Ipagpatuloy ang kwento.
At dahil sa kasama namin si heikkenen (dnt kno if this is correct, beer na nasa green can, hindi pa naming to nakakasalamuha, kaya try namin) sa kwentuhan, hindi namin namalayan ang oras….mag-aalas kwatro na pala.. para masabing natulog ako, at walang kumontrang matatanda sa swimming, nahiga naman kami at nagkunwaring natutulog.. makalipas ang isang oras ayan na, dandadadan…. It’s time to go… nagkunwaring tulog na naman kami sa sasakyan para hindi nila sabihin bawal maligo ang puyat..hahahaha.
Nakakainip pala ang nakapikit lang, parang napakatagal ng byahe, aba laguna lang un.. pagdilat ng mata ko, sus ginoo, lahat yata ng mga tao e nakaisip magswimming sa laguna dahil sa dami ng sasakyan nagkalat.. sige, pikit ulit, pero hindi na ako kumportable, parang hinahalukay ang sikmura ko dahil sa gutom, sabayan pa ng kakaibang sakit ng tyan na parang may pwersa sa kinauupuan.. ano ba naming pakiramdam ito.. magaling akong magproject kaya parang walang anumang ang nararamdaman ko.. Isang oras pa ang lumipas at nakarating na kami sa destinasyon, hay salamat naman.. syempre pa pasimple akong naghanap ng lugar kung saan pede kang maupo sa trono at magrelax, kunyaring magshohower lang.. para hindi masyadong halata, kain muna at inom ng kape, konting kwentuhan.. nun hindi ko na talaga makayanan ng natitira ko pang pwersa sa pagpigil, dahan dahan na akong naglaho sa paningin nila.. Napakasarap talagang gawin ang mga bagay bagay na mag-isa ka lng, na parang sarili mo ang mundo..
Lahat sila ay sabik ng magbabad sa tubig. Ako naman ay halos maubos na ang lakas dahil sa kawalan ng tulog at pagkapagod.. panood nood lang sa mga tao, picture picture.. pero ang gusto ko talagang gawin ay gulantangin sila at maghasik ng lagim sa videoke.
Maya maya pa ay may nagkalakas ang loob na lumapit sa videoke at nagsimulang kumanta, pakiramdam ko ay may sira ang machine ngunit hindi ko ito mawari kung ano.. Pagkatapos nila kami naman ng bestfriend ko ang lumapit sa machine at ng kami kumakanta, wala naman itong diperensya, nagkataon lang siguro.. syempre pa medyo makapal na mukha ko kaya, sige, kanta lang ng kanta, lahat ng mataas…. Pero parang gusto na akong murahin ng machine..at kung pede lang magreklamo ang lalamunan ko, e sinabi na na tigilan ko na ang kalokohang ito.
At hindi ko rin alam kung bakit kung kelan tirik ang araw, don ko naisipang magbabad sa tubig, (morena na ako ha) baka sakaling pumuti ako e.. hekhekhek. Langoy dito, laggoy don.. na parang napakaraming enerhiya pa sa katawan ko.. at ng medyo napagod, tambay ulit kami sa videoke, hindi ko talaga maintindihan kung may sira talaga ang machine, advance ang music, masyadong mabilis para sa kumakanta, buti na lang tumitino pag kami na.. :)
Uwian time na. Sa unang tatlumpung minuto, ayan at may mga lakas pa sila, kwento kwento, maya maya lng, kanya kanyang bayubay ng katawan, ang iba ay parang nagaakrobatik na, makakuha lang ng pwesto para makatulog, ang mga ulong animo’y kumakatok sa pintuan, ayan at pag pumepreno ay mauupog, pero wala parin silang pakialam, meron naman na halos kasya ang dalawampung langaw sa laki ng pagkakabuka ng bibig.. at ng maisip ko na may next swimming pa pala ako pag kauwi, overnight naman, pinilit kong makatulog… swimming marathon ito..
Mas gusto ko sa beach kesa sa mga pool lang. dahil malakas ang boyance sa beach, talagang halos nakakatulog ako pag naka floating. ang sarap sa pakiramdam, magaan tlga. pero dapat sure ka sayo e may nagbabantay baka pag gising mo nasa ibang island kana.. heheh!! sarap ng swimming marathon nayan!
ReplyDeletepwde kitang labanan kung sa videoke lang nman! heheh!
ok kasama si raz sa videoke! may swimming coach ka na! may libreng voice lessons pa!!! weeeeeeeeee!!!
ReplyDelete