Dahil sa dami ng natirang pagkain nun nakaraan swimming ng GPS, nagsama sama ulit kami para magdinner, nagcancel na lang na rehearsal dahil magaling na raw kami.. (pero ayaw kong maniwala, kase pag negrerehears kami, aba paulit ulit pa rin at halos makabisado mo na ang tono ng ibang boses). Dating gawi, naglakad kami mula sa simbahan patungong bataan, (bahay nila nanay). At ng makarating na kami don, may kahabaan din ang paghihintay namin ng pagkain kase niluluto pa.. after an hour, ayan ready na ang tocino, itlog, fried rice, soup, itlog na maalat, parang pyesta na naman sa GPS.. No wonder pagnakita nyo mga members ng GPS.... pagkatapos magdighay at magtawanan sa mga kung ano anong usapin, pack up na para magtungo naman sa bahay ni JC, para naman panoorin at pagtawan ang video nun nakaraan swimming...
Binagtas namin ang kalye ng bataan patungong, (nakalimutan ko na st nina JC). Excited na ang lahat mapanood ang kanya kanyang pagmumukaha, sa kasamaang palad puro mukha ni shally at raz ang makikita mo, na halos patayin mo na ang TV dahil sa walang ibang makita.. Matapos patyagaan ang video, nagsiuwian na kami.
Hay, napakalayo pala ng parking ng awto namin na si esmeralda, mga 500meters pa from JC's house. So lakad ulit kami ng kuya ko at ang iba naman ay naglakad na sa kanilang mga tahanan. After 15min ng paglalakad, nakasakay na rin kami kay esmeraldo.. Hay sarap maupo, ilang saglit pa binabagtas namin ang tuazon, biglang "oh sh*t" sabi ng kuya ko, tanong ko naman bakit? biglang "Brg grug............" Whatttttt??? Yun pala sinipsip na at sinaid ni Esmeralda ang kakaunti ng gas... Bakit kelangang makalimutang magpagas.. I can't believe it.. Ito ba ay sa kadahilanang mahal na ang gas ngayon? sa sobrang tensyon hindi malaman ng kuya ko kung anong gagawin. At habang nag-iisipin itinulak nila si esmeralda, habang ako ay nasa manibela, dahil sa tensyon na rin biglang hindi ko na alam kung ito ba ay nakanyutral.. oh men!! Buti na lng malapit na ang gasoline station, habang bumibili ang kuya ko, naiwan ako sa loob ng sasakyan para magbantay.. makalipas ang dalawangpu't limang minuto, dumating na sila...hay salamat. Ngunit hindi namin maibuhos lahat ng laman ng galon na dala nila dahil sa may kalaliman ang lagayan, sa pagtingin ko sa paligid parng biglang nagkaroon ng callouts sa taas ng ulo ko ay may bulb na umilaw, sabay hayun ang dahon gamitin natin na parang tunel.. bwahahahaha.. tagumpay. Hayan na pina-istart na ni kuya, ngunit ayaw pa rin magstart, kinabahan ulit kami, matapos ang ilang ulit na pagpapastart, gumana na rin... hayyyy..... salamat sa dahon...
No comments:
Post a Comment