Nangangalahati na ang araw, pero heto pa rin at wala pa ring nagagawa.. Tulad ng mga nakaraang araw nandito ako sa isang sulok ng maliit naming opisina, nag-iisip kung ano pa ang gagawin para malibang. Halos dalawang linggo na akong ganito.. Mahirap rin pala kung ang gagawin mo lang ay magbeat ng mga topscores sa mga games na nasa pc ko..nandyan ang superbounce na natalo ko na ang topscore, level 16 na ito, ang text twist na hirap na hirap akong ibeat ang scores, meron ding bookworm na nakakaaliw, ang nakakainis na zuma, kase namamatay ang pc sa tuwing ito'y lalaruin ko... ang sakit sa mata at sa likod, para ka na ring nagtrabaho ng mabigat.. matapos magsawa kakagames, internet naman, magtingin ng iba't ibang blog at nag-iisip kung bakit magaganda background ng mga blog nila, buti na lang wi-fi na ang gamit dito at di na kelangan pang magdial-up..
Bandang hapon, darating ang boss, babalik sa dating gawaain, kunyaring busy pero nagbebeat na naman ng top scores.. Karimarimarin na ang ganito, buti na lang ako'y laging may bitbit na aklat, "7 habits of highly effective people" kahit papano feeling ko may nagagawa ako para sa ikauunlad ng aking kaisipan... yahoooo...................
galing magtrabaho ha :)salamat sa pagdaan
ReplyDeletesalamat sa visit. ganyan din ako walang magawa sa trabaho kaya nagbloblog na lang. hahah.
ReplyDeletesalamat sa link ng madilim na condominium ko.
ReplyDeleteMagaling ang compyuter mo kung wi-fi ang gamit mo. Samantalang ako, pag na open ko na ung games, restart agad compyuter ko...
tama raz!!! mas ok ang mag blog kumpara sa magbeat ng topscores!!! wou!!!
ReplyDeletesyanga pala mayroon akong libro ni zig ziglar
ReplyDelete"success for dummies"
interesting book... matagal ko nang gustong mabasa yang book ni covey kaso ala akong pera :) ok lang ba swap?!? w
weeeeeeeeeeee!!!
ang lupit ni 88, hindi ko talaga alam kung pano ko i-aapreciate ang sulat nya!!! grabe ang galing!!!
gerr, yep, parang gusto ko na rin magbasa na lang.. sige swap tayo ng book..
ReplyDeleteganda ng porma mo sa pic raz. lyk it :)
ReplyDelete