Semi-Final round. Sa 21 choirs, number 18 pa kami. Huwaw ang daming choirs naman nito. Out of 21, 8 lang ang papasok sa Finals, medyo nakakakaba, kase mga kilala at magagaling ang choir na kasali. Nationwide pa ito. Merong galing, Baguio, Bacolod, Lagazpi, Batangas, Bataan. Wow, we didn’t expect na ganito pala karami ang sasali ngayong taon na to.. Nakakakaba kase yung feeling na, yung kanta naming Chua-Ay, parang never pa naperfect yung pag stamp. Pero ganun pa man, naniniwala pa rin kami sa isa’t isa na magagawa namin ng maayos. Let’s give justice to Sir Fidel’s creation… ehehehe
Habang naghihintay nagrerehears kami ng paulit ulit, pinapaganda pa yung mga pwedeng mapagandang part since during the competition day lang kami nakumpleto, and para nakabukas na ang mga lalamunan, kelangan magkakanta ng magkakanta. At para na rin hindi mo marinig yung ibang choir na nagrerehears, baka kabugin ang dibdib sa maririnig.. ehehehhe.
At eto na nga, contestant number 18. Pag labas sa stage, wow ang daming supporters.. Ang sarap lang sa pakiramdam na ang daming nag c-cheer sa inyo at maraming pumapalakpak… Nakakawala ng kaba. Sobrang nakaka boost ng confidence. After makanta ang Chua-Ay (Filipino) at Dies Irae (European), dali daling kinuha ang recorder sa kaibigan at nakinig. And satisfied naman kami sa narinig namin sa recording. All is well.. :)
Pero ang pinaka ayaw ko at the same time pinakagusto kong moment yung tinatawag na ang 8 finalist.. ohmaygad… Yung kabog ng dibdib mo rinig na rinig mo, yung hindi ka mapakali sa kinatatayuan mo. Unang tinawag..
The De La Salle Bacolod Chorale
Philippine Normal University Chorale
Coro Tomasino
University of Baguio Voices Chorale
Neo Nocturne
Hayyyyy.. yung moment na 3slots na lang, hindi pa rin kami natatawag.. hay grabe sa kaba. Buti na lang sa pang 6th, natawag na kami, dahil kung hindi baka maihi na ako nyan sa kaba…
Gloria Patri Singers
Bel Suono Chamber Singers
Lagazpi City Singing Ambassadors
Weeee, at nakapasok na kami sa finals. Masarap lang sa pakiramdam na sa dami ng magagaling napabilang kami sa Finalists. Such an achievement for our choir. At salamat sa dami ng sumusuporta sa Gloria Patri Singers, sobrang nakakataba ng puso. Marami rin palang nakakaappreciate ng aming musika.
Thank you Lord for all the Blessings.
No comments:
Post a Comment