Wednesday, April 26, 2006

hohummmm....

Nangangalahati na ang araw, pero heto pa rin at wala pa ring nagagawa.. Tulad ng mga nakaraang araw nandito ako sa isang sulok ng maliit naming opisina, nag-iisip kung ano pa ang gagawin para malibang. Halos dalawang linggo na akong ganito.. Mahirap rin pala kung ang gagawin mo lang ay magbeat ng mga topscores sa mga games na nasa pc ko..nandyan ang superbounce na natalo ko na ang topscore, level 16 na ito, ang text twist na hirap na hirap akong ibeat ang scores, meron ding bookworm na nakakaaliw, ang nakakainis na zuma, kase namamatay ang pc sa tuwing ito'y lalaruin ko... ang sakit sa mata at sa likod, para ka na ring nagtrabaho ng mabigat.. matapos magsawa kakagames, internet naman, magtingin ng iba't ibang blog at nag-iisip kung bakit magaganda background ng mga blog nila, buti na lang wi-fi na ang gamit dito at di na kelangan pang magdial-up..
Bandang hapon, darating ang boss, babalik sa dating gawaain, kunyaring busy pero nagbebeat na naman ng top scores.. Karimarimarin na ang ganito, buti na lang ako'y laging may bitbit na aklat, "7 habits of highly effective people" kahit papano feeling ko may nagagawa ako para sa ikauunlad ng aking kaisipan... yahoooo...................

Tuesday, April 25, 2006

salamat sa dahon

Dahil sa dami ng natirang pagkain nun nakaraan swimming ng GPS, nagsama sama ulit kami para magdinner, nagcancel na lang na rehearsal dahil magaling na raw kami.. (pero ayaw kong maniwala, kase pag negrerehears kami, aba paulit ulit pa rin at halos makabisado mo na ang tono ng ibang boses). Dating gawi, naglakad kami mula sa simbahan patungong bataan, (bahay nila nanay). At ng makarating na kami don, may kahabaan din ang paghihintay namin ng pagkain kase niluluto pa.. after an hour, ayan ready na ang tocino, itlog, fried rice, soup, itlog na maalat, parang pyesta na naman sa GPS.. No wonder pagnakita nyo mga members ng GPS.... pagkatapos magdighay at magtawanan sa mga kung ano anong usapin, pack up na para magtungo naman sa bahay ni JC, para naman panoorin at pagtawan ang video nun nakaraan swimming...
Binagtas namin ang kalye ng bataan patungong, (nakalimutan ko na st nina JC). Excited na ang lahat mapanood ang kanya kanyang pagmumukaha, sa kasamaang palad puro mukha ni shally at raz ang makikita mo, na halos patayin mo na ang TV dahil sa walang ibang makita.. Matapos patyagaan ang video, nagsiuwian na kami.
Hay, napakalayo pala ng parking ng awto namin na si esmeralda, mga 500meters pa from JC's house. So lakad ulit kami ng kuya ko at ang iba naman ay naglakad na sa kanilang mga tahanan. After 15min ng paglalakad, nakasakay na rin kami kay esmeraldo.. Hay sarap maupo, ilang saglit pa binabagtas namin ang tuazon, biglang "oh sh*t" sabi ng kuya ko, tanong ko naman bakit? biglang "Brg grug............" Whatttttt??? Yun pala sinipsip na at sinaid ni Esmeralda ang kakaunti ng gas... Bakit kelangang makalimutang magpagas.. I can't believe it.. Ito ba ay sa kadahilanang mahal na ang gas ngayon? sa sobrang tensyon hindi malaman ng kuya ko kung anong gagawin. At habang nag-iisipin itinulak nila si esmeralda, habang ako ay nasa manibela, dahil sa tensyon na rin biglang hindi ko na alam kung ito ba ay nakanyutral.. oh men!! Buti na lng malapit na ang gasoline station, habang bumibili ang kuya ko, naiwan ako sa loob ng sasakyan para magbantay.. makalipas ang dalawangpu't limang minuto, dumating na sila...hay salamat. Ngunit hindi namin maibuhos lahat ng laman ng galon na dala nila dahil sa may kalaliman ang lagayan, sa pagtingin ko sa paligid parng biglang nagkaroon ng callouts sa taas ng ulo ko ay may bulb na umilaw, sabay hayun ang dahon gamitin natin na parang tunel.. bwahahahaha.. tagumpay. Hayan na pina-istart na ni kuya, ngunit ayaw pa rin magstart, kinabahan ulit kami, matapos ang ilang ulit na pagpapastart, gumana na rin... hayyyy..... salamat sa dahon...


searching...........

sa aking pagtingin sa iba't ibang blog, napansin ko may kanya kanyang istilo ang bawat isa, kanya kanyang background na hindi mo naman mahahagilap sa mga templates na available.. Napaisip ako, pano kaya nila ginagawa un?? Siguro, kung marami akong oras para mangalikot ng mga codes ay maisasakatuparan ko rin ang nais ko sa blog ko.. Sa ngayon magpopost na lang ako ng mga pangyayari sa buhay buhay at kung ano anong mga bagay... Buti naman at hindi nagtagal ang aking pagtuklas kung paano ginagawa ang cbox.. hehehehehe.
kung gusto nyo akong matulungan sa blog ko paki message na lng po...

Thursday, April 20, 2006

Unlimited SMS II

Eto pa rin, nakakapraning pala mag prepaid, iisipin mo wala na naman akong load, pero kakaload ko lang ng 60pesos.. hay, pag naman post paid, naku baka malaki na ang bill ko..
Ok rin naman ang unlimited, you’re able to coordinate with peole, natatrack mo ang mga importanteng pangyayari.. at pag wala ka ng magawa, ayan at iisipin mo na sayang naman, kaya txt dito txt don, kahit nonsense na mga bagay

Unlimited SMS

Nakakaloko din tong unlimited texting na to.. Before nun bago pa lang ang unlimited, (well until now) nakakainis kase dami dami nagtetext ng forwarded.. Nakakatamad na tingnan ang cell phone kase iisipin mo, forwarded messages lang yan.. During your busy sked, and you’re in the middle of something, naku ayan at vibrate ng walang humpay ang cell phone mo, titingnan mo, kase baka mga bossing ang nagtetext, damn it, ang bubulaga sa’yo e mga forwarded msgs. Hay… kakainis.
Maybe I don’t get it kase hindi naman pedeng mag unlimited ang post paid, but now pede na, kaya ayan nakikiunlimited na rin ako hehehe. And I have my new smart prepaid no. kaya nakakapag unlimited na ko But come to think of it, Para saan ba unlimited? Para makatipid o para mangulit? Kase kung iipunin mo un 30pesos na niloload mo aba malaki na rin un.. marami kase mag-uunlimited lang para magforward ng msgs at mga hindi naman importanteng bagay.. siguro, mayaman sila at ako hindi.. hahahaha. Nanghihinayang kase ako magload, pero bat kaya pag magbabayad na ako ng bill hindi naman nakakahinayang masyado..
On the other side, I enjoy reading some of the forwarded msgs… pero mas gusto ko pa rin kung personal msgs marereciv ko.. :)

Saturday, April 15, 2006

getting started

Bakit nga ba ako na enganyong mag blog?? ewan ko rin... i used to have my personal journal. Pero dahil mas madalas na tinatamad ako magsulat, at minabuti na lang na magmunimuni, kaya ang journal ko e, pang 1 week lang.. :)
One hour ko rin ginawa tong blog, dahil sa hindi ako masatisfied sa mga template kaya, plain black na lang hehehe.. Pero dapat yata nagdadasal at nagtitika ngayon kase byernes santo.. hehehe.