Not so good start of the week… since top 3 ako sa late sa buwan ng January na hindi ko alam kung ano na naman ang pakulo nila at naisipan nilang mag check ng time in… sa pag kakaalam ko na-orient kami na walang bearing kung malalate kami, as long as natatapos namin ang mga dapat gawin. Madali naman ako kausap e… tapos biglang maglalabas sila ng wala na daw ganun? Weh… kaya naman eto ako ngayon at kinakailangang makasakay at makipag siksikan sa pang alas otso kinse na tren..
Pero sadyang minamalas ata ang lunes ko, walang tren ng 8:15 inaayos pa daw… akala ko naman mga 830 me dadaan na, so safe pa rin ako..di pa rin ako malelate.. Maya maya lamang nag announce na naman, and dadaan na tren ay pang alas 8:45 na madalas ko naman nasasakyan dati nun wala pang issue sa late daw. Sa 845 kase ay may pag asa pa akong hindi malate, kadalas buzzer beater ako pag 845.. un tipong nasa lobby ako ng first floor, 914 na… isang minuto na lang para makatakbo ako at umabot sa 915. Subalit sadyang hindi maganda ang araw, announcement ulit, ordinary na tren ang dadaan, walang aircon.. Whattttttttt??? Naiimagine ko na ang amoy pawis sa loob ng tren, na hindi mo na maintindihan kung anong klaseng amoy meron ka pag dating mo ng opisina kung mukhang tao ka pa ba, amoy bagong ligo ka pa ba? Kahit yata magbuhos ka ng isang bote ng pabango pag sa ordinary ka napasakay ay mababalewala lang… at ang napakasikip na pinto na parang dumadaan ka sa butas ng karayom bago makapasok ay goodluck talaga… halos isang oras ang tren na ito mula Espana hanggang Edsa, samantalang ang aircon na tren ay 25min lang. Sa isip isip ko malamang mag top 1 na ako nito sa late. 845 dumating na ang choo choo tren, dahil sa dami ng tao, at sobrang liit ng pinto, walang nakasakay sa mga kaumpukan ko.. galit na galit yung isang babae kase ayaw pumasok sa loob ng mga nasa may pintuan sa loob ng tren, kase nga naman medyo may space pa naman sa gitna. Hay kakaloka talaga ang PNR paminsan minsan…
Wala na akong magawa kundi maghintay na lang ng susunod na tren. Buti na lang maluwag yung 915 yung nga lang uber late na ako. Time in 950… hayyyyssss