Tuesday, July 9, 2013

Just when I befriend everybody

We always have our firstday at work, walang masyadong kilala, nangangapa sa trabaho, nakatunganga, di alam san kakain, anung gagawin. Pero siguro sa mga nalipatan kong company, hindi ako nahirapang magadjust. In 1week time, nakaadjust na ako at medyo may mga kaibigan at kakulitan na. Pero nabago ang lahat noon napasok ako sa 2298 Pasong Tamo. Iba ang aura, akala ko syempre sa umpisa lang. Pero lumipas ang isang linggo, hindi ko pa rin sila makausap. Simpleng hi and hello nga wala e. Simpleng ngiti sa hallway wala din. Mga tao ba talaga sila o naligaw lang ako? Ehehehe. Iba kase talaga, unlike sa ibang company, pag nakikita ka nila for a week, kahit papano nag ngingitian na kayo sa hallway. Take note pa ha, 10 lang kami sa isang room. Akalain mo nga naman. Alam ko medyo may kakulitan din naman akong tao, pero sa sitwasyon na yon, hindi ko yata nagawang mangulit or makipagkwentuhan. Akala nga nila seryoso akong tao. Kaya feeling kawawa ako doon pag absent ang partner ko sa TX, mag isa lang ako, alone na alone. Ehehehe. Kase sila yun tipong pag sumama ka naman, OP ka.. so wag na lang. Yung feeling na hindi ka welcome sa group nila.
Oh well, dumaan ang mga events kahit mag kakateam, parang wala pa rin. Ganun pa rin kami, papasok, magtatrabaho… Sabi ko nga oldies ang mga tropa ko dito. Ehehhe. Kase sila naman may family na, wala na yung mga tipong labas tayo, or let’s watch movie after office or tara shopping…
Pero ang nakakalungkot at nakakatawa lang, kung kelan wasak na ang working place namin, kung kelan nagkaron ng delubyo, tsaka ko ba parang naramdaman sila. Na tipong, “ay nakikipag kulitan na sila sa akin”.. Yung tipong, wow ha, nakakasama ko sila sa travel. Kung kelan naman nagkakaron na kami ng chance to get to know each other, tsaka naman nagkaron ng delubyo.. Nakakalungkot din in a way, kase I never thought I could really be close to them tapos hindi na pala kayo magkakasama. But just when you thought it’s over, hindi pa pala. I’m glad we still manage to keep in touch.. kahit watak watak na. Then yung mga kasama mo pa rin sa work, mas nagiging close kayo, kahit ngayon, mas marami akong circle of friends sa new work. Nakakatuwa lang iba talaga ang karanasan ko sa 2298… E sa bagong table ko nga ngayon, wala pa akong 1week pero na manage ko na makipagkulitan sa kanila, or maybe yung iba sa kanila ay kakilala ko na.
I’m glad those people na hindi mo rin inaakala na magiging kaclose or sabihin na nating nakakausap, e mas nakakausap mo na ngayon. Yung ramdam mo na sa kanila yung presence mo. Kase dati akala ko deads na ako tapos hindi ko lang alam kaluluwa na lang pala ako, kase parang wala akong presensya.. ahahahah..
Sad lang din na totally disbanded ang TX team.. tatatlo na nga lang kami hiwa-hiwalay pa. Pero sabi nga maliit ang mundo ng telecoms. I’ll see you around for sure. Thank you sa lahat Sir Warren, ang dami kong natutunan sa work and life. And kay Sir Bing na talagang handang magshare ng knowledge.
 
Pero sabi nga first impression won’t really last. And some people who you barely know would help you out when you need them. Pero hindi talaga ako friendly na tao.. eheheheh

4 comments:

  1. nakakatawa naman...nagpapakiramdamam lang pala tayo sa room hahaha - leo

    ReplyDelete
  2. Mabuhay ka RAzz. napanindigan mo ang pag ba-blog/ hehhe Tikey

    ReplyDelete
    Replies
    1. same as before.. when you sit on your table and have nothing to do... kaya naiisipang magblog.. ahahaha namiss ko na kayo TK... ahahhahah

      Delete
  3. Kadalasan sa snub eh masarap kaibiganin yan. Kelangan dapat mo lang unahan. Buti namn naging okay na din ang TX team.na disband nga lang.

    ReplyDelete