Tuesday, June 19, 2012

Ang Natatanging Sakit…

       This could be the worst pain I’ve ever experience in my entire life…woaaahhhh.. as in super sakit talaga. Nagstart ito Friday night, parang nararamdam mo masakit sya pag may pressure or pag may tumatama sa ipin ko.  Nagkataon pa na birthday ng dalawa kong ka choir so inom inom din ng konte..  Habang tumatagal parang hindi lang sakit dahil sa pressure o pag nadidiinan yung ipin ko, parang may kasama na syang kirot.. and ayaw na ayaw ko yung parang may nagddrill sa ipin ko ng walang anesthesia. Bili ako ng mefenamic (generic ito). Ininom ko pag kauwi sa bahay para hindi na tumuloy ang sakit. But unfortunately 2 oras na ang nakakalipas mas lalo atang tumindi ang sakit, iniisip ko siguro dahil medyo may alcohol ako sa katawan kaya hindi effective ang gamot…  Pinilit kong matulog pero sadyang makulit ang nagddrill sa ipin ko, ayaw ako patulugin…

                Kinabukasan masakit pa rin… parang walang pagbabago.. inom ulit mefenamic… parang wala, kinalkal ko sa mga kailaliman ng messages ng fon ko ang pinapatake sa akin dati ng dentist ko, amoxicillin.. mefenamic every 6hrs, antibiotics every 8hrs… Saturday afternoon I started the medication.. Waaahhh gabi na masakit pa rin… I can’t eat anymore. Pinalitan ko ng dolfenal ang generic kong mefenamic pero ganun pa rin… after 1hr masakit na ulit, waaahhh kung pwede lang oras oras ko inumin at laklakin ang mefenamic, actually natetempt na talaga ako lalo na sa gabi. Kahit walang laman ang tyan ko, nagtatake pa rin ako kase hindi naman ako makakain… basta maibsan lang ang sakit na nadarama ko.. iinumin ko lahat…

                Sunday morning, umaasa n asana may development na ang ipin ko since nag aantibiotic na ako… and dapat gumaling na ito kase ipapasyal ko pa ang pamangkin ko… waaahhh… Pero masakit pa rin sya… naisip ko ulit baka hindi effective ang dolfenal.. try ko ponstan naman… sa nabasa ko anti inflammatory na rin ito.. hmmm siguro maganda na to then kinausap ko na rin ang dentist ko. Lunch na, ayan na naman ang matinding kirot, minamigraine na ko sa tindi.. pagkatapos kumain ng kanin na puro sabaw, inom agad ng ponstan, after 15min wow unti unti na nawawala ang sakit, pero utang na loob wag sana magtama ang mga ngipin ko kase sobrang sakit pagnangyari un.. mas matindi pa ang sakit kesa nakabraces ka..  Dahil medyo ok na ang aking pakiramdam, pasyal pasyal na kami ng pamangkin ko at nanood ng movie…dahil natatakam ako sa pop corn na kinakain nyo, nitry ko ang isa, tutal natutunaw naman yon sa bibig… ayan nakakain ako… pero nun nagtama ulit accidentally un mga ipin ko..waaahhhhh ayan na naman ang mga trabahador, nagddrill na naman sa ipin.. waaahhh… wala pang anim na oras simula nun nag take ako ng mefenamic, pero gusto ko na ulit mag take para maibsan ang sakit…

                Dapat may lakad pa kami ng mga kaibgan ko after ng date ko sa pamangkin ko kaso hindi na talaga kinaya ng powers ko, kung pwede lang hilahin ang oras para makainom na ulit ng gamot… Pinapaniwala ko pa ang sarili ko na sana naman makatulog ako.. pero super sakit talaga to the nth level.. At ng nag alarm na ang phone ko, reminder to take the med… halos tumalon ako sa tuwa.. ayan na.. 15min wala na ang sakit, pero mararamdam mo pa rin un tumitibok tibok na ipin… na parang anytime mag hahasik ulit ng lagim.. at least yun kirot hanggang utak nawala.. masayang Masaya na naman ako… Pero makalipas lang ang tatlong oras, ayan na naman umaatake na naman ang mga walang hiya… waaaaaaaahhhh…

                I’ve been reading a lot what could be the causes.. then the symptoms… Then I’ve read about the tooth trauma.. aba natrarauma rin pala ang ipin… Nagsearch din ako kung gaano ba talaga katagal mag take effect ang antibiotics… Nakahinga ako ng maluwang nun nabasa ko mga 3days… Ayaw ko kase mabunot ang ipin ko, kung masasave pa, gawan na lang ng paraan…

                Eto un naresearch ko na umaakma sa aking nararamdaman..

What are the symptoms of an abscessed tooth?

A toothachethat is severe and continuous and results in gnawing or throbbing pain or sharp or shooting pain are common symptoms of an abscessed tooth. Other symptoms may include:

  • Fever
  • Pain when chewing
  • Sensitivity of the teeth to hot or cold
  • Bitter taste in the mouth
  • Foul smell to the breath
  • Swollen neck glands
  • General discomfort, uneasiness, or ill feeling
  • Redness and swelling of the gums
  • Swollen area of the upper or lower jaw
  • An open, draining sore on the side of the gum

    Baka nga ito, meron abscess. Sunday night, right after ko uminom ng mefenamic, makalipas ang isang oras ayan na naman sya.. bakit ganun? Lalo atang lumalala… waaahhh… nakatulugan ko na lang ang sakit, and pag gising ko.. Wow eto na yata yung sinasabing 3rd day mag tatake effect ang antibiotic.. pero dahil sa takot kong bumalik ang sakit, minabuti kong mag leave na lang muna sa work para mag pa xray at ibigay sa dentist ko ang result.

    Pagdating ko sa Rob, hindi ko mahanap yung zen na dating nirefer sa akin ng dentist ko, so kung saang clinic na lang na merong nag x-ray.

Unang Clinic:

Me: nag x-ray kayo?

Clinic: anung klaseng x-ray po?

Me: peri apical

Clinic: yes mam

Me: How much?

Clinic: Tinawag ang isang dentist

Dentist: 400 lang ang xray

Me: (Takot kase pa xray kase merong binabite un para mahold un film sa loob ng bibig, e masakit nga ipin ko) Yung ba yung xray na merong nilalagay sa bibig para i-bite?

Dentist : oo

Me: Kase masakit ipin ko pag may pressure, pano kaya?

Dentist: E di panoramic na lang (sabay talikod, nagsasalita pa ako)



Hmmp, iniwan ko. Kala mo sya lang ang dentist sa buong mundo…  Lipat ng clinic, ayaw ko sa lahat yung ikaw pa masungit e kung wala kang patient susweldo ka ba? Bushet



Buti na lang mabait yung nalipatan ko, at niconsider talaga nya na masakit ang ipin ko… After x-ray, gutom na gutom na ako and I need to take med na, mashed potato lang katapat nito.. after kumain uminom naman na malamig na tea sa zip, aray ko po.. ayan na kakainom ko lang ng mefenamic tumibok na naman… waaaaaaaaaahhhh… nakakasakit nga pala yung malamig na inumin… hay para akong lalagnatin papunta sa dentist, at sa parking pa lang napakatraffic na… (doble doble na ang iritasyon ko sa katawan)



At last nakarating din ako sa dentist ko… And confirmed, meron ngang abscess… waahhhh.. natatakot ako sa root canal, baka sobrang sakit… waaahhhhh. Kala ko tapos na ang paghihirap ko after braces… :( Masakit na nga sya, masakit pa sa bulsa…

5 comments:

  1. raz parang awa muna wag monang i save para hindi na maulit pa. patanggal mona.

    tikey

    ReplyDelete
  2. ayaw.. ahahaha... sayang ang ipin... kung pulido naman ang pag kaka root canal.. it would be better.. :)

    ReplyDelete
  3. parang torture lang e no.. eheheheh

    ReplyDelete
  4. magkano po ang rtc?

    ReplyDelete
  5. mukhang ito din ngayon ang nararamdaman ko

    ReplyDelete