Thursday, March 29, 2007

waaaahh

Nalulungkot ako sobra........ darn!! something's eating me.. baka pating?? errr..

Friday, March 16, 2007

Politics....masama o mabuti?

Sa dami ng gusto kong i-blog, naghalu-halo na yata sa utak ko, nagkaroon na yata ng jam, kaya sa halip na maraming maisulat mukhang wala pa akong maisip… Wala na kase akong time para pumindot sa keyboard…

*******************************************

Matunog ang usap-usapan dito tungkol sa pulitika, mga kanya kanyang gimik and so on… Meron ngang gusto yatang magtanim ng gulay sa senado, at ang pangarap ay pangarapin… Mga hindi mo mawaring dance step, ang mga kandidato, e nagpupumilit magsayaw…hehehehe. Aba, pati nga si pacman, tatakbo na sa senado, at pati na rin si cesar montano at Richard Gomez…oh no.

Pati pala ang tatay ko naiimpluwensyahang kumandidato, pero hindi sa senado ha..hehehe. Si Tatay ay isang simpleng mamamayan lamang. Ang akala ng marami mayaman kami, pero akala lang nila yun.. :) Retired High School Principal sya sa Pampublikong paaralan… Mga tatlong taon na rin syang wala sa paaralan.. Noon pa man ay, naiisip na namin na what if tumakbo si Tatay na Brgy Chairman, manalo kaya sya kahit walang ipamigay na pera? Medyo sikat kase si Tatay sa aming bayan.. Pero ang pagkandidato nya ay joke joke lang yun… Sa school pa nga lang, e medyo marami na ang nagagalit sa kanya, kase naman si Tatay ay may pagka straight, yung tipong always on the right side, sinusunod kung alin ang tama.. Kaya nga mataas ang respeto ng nakakrami sa kanya.

Yan ang dahlilan kung bakit kelangan naming maging matino..hehehe. Good image kase sina Tatay at Nanay. (Hindi nila alam ako’y isang pariwara..aheheheh).

Dahil retiro na sya, marami ang nagmumungkahi sa kanya na tumakbo bilang konsehal. May mga partidong kumukuha sa kanya, pero hanggang ngayon ay pinag-iisipan pa nya. March 29 yata ang last filing of candidacy. Sabi naman namin, go ahead tingnan natin kung mapapatunayan natin na kahit walang pera ay pwedeng manalo.. kung baga, kung umuubra pa ang malinis na pagkandidato.

Mainit ang pangalan ni Tatay, kung ako ang tatanungin, maaari syang manalo..Posible yun. Kaya lang napag isip-isip naming, huwag na lang. Active kase sa church sina Tatay at Nanay. Sa darating na Abril, magcoconcert ang choir namin sa Marinduque, so big event din ito na si Nanay ang isa sa mga nag-aasikaso. Pag kumandidato si Tatay, baka mahati ang magsusuport sa concert.

Syempre may mga partido partido pa yan, e di baka mahati lang, bukod don hindi na maasikaso pa ni nana yang pagsuporta sa kanya dahil nga sa concert. And besides, Tatay is a good man, marami rin namang natutulungan kahit hindi pulitiko. Nag-usap usap kaming magkakapatid at si Nanay about that, parang mas makabubuti nga na huwag na lang. Sadyang marumi ang pulitika, and when you’re there, for sure marami kang maviviolate na rules from God, na mahirap para sa kanya, because he’s serving the church.. Para bang somehow you’ll get your hands dirty because of politics.. Kahit gaano siguro kabuti ang isang tao, matetempt at matetempt ka pa ring gumawa ng masama. Sadyang magulo ang pulitika, nature na siguro yan, at wala na tayong magagawa dyan. Magmalinis ka, ikaw ang masama..gumawa ka ng masama, para sa ikabubuti ng iba masama ka pa rin..

Mas ok na siguro kung nakaconcentrate sya sa pagserve sa simbahan… Wala syang ibang iintindihin kundi ang pagsilbi sa Dyos at ang pamilya..

***********************************

Buhay na buhay ang singing career ko ngayon.. Kung sino man ang nasa pinas, I’m inviting you to watch our concert at philamlife auditorium, United Nations Avenue, Manila..

COLORS OF WORSHIP – A Festival of Sacred Choral Music
March 24, 2007 (Saturday) 3:00PM (P200 po ang tickets)

5 kaming choirs na kakanta, sila yung mga choirs na nakakasama na namin sa competition, masaya to…. heheheheh

Saturday, March 3, 2007

Idaan na lang sa war...

Kanya kanyang pressure sa trabaho, kanya kanyang kadramahan sa buhay, kanya kanyang galit, kaya ang solusyon.. war na lang.. hehehehehe.

Buong team sana kami, senior vs junior engineers sana, pero ang iba pinadala sa cebu at ang iba naman, ay sadayang hindi available.. Nagreready na nga kami ng printout ng mukha ni franco (chinese guy ng huawei, ang makulit na client), para mailabas na ang lahat ng kinikimkim na inis..pero wala pala kaming litrato..

Kahit anim na lang ang natira sa labingdalawang manlalaro, tuloy pa rin kami... sa dami ng trabaho, kelangang mag-unwind.. First time naming lahat mag war games, kaya excited kami.. Pagdating namin sa venue may mga inoorient na rin... anim din sila maglalaro, so ang nangyari kinalaban na lang namin sila, para mas marami.. first time din daw nila..
Ready to fight na ko.... kakakaba pala..

First game, may scenario pang nalalaman ang facilitator, kami ang counter terrorist... nagstart na ang game, nakakakaba pala, masakit din daw kase pag tinamaan ka ng bala.. Tuhod ko nanginginig, since hindi pa magaling that time sugat ko sa tuhod, hindi ako makaluhod, para makapagtago ng mabuti... 15minutes lang ang game.. nakapwesto lang ako sa isang lugar.. maya maya, ayan putukan na... last 5min nakikibaril na rin ako, tinamaan ako sa kamay, masakit nga... waaaahhhh.. pero considered buhay ka pa rin, kase sa kamay lang naman tama...hehehe.. first game panalo kami..

2nd game, kami naman ang terrorist, natalo kami....

Sa decision game, fast ball na ang tawag... ibang playing ground naman.. as in sugod kung sugod.. konti lang yun mga tataguan mo, malakas na loob ko nun, kaya sumusugod na.. panalo kami sa last round..hehehehe. ang masaklap, yung kabilang team, medyo nasaktan, nagkapasa yung braso nun isang babae.. kawawa talaga, kase pagnasa field na, mahirap marecognize ang babae dahil sa mask.. mukha nga raw kaming hindi first time... (malaki lang siguro ang galit, kaya akala ng mga kateam ko e si franco at julius yung kalaban). Nagsorry naman kami sa kanila, kala tuloy nila mga pulis kami at hindi first time na naglaro kami.



Dahil may mga natitira pa kaming bala, kaya naglaro pa ulit kami.. Kami kami na lang... at sa kasamaang palad, nadapa naman ako.. ang kulit kase ni justin, sabi ko sa gitna ako, sya sa kaliwa, nagkabanggaan ba naman kami sa gitna, parang sa pelikula na comedy... waaahhh... nagkapasa tuloy yung isang tuhod ko...
Kahit nasaktan ako, i really enjoyed the night, nakakawala ng stress.. Ganon siguro pag sundalo ka, isang paa mo nasa hukay na.. you'll never know kung kelan ka tatamaan ng bala...