Matagal na pala akong hindi nakakapagblog.. Medyo busy, at dahil na rin sa laging down ang “smart wi-fi” sa office.
Yesterday I got my new drivers licence, “student” again. 5 years na yata akong may student permit.. pang 3rd ko na ito. Not because hindi ako nakakapasa sa non-pro. Tamad lang akong kumuha, kaya laging naeexpire ang student licence ko.
At kung hindi pa dahil baka magkaroon ng service sa office, baka hanggang ngayon tamarin pa rin akong ayusin ang licence ko..
Matagal na akong pinapakuha ng mga kuya ko, dahil nga hindi ako makapagdrive ng ako lng. Kahit gusting gusto kong magdrive, ayaw ng mga kuya kase wala daw akong licence. Minsan napipilit ko naman sila, pero 98% na hindi. Kaya ang alam ko, hindi pa talaga ako pwedeng magdrive mag-isa, kase kulang sa practise. Madalas akong pagalitan pag ako ang nagdidrive, ang bilis ko daw tapos hindi raw ako marunong tumingin.. Kakainis talaga pag nagdidrieve ka tapos ang katabi mo ang bunganga ay halos nasa tenga mo na. Sa halip na matuto ka at magawa ang tama, lalo kang matataranta.
Hanggang sa dumating ang araw na napatunayan kong marunong na akong mag-isa. Martes ng hapon, tumawag ang kaibigan ko, na nakabili ng sasakyan naming, ewan ko ba kung bakit naisipan nya agad bumili, e walang kaalam alam sa pag didrive, clutch nga hindi nya alam.. Kaya ako ang pinagdiskitahan nya. Pinilit akong ipagdrive sya sa libis, ako naman itong si “full of adventure” na tao, oo naman ako. Basta, walang maingay sa bahay. Nung una ayaw ko, kase bukod sa wala akong licence, coding pa.. patong patong na violation na yan kung mahuli. Dahil sa pamimilit nya, at excited din ako.. Sige go tayo basta 7pm ang alis, para wala ng coding..
Ayan na, pati sasakyan ng kapit bahay nya nadrive ko kase nakahara sa drive way.. whew! Sabi ko pag 3times namatay ang makina, uwi na lang kami, kase baka kung saang lupalop kami pulutin.. Wow, grabe, isang lane lang talaga ako, no breaking the red light. Hay kakakaba pala. Parehas pa kaming geographically idiot. Sadyang pinagpala lng talaga kami, at walang masamang nangyari.. isa lng, nagpark ako ng paatras, wah! Medyo dumikit ang bumper.. Pero ok lng, dati ng may gasgas ang bumper.. hay, ang galing ko ng magdrive.. At walang kaalam alam ang mga tao sa bahay na marunong na akong mag-isa.. bwahahahaha.
Kaya naulit ng naulit ang pag didrive ko ng walang licence.. Nakakakaba, pero ngayon good girl na ako.. may licence na ako… sarap ng feeling, walang kaba pag nagdidrive..
Ang bait nga nun mga tao sa LTO (balic balic), kase yun expired ko na licence naka offline pala nun inapply ko sa province, kaya back to requirements daw ako.. nyah, kukuha pa ako ng birth certificate?? Buti naawa yun isa, pinafill-up na lng ako ng bagong form, tapos hinihingan ako ng picture (part of the requirements) pero wala akong picture.. Dahil na rin siguro mukhang desperado na ako sa licence kaya pinagbigyan pa rin nila ako.. yahoo..
pasaway toh! pag ikaw nahuli ng pulis anoh!! makakpag-blog ka pa kaya?!! *bah syempre dahil papyansahan mo ang sarili mo* pero..buti na lang at makakakuha ka na ng lisensya! minsan..pagdrive mo ko sa skul ha! malapit na pasukan eh..hehe
ReplyDeleteganyan talaga ang tao pag willing matuto. kahit bawal sige lang... ganyan din ako e, pero sa ibang bagay kase inde naman ako marunong magdrive.
ReplyDeletePero wish ko samdey makakapagdrive din ako. type ko yung 4 wheels, feeling sosy.. harr har...^____^
@ruth
ReplyDeleteAba oo nga no.. kung nahuli ako, baka matagalan bago ako makapagblog... wahhh. Buti na lng.
Sige bah, layo mo e.. taga pasig ka right?? baka 3 hakbang lang skul mo sa bahay nyo.. hehehe
@misty
Minsan talaga masarap mag break ng rule.. sabi nga nila paminsan minsan magbreak ka ng rule para maging successful.. pero hindi naman sa masama ha..
ako pinagdidiskitahan ko ang motorcycle.. hehehe. parang ang sarap kase, medyo delikado nga lang. pero tipid sa gas..
hindi naman pero kaya ko ring lakarin..kahit na mahabahabang lakaran yun..
ReplyDeletenyahahaahah... ako naman gusto ko ng matututo kaso ayaw ng pamilya ko. mabuti na raw na wag muna. lahat kasi sila dito sa bahay may lisensya na, ako nalang ang wala. hehe.
ReplyDeletekatakut naman ginawa mo. tapang. ate ko magaling mag drive... the best. nag dra-drag racing kasi sya eh at meron silang grupo. hehe.
nanay ko nagturo rin syang mag drive eh yung tinuruan nya wala pa talagang alam, ayun... nakabangga sila ng ibang gate. hehe.
nice naman edi may magtuturo na palang mag drive dito mwehehe!!!
ReplyDeleteraz's school of driving :)
@phoebe
ReplyDeleteDarating din ang time na papayagan ka na ng pamilya mo..
Pangarap kong magdrag racing...
@gerrycho
Oo naman, mura ang serbisyo ko... bwehehehehe