Friday, June 14, 2013

Marilaque – Ride with my brother

Lagi kong naririnig o nababasa sa forum ang Marilaque. Iniisip ko parang nadaanan na namin ito before when I have a Honda wave 7yrs ago. Kase ito yung way papuntang laguna coming from marcos hiway. I just can’t remember. Pero ang naalala ko, it was a long and winding road, na wala halos dumadaan.

Pero mukhang sikat na sikat na ito sa mga riders, dati kase forumer ako sa MCP at madalas kong mabasa na nag riride sila dito. And worst maraming namamatay na rider dito. Ginagawa kase itong track, maraming nag oover shoot kaya ayun, masaklap ang kinakalabasan. Challenging kase ang mga curves doon, kaya siguro marami ring mga baguhan na gustong sumubok.

At nang marinig ko na nagriride pala dito ang kuya ko, naiingit ako. Gusto ko talaga kaseng magride, ang problema wala naman akong kasama. Ayaw ko namang sumama sa mga club club, kase parang awkward, mahiyain kase ako. And then one day my brother invited me, because he bought a new motorcycle, a Honda CBR 150, magbbreak in daw sya for his next ride in Batangas. Kaya lang bago kami lumakad, napakarami pa nyang seremonyas sa akin, rule no. 1: hwag patanga tanga, at hwag na hwag kang sesemplang. Wow ha, ako pa. E baka mas magaling pa ako sa kanya.. ahaha.. Knowing him, hay nako, masakit sa ulo.. rules rules rules. I remember him teaching me how to drive a car.. ang daming sinasabi.
ETD: 530AM. Ang aga ha. Halos wala akong tulog as usual. Kase ako ay nocturnal yata talaga, I slept I think 2am in the morning. Being late, arrgghh forget it, pag kapatid ko ang kausap mo. You should always be on time. Masarap mag ride sa morning ang lamig ng hangin, ang sarap sa pakiramdam. Nag pa full tank muna kami bago magdiretso.
Noong nasa twisties na kami ng Marilaque, hinayaan nya muna ako to have a full speed, kase sya nagbbreak in palang, hanggang 60kph pa lang sya. It was awesome, the cool breeze of air, the scenery, nakaka amaze, I was going 100kph, pero pag dating sa curve, 60kph lang.. Mahirap na, baka kung saan pulutin. 60kph pa lang ang kaya ko sa curves. Then nag stop over muna kami for some pictorial..



 
 
Habang nag pipicture picture, ang daming riders. Nakakatuwa yung mga big bikes, ang bibilis nila, I think they are doing 80kph at curve or 100kph.. Ang sarap sa tenga ng tunog ng mga bikes nila. Parang nanonood ka ng nag raracing. Maraming nagriride dito to practise their racing skills because of the twisties. So dapat talaga doble ingat ka dito, hindi lang sa speed mo, kung hindi sa mga makakasalubong mo sa blind curves na mga racing wannabe. Yung mga nagoovershoot at highspeed, mabubulaga ka na lang may out of lane na ikaw na kasalubong, yun ang mahirap. Kaya doble ingat.
Maraming nadidisgrasya dito kase riders push themselves to the limit. Yung bang kahit bago pa lang, go na agad, excited masyado to do the stunts. Maraming nagppractise ng mga counter steertin, etc. that is beyond their limits. Kaya delikado pa rin ang lugar na ito, because of those riders na nagpapractise at hindi alam ang kanilang limitasyon. From my experience hindi naman mahirap mag ride dito, ang tanong na lang, how fast can you go? Kaya mo ba? Kaya ba ng motor mo?
Noong pauwi na kami, eto na at nakakaramdam na ako ng antok, ang sarap kase ng hangin ng tumatama sayo, kahit tirik ang araw, masarap pa rin kase mahangin. Nakakapagod lang sa wrist, kase sa accelerator, but the rest ok naman. Muntik pa akong maubusan ng gas noong nasa marcos hiway na ulit kami, buti na lang napatingin ako. Nakalimutan ko pang 4L lang nga pala ang capacity ng motor ko. Buti na lang. Ang everytime na nagmomotor ako, hindi mawawala na makakakita ako ng nadidisgrasya dahil sa motor, kaya pala traffic may nadisgraya na naman rider.  For all the riders out there, ingat po tayo and always, always wear safety gears.
It was really fun to ride with my brother. Isa ito sa mga bonding moments namin. Sana mas marami pang rides habang hindi pa sya umaalis ulit. Oh well, I’m dreaming of riding big bikes.. ehehehhe
 
From Wikipedia
The Marikina-Infanta Highway, also known as the Marcos Highway or Marilaque Highway (MARILAQUE stands for Manila-Rizal-Laguna-Quezon), is a scenic mountain 44-kilometer highway that connects Metro Manila with Infanta, Quezon in the Philippines.
The highway starts in Marikina City near Katipunan Avenue, the Loyola Heights segment of Circumferencial Road 5, in Quezon City It traverses the Marikina Valley and passes through Antipolo City, where it intersects the Sumulong, Highway (at Masinag). After Masinag the road starts its ascent towards the Sierra Madre, passing through Tanay, Rizal, finally to Infanta, Quezon.
 

 

4 comments:

  1. hanep! ang galing mo naman! you look so cool!

    ReplyDelete
  2. OMG! Pwede sumama sa ride nyo? mahilig din ako sa speed. wave lang din motor ko. pero sana maka bili ako ng bago noh. yung pwedeng molakas pa ang speed. hehehe. pero alam mo lahat ng accidents ko, below 20kph ako. hehehe kasi antok much

    ReplyDelete
  3. thanks mom cess... eheheh kung anu ano lang naiisipan.. :)

    ReplyDelete
  4. @phioxee,

    sure... yung sa akin Fino, limited speed lang din.. nakaka 110kph lang ako, and I think 120 lang limit nya.. gusto ko nga din ng big bike ang problema di ko yata kayang dalhin, mabigat.. eheheh... same here, yung mga accidents ko dati pag nakastop, or pag super bagal... ahahahaha...

    ReplyDelete