Oh God.. This is the worst scenario of a traveler… Hay naku wala ata akong kadala dala o may sumpa ang flight ko pag ang destination ko ay boracay. It happened to me before, me and my bestfriend, hindi ko na anticipate ang oras, our flight was so early and we arrived 15min before the flight and hindi na kami na allow to be on that flight… arrrgg.. Rebooking cost around 1.2k each yata that time… and here I am again… bakit ba ako nalate? Waaahhhhh
I’m travelling alone; my family was already at boracay last Wednesday. Tinitipid ko ang vacation leave ko kase next week leave na naman kase uuwi kami ng probinsya with my bakasyonistang kapatid. Wednesday night, I got home at 10pm, prepare my things and all, finished packing my things at 2am.. I still have 1:45min para matulog. Sumagi na sa isip ko na baka hindi ako magising kase super pagod din ako, kaya minabuti kong ilayo ang cellphone ko and nag dalawang beses pa ako ng alarm.. I checked it twice baka kase mali yung oras na nilagay ko… Then natulog na ko, hindi ko alam kung anung nangyari pero nagising ako 525 na pero hawak hawak ko ang phone ko… my flight was 6:15am.. OMG gusto kong maiyak…kahit anung tumbling ang gawin ko hindi ako aabot… Inaway ko pa bestfriend ko na nasa room ko natulog dahil hindi nya ko ginising.. wahhh.. ni hindi nga daw nya nalaman na nag alarm ako…
Walang ligo ligo, go na agad… I just need to be there, kesa naman sa no show ako, forfeited ang ticket ko nun… ang tagahatid ko tulog din… pati sya wala ng hilahilamos.. ahahahha… Nakarating ako sa airport at 620am.. punta agad sa ofis ng cebu pac, hay naku mapapabayad na naman ako. Narebook naman ako ng 935am, 1.6k ang binayaran ko for rebooking, admin fee at kung ano anu.. hay parang lumalabas nasa 8k ang ticket ko balikan… wow ang gastos.. Same scenario 2years ago, walang kadala dala.. kakaloka…
Oh well, wala na akong magagawa kaya nagkape na lang at naghintay ng flight ko.. L