Tuesday, May 14, 2013

Election 2013 - High Blood mode



Eto na naman tayo, karamihan highblood sa resulta ng eleksyon. Pag iisipin mo nga naman ang daming nag rant sa results sa online world, pero bakit marami pa rin ang nahahalal na sa tingin naman natin ay hindi karapat dapat?

                Marahil napakarami talaga ng nasa class D and E na voters, yan yung mga sinasabi nating mahihirap at hindi nag iisip. Iniisip ko nga feeling ko nga class D rin ako e… Di naman ako mayaman.. ehehehe… Nahighblood talaga ako sa pulitika sa aming bayan ng Marinduque. Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit hanggang ngayon mga Reyes pa rin ang namamayagpag sa itaas. Wow ha, landslide ito, as in… kaya nakakapag init lalo ng ulo.. Sobrang grabe na ba talaga ang bayaran sa bayan ko? OMG, hindi pa ako pinapanganak, kandidato na yan e, e baka hanggang sa kabilang buhay kumandidato pa rin sya.. 

                Anu na bang nangyari sa Marinduque? Wala. 15years na akong naninirahan sa Maynila, umuuwi lang pag sembreak at ngayon pag bakasyon sa trabaho. Aba naman, buti pa dati every Christmas and New Year lang walang kuryente, aba ngayon araw araw, fan yata sila ng earth hour… susme talaga. Sa tuwing umuuwi ako, ang provincial road, hindi na natapos sa pag gawa, yung kalye nga sa amin kung anu yung dinadaanan ko before, ganun pa rin hanggang ngayon. Kung tutuusin dapat maganda ang Marinduque dahil virgin Isaland ito, maraming magagandang isla na i-explore. Pero nangyare?? Substandard  ang mga kalye kaya madaling masira. Laging brownout kaya malulugi ang negosyo mo dito. Ang mga bilihin, kamusta naman ang mamahal.. lalo na ang mga seafoods, to think na isla tayo, dapat nga mura na lang.. Pero san ba nangagaling ang mga yan, kinukuha pa sa Lucena.. Ang mga gulay sa divisoria pa binibili.. Hay naku ang sakit sa ulo…. Uso na rin ang nakawan na dati dati naman kahit naiwan mo ang wallet mo sa palengke, sigurado maibabalik sayo yun. Uso na ang mga adik. Dati takot akong maglakad sa gabi dahil baka may mumu, ngayon takot na akong maglakad sa gabi dahil baka may adik..

                So anung nangyare sa gobyerno dito? Forever na lang ba kayong manghuhuthot ng pera na bayan? Namulat talaga ang mata namin sa bayaran dyan, nung nagtangkang kumandidato as brgy. Captain ang father ko, may pagka popular naman ang tatay ko at maganda ang public record. Pero dahil wala naman kaming perang ipamimigay sa mga tao, aba bumaliktad sa halagang isang libong piso. Pero kung iisipin mo nga naman malaking bagay na ang isanglibong piso para sa aming probinsya, ilang kilong bigas na rin iyon, yun ang masakit sa lahat, puro band aid solution tayo, yung pangmadaliang ginhawa.. hindi natin naiisip yung future.. pero sino ba talaga ang dapat sisihin sa lahat?? Iniisip ko nga pano na ba talaga tayo?   

                Sobrang nakakalungkot lang na Reyes na naman ang nahalal as Governor, sayang si Doc UY, maaring corrupt din sya pero ang pinakamahalaga yung pag babago. Mas mainam na yung mag take chance ka sa iba, kesa yung sa alam mo na na walang magagawa kundi pansarili lamang.. Nakakalungkot na wala pa sa kalahati ng boto ni Reyes and bumoto kay Doc Uy.. kamot na lang tayo sa ulo..

                Same here in Manila, juice ko po… Erap para sa mahirap, baka maghirap na tayo nyan pare pareho.. Headache talaga..

No comments:

Post a Comment