Monday, July 29, 2013

Portable Power Bank For Travelers.

I’m always having a problem with my iphone battery, since I’m now using unli data with Globe, kaya laging naddrain ang battery ng phone ko, and napansin ko rin na mas mabilis na drain yung battery ko simula nung nag upgrade ako ng IOS to 6.1.2, super bilis maubos. When I’m using FB, wechat, etc sa phone ko, my battery will just last for 8hrs… L And this is my problem whenever I’m travelling.  One time super drain na ako and my friend let me borrow his power bank, and na amaze naman ako. Since I don’t have time to go to mall, nagtingin tingin ako sa internet.

And then nakita ko yung model ng power bank na pinakita sa akin ng friend ko, 7500mA and very handy. I was browsing sa Lazada, since lagi kong nakikita na nililike ng friends ko sa FB, so tiningnan ko na rin. And it was perfect for me, kase may COD sila. I don’t usually buy gadgets or kahit ano sa internet, lalo na when using credit card. Minsan kase nababalita ko, ang tagal dumating ng order mo, or may defect. So buti na lang COD ang nakita ko, and mura naman. So go na ko mag purchase. But the problem is, nakalimutan ko everyweekend lang ako sa bahay, so I requested na Saturday and Sunday sila magdeliver. Request granted naman, mabilis silang sumagot ng query online. :)

I ordered it Friday, nadeliver sya Sunday. And here it is...


 Packaging..





 Very Handy Power Bank

Charging via USB port of laptop. You can also charge it using outlet, but the socket adapter is not included on the package. With two output USB port, fast and normal charging.

Now I don't have to worry if my battery got drain, specially when I'm travelling.




Tuesday, July 23, 2013

Infinity Resort (Mindoro) – Unexpected Visit

This is one of my vacations that don’t have any plan at all. Noon nagbakasyon si Marlene dito sa Pinas, syempre ako’y naging isang mabait na driver na naman sa kaibigan. After we attended our friend’s wedding, nagyaya sya kila Mitch sa Mindoro.. May bagong resort daw si Mitch. Ako naman sige, kelan? Monday?.. nyeh kamusta naman… Me pasok ako.. Pero she convinced me to join her, siguro dahil kelangan nya talaga ng kasama at driver, ahaaha… Maganda daw dun, bago, and she showed me some pics of the resort.. Ako naman syempre gusto ng gala, at talaga naman maganda ang mga pictures, sige go ako, sa isang kondisyon, Tuesday na lang para naman makapag file pa ako ng leave sa Monday.  2days kase ang lakad kaya medyo alangan kung Monday, long weekend agad ako.. eheheh.. Parang ubos na ang dahilan ko sa leave.


Ayun na nga, we planned to be at Mindoro as early as possible, para mas ma-enjoy daw ang resort.  I should be at Calamba to fetch Marlene and her son at 5am. E kaso alam na, nakatulog ako kaya ang 5am ko, naging 7am. Inip na inip tuloy si Aiden, para matuwa pa rin sya sa akin, I bought him a toy car,hihihih..

We drove to Batangas Pier, it took us about 1hr from Calamba to Batangas Pier. I just parked my car overnight at the paid open parking. Safe naman sya, kase maraming nag papark and dun talaga nag iiwan ng mga sasakyan. At kumpleto pa naman su Mulberry noon binalikan namin kinabukasan… ehehe.

Bangka papunta sa Mindoro (Talipanan)

It took us 1hr from Batangas Port to Muelle. And pagdating namin doon, sinalubong agad kami ni Mitch..another 20min papunta sa resort nila.. 

At pagdating namin, eto ang bumungad sa amin…

Infinity Pool which is separated; kiddie and adult.

Nice day, solo namin ang resort. Dahil kaka open pa lang nito at may mga ilang construction pa kaya halos wala pang guests. Halos lunch time na when we arrived, so kumain muna kami. Ang sarap ng food dito. They have a resident German Chef and a Filipino Chef. The food was really great, mawawala ang diet mode mo dito. We had our meals at The Brae, the outdoor-indoor restaurant, some minor arrangement pa ito, nun nagpunta kami.


After our lunch I took a rest muna. Pero dahil niyaya ako ng pool, wala ng pahinga pahinga.

Let's take a look at the resort. It is quite luxurious resort with modern architecture. It is a peaceful and quite place, perfect for relaxation and peace of mind, with it's beautiful landscape and of course... the infinity pool.

 The Beach Front


 One side of the resort you see the ocean.


 View of the Villas. 


The other side you can see mountains. 

 cozy lawn chairs (lawn chair nga ba tawag dito? ehehhe)


Len and I enjoying the pool.

At ang pinaka-enjoy sa lahat...si Aiden.

The villas? oh the villas.. the cozy villas. Just take a look at the interior, you'll wanting to stay here forever.

 Living Room


 Dining Area


Bathroom  
 Not creepy bathroom. Well lit, because of the big windows.. very refreshing


Bedroom


Nice View at the Villa's Balcony

I wish i could have enough time to stay here. I really had a great time. It was like a refresh button for me, time to relax, not think of anything but to enjoy the beauty of the resort. Sabi ko nga if you need some peace of mind, just be here and you'll definitely be recharge. And of course it is also a great get away for families.. 

For the rate, it ranges from Php9,240 up to Php42, 900.00. If you have some inquiry and reservation you can visit http://www.infinityresort.com.ph/


I definitely enjoy this vacation. Looking forward for the next visit. Thank you Michelle and Marlene for a great experience.

Tuesday, July 9, 2013

Just when I befriend everybody

We always have our firstday at work, walang masyadong kilala, nangangapa sa trabaho, nakatunganga, di alam san kakain, anung gagawin. Pero siguro sa mga nalipatan kong company, hindi ako nahirapang magadjust. In 1week time, nakaadjust na ako at medyo may mga kaibigan at kakulitan na. Pero nabago ang lahat noon napasok ako sa 2298 Pasong Tamo. Iba ang aura, akala ko syempre sa umpisa lang. Pero lumipas ang isang linggo, hindi ko pa rin sila makausap. Simpleng hi and hello nga wala e. Simpleng ngiti sa hallway wala din. Mga tao ba talaga sila o naligaw lang ako? Ehehehe. Iba kase talaga, unlike sa ibang company, pag nakikita ka nila for a week, kahit papano nag ngingitian na kayo sa hallway. Take note pa ha, 10 lang kami sa isang room. Akalain mo nga naman. Alam ko medyo may kakulitan din naman akong tao, pero sa sitwasyon na yon, hindi ko yata nagawang mangulit or makipagkwentuhan. Akala nga nila seryoso akong tao. Kaya feeling kawawa ako doon pag absent ang partner ko sa TX, mag isa lang ako, alone na alone. Ehehehe. Kase sila yun tipong pag sumama ka naman, OP ka.. so wag na lang. Yung feeling na hindi ka welcome sa group nila.
Oh well, dumaan ang mga events kahit mag kakateam, parang wala pa rin. Ganun pa rin kami, papasok, magtatrabaho… Sabi ko nga oldies ang mga tropa ko dito. Ehehhe. Kase sila naman may family na, wala na yung mga tipong labas tayo, or let’s watch movie after office or tara shopping…
Pero ang nakakalungkot at nakakatawa lang, kung kelan wasak na ang working place namin, kung kelan nagkaron ng delubyo, tsaka ko ba parang naramdaman sila. Na tipong, “ay nakikipag kulitan na sila sa akin”.. Yung tipong, wow ha, nakakasama ko sila sa travel. Kung kelan naman nagkakaron na kami ng chance to get to know each other, tsaka naman nagkaron ng delubyo.. Nakakalungkot din in a way, kase I never thought I could really be close to them tapos hindi na pala kayo magkakasama. But just when you thought it’s over, hindi pa pala. I’m glad we still manage to keep in touch.. kahit watak watak na. Then yung mga kasama mo pa rin sa work, mas nagiging close kayo, kahit ngayon, mas marami akong circle of friends sa new work. Nakakatuwa lang iba talaga ang karanasan ko sa 2298… E sa bagong table ko nga ngayon, wala pa akong 1week pero na manage ko na makipagkulitan sa kanila, or maybe yung iba sa kanila ay kakilala ko na.
I’m glad those people na hindi mo rin inaakala na magiging kaclose or sabihin na nating nakakausap, e mas nakakausap mo na ngayon. Yung ramdam mo na sa kanila yung presence mo. Kase dati akala ko deads na ako tapos hindi ko lang alam kaluluwa na lang pala ako, kase parang wala akong presensya.. ahahahah..
Sad lang din na totally disbanded ang TX team.. tatatlo na nga lang kami hiwa-hiwalay pa. Pero sabi nga maliit ang mundo ng telecoms. I’ll see you around for sure. Thank you sa lahat Sir Warren, ang dami kong natutunan sa work and life. And kay Sir Bing na talagang handang magshare ng knowledge.
 
Pero sabi nga first impression won’t really last. And some people who you barely know would help you out when you need them. Pero hindi talaga ako friendly na tao.. eheheheh