Friday, March 16, 2007

Politics....masama o mabuti?

Sa dami ng gusto kong i-blog, naghalu-halo na yata sa utak ko, nagkaroon na yata ng jam, kaya sa halip na maraming maisulat mukhang wala pa akong maisip… Wala na kase akong time para pumindot sa keyboard…

*******************************************

Matunog ang usap-usapan dito tungkol sa pulitika, mga kanya kanyang gimik and so on… Meron ngang gusto yatang magtanim ng gulay sa senado, at ang pangarap ay pangarapin… Mga hindi mo mawaring dance step, ang mga kandidato, e nagpupumilit magsayaw…hehehehe. Aba, pati nga si pacman, tatakbo na sa senado, at pati na rin si cesar montano at Richard Gomez…oh no.

Pati pala ang tatay ko naiimpluwensyahang kumandidato, pero hindi sa senado ha..hehehe. Si Tatay ay isang simpleng mamamayan lamang. Ang akala ng marami mayaman kami, pero akala lang nila yun.. :) Retired High School Principal sya sa Pampublikong paaralan… Mga tatlong taon na rin syang wala sa paaralan.. Noon pa man ay, naiisip na namin na what if tumakbo si Tatay na Brgy Chairman, manalo kaya sya kahit walang ipamigay na pera? Medyo sikat kase si Tatay sa aming bayan.. Pero ang pagkandidato nya ay joke joke lang yun… Sa school pa nga lang, e medyo marami na ang nagagalit sa kanya, kase naman si Tatay ay may pagka straight, yung tipong always on the right side, sinusunod kung alin ang tama.. Kaya nga mataas ang respeto ng nakakrami sa kanya.

Yan ang dahlilan kung bakit kelangan naming maging matino..hehehe. Good image kase sina Tatay at Nanay. (Hindi nila alam ako’y isang pariwara..aheheheh).

Dahil retiro na sya, marami ang nagmumungkahi sa kanya na tumakbo bilang konsehal. May mga partidong kumukuha sa kanya, pero hanggang ngayon ay pinag-iisipan pa nya. March 29 yata ang last filing of candidacy. Sabi naman namin, go ahead tingnan natin kung mapapatunayan natin na kahit walang pera ay pwedeng manalo.. kung baga, kung umuubra pa ang malinis na pagkandidato.

Mainit ang pangalan ni Tatay, kung ako ang tatanungin, maaari syang manalo..Posible yun. Kaya lang napag isip-isip naming, huwag na lang. Active kase sa church sina Tatay at Nanay. Sa darating na Abril, magcoconcert ang choir namin sa Marinduque, so big event din ito na si Nanay ang isa sa mga nag-aasikaso. Pag kumandidato si Tatay, baka mahati ang magsusuport sa concert.

Syempre may mga partido partido pa yan, e di baka mahati lang, bukod don hindi na maasikaso pa ni nana yang pagsuporta sa kanya dahil nga sa concert. And besides, Tatay is a good man, marami rin namang natutulungan kahit hindi pulitiko. Nag-usap usap kaming magkakapatid at si Nanay about that, parang mas makabubuti nga na huwag na lang. Sadyang marumi ang pulitika, and when you’re there, for sure marami kang maviviolate na rules from God, na mahirap para sa kanya, because he’s serving the church.. Para bang somehow you’ll get your hands dirty because of politics.. Kahit gaano siguro kabuti ang isang tao, matetempt at matetempt ka pa ring gumawa ng masama. Sadyang magulo ang pulitika, nature na siguro yan, at wala na tayong magagawa dyan. Magmalinis ka, ikaw ang masama..gumawa ka ng masama, para sa ikabubuti ng iba masama ka pa rin..

Mas ok na siguro kung nakaconcentrate sya sa pagserve sa simbahan… Wala syang ibang iintindihin kundi ang pagsilbi sa Dyos at ang pamilya..

***********************************

Buhay na buhay ang singing career ko ngayon.. Kung sino man ang nasa pinas, I’m inviting you to watch our concert at philamlife auditorium, United Nations Avenue, Manila..

COLORS OF WORSHIP – A Festival of Sacred Choral Music
March 24, 2007 (Saturday) 3:00PM (P200 po ang tickets)

5 kaming choirs na kakanta, sila yung mga choirs na nakakasama na namin sa competition, masaya to…. heheheheh

12 comments:

  1. Rhooo..perst ka nga di ka namn nagbasa...hehehe.

    Mabuti pa nga wag na lang pumasok sa pulitika, pwede naman tumulong sa tao kahit di sya papasok dun. Saka tama ka magulo talaga, mawawala yung privacy ng pamilya nyo.

    Goodluck sa concert nyo. Competition ba yan ulit?

    ReplyDelete
  2. maganda rin nga sana na tumakbo sha para mahaluan man lang ng malinis at respetadong politiko sa gobyeron,kaya lang,magulo ang mundong yan,Razz..ang buong buhay nyo ay maapektuhan.mas safe pa nga kung sa church na lang sha,minsan,para ding politiko kapag officer ka,pero at least iba nmn ang gyera,hehe..

    ReplyDelete
  3. hayyy...nakakaloka talaga razz kapag politics na ang issue...mangangapa ka kung ano na ba ito?parang naging showbiz na rin, o parang naging laro na rin...

    but i remain hopeful na one day, we'll have very good leaders...yung may totoong intensyon at concern sa mga tao esp. sa mga mahihirap.

    happy monday razzberry girl!

    ReplyDelete
  4. hahahahaha!! akala ko nakapag-comment na ako dito???! nyahahaha!!!

    ahhhh alam ko na, paano ba naman nung sinabi kong perst ako eh magka-chat na pala tayo non razz!! naaliw na ako sa kwentuhan natin! nyahahaaha!

    ReplyDelete
  5. para palang tatay ko tatay mo, ilang eleksyon na syang nililigawang tukambo sa baranggay pero di tulad ng tatay mo, ang tatay ko e dating mangingisda naman na ngayon e tambay lol!! pero ewan ko daming kadikit ulitimo general at presidente ng pinas wahehehehe joke na yan syempre :).. pero si tatay ayaw talagang tumakbo sabi yata ako na lang lol!

    ReplyDelete
  6. Kahit hindi ako registrado, iboboto ko ang tatay mo. protest vote, ika nga.

    ReplyDelete
  7. tatakbo ba sya? ako din tatakbo.. hmmm sige mag lalakad nalang aku! hehehe

    ReplyDelete
  8. MWAHHAHAHA! HAHAHAHAHAH! NAYAHAHHAA!! WAHAHA! siguro nagtataka ka kung bakit ako tumatawa gayung wala namang nakakatawa sa entry mo.. HAHA! WALA lang! para maiba naman ang Comment dito. BWAHAHA!atsaka pang 9 commentor ako! WAHAHA! lucky 9!

    eniwei.. tama! wag na pulitika! buti naman naisipan nyo yan sa huli! hirap yan! dami kalaban tsaka daming made-delikado diba?! hay.. masaya maglingkod sa mga tao pero mas masaya maglingkod kay God. Atleast nakakapaglingkod ka ng tama.. di katulad sa pulitika.. lingkod na may halung kurakot(pero di ko sinasabing kurakot tatay mo ha..:P)

    wow! kung tumanda sana ko ng unti pa kaya ko sanang pumunta sa mga ganyang concert. G-graduate pa lang ako ng highschool at ang mga ganyang imbitasyon ay di ko mapauunlakan ng basta-basta.. sana'y pag tumanda pa ako ng kaunti'y blogistas parin tayo at tuloy-tuloy parin ang CAreer mo. Ipagpatuloy lang yan tungo sa pag asenso. Vote ruthing for Senado!

    o ha.. ayus ba?..hehe

    ReplyDelete
  9. ayoko rin ng pulitika - have been avoiding getting into arguments with it no matter how peaceful, with my own family - and at the risk of sounding irresponsible, i have no intention of voting this may too. nakarehistro kasi ako sa isa mga "hot spots" kaya nakakapagod tuwing eleksyon. parang ayoko na dumaan uli sa ganon.

    hanep!!! songer ka pala! how was the concert??

    ReplyDelete
  10. rho, waah, hindi naman nagbasa..hehehehe.. baliw, parang ang hirap pag first sa blog ko ah.. :)

    ann yes, mahirap na..hehehe. tsaka baka lalo kaming mamulubi, baka akalain nila mayaman kami, maraming magpunta sa bahay at manghingi ng pera..

    Concert lang po, kasama ng mga kilalang choir.. yehey..

    ghee ok nga lang sana na tumakbo sya, kaya lang conflict din kase, baka hindi rin maasikaso ni nanay.. oo nga, kahit saan naman may pulitika, even sa church.. yung nga lang, wala pa akong nabalitaan nagpatayan sa church..hehehe

    ev showbiz na nga yata ang politics...puro artista e..

    ewan ko ba kung magkakakaroon pa sa pinas ng good leaders.. sana..

    rho whahaha, sus ginoo.. chat na tayo.. :)

    ReplyDelete
  11. melai oo nga, ikaw na lang kaya, mukhang mahilig ka naman sa politics.. hehehe.. malamang manalo ka dun.. bakit kaya ayaw ni tatay mo? ayaw nya siguro ng sakit ng ulo..heehehehe


    isko b. doo salamat sa pagbisita at pagcomment ha.. wow naman, punta ka pa province namin to vote.. ahehehehe

    tikey hindi na natuloy tumakbo ang tatay ko, me rayuma na kase yun.. hehehehe

    ruth hindi bale, magcocollege ka na, malamang makapanood ka na ng mga concert namin.. hehehehe. bakasyon na, tayo ng magblog..hehehe

    ladycess hindi rin ako boboto, hindi kase ako rehistrado..hehehe.. medyo songer lang..hahahahaha.. it's great.. wento ko na lang sa next post..hehehe

    ReplyDelete