Monday, June 17, 2013

Concealing...radiating only good vibes

Hindi dapat ito ang post ko, pero since nakarecieve ako ng isang text brigade, eto na lang.

One of my friend told me, mahirap alamin ang ugali ko, kase you know how to control your emotions, you know how to conceal. Napaisip naman ako don, really? And then naisip ko nga maybe… Because sometimes kung ano yung gusto ko lang ipakita sa iba yun lang. But, once I let out, dun na nagkakaproblema ulit, because when I open up, it’s really open.. and marami rami na rin ang nagtatake advantage..

Anyways, habang nag hihintay ako ng pagtila ng ulan kanina sa lobby, nakakulitan ko na naman si kuya guard, since halos walang nakaligtas sa delubyo sa company namin napag usapan naming ang mga empleyado at nahantong sa ganitong usapan…

Guard: ikaw ba Mam ilang taon ka na? me asawa ka na?

Me: (Ngumiti) Bata pa ako. I'm not married.

Guard: Ah siguro, ok ang lovelife mo. Feel na feel ko e. Kase lagi kang nakangiti at masaya.

Me: (thinking, really now...wow ha feel na feel. ahahaha.. kaloka si kuya, at dahil dyan ang linya ni layda pasok). Kuya, di ba pwedeng Inlove noon, nasaktan noon, at nakamove on na ngayon? Ahahaha
Natawa naman ako sa kanya, and naalala ko yung sabi ng kaibigan ko, I know how to conceal. Sa totoo lang e hindi naman talaga ako masaya at lalo naman ang puso ko ay hindi masaya, the last time I check, e nag rerecover pa sya sa pagkamatay.. ahahahah.. Ikaw na ang walang trabaho at the same time nasa ICU ang puso? Oha ahahhaha. Makakangiti ka pa ba?

But I think being happy is really a choice, yeah yeah… mahirap. Pero dyosmiyo… hindi ka naman ipinanganak para isumpa ng Dyos. There’s always something that could really make you smile and happy. I don’t know, but sometimes kelangan mo talagang tanggalin ang negative vibes. Kelangan laging nakangiti para dumapo ang swerte. And I have a lot of things to be thankful. My family na sumusuporta sayo kahit hindi nila alam ang emo mo sa buhay, friends… ang dami rin pala nila, na kahit hindi rin nila alam ang drama mo, sasabayan ka lang nila.. I got mulberry and lily.. anu pa ba? So i think mind setting rin lang naman ang buhay, at napatunayan ko na yan many times. Just think it will come and it will come and of course you MUST trust God.

Lahat kase sa engineering, anxious like my big boss.. katulad kanina, sabi nya “so ano na plano natin? Ano na gagawin natin?” ako naman taking it lightly, eat, sleep and pray.. eheheheh. Naiintindihan ko naman sila kase nga may family sila na kelangan nilang buhayin, well syempre big adjusments yan, kapag malaki ang kita then suddenly biglang wala ka na palang work? Pero sabi ko nga, let’s just wait and hope for the best.. hindi na kase natin hawak ang sitwasyon. Madali lang siguro ngang sabihin ito para sa akin kase nga wala naman akong pamilyang binubuhya, but my point lang is, be positive, there’s always a way.. Basta trust God, and do whatever you think is right..

Ayun lang, maybe people would think that I don’t have problems.. na ok lang ako.. but sometimes, I’m just focusing on something positive, dahil kung iisipin ko lahat ng frustration ko at pain, ay baliw baliwan na ako nyan. Mas masarap ang feeling ng nakangiti, at least you can influence others to smile. Sabi ko nga sa kanila, at the end of the month baka tayo na mamroblema nyan dahil di natin alam kung aling offer ang pipiliin natin.. eheheh

12 comments:

  1. ngayon ko lang to nabasa kahit palagi ako nag edit ng layouts hahaha, nakakatawa c manong guard tumpak hahaha

    may pinagdadaanan ang guard ate raz hahaha

    ReplyDelete
  2. ei raz :D ngaun lang ulit ako nakabisita! nice naman!

    ReplyDelete
  3. @alj - eheheheh.. di ko pa nasesend un mga pics.. busy mode sa gala.. ahahaa

    @gerry - ehehe back to blogging... nakakatuwa talagang magblog.

    ReplyDelete
  4. Ang positiv mo naman. Para nasa harapan lang kita at nagpapayo. Feeling ko nga ako kinakausap mo. (Relate much lang.)

    At ang chismoso ni kuya guard. Hahaha

    ReplyDelete
  5. @phioxee.. ahahahah nagpopositive positivan lang.. naloloka na kase ako. lalo na ngayong araw na to.. grabe ang 2013.. ahahahha

    ReplyDelete
  6. sakto to sakin ngayon :) salamat sa post mo at naisip ko di pala ako nag-iisa.... Natawa ako sa linya ni Laida, na until now di ko pa pala napapanuod

    ReplyDelete
  7. It's nice to focus on the positive side and there will always be something to be thankful. Maybe this is the reason you radiate.

    ReplyDelete
  8. This is a great attitude. I am all for positivity too but I know it can be hard especially if we are down on that day. Coincidentally, I also reading this book by Joyce Meyer called Living Beyond Your Feelings. Hoping to learn more how to control my volatile feelings

    ReplyDelete
  9. Happiness is a choice.:) Buti nalang positive person ka:)

    ReplyDelete
  10. Ayus ang banat ni manong guard ah. Haha!

    Anyway, stay positive nalang din talaga kahit maraming negativity sa paligid. Talo ka din kasi kung padadala ka sa iba. Ikaw yan eh. And besides, happiness is just a state of mind ika nga. You can always be happy. Just choose it!

    ReplyDelete
  11. Ganyan naman talaga dapat always think and stay positive para mawala ang nega and bad vibes :)

    ReplyDelete