang trabaho naming dito sa ofis. Halos dito na kami nakatira, dahil nirurush kami ng client.. Affected tuloy ang ibang rehearsals ko, hindi ako makakanta kase puyat o kaya totally walang tulog. Hirap kumanta ng puyat, talagang magbbreak ang boses at higit sa lahat prone sa flat..hindi stable ang pitch. One time we’re rehearsing the “putong song”, and I’m hitting the highest note, naku nayari ako ni MD… out ako, malaking flat…tigilan ko na raw ang kakapuyat kung gusto ko pang kumanta… huhuhuhuhu.
Last week, halos 2 days kami dito sa office na walang uwian, tumatakas lang ako, pag rehearsal time na sa gabi, kaya lang hindi rin ako makapagrehears ng maayos, kase pagod na ako wala ng matinong boses na lumalabas. Napagalitan pa tuloy ako ng Musical Director namin at ng Kuya ko, wag na daw ako kumanta.. waaahhh.. Tapos, nagka appointment pa ako with my dentist, paparenovate ko na kase ipin ko, hehehehehe.. kaya sa dental chair lang ang pahinga ko, nakatulog na nga yata ako habang kinakalkal ang bibig ko.. Ask pa nya kung puyat ako, kase bubunutan nya ako ng ipin, ngumiti na lang ako…(hindi pa nga ako nakakatulog) hehehehe.
Kahit bagong bunot ang ipin, work pa rin..matapos lang ang lahat at ng maging free ako next week. Walang makakapigil sa pag leave ko…
May ibanag folk song din kami “waway” one of my favorite, kaya lang nabubulol din ako… hirap din ang altos dito.. hehehe.. basta natutuwa ako sa rhythm nito at sa galaw ng nota. At ang pinakamahirap para sa akin ang “tanguendo” rhythmical song kase ito, nakakalito talaga…” …sucare dumare gunta feye fusa buya sunga”… o diba nakakabulol yan, whew! Pag kumakanta nga ako dito sa ofis at sinasabayan ang mp3, naku nababaliw na daw ako.. (tanguendo, and others songs na kakantahin namin are playing sa background..)
I really don’t have time at all, kaya lang ako nakakapagpost padito, e over time na ito..puyat na rin lang, e di magpakapuyat na lang..hehehehe. Idagdag pa sa sched ko ang mga frends na nangangailangan ng tulong, o kaya mga frends na nagyayayang mag-unwind.. Namimiss ko na nga ang
Ok na rin nga na ganito, at least hindi ko na naiisip ang mga bagay bagay na nakakapag palungkot sa akin.. kaya kelangang lagi masaya kahit, wala ng energy.. hehehee.. Sabi nga ni EV, super hyper at energetic daw ako… hindi nya alam, adik lang ako.. hahahahahahahahaha.