Saturday, December 16, 2006

Dumaan lang... napepressure ako...

Hay naku... Medyo wala na ko time para sa blog.. I need to finish all my deadlines sa office before mag Dec. 20, kase magleleave ako ng 20-22 (3 days yun), sana maapprove..

Gabi gabi kami nagrerehearsal para sa competition, grabeng nakakapagod, kase late na kami natatapos.. wala ng tulugan to..

At mamya ay simula na ng simbang gabi, naimbitahan ang choir namin ng isang kaibigang pari na kumanta sa parokya nila. Kaya heto, 1am na kami natapos ng rehearsal para sa kakantahin sa simbang gabi.. Sa kasamaang palad nagkasakit ang isang soprano na gumagawa ng obligato, unfortunately sa akin ipinagawa... waaahhhh.. nakakapressure. Ayoko ng ganito, ok sa akin yun kung medyo may isang araw pa... waaahhh.. kaya heto, nag-aaral ng cd kahit 2am na, 3am ang kita kitas.. waaahhh..

Ang nakakaasar pa hindi ko marehears ng maayos, kase hindi ako makakanta, baka batuhin ako ng kapit bahay sa ingay... hayayay...

Maging maayos sana ang lahat....

1 comment:

  1. Alam ko rin yang soprano..dagdag mo pa yung tenor, alto at bass...hehehe. Napipilitan akong aralin yan para kay Josh kahit walang hilig ang music sa akin. Bakit kasi meron pang music yung MAPE subject nila, pati tuloy ako napapakanta ng di oras.

    ReplyDelete