Thursday, May 11, 2006

Mahirap talaga.

I almost forgot to watch american idol, buti na lang may nagpaalala sa akin.. Sabi ko na nga ba, aatakihin na naman ako ng allergy, syempre what do you expect sa isang construction site...puro alikabok. (sniff, sniff.... svrsssstttssvvvvrrrt)

quebra bengo mi medicen
porque nacien la quebrada
carnavelito de miquerer
to da la rueda venga bailar

a yes deun yaravi
entrecha rangos seha de vidar
ecos donde sentir
bombes ri sueƱos a ligraran

yan ang bago namin kanta ngayon, may choreography pa yan. Mga kapatid watch kayo, may 11, 8pm sa harap ng Fatima church.

Pag ibang linggwahe ang inaaral nakakapraning talaga, iisipin mo na ang tamang tono, pati tamang pronunciation iisipin mo pa rin, nagkandabuhol buhol ang dila ko noon bagong aral naming nito. At pag nakuha mo na ang tamang tono at pagbigkas, pakikialam naman ay ang placement ng boses mo. Sadyang napakahirap kumanta..

Minsan iniisip ko kung may mabuting naidudulot sa akin ang classical music or ang chorale singing, kase wala na akong narinig na magandang kanta. Lahat yata ng live performer (pop singers) sikat at hindi, sumesemplang pa rin. Hindi naman ako kagalingang kumanta, wala ako masyadong vibrato at hindi ganon kalakas ang boses, pero nakakadala naman daw ako ng tono. Kung ang power ng boses ng mga tinatawag na principal sa amin ay 100dB, ako ay 50dB lng.. Nahahasa daw talaga ang tenga pag sa classical, kase sakto dapat palagi ang tono.

Marami naman akong natututunan, mga tinatawag na placement ng boses, mga glottis (the opening of the larynx) bilabial (sound produced by contact of 2 lips), flat (kulang sa taas), sharp (sobra sa taas), staccato, forte, mforte (malakas), pp (mahina), at kung ano ano pa. may boses pala sa ngipin at batok, sabi kase ng aming maestro, wag daw ilagay sa ipin or batok un boses. aba pede pala un. Nung nagsstart palang ang training, may mga tumutuwad habang ang tatlong daliri ay nakapasak sa bibig.. feeling mo matatanggal na ang ngalangala mo, kase kelangan pang lakasan pero yun na ang pinakamalakas, meron pa palang ilalakas. May boses na mahangin, pero nagiging buo pagkatapos matrain ng mahabang panahon.

Pag maycontest at concert, medyo mahigpit si maestro, maraming bawal:
  • Bawal magpuyat, so kahit may insomnia ako at adik sa madaling araw na internet, pinipilit kong matulog ng maaga. Aba naman kase napakatataas ng dapat mong i-hit na tono. Hindi pedeng ma flat..
  • Bawal ang tsokolate.. kase daw nagcoclose ang lalamuna.
  • Bawal ang ice tea…
  • Bawal lahat ng inumin, tubig lang ang pede.

Hay, sacrifice din talaga. (nag 1st place naman kami sa isa sa mga kompetisyong sinalihan naming)

Kaya ngayon, at kahit dati pa, hindi ako nanonood ng ASAP at SOP, kase nabubuwisit lng ako. Wala sa mga tono ang kumkanta ang sakit sa tenga. Gusto ko dati M@M^ (baka kase awayin ako ng mga fans), pero hindi na ngayon, pangit na nya mag live or gumaling lng talaga tenga ko… Mahirap lng talagang kumanta..

I remember nun tumambay kami sa baywalk ng mga kaibigan ko, hindi ko maintindihan kung bakit may nagpeperform na ganon, as in… hindi kagalingan.. ay, hindi pala talaga magaling. Out of pitch na, wala pang kapower power ang boses.. Masama yata talaga naidudulot sa akin ng choir, nagiging mapanlait ako.. hehehe. Marami lng siguro akong kilalang talented sa pagkanta pero hindi nabibigyan ng break..

Haba nap ala nito… antok na ko.. To sum it up, mahirap talagang kumanta.


7 comments:

  1. Kung ang mga artista eh ang pipilit kumanta, hayaan mo na sila lam nonaman ala na silang ibang talent...

    Choir ako mula grade six to sawa... hehe! kaya medyo hasa din ang voice ko. Pero pili lang ang mga kantang kaya ko.. ung mala cristina aguilera patay ako jan...

    Gift din kasi tlga ang magkaroon ng magandang boses, ung khit sumipol lang e parang kanta na talga... pero ung iba pag kumanta naku mas mabuti pang tumula nalang sila heheh

    ReplyDelete
  2. nyahahaha... songer ka pala. stig! pangatlong pangarap ko ang maging musikera... una kasi maging philosopher, pangalawa ang pychologist, pangatlo yan ang pang-apat maging sikat na badminton player. hehe. mahilig din akong kumanta pero pang lalake dapat na mga kanta. kaya ko kasing magboses lalake at babae. hindi ko kaya ang bakla. hehe.

    ganyan talaga kapag marami ka ng alam, medyo mapanlait kana. sabi mo nga rin kapag marami kang kakilalang magaling makakakita karin ng hindi magaling tapos malalait mo. nyahaha... bihira ako manlait pero marami akong kakilalang ganyan. hehe. natatawa nalang ako.

    daming gusto akong sumali sa choir kaso ayaw ng magulang ko. may bad past kasi kami sa choir. hehe.

    ReplyDelete
  3. daya nito oh!!! ang lapit lang ng fatima sa amin hindi ka nagsasabi :( sayang nakita ko sana ulit ang GPS wouuuu!!!

    ReplyDelete
  4. ako frustrated singer...

    huhuhu...

    ReplyDelete
  5. @TK
    Kaya selected artist na lang pinapakinggan ko ngayon.
    Wow, choir ka rin pala. Ano pala boses mo? Ako pili rin ang kanta, yun mga mararaming kulot, hindi ko kaya yon..

    @phoebe
    Naku, double kara ka pala. wehehehe
    Hindi naman ako mapanlait, nagpapakabuti na ako ngayon.

    @gerbs
    Fatima sa galas po yon.. yon ang parokya namin, hindi Fatima sa valenzuela... layo nun huh..

    @/iambrew
    marami akong frustration... guitar, maging sikat na badminton player, at kung ano ano pa... hehehehe. gusto ko nga ring maging pintor..

    ReplyDelete
  6. nagpapakabuti? nyahaahaha... sige. gudluck. galingan mo ah. May tanong ako.. bat ang ilang tao ang puti ng mata, yung walang pula o kahit ugat sa mata???

    ReplyDelete
  7. phoebe, ayon sa kuya ko, healthy person daw yun mapuputi ang mga mata, walang ugat at walang pula..
    Sadyang napakahirap magpakabuti.. hehehehe

    ReplyDelete