Monday, December 18, 2006

Manood tayo...

I'm inviting all of you to watch and support us on our contests on Dec. 20-22.
Dec 20: Vivere Suites at alabang (elimination 4pm)
Dec 21: Chorale Fest 'Tis Christmas at UST Medicine Auditorium (finals 7:30PM)
Dec 22: Vivere Suites at alabang (finals, hope we can make it to the finals :) )
May solicitation din kami para sa mga costumes namin, kaya kung sinong gustong magdonate, message nyo lang ako.. hehehehe.
Kinakaharap namin ang matinding pagsubok ngayon, dahil ang isang myembro namin ay may sakit sa kasalukuyan.. Sana gumaling na sya at makasama, dahil napakalaking factor pag wala sya... suicide ito, pag pinilit naming magcompete ng wala sya.. We're all praying for her...
Nga pala naging maayos naman ang result ng unang simbang gabi namin.. sabi nga ni MD:
I commend you guys for your courage and spirit. It may not be perfect as we want
it but still we did it good. Kudos! Let's keep it up!

Saturday, December 16, 2006

Dumaan lang... napepressure ako...

Hay naku... Medyo wala na ko time para sa blog.. I need to finish all my deadlines sa office before mag Dec. 20, kase magleleave ako ng 20-22 (3 days yun), sana maapprove..

Gabi gabi kami nagrerehearsal para sa competition, grabeng nakakapagod, kase late na kami natatapos.. wala ng tulugan to..

At mamya ay simula na ng simbang gabi, naimbitahan ang choir namin ng isang kaibigang pari na kumanta sa parokya nila. Kaya heto, 1am na kami natapos ng rehearsal para sa kakantahin sa simbang gabi.. Sa kasamaang palad nagkasakit ang isang soprano na gumagawa ng obligato, unfortunately sa akin ipinagawa... waaahhhh.. nakakapressure. Ayoko ng ganito, ok sa akin yun kung medyo may isang araw pa... waaahhh.. kaya heto, nag-aaral ng cd kahit 2am na, 3am ang kita kitas.. waaahhh..

Ang nakakaasar pa hindi ko marehears ng maayos, kase hindi ako makakanta, baka batuhin ako ng kapit bahay sa ingay... hayayay...

Maging maayos sana ang lahat....

Thursday, December 7, 2006

Weirdo, I don’t think so..

Medyo mahaba na naman ang vacation ko, and it’s so scary. Sometimes I’m crying to death because of too much work, now I have a lot of free time, and when I have a lot of free time, for sure the next thing is going to be hard.

Right now, we have a choice; we can work at home, on call, you can report to office anytime you want, it’s because we’re not that loaded as of now. I choose to stay at home, it’s convenient for the broke like me.. (hehehe) So bahay ko, office ko. I can move freely, but if there’s a deadline, naku, feels like I’m still at the office rushing. Kanina, I wasn’t able to eat lunch on time, because I have to rush things.. Maya’t maya tumutunog ang telepono.

Well too much for that, I’ve been thinking if I’m really nuts. My close friends, always tell me that I’m crazy, but it’s hard to believe.. I’m NOT. My friend Mia, once said that I’m crazy because I’m accessing my computer at 5am, yes, I’m doing that for the longest time. So what?? I’m doing that, kase nun time na nakadial up pa ako, it’s free time pag ganong oras, so kahit antok na antok pa ako, I don’t care, as long as I can have internet connection for free, wala pang hassle sa phone.. (hindi pa uso sa akin ang blog that time.) And I always told her not to send me forwarded messages in my mails, gusto ko yung wala lang.. and she told me I’m really nuts.. whew!

I don’t know, I’m an addict I guess, with my computer. It’s my routine before, I’m going to sleep at 12midnight and wake up at 3am for internet. Well, I guess this is my comfort zone, marami kong nagagawa in front of my PC, sometimes I caught myself just starring at my monitor..

When I don’t have work, and I don’t have any plans to go out (mall, movies, hang out, dinner), just look at my room, I’m there in front of my PC. Sometimes I forgot to taka a bath (hahahaha). Mia would shout in the drive way to come over, and I would realize, hindi pa ako naliligo, naaliw na naman sa computer. Of course she won’t wait for me, she knows, kung gano ako katagal maligo. Sometimes she doesn’t have a choice, naawa rin sa akin, she’ll pull me on my chair and throw me towel.. Hahahahaha.

My bestfriend always yelled at me when she came here, and see me in front of the computer, she yells because she knows, I haven’t eaten yet. And she would check at night if I’m using the internet, sasabihin non, puyat na naman ako. The last thing I know, we’re arguing about it.

Even my brother would knock at my door, and say, hey maawa ka sa mata mo, lumuluwa na.. (syempre excited ako nun nagshift na ako to broadband). So what more now, na nauso ang blogging sa akin at unlimited pa account ko sa internet at mabilis? Figure out guys… :)

So guys, Am I nuts?

Mukha bang crazy??

Monday, December 4, 2006

Sad but eventually happy (part 2)

Ang dami kong naisip na dahilan kung bakit hindi kami na kapasok, siguro kase, may taong masama ang loob sa choir, basta hindi kami as one nagcompete, napakalaking factor nito sa group.

Nakakalungkot isipin na may taong galit na galit syo, na hindi mo alam. Yung sa halip na susuportahan ka, hihilahin ka sa baba.. Inggitan and all.. Nakakalungkot.

Before the competition, we took the exam, individual singing, kase yun first competition, maximum of 15 members, 22 kami lahat, so you better perform well during exam kung gusto mong makasama. I did pretty well sa exam, and I landed on top 6. 100% pasok ako. Hindi maiiwasan na may maiiwan na members, but all the members na naiwan, naintindihan nila and they are very supportive except for this one person.

I don’t know why she’s so mad at me because I was one of the selected performers. Lahat na yata ng masasakit na salita sinabi nya sa akin, (habang nakatalikod ako) wala naman akong ginagawa sa kanya. It’s the decision of the Musical Director not mine. And besides, pangit ang result ng exam nya, kahit i-review pa sa video. Maikli ang pasensya ko pero somehow mahaba pa rin, I just keep quite, sige bahala kang magmaktol dyan, ang nakakaasar pa pag nadyan ako, hindi naman nya ako inaaway.. isang malaking Plastic. It really affect the group and somehow naapektuhan ako. Nalulungkot ako na parang pinipray pa nya na hindi ko ma hit yun part ko sa ending. Hindi naman ako ang mapapahiya pag hindi ko nagawa yun, GPS ang mapapahiya. Pero I understand medyo maluwag kase ang isang turnilyo nun kaya hindi ko na pinapatulan. And besides, hindi ko dati part yun, kumbaga na elevate lang ako, tas ako na yung taga birit sa last part, meron kase dating gumagawa nun, lyric soprano ito, magaling.. galit na galit din sya dati don, no wonder galit sya sa akin ngayon.

At dahil sa mga ganyang asal, muntik na i-cancel ng MD ang upcoming competitions. Nawindang na naman kaming lahat.. Hay, sayang ang ipinatahing damit. Isa pang nakakalungkot, hindi kami OK ng bestfriend ko (parehas kaming nasa choir)

Kaya heto, dumating ang Tuesday, walang tawag.. Lahat ng members, halos walang gana, pati kanya kanyang trabaho, affected. And we’ve heard tinawagan na ang isang choir. Wala na talagang pag-asa. Wednesday, hindi na kami nakatiis ng bestfriend ko, kinuha namin ang number ng PREX, para matahimik na kami at wala ng what if at matigil na rin kami kaka hope, kung hindi talaga pumasok, tatanggapin namin. Finally we phoned PREX. Kunwari friend kami ng GPS. Ask namin kung nakapasok ang GPS, tawag daw kami after 10min, coconfirm pa nya sa list.

Feeling ko isang taon ang 10minuto, hindi na kami mapalagay, sumapit ang 10minutes.. “ah GPS ba, nasa list kayo, makukuha nyo ang contest piece on Dec.10”. Pagkababa na pagkababa ng phone, as in sigawan talaga kami……… waaahhh…tumambling tambling pa kami sa kama, na parang mga walang muang sa mundo na nagsisisigaw. hindi lang pala naasikaso… Nak ng pating naman oo, wooooooooooooooooohhh, pasok kami. LAhat ng mimyembre nabuhayan, txt dito txt doon, para sa good news.. Hay, God is good. Sabi nga ng isang member na optimistic, hangga't hindi dumarating ang dec. 10, pasok pa rin tayo, kase ang distribution ng contest piece for the finals ay dec. 10.

Kaya heto, sa kabila ng mga problema, may reason pa rin ako para maging masaya. Kaya ngayon puspusan na naman ang aming pag-eensayo. Ang haba ng entry na ito, isa pa palang reason to be happy, naka DSL na ako sa house, goodbye dial-up.. yahoooooooo… and finally, ok na kami ni bessy.. wehehehehehe.

Saturday, December 2, 2006

Sad but eventually happy (part 1)

Kakapagod ang competition. We’ve been a competing choir for two years now. We already won the Himig Pasko last year, district division and land in First Place on the Final Night. And here we go again, Christmas season is approaching kaya heto kami at naghahanap na naman ng competition, at pinaghahandaan ang pagbabalik. We need to have a title this year, and we are all excited with high spirit. Sabi ko nga dati mataas ang pangarap namin, we wanted to compete globally..hehehehe.

First competion, at starmall last Sunday, unfortunately we didn’t have any place. But that’s ok, we know that the competition was not that… “you know” judges were not a musician in the first place. Even the other choir, ang mahigpit naming kalaban, at kilalang choir na magaling ay hindi rin nanalo kahit anong place.. hahaha.

Then ang pinakaabangan ang audition, mas prestigious ang contest na ito, kaya talagang pinaghandaan namin.. Winners will get a recording and cash, whouh! Abot abot ang aking kaba, dahil may part ako sa kanta na “bituin walang ningning”, kelangang mahits (there’s a story behind hits), whatever it takes..

Tatlo ang kakantahin namin, Christmas song (Diwa ng Pasko), mellow (Let it be me), grandioso (Bituin walang nining). Nasobrahan na yata ako ng pagod, sumabay pa ang sakit ng ulo ko… waahh, nauna kase un competition sa starmall. Kahit uminom ako ng gamot, wah effect, psychological lang yata ang pagsakit ng ulo ko. Hanggang sa dumating kami sa venue, sakit pa rin ulo ko.

At bonga ang audition naka video pa, (they used it para talagang maevaluate ng husto ang mga contestants) hay, medyo kinabahan ulit ako. After a while, simula na, sound check muna, sound check again, pero bakit parang hindi na pinutol ng conductor namin ang song, dirediretso na ito, hindi pa nakaset ang mind ko na game na, na paghahandaan ko ang ending nito, para sa high note.. my gosh, patapos na parang ayaw kong ibigay ang tono ko.. waaahh. Nagawa ko naman sya, pero at the back of my mind, game naba yun, db sound check pa lang, kase I’m not confident sa ginawa kong last note.. Sabi naman nila, perfect.. ok.

Natapos ang tatlong kanta.. Kinausap na ang conductor namin ng mga judges(I dunno kung judges sila).. Then pinaulit ulit ang “bituin..” waaahhh, I cant stand the pain.. sakit na ng ulo ko. Ulitin daw namin kase hindi nila navideo ng buo.. kinabahan na naman ako, kase I feel so tired, baka hindi ko na ma-hit ang last note.. bahala na, basta focus lang. It ended well. They say mas ok yun hit ko ng pangalawa, mas feel ko naman din yun second time. Usap-usap na naman, tatawagan daw nila kinabukasan ang lahat ng nag-audition na nakapasa. Sabi ng isang facilitator, we’ll definitely call you, wow, syempre medyo naging condifent na kami na pasok kami, and they give some pointers to improve..

Kinabukasan, ang saya ko pa bago pumasok. When I got to the office I’ve heard some bad news, nalungkot ako bigla.. Malungkot na ang buong araw, feeling ko kabikabila problema. Dumating ang gabi, wala akong narecive na txt from my brother(he’s the president of GPS) na congratulations, meaning walang nagtxt from PREX(pinag-auditionan) na nakapasok kami. Waaahh, I’m really sad, kala ko kahit papano magiging masaya ako at the end of the day, lalong bumigat ang pakiramdam ko. Wala na akong nagawa kundi ang umiyak..

But still, I’m hoping na matatawagan kami, hindi ko alam kung bakit hindi kami tatawagan, we did our best.. (to be continued)