CPA board exam 2012.. ang bilis na lumabas ngayon ng results ng exams.. At least mas konti na lang yung kaba ng paghihintay. Naalala ko noong panahon na nagtake ako ng board exam, tatlong araw akong hindi mapalagay, napakabagal ng oras, sana may result na pero sana ma extend din. Ang pinakamahirap gawin talaga sa totoo lang ay maghintay.
Noong nalaman ko ang result ng exam ko noon, walang paglagyan ang tuwa ko.. sleepless nights, hard work, paid off.. iba talaga. Yung confidence mo sa sarili mo lalong lumakas, feeling mo ang tali talino mo.ehehehe.. Pero mayron din lungkot, sabi nga wala naman sitwasyon na lahat kayong magkakaibigan ay papalarin.. mayron din hindi pinalad. Noong mga panahon na yun wala akong maicomment kase syempre ikaw nakapasa sila hindi, ang hirap naman sabihin na "ok lang yan" kase kung ikaw mismo ang nandun sa sitwasyon na yun, e lalo siguro akong malulungkot.. syempre hindi ok yun..
At ngayon eto na naman, this is my friend's second time to take the board exam, we really prayed for her, and talagang winiwish namin makuha na nya.. But unfortunately wala pa rin.. Mas mabigat siguro ngayon ang pakiramdam, mas doble pa sa sakit nun unang take. Nalulungkot ako para sa kanya, ako kase yung una nyang tinatawagan, pinaghuhugutan ng lakas ng loob... and talaga naman nakakalungkot...
But then, minsan itatanong mo sukatan ba talaga ng talino yan o passport ba yan para maging successful? Para sa akin hindi ito sukatan.. Iba ang may title syempre, but it doesnt mean na wala ka ng pag asa to get high paying job.. Nun nagsisimula akong magtrabaho pakiramdam ko non pag hindi ka galing sa mga kilala at popular na school deadma ang resume mo. And kung ang grade mo sa board ay average lang, deadma pa rin kahit license ka na.. pero habang nagkakaexperience ka pala, dun mo makikita it's not the academics actually...but of course syempre dapat may diploma pa rin.. pero transcript? tinitingnan ba? hindi rin e... the most important part e dapat talaga may kakilala ka o backer.. pag wala, patay ka na...
I've seen a lot, iba talaga ang politics din sa trabaho.. minsan kahit nakasalang ka na as in ok ka na, minsan narereplace pa ng iba.. depende sa kakila or kung sino ang nakapwesto sa company na un.... kung may experience kas mas may chance ka at kakilala pasok ka agad.. iba ang experience, pagdadala ng sarili at diskarte pa rin talaga ang pinakamalakas na pwersa.
Hindi rin porke nakagraduate ka ng ganitong kurso, ay magiging ganun na ang profession mo.. Minsan kahit board passer sa call center din nagwowork.. Marami akong kakilala, sa buhay telecoms sa ibang bansa hindi board passer, hindi rin ECE, but they earn a lot, pero pang ECE ang trabaho...
Pero dapat pa rin tayong mag pursige sa napili nating profession.. hindi ko sinasabi na wag na lang magtake or ok lang na hindi pumasa... my point is, don't get too depressed or isuko ang laban kung mag fail man tayo sa academics..
Basta gusto mo ang isang bagay, don't give up.. and focus lang.. Claim it.. Just believe na you can do it.. most importantly, naalala ko sinabi ng isa sa mga mentor ko, Don't entertain negative thoughts... kelangan ma divert mo sya agad into something happy and positive.. and i still apply it until now..
agree!
ReplyDeletemay puntos ka. pero in my case mas ginusto kong umakyat sa ladder of success without any help of other people. let's just say na ayaw ko lang may humingi ng tulong o di kaya naman ay may mapatunayan na even without others help I can make the best of me.
so far it works naman. I am also a license teacher and master holder. by next sem looking forward ako to start my doctorate. But then again, it's not only educational attainment counts most. Marami pa, kasama ang patience at self-esteem.
tama po yun... it could be different sa ibang field or depende na rin talaga kung anong yung goal mo or depende sa sitwasyon... :)
ReplyDeletethanks for reading mam rems.. and congratulations sa mga achievements po... :)