Dahil sa sobrang busy ko sa office, at medyo nakakapagod na rin, kaya i'v decided na lumabas naman. Ako naman ang magsisite survey, since tagaytay naman ang area, medyo makakapag unwind kahit papano.. Naadik na yata ako sa kakamotor kaya ang means of transportation namin ay motor, tatlo kaming magkakaconvoy..
First time ko naman ngayong malayo.. 6:30AM pa lang umalis na kami ng bahay, para naman hindi mainit masyado. Breakfast muna sa bacoor, habang hinihintay ang isa pang team. Pagdating ng Dasma, ang sarap ng magdrive.. Habang paakyat na ng tagaytay, ang lamig ng hangin, ang sarap... Halos umabot ng 90kph ang speed namin... I tried 100kph, just for 10sec, kakatakot ang lakas ng hangin... Parang liliparin ka sa lakas ng hangin..
We arrived at tagaytay around 9am. So usapan muna kung anong site ang uunahin.. Ewan ko ba kung bakit sa initan nag-uusap, pwede naman sa may lilim. Ayan, naghanap din ng may lilim... Medyo matarik yung napili nilang place, so we have to go down.. Medyo nag-alangan ako, at the middle of the road, nagbreak ako, sa unahan, kaya heto ang nangyari..
Ang sakit... Grabe, hindi ako makatayo, sakit ng dalawang tuhod ko.
Heto ang kalye kung saan nahulog ako. Kung kelan nakastationary ako, saka ako nadisgrasya. Pagkafullstop ko, nakagilid yung motor, patapak ko sa lupa, malalim pala, kaya ayun nagtumbling ako.
Ouch!!!!
ouch! ouch! kinabukasa, mas lalong lumaki, kase sobrang nagpasa yung gilid.
ouch! ouch! kinabukasa, mas lalong lumaki, kase sobrang nagpasa yung gilid.
So, kahit injured, akyat pa rin tower.. Hindi ako nagpapahalata na masakit ang tuhod.. hehehe
Ayan, hanapin ang kinaroroonan ng picnic groove.. (dun kase itatayo ang kabilang site)
Time to eat lunch... Masarap ang bulalo... Nice place, nasa edge ng cliff..
So guys, yang ang rest day ko... Sakit palang mag-unwind... Next time, join me... Hahahahahaha. Para mapuno ng adventure ang rest day nyo... hehehehe.
Razz, please be safe always... wag ka nlang mag motorcycle ha... swerte ka ganyan lang ang injured mo... mas malakas ang impact pag sa motorcycle ka na accident.. mag kotse ka nalang mas safe pa kc may seat belt.. khit may helmet ang motorcycle hindi parin sya safe..
ReplyDeleteingat ka lagi ha!
Akala ko noong una estudyante ka pa lang dahil ang bata pa hitsura mo. Kakagulat din yung nature of work mo panglalaki ang dating, lakas ng loob mo. Ingat ka sa susunod.
ReplyDeleteouccchhhh!!
ReplyDeleteang sarap nga ng bulalo,ang ganda ng place,nainjured ka nmn...naku,ingat ka Razz,maswerte ka pa dahil ganyan lang ang nangyari sa yo.minsan ka lang mag unwind,na rewind,er nainjured pa tsk tsk tsk...
sana pag malayong byahe na,wag ka nang mag motorsiklo,mag kotse ka na lang..
ok,take care lagi Razz!!
sister, mag-ingat ka!! ninenerbyos talaga ako sayo kafatid! kakatakot kaya yan... buti na lang at gasgas lang!! isusumbong kita kay inay.. lagot ka!!
ReplyDeleteingat ha!!! mwuahugggz! o kelan itatayo ang tower dun sa may lugar namin?! nyahaha!
great adventure razzz!parang tomb raider ah!(tama ba ang spelling?hehe!)
ReplyDeletesabi ko sayo ingats lang sa pagmomotor eh...buti na lang bruises lang natamo mo...hayyyy...wag sobra adventurous sister...life is too precious..menor minsan ha!hehe!para ako nanay na nagpapaalala!;0)
gusto ko talaga marating ang tagaytay at baguio..sana one day i can go there.
nice post razzberrygirl!
happy friday!ingats lagi!
TK,
ReplyDeleteTats naman ako.. :) sige na magmomotor pa rin ako....promise hindi na pangmalayuan.. ang mabuti pa siguro big bikes na lang para pede sa express way..hehehehe.. mga 700+ cc..
Papalagyan ko ng seatbelt ang motor...pede na ba yun? Purita kase ako, yoko na magkotse, ang mahal ng parking sa makati, tapos mahal pa ang gas...hay buhay sa pinas..
Ann (mommy ann, ate ann, tita ann...)
Waaahhhh... estudyante???? hmmm, baby face lang po..ahihihihih..
Medyo marami nga po akong boys na kasama, nagmumukha na tuloy akong boy.. :/ actually more on planning ako,sa ofis..pero minsan, pag yoko makita ang isa kong boss, lumalabas muna ako...
ghee,
hay, disgrasyada talaga... :) pasalamat pa rin ako at ganito lang... hirap itago ng sugat, huh!
Yup, hindi na po, kakapagod din kase...
Rho,
Waggggggggg... wag mo akong isusumbong sa nanay ko... malalagot ako.. :/ malapit ng itayo, baka this april.. kelan balik mo dito?
Ev,
hindi ko rin alam ang spelling...nyeheheheh..
medyo hinay hinay na nga po, baka mapadali ang buhay, e nais ko pang maging perfect ang wedding ko..nyehehehehehe..
Di ba sabi mo sa akin punta ka manila?? nu na nangyari?? pagnapadpad ka dito, pasyal tayo tagaytay....