Tuesday, May 2, 2006

kwento kwento ng ka-hyper-an..

Oras na ng pagtulog?? Meron pala non. As far as I can remember huli akong natulog ng normal e nun nakaraang huwebes..

Simulan natin nun Friday morning.. Ito ay isang normal na araw, papasok ng alas nwebe, magbubukas ng pc at mag-iisip kung anong magandang gawin para hindi mabagot. Pagdating ng alas onse, internet na, hanggang sa pagsapit ng alas dose, sa pagbukas ng pintuan ng aming opisina, nagulantang ang aking mundo, biglang nagbago ang ihip ng hangin, naputol na ang sumpa.. “Raz, punta tayo ng laguna may meeting tayo..” ayan ang bungad ng aking boss. Whaatt?? Is this for real?? Nagmamadali naman akong kumain ng tanghalian, halos hindi ko na nguyain ang pagkain ko, hindi ko malaman kung gusto kong tumambling sapagkat makakalabas ako sa apat na sulok ng aming opisina at hindi na ako mahihirapan na mag-isip kung anong gagawin para maglaho ang pagkabagot..
Makaraan ang halos isang oras na byahe, naabutan naming ang kalaban sa bidding, naghihintay ng kanyang oras para sa negosasyon. Isang oras pa ang pinaghintay naming sa labas, naku ang init at nakakapagod tumayo, pakiramdam ko ay tinubuan na ng ugat ang mga binti ko. Pagkatapos ng kalaban, kami naman.. Gusto nun isang doc na mapunta sa amin ang proj, kaya ayon sagad na sagad na sa presyo. Kaya pala gusto nun doc na mapunta sa amin un proj, kase likable nya ang dalawang macho gwapito kong boss, (male pala si doc ahahahha). At matapos ang negosasyon, hindi pa nakuntento si doc, nagyaya sa kapehan.. ahahahha, gusto pa makipagbonding.. ayan tuloy inabot kami n gals syete ng gabi sa laguna..
At dahil sa may rehearsal ako ng 8pm, kahit medyo pagod na, diresto pa rin sa rehearsal… After ng rehearsal, umuwi lang ako to get my things kase may swimming ako ng morning, at sa bestfriend ako matutulog, kaso hindi naman kami natulog kase kwentuhan.. (antok na ko…. Bukas na lng)


5 comments:

  1. Naku Ineng buti nkapamasyal ka. Sana manlang nang-hunting ka narin ng gwapito ng hindi antukin ang araw mo... hehe!! sige hala kwento!!

    ReplyDelete
  2. walanfg joh! andito nanaman si TK. wah... adik ka talaga. nyahaha... wow, sipag naman. tagal ko ng di nakapupunta sa laguna. batang bata pa ako nun siguro 5 years old.

    gwapo bah mga boss mo? ehehe... wow, tapos nag swimming kapah withh your bestfriend... sarap!

    ReplyDelete
  3. kahit inugatan ang paa mo at least hindi naging kabagot-bagot ang araw mo...

    gwapo ba talaga ang boss mo? post ka naman ng pic nya. heheh!

    ReplyDelete
  4. ang lupit mo talaga raz!!! ang dami mo na palang ginawa nun!!! kaya pala, para ka nang si gaara nung mag meet tayo!!!

    ReplyDelete
  5. @TK: sayang nga e, taken na si boss, may dalawang supling na.. hehehe.

    @phoebe: kakapagod pero masarap, me susunod pa... ahahaha.

    @misty: la akong pic, hindi ko naman napicturan dahil analog lang telepono ko.. ahahahaha.

    @gerbs: marami pang pangyayari gerbs, inantok na ako kagabi kaya hindi ko na natuloy

    ReplyDelete