Sunday, April 15, 2007

HAppy anniversary

Naalala ko bigla, april 15 ako unang ng post, aba one year na pala ang nakaraan ng ma adik ako sa pagboblog..





No more sadness muna, besides i feel better now...





Noong una ang pagbblog ay isang malaking kalokohan lang.. Para lang ito sa mga wala masyadong magawa.. Si gerrycho ang unang nag introduce sa akin ng blog.. everytime na makikita ko syang online, lagi nyang sinasabi sa akin na puntahan ko yung site nya. E hindi ko naman pinapansin, kaya ayan umabot yata ng 3months bago nya ko nakumbinsi..





Wala lang talaga akong magawa non kaya, tiningnan ko na rin yung sinasabi nya.. nakita ko naman, hindi ako naaliw.





Hanggang sa magkawork ulit ako, kinukulit nya pa rin ako, so yun pinagbigyan ko sya at naantig ako sa mga post nya.. akalain mo yun si gerry, madrama rin pala, nakakarelate ako sa mga pinagsasasabi nya, good for him nasasabi nya, ako hindi e..





So yun, nagsimula na akong magkalikot, syempre hindi ko pa alam dati yun, nagtingin tingin ako ng mga nakalink sa kanya.. una kong nakita si PB, namangha ako sa page nya.. ang galing, syempre ang template nya ay wala dun sa mga choices sa blogspot.. basa basa, naaliw ako talaga. Tas nakita ko si TK at tuluyan na akong nahook sa blog.. friendly pa nga itong si TK, agad nya akong inentertain sa bahay nya at sya rin ang matyagang nagcocomment sa mga post ko..





Si Ella rin, sa bawat post nya ako ay napapatawa.. nakakawala ng pagod.. number 88 pa sya non..galing ng mga post nya..





Hanggang sa nadagdagan ang mga friends ko dito sa blog. Hindi ko man kayo kilala talaga or nakikita, parang somehow part ako ng buhay nyo at part din kayo ng buhay ko... hehehe.. seryoso to ah..





Si Ev, ang unang unang nameet ko sa blog, kala ko hindi totoo ang mga bloggers, hanggang sa nameet ko su Ev, nakakaaliw, i was in davao that time ng maalala ko na may blogger na taga davao.. great, may tourist guide, pero dahil parehas kami busy sa work, hindi kami nakapasya together.. next time Ev..





Si Rho, na lagi kong nakakachat at nagiging shock absorber ko. hehehe. ang masayahing babae, na parang hindi namomroplema.. ang laging may hugs and kisses.. Si Ghee ang hot mom, na nakailang balik na sa pinas, pero hindi pa rin ako nililibre ng kape.. hehehehe. Cool talaga itong si ghee, young at heart at looking young and sexy pa rin.. Ang makulit at mabait na si ruth na mahabang magcomment, nakakamiss din itong batang ito... hehehe.. si Melai, na adik sa twitter, kung gusto nyong malaman ang mga kilos nya, tingnan nyo na lang sa twitter nya..hehehe ang babaeng palaban, na may napakabait na employer... si Vince, na nalito ako kung pari ba sya or what???





At sa mga bago kong friends na sina ann, na mahilig magluto, pede bang ampunin nyo ko para mag gain ako ng weight..? Si cess na mamahalin ang mga slippers, pengeng isa (love ko slippers e..hehehe) at mahilig sa mall... hahahahaha..





Thanks everybody, may sense talaga ang blog, sa bawat post nyo, marami akong natutunan, words man yan or lessons in life... I love blogging talaga...





Just wanted to thank TUTUBING KARAYOM.....sa big favor na hiningi ko sa kanya at hindi nya ako binigo...hehehehehe.. In behalf of GLORIA PATRI SINGERS, salamat sa poster... we really do appreciate it sooooo much... kahit nalulungkot ka, ginawa mo pa rin, kahit nagleave ka sa blog... Thanks talaga...








Yan ang ginawa ni TK na poster for our upcoming concert in marinduque.. Thanks a lot, nakabandera na po sa marinduque.. Thanks TK....................

12 comments:

  1. hahaha! nakakaloka naman tong mga sinulat mo at yun pa ang naisip mong isulat tungkol sa akin! hahaha!

    happy blogsary! ang saya diba, nagkaroon ka ng mga friends. and im glad to have you as my friend too :) take care!!!

    ReplyDelete
  2. happy birthday sa iyong blog!! alam mo natutuwa ako, halos lahat ng mga friends ko e puro last year lang nagsimulang mag-blog! hehehe... di ako nag-iisa! nyahahahaha!!

    ka-sweet naman, basta para sayo my dear kafatid.... mwuaaaahuggz! i'm always here for you! sana e maging oks na ang lahat sayo!

    ang ganda nung poster na ginawa ni TK! grabe! ang galing-galing talaga...

    ReplyDelete
  3. HUWAW! happy anniversary sa blog mo! nasan ang handaan?? hehe

    tama si ate rho! Sariling mundo ko din last year lang! haha!

    ako mabait?? nyahahaha! sana nga.. pero miss na din kitah!!

    buti na lang nahook ka sa pagbblog!nakakatuwa naman talaga mag blog diba?? wala rin namang mawawala bukod sa oras pero syempre siguro naman magbblog ka kung free time mo lang din.. kahit na hindi ko yun gawain :P.. ok lang kasi sakin magblog kahit busy busy.. hehe. buti't nagbalik ka na! sana tuloy tuloy na yan..:)

    wow!!! galing galing talaga ni ate TK. ka-bilibs! parang wala naman syang hilig sa ganyan dati..pero ngaun career mode na! umaabot pala talaga ng marinduque ang gawa nya.. ang galing. nakakatuwa. :D

    HAHA! uu tama ka! mahaba nga ko magcomment paminsan-minsan. hehe

    ReplyDelete
  4. waaa ur welcome. hapy nibersary sa blog mo! honga, kakulitan natin si gericho, pero busy narin sya! dva!

    akala ko eh napaka busy mo dahil sa concert me nibersary post kana pala, 4rth honor ngalang ako, pero oks lang special mention nman, kc special child aku e!

    tlga, naka bandera na? sana nilagay ko ung ngalan ko at email add no? para pag me nagpagawa e sisingilin ko at me porsyento ka! nyhahah!

    ur welcome kamo sa mga kasamahan mo! sa uulitin, magbayad kayo khit pop corn lang sige akin na ung asin! hehe! wag lagyan ng butter diet ako.

    lapit na ung concert, gudluck sa inyo ha! feel ko part na ako ng grupo! heheh!!

    hahabaan ko ang commment ko, kc gusto kong talunin itong si Ruthing, ang comment sya dito diman lang ako sinabihan! heheh!

    ReplyDelete
  5. happy blogsary,Razz!one year na rin pala tong blog life mo.hahaha!natawa naman ako,nakailang uwi na ako,ni hindi man lang kita na treat ng kape,kasi namn,di ko alam ang whereabouts mo,tapos,pag nasa pinas na ako,di na makapag log in dahil busy naman sa lakwatsa,at tinatamad akong mag log in sa bahay dahil dial up,ang bagal at di ako sanay nun,wala akong tyaga,hehe...uy,salamat nmn sa compliments mo..sige,next time,sigurado,may cafe latte ka na sa akin,hahaha!

    ang gaganda nga ng posters..Razz,pag na meet pala kita,mas maganda kung ipaparinig mo sa akin yang "tresure voice" mo,hahaha!deal or no deal?

    ReplyDelete
  6. hanu? haku babaeng palaban? wahehehehehe naaliw daw ako dun....di ko alam kung mag eengks ako o nde..teka me naintindihan ka ba sa mga pinagsabsabsab ko dito? lol! tignan mo nga naman yan ano isang taon ka na palang blagista at isang taon ka na ring halos 24 oras gising dahil sa work at pagbablog sama na natin yung pag kanta mo....... happy anniv sayo at sa blag mo sana magtagal pa ang pagsasama nyo :)

    ReplyDelete
  7. waaahhhh late ako sa greetings! pero ika nga better late than never...and so..HAPPY BLOGSARY MY FREN!!!

    kaw rin ang una kong nameet sa mundo ng blogworld and hopefully not the last...you also made me realize that bloggers are truly existing people..as in TAO talaga huh!bitin nga lang ang pagkikita nating yun razz..kaya may utang pa ako sayo...pagbalik mo dabaw alam mo na kung sino una mong hagilapin ha..hehe!

    speed on dear!mis u...

    ReplyDelete
  8. lady cess

    nyahahahaha.. yun kase ang huli kong nabasa sa post mo.. hahahahahahha.
    yeah, friends na may sense.. hehhehehe

    rho

    oo nga e, isang taon na pala ang nakakalipas.. bilis ng panahon.

    yup, sana maging maayos na, maghilom na sana ang mga sugat... wahahahahahaha

    galing nga e.. natuwa ang pari sa marinduque..

    ReplyDelete
  9. ruth

    walang handa, nagtitipid ako.. hahahahahaha.
    baka nga hindi ka mabait, kase ako hindi rin e.. nyahahahaha..

    yep, nakakatuwang magblog, kase nakakaabala sa trabaho, sa halip na marami kang natatapos, e nababawasa kakablog..hehehehehe. hindi naman ako umaalis, medyo hectic lang ang sked, by appointment ako. hehehehe

    oo nga e, kinareer ang pag gawa ng kung anu-anong mga picture editing..

    mas gusto ko mahaba ang comments..hehehehe

    tikey

    napakabusy ko pa rin, medyo naisingit ko lang ang post na ito.. kase after work, diretso na sa rehearsal.. dnt have time na talaga...

    sabi ko nga sa kanila si TK ang gumawa nyan... "who's Tk?" sabi nila... sabi ko may dear friend na nasa kabilang parte ng mundo.. ahehehehehe

    pop corn lang pala, nyak... baka makunat na un pag dating jan.. hindi bale, iisip na lang ako ng iba..:)

    ang lapit na nga, nakakapressure, dami ko pa dapat aralin.. waaahhh.. kakapressure din kase sa work ko..

    nyahahahaha... ang haba na rin ng sagot ko sa comment mo..

    ReplyDelete
  10. ghee

    mahirap nga daw akong hagilapin, sabi ng mga frends ko, hehehehhe.. pero may time pag may nagayaya.. :) mabagal nga ang dial up, pag nakatry siguro ulit ako ng dial up, baka sumpain ko na. sigurado yan ha.. basta kape, kahit 3 in 1 ok na..hahahahahahaha

    waaahh, mahiyain ako ghee e, baka hindi ako makakanta...tssaka hindi ako magaling.. :)


    melai

    sumangayon ka na lang nalen, dahil yun naun.. hehehehehe.. hindi lang yata one year akong halos 24hrs na gising.. hay ewan ko ba... nocturnal yata ako.. hehehe
    magtatagal pa to.....

    ev

    hello sis, namiss na kita ah. basta pag balik ko jan, kelangang pasyal mo ako...

    ReplyDelete
  11. Happy blogsary..more posts to come. Natawa ko dun sa nakita mo yung blog ng friend mo pero walang dating syo...hahaha!

    Halika ampunin kita at patatabain kita...hehehe.

    ReplyDelete
  12. hey Razz, joskohday, ang tagal na pala nating magkasama sa blogosphere. Naka-limang blog na ako grabe.
    Happy blogsary darleng!!

    ReplyDelete