Dahil sa sobrang busy ko sa office, at medyo nakakapagod na rin, kaya i'v decided na lumabas naman. Ako naman ang magsisite survey, since tagaytay naman ang area, medyo makakapag unwind kahit papano.. Naadik na yata ako sa kakamotor kaya ang means of transportation namin ay motor, tatlo kaming magkakaconvoy..
First time ko naman ngayong malayo.. 6:30AM pa lang umalis na kami ng bahay, para naman hindi mainit masyado. Breakfast muna sa bacoor, habang hinihintay ang isa pang team. Pagdating ng Dasma, ang sarap ng magdrive.. Habang paakyat na ng tagaytay, ang lamig ng hangin, ang sarap... Halos umabot ng 90kph ang speed namin... I tried 100kph, just for 10sec, kakatakot ang lakas ng hangin... Parang liliparin ka sa lakas ng hangin..
We arrived at tagaytay around 9am. So usapan muna kung anong site ang uunahin.. Ewan ko ba kung bakit sa initan nag-uusap, pwede naman sa may lilim. Ayan, naghanap din ng may lilim... Medyo matarik yung napili nilang place, so we have to go down.. Medyo nag-alangan ako, at the middle of the road, nagbreak ako, sa unahan, kaya heto ang nangyari..
Heto ang kalye kung saan nahulog ako. Kung kelan nakastationary ako, saka ako nadisgrasya. Pagkafullstop ko, nakagilid yung motor, patapak ko sa lupa, malalim pala, kaya ayun nagtumbling ako.
ouch! ouch! kinabukasa, mas lalong lumaki, kase sobrang nagpasa yung gilid.
Ayan, hanapin ang kinaroroonan ng picnic groove.. (dun kase itatayo ang kabilang site)
Time to eat lunch... Masarap ang bulalo... Nice place, nasa edge ng cliff..
So guys, yang ang rest day ko... Sakit palang mag-unwind... Next time, join me... Hahahahahaha. Para mapuno ng adventure ang rest day nyo... hehehehe.