Sunday, May 14, 2006

ibang dimensyon...

Nauuso na naman ang kwentong katatakutan dito sa bahay. Ako lng yata ditto sa bahay ang hindi pinagpalang makakita o makaramdam man lang, at yon ay pinagpapasalamat ko.

1998 naming nakuha ang unit na ito.. pero hanggang ngayon ay hindi naman ako nababagabag ng mga sinasabi nilang mga nilalang sa ibang dimension.

Dati, matatakutin talaga ako, may mamatay lng na kapitbahay namin sa probinsya takot na takot na ako. Pero napaglabanan ko na ito. Kaya ng icontrol ng isip ko ang mga takot nayan.

Ang kuya ko, hindi ko akalain na nakakakita pala sya, pero hindi naman malakas ang mata nyan.. paminsan minsan nakakakita sya. Minsan nagkukwentuhan sila dito sa bahay, dahil sa abala ako sa ibang bagay, hindi ko masyadong maintindihan, dahil na
rin siguro ayaw nya iparinig sa akin kase baka matakot ako.

Naglakas loob naman ako na tanungin kung ano yung pinag-uusapan nila, ayon may nakikita daw sila dito sa room ko (parang natatakot ako bigla) lalaki ito. Pati yun helper naming dito sa bahay nakakakita din, mas malakas sa kanya. Inisip ko naman wala naman akong dinadalang lalaki sa room ko, hanggang sa malaman ko na ito pala ay “the others”. Takot ako, hindi ko alam kung pano ako matutulog kinagabihan.. waaaahhhhh. Nakita ng kuya ko nakaupo daw sa kama.

Yun pinsan ko naman, isang umaga sumilip sa room ko, kase makikigamit ng PC ko, akala nya nandun ako, nagulat sya bigla akong dumating galing sa labas.. may nakita daw sya nakaupo sa PC.. waaaahhhhhhhhh.. ayoko na. bat kase sa room ko pa.. Pati bestfriend ko sabi meron daw talaga.. Ok lng naman sa akin kung meron talaga, basta wag lang magpapakita sa akin o magpaparamdam.

Madalas akong magcomputer sa madaling araw.. One time around 3am, habang abala ako sa pag-iinternet, sarado ang ilaw sa room ko, tanging liwanag lang sa monitor ang makikita mo, biglang bumukas ang pinto, nakalapat naman at kelangan mo pa ng force para mabuksan, at naramdaman ko ang malamig na hangin, panong magkakahangin form the door e, sa apat na bintana ng kwarto walang pumasok na hangin… nyaaaaaaa, nangangatog ang tuhod kong binuksa ang ilaw, dali daling pinatay ang PC, nagtalukbong ng kumot at pinilit matulog.. wheew!! Pero inisip ko pa rin na hangin lang yon.. hehehe

At ang pinaka creepy, around 3am din, may ka chat ako tapos naka on ang web cam ko, tama ba naman akong tanungin kung may kasama daw ako sa room, sabi ko wala, tapos sabi nya talaga, e sino yun nasa likod mo.. haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa… ayoko na, off ko cam. Langyang yun, di ako alam kung ginugood time ako…

Pero ok naman, hindi ako natatakot, may times lang pag iniisip ko. Mas madalas pa rin akong magstay dito sa room ko, kahit ako lng mag-isa dito sa bahay. Mas gugustuhin kong tumambay dito kesa sa sala.. Minsan nga pag may nawawala akong gamit, pinapahanap ko sa “the others”. Lumalabas naman ang gamit..

9 comments:

  1. Hoy kwento moyan sa holloween, kainis ka tlga... matatakutin ako eh!!! promise! yoko ng mga ganyang kwento kaya diko tinapos ang kwento mo heheh

    ReplyDelete
  2. kinilabutan ako sa 'wento mo... kainis ka panghalloween drama mo, tumayo tuloy mga balahibo ko.

    inalis ko na kasi ang takot katawan ko mula ng ma-dead si mader pero pag may nagkukwento ng mga ganyan, bumabalik ang takot ko... minsan kasi nararamdaman namin na parang may naglalakad sa sala namin pag hatinggabi.nagtatalukbong na lang din ako ng kumot...

    ReplyDelete
  3. nagbabalik upang basahin ang entry na to.Ü

    haha! no ba yang kwento mo! pero... masayA!!!Ü i love scary stories or movies. pero number 1 matatakutin din ako! haha..

    nkkktot ung sa webcam story ha! sana tinignan mo, pra makita mu chura nya. waaa
    habang nagttype ako, tumatayo balahibo ko! chaka..

    huhuhuhu

    ewan...
    basta.. naisip ko tuloy kng mi gumagamit rin ng computer ko! waaaaaaaaaa
    pabbili nlng ako ng laptop. jowk. haha

    pero asted ung pinahahanap mo ung gamit mo na nawawala, tsaka lumalabas. wow ha.

    cge hanggang dito nlng.. sakit na ng ulo ko. hehe!Ü

    ReplyDelete
  4. akala mo ba kaw lang may ganyan sa kwarto???!! sakin meron din..at parang nakita ko na sya!
    nirerenovate kasi bahay namin dati..dumaan ako sa isang kwarto[na kwarto ko ngaun]..parang napansin kong may nakasilip na babae..pero bakak guni-guni ko lang kaya di ko pinansin..tapos nun palagi ng sinasabi sakin ng mga kasambahay ko na akala nila andun ako sa kwarto pero hindi naman! medyo natatakot ako dati..pero ngaun di na..di naman nya ako ginagagalaw eh..bast pag-pray mo lang sila!;)

    ReplyDelete
  5. @TK
    matatakutin ka pala.. ahehehehe. churi..

    @mistyjoy
    halloween ba?? mas maraming kwento pag halloween.
    Yun mga naglalakad? it's only in the mind.hehehe. pero tingnan mo rin baka kase magnanakaw na un.

    @p3ter05
    takot nga akong lumingon, baka paglingon ko may nakangiti sa likod ko, di ko kakayanin yun no.. kaya wag ka nakikipagchat ng madaling araw.. hehehehe.
    minsan ko lng ginawa yun, nagpapahanap ako.. kakatakot baka kausapin ako at sabihing napakakalat mo kase..

    @ruth
    wow you're back... namiss kita ah. bwehehehehe
    parehas pala tayo... wag kang magcacam sa madaling araw, baka sabihin din sayo may kasama kang iba... wahhhh

    ReplyDelete
  6. oo nga tama kah! buti sana kung may sarili akong pc! kahit may multo sa likod matitiis ko para lang sa sariling pc! hehe..jowk lang po..para sa mga kakaibang dimension na nakabasa ng sinulat ko....[takot din]

    ReplyDelete
  7. wah! sino yung asa likod mo? sus... aminin mo na, nagdadala ka ng lalaki. ehehe. joke lang. pero creepy yun ah. try mo minsang sabihin sa kanya na...
    "magpakita ka nga pero wag mo lang akong gugulatin"
    harmless naman ang mga multo eh. hehe.

    matagal na kasi kami dito sa bahay namin. since 1991 pa. dito na ako nagkaisip kung meron man.

    ReplyDelete
  8. nah... ginagawa rin naman namin yun dati raz... niloloko ka lang nun :)

    ReplyDelete
  9. it might be.. pero kung hindi ko alam yun previous story about that, i wont be scared...

    ReplyDelete