Coffee is my life. Parang I can’t live without coffee.
6months ago, medyo mataas ang acidity ko. Siguro nagtrigger na din kase
napaparami ang take ng coffee.. Sometimes kahit walang laman tyan ko, basta may
coffee solve na ang umaga ko. Pero recently nagrereact talaga ng bongga ang
tummy ko, napansin ko when I have Caramel Macchiato. I don’t know pero super
kumukulo talaga tyan ko with Macchiato. I used to have it every morning. Then
dumating yung time na need to consult a doctor na, iba talaga kase yung
pakiramdam.
Need kong iwasan, peanuts, tomato based food, spicy food,
chocolates, soda.. and coffee. Pero hindi naman nya sinabi na totally bawal and
kape.. ehehehh. Nakaka3-4 cups a day ako ng coffee, pero sabi ni Doc mga once na
lang, at least hindi naman yung totally wala. Baka magchill ako nyan.. ahahahh
(may withdrawal syndrome)
I super love coffee, pero dahil love kita, iniwasan muna
kita, para may forever tayo.. hihihi.. Sacrifice muna, darating din ang tamang
panahon. Ahahha. 1 week ata akong nagtiis na hindi magkape. Then after a week,
pa konti konti sa morning, and I’m fine naman. Medyo sinusumpong pa rin lalo na
pag kumain ng peanuts, and junk food.. Watch out na lang sa mga food na nagttrigger.
May kinahantungan din naman ang pagssacrifice ko sa kape,
iniwasan ko na rin totally ang soda and alcohol (well di naman na ako masyadong
umiinom) para lang maitawid ko at mabigyan ng justice ang pagkakape ko.. So
far, regularly nag kakape na ako ulit, every morning and afternoon… sometimes
may in between pa. I don’t know pero iba talaga pakiramdam ng walang kape. Pero
hindi ko na nga lang talaga nittry ang caramel macchiato ng SB, nadala na ako.
I tried it again once, pero iba talaga.
Now I want my coffee as black… no sugar. Pero na eenjoy ko
rin ang may creamer and sugar. It depends, so sometimes, may 2 parts ang kape
ko.. sa 1 cup, un first part, all black, pag kalahati na, lalagyan ko na ng
milk and sugar.. ehehhe..
Basta kaya kong isacrifice lahat, wag lang kape. Kahit di na
ko magchocolate and cakes, wag lang kape. So ayan, pasko na.. eto na naman tong
mga stickers na to… :)