Buong team sana kami, senior vs junior engineers sana, pero ang iba pinadala sa cebu at ang iba naman, ay sadayang hindi available.. Nagreready na nga kami ng printout ng mukha ni franco (chinese guy ng huawei, ang makulit na client), para mailabas na ang lahat ng kinikimkim na inis..pero wala pala kaming litrato..
Kahit anim na lang ang natira sa labingdalawang manlalaro, tuloy pa rin kami... sa dami ng trabaho, kelangang mag-unwind.. First time naming lahat mag war games, kaya excited kami.. Pagdating namin sa venue may mga inoorient na rin... anim din sila maglalaro, so ang nangyari kinalaban na lang namin sila, para mas marami.. first time din daw nila..
First game, may scenario pang nalalaman ang facilitator, kami ang counter terrorist... nagstart na ang game, nakakakaba pala, masakit din daw kase pag tinamaan ka ng bala.. Tuhod ko nanginginig, since hindi pa magaling that time sugat ko sa tuhod, hindi ako makaluhod, para makapagtago ng mabuti... 15minutes lang ang game.. nakapwesto lang ako sa isang lugar.. maya maya, ayan putukan na... last 5min nakikibaril na rin ako, tinamaan ako sa kamay, masakit nga... waaaahhhh.. pero considered buhay ka pa rin, kase sa kamay lang naman tama...hehehe.. first game panalo kami..
2nd game, kami naman ang terrorist, natalo kami....
Sa decision game, fast ball na ang tawag... ibang playing ground naman.. as in sugod kung sugod.. konti lang yun mga tataguan mo, malakas na loob ko nun, kaya sumusugod na.. panalo kami sa last round..hehehehe. ang masaklap, yung kabilang team, medyo nasaktan, nagkapasa yung braso nun isang babae.. kawawa talaga, kase pagnasa field na, mahirap marecognize ang babae dahil sa mask.. mukha nga raw kaming hindi first time... (malaki lang siguro ang galit, kaya akala ng mga kateam ko e si franco at julius yung kalaban). Nagsorry naman kami sa kanila, kala tuloy nila mga pulis kami at hindi first time na naglaro kami.
Sa tv pa lang ako nakakita ng ganyan. Ano yung bala nyo? Yung iba na nakikita ko kasi ay parang paint, iba naman siguro yun.
ReplyDeleteNaging instant sundalo pala kayo, game lang yan pero nakakakaba na paano pa kaya yung actual war na alam mong pwede kang mamatay once na tinamaan ka ng bala.
wwaww gusto korin ng ganyan... ehehe masaya ata yan no?
ReplyDeleteang saya naman..ang dami mong adventures lately razz....gusto ko attire nyo..paborrow naman!hehe
ReplyDeleteuy mukhang masaya yan ha ;) at least ha nakakapagganyan pa kayo :)
ReplyDeleteWahh.. nakakainggit naman yan
ReplyDeleteT_T
bui pa ikaw pagganyan ganyan pang nalalaman. Ang sarap gawin nyan pag may kagalit ka o kaya badtrip ka sa buhay mo..at talagang inis kau dun sa franco na yun ha..hehe..gusto ko na makita itsura nia >.<
naglaro ako ng isang beses nyan.. ang sakit! hahaha! pero enjoy naman..
ReplyDeletebagay nga talaga yan pag may mabigat kang nararamdaman! dyan mo ilabas lahat ng galit at stress mo!! napakainam! nyahahaha!!
Razz,ang sayaaaaa!!hahaha!
ReplyDeletegusto kong maranasan yan!ang sarap siguro ng feelings.tanggal ang stress mo :)
mga 3 years ago, nakapaglaro ang asawa ko ng ganyan sa may laguna, kasma ang mga kaibigan namin. enjoy siya talaga, masakit nga raw.
ReplyDeletepero bago sila nagsimula, tinanong ko yung bantay. may pintura kasing lumalabas diba - sabi ko, baka mahirapan ako maglaba nyan! hehehe! hindi daw, water based naman.
Ann,
ReplyDeletePaint yung ginagamit. para syang marble, tapos pagtumama sayo, kakalat yung paint, pero masakit..
Oo nga, kaya talagang kung nasa gyera ka, malamang parang ang isang paa mo nasa hukay na.
Tikey,
Masaya ito, nakakatangal ng stress..pero nakakapagod din..
Ev,
MEdyo marami, kase kelangang irelease ang dapat irelease..hehehehehe
Melai,
Talagang pinilit naming magkaroon ng time, para kahit papano, may team building kami..
Ruth,
Hindi ko kase matyempuhan si franco.. Hayaan mo pag nameeting kami, pipiktyuran ko sya.. :)
Ghee,
Masarap nga ito, pero kelangan, ready kang masaktan..hehehehehe
Lady cess,
tinanong rin namin, water based naman daw.. aba, mahirap talaga maglaba kung hindi, sayang ang damit..