Monday, June 10, 2013

Basta bago, pinipilahan…

Habang naglalakad sa High Street kanina, napadaan ako sa Happy Lemon. Napansin ko, walang pila, sabi ko sa kaibigan kong si Mia, wow wala ng pila. Naalala ko dati noong bago pa lamang ang mga milk tea sa Pilipinas, naku blockbuster ang peg ng mga stores. As in akala mo kung anung meron at napakahaba ng pila. Akala ko nga dati may buy 1 take 1, ehehehhe. Dati rati noong nagtatrabaho ako sa Hanoi, Vietnam, ito lagi ang libre sa aming ng mga nananalo sa poker. At doon ko talaga na appreciate ang Milk Tea or anything na Tea, kase mahilig talaga sila sa tea. Nagbibiruan pa kami noon na ganyan na lang ang gawin nating negosyo sa Pinas, tutal wala namang ganyan doon.

At ayun na nga pag uwi naming dito after a year, nagsulputan na bigla ang Milk Tea… Nauso ba. At dahil uso, wow ha, halos abutin ka ng 30min makainom lamang ng milk tea sa dami ng tao. Pero noong natikman ko naman, iba ang lasa, matabang.. masyadong maraming yelo and milk.. Walang kick ng tea.. (Pero may iilan naman na store na masarap).

Ganun yata talaga pag may bago or iba sa pandinig at panlasa.. Ang mga pinoy siguro talaga curious. Kaya minsan kahit di naman sila mahilig sa mga ganun, masabi lang na nakakasabay sa USO, go na.. Tulad noong dumating dito ang Krispy Kreme, aba ay pagkahaba haba ng pila… akala mo ay may namimigay ng isang kilong bigas sa barangay. J.Co na lamang… grabe talaga.

Pero tingnan mo ngayon, may pila pa ba? E yung ibang store nga halos wala namang costumer. Iba talaga ang pinoy minsan, makauso lang talaga..

2 comments:

  1. Agree parang Buko Shake lang halos every kanto merong buko shake,

    ReplyDelete
  2. ;-) xempre para makiuso din. at masarap din naman yun

    ReplyDelete