Monday, July 29, 2013

Portable Power Bank For Travelers.

I’m always having a problem with my iphone battery, since I’m now using unli data with Globe, kaya laging naddrain ang battery ng phone ko, and napansin ko rin na mas mabilis na drain yung battery ko simula nung nag upgrade ako ng IOS to 6.1.2, super bilis maubos. When I’m using FB, wechat, etc sa phone ko, my battery will just last for 8hrs… L And this is my problem whenever I’m travelling.  One time super drain na ako and my friend let me borrow his power bank, and na amaze naman ako. Since I don’t have time to go to mall, nagtingin tingin ako sa internet.

And then nakita ko yung model ng power bank na pinakita sa akin ng friend ko, 7500mA and very handy. I was browsing sa Lazada, since lagi kong nakikita na nililike ng friends ko sa FB, so tiningnan ko na rin. And it was perfect for me, kase may COD sila. I don’t usually buy gadgets or kahit ano sa internet, lalo na when using credit card. Minsan kase nababalita ko, ang tagal dumating ng order mo, or may defect. So buti na lang COD ang nakita ko, and mura naman. So go na ko mag purchase. But the problem is, nakalimutan ko everyweekend lang ako sa bahay, so I requested na Saturday and Sunday sila magdeliver. Request granted naman, mabilis silang sumagot ng query online. :)

I ordered it Friday, nadeliver sya Sunday. And here it is...


 Packaging..





 Very Handy Power Bank

Charging via USB port of laptop. You can also charge it using outlet, but the socket adapter is not included on the package. With two output USB port, fast and normal charging.

Now I don't have to worry if my battery got drain, specially when I'm travelling.




Tuesday, July 23, 2013

Infinity Resort (Mindoro) – Unexpected Visit

This is one of my vacations that don’t have any plan at all. Noon nagbakasyon si Marlene dito sa Pinas, syempre ako’y naging isang mabait na driver na naman sa kaibigan. After we attended our friend’s wedding, nagyaya sya kila Mitch sa Mindoro.. May bagong resort daw si Mitch. Ako naman sige, kelan? Monday?.. nyeh kamusta naman… Me pasok ako.. Pero she convinced me to join her, siguro dahil kelangan nya talaga ng kasama at driver, ahaaha… Maganda daw dun, bago, and she showed me some pics of the resort.. Ako naman syempre gusto ng gala, at talaga naman maganda ang mga pictures, sige go ako, sa isang kondisyon, Tuesday na lang para naman makapag file pa ako ng leave sa Monday.  2days kase ang lakad kaya medyo alangan kung Monday, long weekend agad ako.. eheheh.. Parang ubos na ang dahilan ko sa leave.


Ayun na nga, we planned to be at Mindoro as early as possible, para mas ma-enjoy daw ang resort.  I should be at Calamba to fetch Marlene and her son at 5am. E kaso alam na, nakatulog ako kaya ang 5am ko, naging 7am. Inip na inip tuloy si Aiden, para matuwa pa rin sya sa akin, I bought him a toy car,hihihih..

We drove to Batangas Pier, it took us about 1hr from Calamba to Batangas Pier. I just parked my car overnight at the paid open parking. Safe naman sya, kase maraming nag papark and dun talaga nag iiwan ng mga sasakyan. At kumpleto pa naman su Mulberry noon binalikan namin kinabukasan… ehehe.

Bangka papunta sa Mindoro (Talipanan)

It took us 1hr from Batangas Port to Muelle. And pagdating namin doon, sinalubong agad kami ni Mitch..another 20min papunta sa resort nila.. 

At pagdating namin, eto ang bumungad sa amin…

Infinity Pool which is separated; kiddie and adult.

Nice day, solo namin ang resort. Dahil kaka open pa lang nito at may mga ilang construction pa kaya halos wala pang guests. Halos lunch time na when we arrived, so kumain muna kami. Ang sarap ng food dito. They have a resident German Chef and a Filipino Chef. The food was really great, mawawala ang diet mode mo dito. We had our meals at The Brae, the outdoor-indoor restaurant, some minor arrangement pa ito, nun nagpunta kami.


After our lunch I took a rest muna. Pero dahil niyaya ako ng pool, wala ng pahinga pahinga.

Let's take a look at the resort. It is quite luxurious resort with modern architecture. It is a peaceful and quite place, perfect for relaxation and peace of mind, with it's beautiful landscape and of course... the infinity pool.

 The Beach Front


 One side of the resort you see the ocean.


 View of the Villas. 


The other side you can see mountains. 

 cozy lawn chairs (lawn chair nga ba tawag dito? ehehhe)


Len and I enjoying the pool.

At ang pinaka-enjoy sa lahat...si Aiden.

The villas? oh the villas.. the cozy villas. Just take a look at the interior, you'll wanting to stay here forever.

 Living Room


 Dining Area


Bathroom  
 Not creepy bathroom. Well lit, because of the big windows.. very refreshing


Bedroom


Nice View at the Villa's Balcony

I wish i could have enough time to stay here. I really had a great time. It was like a refresh button for me, time to relax, not think of anything but to enjoy the beauty of the resort. Sabi ko nga if you need some peace of mind, just be here and you'll definitely be recharge. And of course it is also a great get away for families.. 

For the rate, it ranges from Php9,240 up to Php42, 900.00. If you have some inquiry and reservation you can visit http://www.infinityresort.com.ph/


I definitely enjoy this vacation. Looking forward for the next visit. Thank you Michelle and Marlene for a great experience.

Tuesday, July 9, 2013

Just when I befriend everybody

We always have our firstday at work, walang masyadong kilala, nangangapa sa trabaho, nakatunganga, di alam san kakain, anung gagawin. Pero siguro sa mga nalipatan kong company, hindi ako nahirapang magadjust. In 1week time, nakaadjust na ako at medyo may mga kaibigan at kakulitan na. Pero nabago ang lahat noon napasok ako sa 2298 Pasong Tamo. Iba ang aura, akala ko syempre sa umpisa lang. Pero lumipas ang isang linggo, hindi ko pa rin sila makausap. Simpleng hi and hello nga wala e. Simpleng ngiti sa hallway wala din. Mga tao ba talaga sila o naligaw lang ako? Ehehehe. Iba kase talaga, unlike sa ibang company, pag nakikita ka nila for a week, kahit papano nag ngingitian na kayo sa hallway. Take note pa ha, 10 lang kami sa isang room. Akalain mo nga naman. Alam ko medyo may kakulitan din naman akong tao, pero sa sitwasyon na yon, hindi ko yata nagawang mangulit or makipagkwentuhan. Akala nga nila seryoso akong tao. Kaya feeling kawawa ako doon pag absent ang partner ko sa TX, mag isa lang ako, alone na alone. Ehehehe. Kase sila yun tipong pag sumama ka naman, OP ka.. so wag na lang. Yung feeling na hindi ka welcome sa group nila.
Oh well, dumaan ang mga events kahit mag kakateam, parang wala pa rin. Ganun pa rin kami, papasok, magtatrabaho… Sabi ko nga oldies ang mga tropa ko dito. Ehehhe. Kase sila naman may family na, wala na yung mga tipong labas tayo, or let’s watch movie after office or tara shopping…
Pero ang nakakalungkot at nakakatawa lang, kung kelan wasak na ang working place namin, kung kelan nagkaron ng delubyo, tsaka ko ba parang naramdaman sila. Na tipong, “ay nakikipag kulitan na sila sa akin”.. Yung tipong, wow ha, nakakasama ko sila sa travel. Kung kelan naman nagkakaron na kami ng chance to get to know each other, tsaka naman nagkaron ng delubyo.. Nakakalungkot din in a way, kase I never thought I could really be close to them tapos hindi na pala kayo magkakasama. But just when you thought it’s over, hindi pa pala. I’m glad we still manage to keep in touch.. kahit watak watak na. Then yung mga kasama mo pa rin sa work, mas nagiging close kayo, kahit ngayon, mas marami akong circle of friends sa new work. Nakakatuwa lang iba talaga ang karanasan ko sa 2298… E sa bagong table ko nga ngayon, wala pa akong 1week pero na manage ko na makipagkulitan sa kanila, or maybe yung iba sa kanila ay kakilala ko na.
I’m glad those people na hindi mo rin inaakala na magiging kaclose or sabihin na nating nakakausap, e mas nakakausap mo na ngayon. Yung ramdam mo na sa kanila yung presence mo. Kase dati akala ko deads na ako tapos hindi ko lang alam kaluluwa na lang pala ako, kase parang wala akong presensya.. ahahahah..
Sad lang din na totally disbanded ang TX team.. tatatlo na nga lang kami hiwa-hiwalay pa. Pero sabi nga maliit ang mundo ng telecoms. I’ll see you around for sure. Thank you sa lahat Sir Warren, ang dami kong natutunan sa work and life. And kay Sir Bing na talagang handang magshare ng knowledge.
 
Pero sabi nga first impression won’t really last. And some people who you barely know would help you out when you need them. Pero hindi talaga ako friendly na tao.. eheheheh

Saturday, June 29, 2013

Mount Pico De Loro Adventure

I’m not really into mountaineering or hiking, kase feeling ko ang bilis kong mapagod, and hindi ko ma-grasp yung idea ng pamumundok, thou lagi kong sinasabi pag may dinaramdam or problema ako gusto kong mamundok. I was invited by my friend Jack, since I just wanted to have some time, some fresh air, me time… and this invitation was perfect. I don’t know anyone but Jack. Overnight pa ito, so bahala na sya sa akin wala akong tent at lalong wala akong mga kung anu anong gamit pamumundok. I just have my shoes and bag good for hiking.
We just bought something that we need:
Headlamp (kase overnight nga)
Insulator – (para pangsapin sa tent para hindi lamigin ang likod)
Sleeping bag- (kase malamig daw sa camp site)
and…. Hindi mawawala sa check list, 3L of water each.. wow ha, parang ang bigat naman yata. Goodluck sa akin.
Call time 5am. Hindi ko alam kung bakit ako nagpapapaniwala kay Jack, ang aga ko kaya, takot akong maiwan no. Sa kasamaang palad, umalis kami mga 8am na. Diretso LRT papuntang pasay, medyo nabibigatan ako kase hindi ako marunong talaga mag empake ng konte.. plus I have my camera na naka separate ng bag. Buti na lang wala masyadong hassle sa LRT ng pagbulatlat ng bag. Sumakay kami sa Munoz station then baba ng Pasay station, kase dun kami sasakay ng jeep papuntang Ternate Cavite. Meron silang hired na jeep for us and other group.
We arrived at Ternate Cavite around 1130AM. Register muna sa jump off. Then we start trekking at around 1145AM.

 
 Starting Point
 
Ang start ng trek is ok with me, rolling lang sya.. hindi gaanong mahirap.. may paakyat then pababa ulit. Madali lang, hindi ako nagrerequest ng take 5. Basta lakad lng ng lakad. After an 1.5 hour of walking nakarating kami sa Base Camp 1. Dito kami nag lunch ng mga baon naming sa pananghalian.
 Rolling
 Mawawala ang pagod dahil sa kulit ni owel
Base Camp 1
After maglunch, start ulit ng lakad. Pero habang tumatagal, pabigat ng pabigat ang bag ko at pahirap ng pahirap ang dinadaanan.. Nakaka limang steps pa lang ako, take 5 na agad.
Ang dami kong pahinga dito.
 
Finally, we reach the camp site at 430PM. Super pagod, ang lamig sa camp site. Malakas kase ang hangin, and the view, wow. Worth it. Halos puno na ng tent ang camp site, buti na lang may mga nauna na, na mga kagrupo naming at nakapagpareserve ng space sa may puno, para safe ang tent sa malakas na hangin.
 


Camp Site




All set, pati yung maliit na kubo na occupy namin. Sa sobrang kakulitan ng mga kasamahan namin, naging parang comedy bar ang lugar namin. Pati mga foreigners na umakyat, nakihalubilo na sa kakulitan namin. Dito mo mararanasan yung umiinom ng emperador na walang chaser ahahaha, kase nagtitipid sa tubig. At medyo minamalas lang talaga, nahigad pa ako, first time ko to. Ang hapdi pala nun at super itchy.. Akala ko me something lang sa jacket ko, higad na pala. Our dinner? Pakbet and adobo. Ang sarap, kumpleto sila ng gamit at masarap magluto ang cook. Busog lusog. Sulit na sulit ang pag akyat, hinding hindi ka magugutom sa kanila.
 Sangkap. Parang wala sa bundok. ehehhe
 Master Chef
Super hapdi at kati
Dahil na rin siguro sa sobrang pagod, kahit nagkakatuwan pa sila umidlip muna ako. Nagising ako umaga na, sunrise na.. ang pinakahihintay ko na time para sa pagkuha ng mga pictures.. Wala ng mumog mumog o hilamos, kase on the way na sila papuntang summit. So go na, pare pareho naman kaming walan hilamos. Mahirap din ang papuntan summit, it will take you 5mins, at magagamit mo talaga pati kamay mo sa pag akyat.. gapang na. halos 90deg na ang bundok. Kahit yung ibang mga boys sa sobrang steep at lakas ng hangin halos liliparin ka na, na chicken out na. But I manage to climb pa, sayang naman nandito na rin lang e, panindigan ang pagiging matapang.. ahahaha
View of camp site from the summit
 
And I guess I now know the answer why they wanted to climb mountains, ang sarap lang sa pakiramdam. Yung paghihirapan mo muna bago mo makita yung ganda. Iba ang feeling. Ang masarap pa, you never know what’s in store for you. When you’re on top, parang ang peaceful. Lahat ng worries mo nawawala sa mga nakikita mong tanawin. Parang na hit yung refresh button mo. And that time, that’s the thing I needed the most, to have peace of mind, my first step to repair something in me. 




After magmuni muni sa summit, bumaba na kami para mag prepare sa pagbaba ng bundok. Nakakaliw rin lang ang mga kasama naming at talaga dito napaisip ako na pwede naman pala talga yung travel light. Ahaha. Akalain mo nga nabitbit pa nila ang kusina nila sa bundok..
Kusina sa bundok.
We left the campsite at 1130am and we arrived at the registration at 230PM. At last pag dating sa baba, nakapagtoothbrush at nakaligo din.
Exploring things beyond your comfort zone with new people is definitely a great experience.
 
 
Considered the highest mountain of the province of Cavite, Mt. Pico De Loro (also known as Mt. Palay-Palay) is so called because of a unique rock formation near its summit.  Pico De Loro, in Spanish, means Parrot’s Beak.  It was said that the name was given by Spanish mariners who have used the mountain as a directional landmark whenever their galleons approach the port of Manila through Manila Bay.
Vital details
Height: 664+ MASL (meters above sea level)
Difficulty rating: 3 (out of a maximum of 9); Minor Climb
Located approximately 85 kilometers southwest of Manila by road, the mountain actually lies along the boundary of the provinces of Cavite and Batangas. - aboutph.com
 
 

Monday, June 17, 2013

Concealing...radiating only good vibes

Hindi dapat ito ang post ko, pero since nakarecieve ako ng isang text brigade, eto na lang.

One of my friend told me, mahirap alamin ang ugali ko, kase you know how to control your emotions, you know how to conceal. Napaisip naman ako don, really? And then naisip ko nga maybe… Because sometimes kung ano yung gusto ko lang ipakita sa iba yun lang. But, once I let out, dun na nagkakaproblema ulit, because when I open up, it’s really open.. and marami rami na rin ang nagtatake advantage..

Anyways, habang nag hihintay ako ng pagtila ng ulan kanina sa lobby, nakakulitan ko na naman si kuya guard, since halos walang nakaligtas sa delubyo sa company namin napag usapan naming ang mga empleyado at nahantong sa ganitong usapan…

Guard: ikaw ba Mam ilang taon ka na? me asawa ka na?

Me: (Ngumiti) Bata pa ako. I'm not married.

Guard: Ah siguro, ok ang lovelife mo. Feel na feel ko e. Kase lagi kang nakangiti at masaya.

Me: (thinking, really now...wow ha feel na feel. ahahaha.. kaloka si kuya, at dahil dyan ang linya ni layda pasok). Kuya, di ba pwedeng Inlove noon, nasaktan noon, at nakamove on na ngayon? Ahahaha
Natawa naman ako sa kanya, and naalala ko yung sabi ng kaibigan ko, I know how to conceal. Sa totoo lang e hindi naman talaga ako masaya at lalo naman ang puso ko ay hindi masaya, the last time I check, e nag rerecover pa sya sa pagkamatay.. ahahahah.. Ikaw na ang walang trabaho at the same time nasa ICU ang puso? Oha ahahhaha. Makakangiti ka pa ba?

But I think being happy is really a choice, yeah yeah… mahirap. Pero dyosmiyo… hindi ka naman ipinanganak para isumpa ng Dyos. There’s always something that could really make you smile and happy. I don’t know, but sometimes kelangan mo talagang tanggalin ang negative vibes. Kelangan laging nakangiti para dumapo ang swerte. And I have a lot of things to be thankful. My family na sumusuporta sayo kahit hindi nila alam ang emo mo sa buhay, friends… ang dami rin pala nila, na kahit hindi rin nila alam ang drama mo, sasabayan ka lang nila.. I got mulberry and lily.. anu pa ba? So i think mind setting rin lang naman ang buhay, at napatunayan ko na yan many times. Just think it will come and it will come and of course you MUST trust God.

Lahat kase sa engineering, anxious like my big boss.. katulad kanina, sabi nya “so ano na plano natin? Ano na gagawin natin?” ako naman taking it lightly, eat, sleep and pray.. eheheheh. Naiintindihan ko naman sila kase nga may family sila na kelangan nilang buhayin, well syempre big adjusments yan, kapag malaki ang kita then suddenly biglang wala ka na palang work? Pero sabi ko nga, let’s just wait and hope for the best.. hindi na kase natin hawak ang sitwasyon. Madali lang siguro ngang sabihin ito para sa akin kase nga wala naman akong pamilyang binubuhya, but my point lang is, be positive, there’s always a way.. Basta trust God, and do whatever you think is right..

Ayun lang, maybe people would think that I don’t have problems.. na ok lang ako.. but sometimes, I’m just focusing on something positive, dahil kung iisipin ko lahat ng frustration ko at pain, ay baliw baliwan na ako nyan. Mas masarap ang feeling ng nakangiti, at least you can influence others to smile. Sabi ko nga sa kanila, at the end of the month baka tayo na mamroblema nyan dahil di natin alam kung aling offer ang pipiliin natin.. eheheh

Friday, June 14, 2013

Marilaque – Ride with my brother

Lagi kong naririnig o nababasa sa forum ang Marilaque. Iniisip ko parang nadaanan na namin ito before when I have a Honda wave 7yrs ago. Kase ito yung way papuntang laguna coming from marcos hiway. I just can’t remember. Pero ang naalala ko, it was a long and winding road, na wala halos dumadaan.

Pero mukhang sikat na sikat na ito sa mga riders, dati kase forumer ako sa MCP at madalas kong mabasa na nag riride sila dito. And worst maraming namamatay na rider dito. Ginagawa kase itong track, maraming nag oover shoot kaya ayun, masaklap ang kinakalabasan. Challenging kase ang mga curves doon, kaya siguro marami ring mga baguhan na gustong sumubok.

At nang marinig ko na nagriride pala dito ang kuya ko, naiingit ako. Gusto ko talaga kaseng magride, ang problema wala naman akong kasama. Ayaw ko namang sumama sa mga club club, kase parang awkward, mahiyain kase ako. And then one day my brother invited me, because he bought a new motorcycle, a Honda CBR 150, magbbreak in daw sya for his next ride in Batangas. Kaya lang bago kami lumakad, napakarami pa nyang seremonyas sa akin, rule no. 1: hwag patanga tanga, at hwag na hwag kang sesemplang. Wow ha, ako pa. E baka mas magaling pa ako sa kanya.. ahaha.. Knowing him, hay nako, masakit sa ulo.. rules rules rules. I remember him teaching me how to drive a car.. ang daming sinasabi.
ETD: 530AM. Ang aga ha. Halos wala akong tulog as usual. Kase ako ay nocturnal yata talaga, I slept I think 2am in the morning. Being late, arrgghh forget it, pag kapatid ko ang kausap mo. You should always be on time. Masarap mag ride sa morning ang lamig ng hangin, ang sarap sa pakiramdam. Nag pa full tank muna kami bago magdiretso.
Noong nasa twisties na kami ng Marilaque, hinayaan nya muna ako to have a full speed, kase sya nagbbreak in palang, hanggang 60kph pa lang sya. It was awesome, the cool breeze of air, the scenery, nakaka amaze, I was going 100kph, pero pag dating sa curve, 60kph lang.. Mahirap na, baka kung saan pulutin. 60kph pa lang ang kaya ko sa curves. Then nag stop over muna kami for some pictorial..



 
 
Habang nag pipicture picture, ang daming riders. Nakakatuwa yung mga big bikes, ang bibilis nila, I think they are doing 80kph at curve or 100kph.. Ang sarap sa tenga ng tunog ng mga bikes nila. Parang nanonood ka ng nag raracing. Maraming nagriride dito to practise their racing skills because of the twisties. So dapat talaga doble ingat ka dito, hindi lang sa speed mo, kung hindi sa mga makakasalubong mo sa blind curves na mga racing wannabe. Yung mga nagoovershoot at highspeed, mabubulaga ka na lang may out of lane na ikaw na kasalubong, yun ang mahirap. Kaya doble ingat.
Maraming nadidisgrasya dito kase riders push themselves to the limit. Yung bang kahit bago pa lang, go na agad, excited masyado to do the stunts. Maraming nagppractise ng mga counter steertin, etc. that is beyond their limits. Kaya delikado pa rin ang lugar na ito, because of those riders na nagpapractise at hindi alam ang kanilang limitasyon. From my experience hindi naman mahirap mag ride dito, ang tanong na lang, how fast can you go? Kaya mo ba? Kaya ba ng motor mo?
Noong pauwi na kami, eto na at nakakaramdam na ako ng antok, ang sarap kase ng hangin ng tumatama sayo, kahit tirik ang araw, masarap pa rin kase mahangin. Nakakapagod lang sa wrist, kase sa accelerator, but the rest ok naman. Muntik pa akong maubusan ng gas noong nasa marcos hiway na ulit kami, buti na lang napatingin ako. Nakalimutan ko pang 4L lang nga pala ang capacity ng motor ko. Buti na lang. Ang everytime na nagmomotor ako, hindi mawawala na makakakita ako ng nadidisgrasya dahil sa motor, kaya pala traffic may nadisgraya na naman rider.  For all the riders out there, ingat po tayo and always, always wear safety gears.
It was really fun to ride with my brother. Isa ito sa mga bonding moments namin. Sana mas marami pang rides habang hindi pa sya umaalis ulit. Oh well, I’m dreaming of riding big bikes.. ehehehhe
 
From Wikipedia
The Marikina-Infanta Highway, also known as the Marcos Highway or Marilaque Highway (MARILAQUE stands for Manila-Rizal-Laguna-Quezon), is a scenic mountain 44-kilometer highway that connects Metro Manila with Infanta, Quezon in the Philippines.
The highway starts in Marikina City near Katipunan Avenue, the Loyola Heights segment of Circumferencial Road 5, in Quezon City It traverses the Marikina Valley and passes through Antipolo City, where it intersects the Sumulong, Highway (at Masinag). After Masinag the road starts its ascent towards the Sierra Madre, passing through Tanay, Rizal, finally to Infanta, Quezon.
 

 

Thursday, June 13, 2013

It was like a…Bomb

Oh well, we heard everything.. Hearsay? Would you believe that? Oh no. Yes, usap usapan naman na talaga sa office, that everything will end. SMCT will take over WTI. As far as I know, may lists na ng mga matatangal at babayaran. Dahil wala na e, pabagsak na talaga, and we’re just waiting for the announcement. And then finally, we received email, meeting at 930AM. Whoaw… maybe this is it..”The Verdict”.  I think I’m prepared. Whatever happens, ok lang. I have this positive outlook naman kahit ano pang mangyari.
But then, kahit pala gaano ka kaprepared, pagnanjan na.. ayun, it was like a bomb in your face. Them, informing you, that it is your last day.. whoa… then check is here, you need to sign this..blah blah blah.. to stop the financial bleeding, blah blah blah.. ok ok.. We got it.. But they leave us without a choice. Wow. Walang counter offer? Yung sabihin sa inyo na, Engineering will be dissolved? Oh wow.. kakabigla din ah, kahit alam mo na na ganun ang mangyayari. We we’re expecting na, re-alignment lang, since operator kami and of course mga regular employees kami. And we’re the one who built the network.. Unlike Sun and Smart, may transition talaga, and matagal... Hindi yung bibigyan ka ng sakit sa puso.
So, suicidal ba ito for SMCT? Anong plano nila? Kanino kami magtuturn over? Eheheh.. nakakalito na nakaktawa, na nakakakaba… Mixed emotions. Pero isipin na lang natin, na para kang nagresign pero may bayad.. eheheh.. Noong natapos ang meeting, I went straight to our room, and nandun si Director Bossing.. Actually hindi nama ako masyadong affected sa mga nangyayari, sabi ko nga nararamdaman ko na aalis ako sa WTI or feeling ko somewhere along the way, meron akong malilipatan.. Eto na ang pinakamatagal kong stay sa isang company.. ahahha.. Pero nun nakita ko si bossing, parang nalungkot ako para sa kanya.. KASe nga naman, it was a big blow talaga para sa management. I remember before ang angas pa nila sa SMCT pero ngayon, wala na.. Iba din when you’re earning a lot tapos biglang wala na… yung feeling mo na akala mo secure ka? Hindi mo talaga masasabi ang panahon. Sometimes it’s great, sometimes you’re at your worst day of your life.
But what can we do? Ganun talaga ang buhay.. Right now, we’re just waiting.. Since bayad naman na kami until end of June, and hindi na kami required pumasok, e di wag na lang pumasok.. Asikasuhin ang clearance.. But June, it would be a make or break. for me. I’m excited at the same time nervous kung anung mangyayari sa end of june. If option A is good, then ok.. If option B is good, I’ll go for it, but….. it will change… big adjustments for me.. but I know it will be worth it.
Hindi pa man halos nangangalahati ang 2013, napakarami ng pasabog sa buhay ko. Grabe. Minsan parang overloaded na ako sa mga surprises. Ako na ang winner, lahat na… surprises, adventure, heartache, sadness, pain, happy moments, good news, bad news, joy… hay naku, maloloka na yata ako.. But so far, I’m really proud of myself.. I’m still able to be happy and happy.. And for the past 5months, mas lalo kong nasasabi na I’m one hell of a strong woman.. wahahahahaha…
There’s a rainbow after the rain. I know there’s something better out there.. it happened before.. I just need to trust God.. So let’s always be happy even if we are in pain… it’s difficult but it’s possible.

Monday, June 10, 2013

Basta bago, pinipilahan…

Habang naglalakad sa High Street kanina, napadaan ako sa Happy Lemon. Napansin ko, walang pila, sabi ko sa kaibigan kong si Mia, wow wala ng pila. Naalala ko dati noong bago pa lamang ang mga milk tea sa Pilipinas, naku blockbuster ang peg ng mga stores. As in akala mo kung anung meron at napakahaba ng pila. Akala ko nga dati may buy 1 take 1, ehehehhe. Dati rati noong nagtatrabaho ako sa Hanoi, Vietnam, ito lagi ang libre sa aming ng mga nananalo sa poker. At doon ko talaga na appreciate ang Milk Tea or anything na Tea, kase mahilig talaga sila sa tea. Nagbibiruan pa kami noon na ganyan na lang ang gawin nating negosyo sa Pinas, tutal wala namang ganyan doon.

At ayun na nga pag uwi naming dito after a year, nagsulputan na bigla ang Milk Tea… Nauso ba. At dahil uso, wow ha, halos abutin ka ng 30min makainom lamang ng milk tea sa dami ng tao. Pero noong natikman ko naman, iba ang lasa, matabang.. masyadong maraming yelo and milk.. Walang kick ng tea.. (Pero may iilan naman na store na masarap).

Ganun yata talaga pag may bago or iba sa pandinig at panlasa.. Ang mga pinoy siguro talaga curious. Kaya minsan kahit di naman sila mahilig sa mga ganun, masabi lang na nakakasabay sa USO, go na.. Tulad noong dumating dito ang Krispy Kreme, aba ay pagkahaba haba ng pila… akala mo ay may namimigay ng isang kilong bigas sa barangay. J.Co na lamang… grabe talaga.

Pero tingnan mo ngayon, may pila pa ba? E yung ibang store nga halos wala namang costumer. Iba talaga ang pinoy minsan, makauso lang talaga..

Wednesday, June 5, 2013

FEUropa-V, 2013 (Grand Finals)

Eto na ang pinakahihintay…choosing the best among the best. Lahat naman kinakabahan at lahat naman magagaling, patibayan na lang ng loob yan..

The Finalists:
Bel Suono Chamber Singers (Manila)
Coro Tomasino (UST Conservatory of Music, Manila )
Dela Salle- Bacolod Chorale (Visayas)
GLORIA PATRI SINGERS (Quezon City)
Holy Angel University Chorale (Pampanga) – 1st Runner-up 2012

Legaspi City Singing Ambassadors (Bicol Region)
Neo Nocturne (Quezon City)
Philippine Normal University Chorale (Manila)
Technological Institute of the Philippines Choral Society (Manila) – Grand Champion 2012
University of Baguio Voices Chorale (Baguio)

Kahit sanay ka na magcompete iba pa rin pag nasa stage ka na. Nandun pa rin yung kaba, yung nakakanginig ng tuhod, nanlalamig na kamay.

And here’s the result: (Eto yung moment na sana matawag ka sa 3rd place, kase you know ang dami talagang magagaling)

 
Philippine Normal University Chorale – Grand Champion

Coro Tomasino – 1st runner-up

University of Baguio Voices Chorale – 2ndrunner-up

 
Kinda sad, but it’s ok… Puro university choir and nasa top. I guess we really need to adjust our rehearsal schedule. Medyo mahirap talaga para sa church choir ang magrehears na nakukumpleto, dahil sa mixed singers.. May students, nagwowork, may nanay, tatay, walang trabaho.. eheheh lahat na.  But I’m still proud… at least marami pa rin ang nag ppredict na kasma kami sa TOP 3.. We’re glad sa dami ng supporters talaga..

You can listen to our Recorded Performance, proud member of Gloria Patri Singers here.. J

Gloria Patri Singers sang CHUA-AY arranged by Prof. Fidel Calalang Jr. and Dies Irae composed by Zdnek Lukas. The Choir is conducted by Mr Ghysevert “Jay” Datugan Galon, an active PCDA member.
 
 

Tuesday, May 28, 2013

FEUropa-V, 2013 (Semi-Final Round)

Semi-Final round. Sa 21 choirs, number 18 pa kami. Huwaw ang daming choirs naman nito.  Out of 21, 8 lang ang papasok sa Finals, medyo nakakakaba, kase mga kilala at magagaling ang choir na kasali. Nationwide pa ito. Merong galing, Baguio, Bacolod, Lagazpi, Batangas, Bataan.  Wow, we didn’t expect na ganito pala karami ang sasali ngayong taon na to.. Nakakakaba kase yung feeling na, yung kanta naming Chua-Ay, parang never pa naperfect yung pag stamp. Pero ganun pa man, naniniwala pa rin kami sa isa’t isa na magagawa namin ng maayos. Let’s give justice to Sir Fidel’s creation… ehehehe

Habang naghihintay nagrerehears kami ng paulit ulit, pinapaganda pa yung mga pwedeng mapagandang part since during the competition day lang kami nakumpleto, and para nakabukas na ang mga lalamunan, kelangan magkakanta ng magkakanta. At para na rin hindi mo marinig yung ibang choir na nagrerehears, baka kabugin ang dibdib sa maririnig.. ehehehhe.

At eto na nga, contestant number 18. Pag labas sa stage, wow ang daming supporters.. Ang sarap lang sa pakiramdam na ang daming nag c-cheer sa inyo at maraming pumapalakpak… Nakakawala ng kaba. Sobrang nakaka boost ng confidence.  After makanta ang Chua-Ay (Filipino) at Dies Irae (European), dali daling kinuha ang recorder sa kaibigan at nakinig. And satisfied naman kami sa narinig namin sa recording. All is well.. :)

Pero ang pinaka ayaw ko at the same time pinakagusto kong moment yung tinatawag na ang 8 finalist.. ohmaygad… Yung kabog ng dibdib mo rinig na rinig mo, yung hindi ka mapakali sa kinatatayuan mo. Unang tinawag..

The De La Salle Bacolod Chorale
Philippine Normal University Chorale
Coro Tomasino
University of Baguio Voices Chorale
Neo Nocturne

Hayyyyy.. yung moment na  3slots na lang, hindi pa rin kami natatawag.. hay grabe sa kaba. Buti na lang sa pang 6th, natawag na kami, dahil kung hindi baka maihi na ako nyan sa kaba…

Gloria Patri Singers
Bel Suono Chamber Singers
Lagazpi City Singing Ambassadors

Weeee, at nakapasok na kami sa finals. Masarap lang sa pakiramdam na sa dami ng magagaling napabilang kami sa Finalists. Such an achievement for our choir. At salamat sa dami ng sumusuporta sa Gloria Patri Singers, sobrang nakakataba ng puso. Marami rin palang nakakaappreciate ng aming musika. 

Thank you Lord for all the Blessings.