CPA board exam 2012.. ang bilis na lumabas ngayon ng results ng exams.. At least mas konti na lang yung kaba ng paghihintay. Naalala ko noong panahon na nagtake ako ng board exam, tatlong araw akong hindi mapalagay, napakabagal ng oras, sana may result na pero sana ma extend din. Ang pinakamahirap gawin talaga sa totoo lang ay maghintay.
Noong nalaman ko ang result ng exam ko noon, walang paglagyan ang tuwa ko.. sleepless nights, hard work, paid off.. iba talaga. Yung confidence mo sa sarili mo lalong lumakas, feeling mo ang tali talino mo.ehehehe.. Pero mayron din lungkot, sabi nga wala naman sitwasyon na lahat kayong magkakaibigan ay papalarin.. mayron din hindi pinalad. Noong mga panahon na yun wala akong maicomment kase syempre ikaw nakapasa sila hindi, ang hirap naman sabihin na "ok lang yan" kase kung ikaw mismo ang nandun sa sitwasyon na yun, e lalo siguro akong malulungkot.. syempre hindi ok yun..
At ngayon eto na naman, this is my friend's second time to take the board exam, we really prayed for her, and talagang winiwish namin makuha na nya.. But unfortunately wala pa rin.. Mas mabigat siguro ngayon ang pakiramdam, mas doble pa sa sakit nun unang take. Nalulungkot ako para sa kanya, ako kase yung una nyang tinatawagan, pinaghuhugutan ng lakas ng loob... and talaga naman nakakalungkot...
But then, minsan itatanong mo sukatan ba talaga ng talino yan o passport ba yan para maging successful? Para sa akin hindi ito sukatan.. Iba ang may title syempre, but it doesnt mean na wala ka ng pag asa to get high paying job.. Nun nagsisimula akong magtrabaho pakiramdam ko non pag hindi ka galing sa mga kilala at popular na school deadma ang resume mo. And kung ang grade mo sa board ay average lang, deadma pa rin kahit license ka na.. pero habang nagkakaexperience ka pala, dun mo makikita it's not the academics actually...but of course syempre dapat may diploma pa rin.. pero transcript? tinitingnan ba? hindi rin e... the most important part e dapat talaga may kakilala ka o backer.. pag wala, patay ka na...
I've seen a lot, iba talaga ang politics din sa trabaho.. minsan kahit nakasalang ka na as in ok ka na, minsan narereplace pa ng iba.. depende sa kakila or kung sino ang nakapwesto sa company na un.... kung may experience kas mas may chance ka at kakilala pasok ka agad.. iba ang experience, pagdadala ng sarili at diskarte pa rin talaga ang pinakamalakas na pwersa.
Hindi rin porke nakagraduate ka ng ganitong kurso, ay magiging ganun na ang profession mo.. Minsan kahit board passer sa call center din nagwowork.. Marami akong kakilala, sa buhay telecoms sa ibang bansa hindi board passer, hindi rin ECE, but they earn a lot, pero pang ECE ang trabaho...
Pero dapat pa rin tayong mag pursige sa napili nating profession.. hindi ko sinasabi na wag na lang magtake or ok lang na hindi pumasa... my point is, don't get too depressed or isuko ang laban kung mag fail man tayo sa academics..
Basta gusto mo ang isang bagay, don't give up.. and focus lang.. Claim it.. Just believe na you can do it.. most importantly, naalala ko sinabi ng isa sa mga mentor ko, Don't entertain negative thoughts... kelangan ma divert mo sya agad into something happy and positive.. and i still apply it until now..
Thursday, May 24, 2012
Thursday, May 17, 2012
want my tummy flat... again
Bakit kaya ang hirap mag workout? My tummy is getting bigger and bigger… huhuhu.. instead of going to a gym, I would rather play badminton na lang siguro, this is what I prefer and enjoy doing. Kase naman sa gym, pagkatapos ng treadmill ayaw ko na.. ehehhe.. nakakainip, unlike badminton hindi mo namamalayan ang oras (sana lumiit nga tyan ko dito). My only problem lang talaga is TIME…
Pero ngayon kelangan na.. para na rin kahit papano may exercise. Hindi ko rin kase ma maintain ang jogging, kakatamad pag wala kang kasama.. kaya eto talagang pina re-gut ko ang raket para ready to play. Right now, I’m doing it every Saturday, kelangan talaga kase meron akong coach, para hindi ako tamarin at kahit ako lang mag isa nakakaplay and train ako..
I really need to improve my stamina, kase talagang feeling ko mahihimatay ako sa drill.. ahahaha… ikaw na ang puyat tapos patakbuhin ka ng isang oras sa court? Grabe super nakakapagod. My coach always ask me, puyat ba ako? Sabi ko na lang hindi.. ahahahha… para tuloy tuloy ang laro. Sabi ko na lang sa sarili ko, I’ll do the drill everyday.. at least 3min na dire-diretso.. kaso naman Thursday na ngayon at kahit isang beses hindi ko pa ngawa ang sinasabi kong practice on my own.. kamusta naman ang 11pm kong pag uwi gabi gabi? I still have 2 days para magawa ang drill, para naman pag dating ng Saturday ay hindi ako tumirik sa gitna ng court… I can do it… ehehehe
Tuesday, May 15, 2012
Inlove with books
Pag napapadaan ako sa mall or when I have to wait for somebody, dalawang lugar lang ang possible place na hanapin ako.. Bookstore or car accessories shop..
Last week I’ve been thinking about the book The Art of War. My team has been talking about it a lot lately, because of what’s happening in our office.. the battle bet bosses, how they act..how things are going on the upper management… Noon ko pa gustong basahin yun, ewan ko lang bakit di ako nagkakatime.. Actually hindi naman ako bookworm as in…wala nga akong time magbasa.. ehehehehe. I wish I could have time reading… Pero ganun pa man, ewan ko ba kung bakit sa tuwing nasa bookstore ako e hindi ko maiwasan ang dalhin sa counter ang mga libro, hindi ko naman mabasa lahat…
I wanted to read the art of war, kaya dumaan talaga ako sa bookstore, kaya lang naging tatlo ang librong hawak ko, nakakita kase ako ng mga photography books... eheheheh… gusto ko pa sana humirit e, buti na lang napigilan ko… I hope I can read all of these… :)
Subscribe to:
Posts (Atom)