Pagdating namin sa sinasabing gate, hinanap ko ang 4x4 sa pag aakalang hilux nga ito o kaya terrano.. or yung toyota na 4x4…pero ito lang ang sasakyang nakita ko sa paligid…
I ask them:
Raz: asan un 4x4???
SP (Service Provider): “Ayan po mam”…
Raz: “San??”
SP: “Ayan sa harap mo mam, dalawa gear nyan”..
Raz: What?????
Oo nga naman, dalawa nga naman ang gear ng 4x4, tiningnan ko, dalawa nga.. Oh God, makarating nga kaya kami sa taas??
Ok, sige sakay… kahit yung SP rin pala nagulat sa na-hire nila.. weeeeeeeee.. Habang sumasakay ako, nagtatawag na ako ng mga santo.. hehehe
Paakyat pa lang kami sobrang foggy na, wala ka na talagang makikita..kapit na kapit ako sa pwesto ko, baka tumapon ako sa bangin.. Sa kalagitnaan ng aming paglalakbay, huminto si manong at may inilagay sa gulong nya.. Talagang kinakabahan ako, ganito lang kaliit ang dinadaanan namin, at sobrang steep ng daan, konting mali mo lang, maaring pulutin ka sa ibaba ng bangin.. sobrang zigzag pa, 20deg angle siguro un.
Patuloy ang pag-akyat namin, pero halos hindi nababawasan ang kilometers namin base sa GPS namin.. Hanggang sa makarating na kami sa tuktok ng bundok, ang bundok ng sto. Tomas. Nasa dulo na kami, pero hindi pa rin dun ang hinahanap namin. Nagduda na ako sa coordinates nila, pag check ko sa data ko, oooppsss, mali nga… balik ulit kami..baka may ibang daan.
Habang bumababa ang malupit na 4x4, gusto ko ng sabihin kay manong, “teka lang po ha, bababa na lang po ako at maglalakad”… weeeeeeeeee.. katakot, lalo sa curve.. tumutunog na ng mga pyesa.. Sa kalagitnaan ng aming paglalakbay, flat tire pa inabot naming.. dyosmiyo… Pero ayon sa aming GPS at google earth, sa may kenon road yata ang nominal point namin, dahil wala ng ibang daan…
So medyo nag-iinit na ang mga ulo, kaya lunch na lang muna, para ma-plan na rin kung pano matatagpuan ang possible na location ng RS namin…
Sa kenon raod nga ang direction… Nakakita kami ng bundok na pedeng akyatin.. Tanong tanong kung may way sa bundok na yun, meron naman daw.. hay, 300m pa lang hindi na ako makahinga ng maayos.. lawit na dila ko.. grabe, parang magcocollapse na ako.. pahinga at tubig, tagal ko nagpahinga.. matarik rin kase ang bundok na inakyat namin.. 2km pa ang lalakarin bago mpuntahan ang nominal point.. darn!!
Around 1km, nagrereklamo na si civil works, mahirap na raw yung area..baka daw pede na dun sa kalagitnaan ng bundok.. Sabi ko, hindi pede ang layo natin sa search ring, kelangang akyatin pa kung may way pa.. pero nakakabadtrip na civil yan, nagmamarunong.. as if naman na hindi ko alam yun.. I can’t drop the site, hangga’t hindi dumarating yung no choice na talaga.. kung di lang matanda yun.. so pinakita ko sa kanya hindi talaga pede dun kase walang line of sight.. kelangang maghanap ng way para mapuntahan ang location ng nominal, o kung saang lugar na pedeng magtayo ng tower na may link sa kabilang bundok. (ang gulo ko ba magkwento?? Basta ganun).
So we decided to go back at maghanap ng ibang paraan.. hay, kakapagod ang araw na ito… sana matapos na to…. Gusto ko na bumalik manila… waaaaaaaaaaaahhhhh.
"THE SURVIVORS"
"VIEW" Masyadong foggy, hindi makita ang magandang tanawin.
"Flat tire"