Tuesday, January 8, 2008

Simply perfomer..

Heto na po mom ann ang kwento... Pasensya na at natagal, hehehe...

Well, well well, talagang lalake ako.. hahahahaha.. Ewan ko lang kung bakit maraming hindi naniniwala. Pag may lalake na pumuporma, at medyo kweng kweng, isa lang ang sinasabi ko, "pasensya ka na, pero di tayo talo, may gf na ako" wahahahahahahaha.. sabay kuha sa wallet ng picture at ipakita ang kung sino mang gf ang maisipan ko. Tapos reaction nila " whaaatt?? di nga? sayang naman..." Tapos parang gustong kang hablutin at gawing babae... nyahahahaha.. kaya nga ayaw ko ng gawin yun, baka mawala ang aking puri, kung meron man...

Pero gwapo ako, wahahha... ayan ang katibayan sa previous post. Wala naman, akong kamalay malay, nanggaling ako sa isang meeting nun araw na yun, meeting na animoy nasa pressure cooker ako... at pag balik ko ng opisina, Raz, magperform ka bukas ha... "what?? ng anu?? bukas?? e kamusta naman ang praktis?? anu to impromptu? artista ba ako??" Pero inexpect ko na yun, hahaha.. e wala namang ibang makapal ang mukha kundi ako, isama mo pa si jazz, na isa ring makapal ang mukha.

So ayan na nga po, ang tema ng christmas party ay MTV.. so so so... magbackstreet boys daw kami at ang mga boys, ay spice girls... syempre naman, pumayag na ako, since, medyo hindi na ako makikilala nyan, dahil iba nga ang looks.

Brain storming ng steps sa sayaw, aba naman mahirap un ha, buti sana kung kayo kayo lang, e dyoskopo, buong ENP (Ericsson Network Phil) kaya un.. PEro ok lang, matagal ng makapal mukha ko. Aba, hatinggabi na, kalahati pa lang nabuo namin..
Kinabukasan.. Normal na sa akin ang busy... At dahil ayaw ko naman mapahiya ang group, sya sige, takas muna.. praktis muna.. tapos, last minute, nagbago kami ng i-peperform.. Heto ang finished product..hehehe




The backstreeboys

Galing ng tattoo ko, anaconda yan, pumayat lang ako, kaya naging bulate, un nasa right side naman agila un, naging mukhang mcdo lang kase pumayat nga ako... ahhahahahaha






"Spice girls"


Habang hinihintay namin ang turn namin, nasa gilid lang kami at umiinon ng beer, na hindi ko na talaga nabilang kung naka ilang glass ako, nakastraw pa un.. beer na inistraw.. hehehe, para may lakas ng loob na magperform. naramdaman namin na parang nakakalasing ng tumayo ako, at nagready... kamusta naman un..hehehehe



Halata bang mga tipsy na?? hehehe

At dumating na ang aming pagkakataon.... mapapanood nyo po dito... At ang spice girls naman ay dito. Maraming cut dito, ewan ko nga ba kung sino nagpost nyan sa youtube..


"Unang adik"


O di ba, astig....


Pagkatapos namin, naramdaman ko ang pagtipsy.. heheheheh... naka 6 bottles yata ako ng beer na may straw pa.. Sayang nga lang, hindi kami nanalo, kase nagkaroon ng technical problem ang music ng spice girls... sayang talaga.. nagkaiwan na kase.. tsk.. to the highest level pa naman performance namin..


After the mtv performace, heto na ang pagbabagong anyo....









pa girl

Mga 5 min lang akong naging girl, hay, last minute shopping pa naman yan.. dyuskopo, after magtalo kami at matapos ang presentation, uwian na.. waahhhhh.. hayz..

Akala ko tapos na ang lahat kinabukasan, hindi na mapapag usapan.. aba, nasa lobby pa lang ako ng building, parang lahat ng tao nakatingin sa akin. NAk ng, pangit ba suot ko?? At ng nasa 20th floor na ako, kantahan daw ba ako ng backstreet boys, aba naman... ganun ba un?? super inalaska nila ako... adik daw ako.. nyah, e syempre performance level... ako pa?? e sus, sanay naman ako humarap at magconcert sa maraming tao, e yun pa?? wala lang naman sa akin yun, game naman ako sa mga ganyang show.. ahehehehe.. in other words, makapal lang talaga mukha ko.. naconcious tuloy ako..

Aba, at kahit first hour pa lang sa ofis, naka upload na angvideo, ng napanood ko, ok naman... e talagang ganun pag nagpeperform diba?? ayaw ko kase nun, nagpeperform ka tapos mukha kang nahihiya, mas kahiya hiya yun.. pero, kahit hindi ko kakilala, aba, narerecognize ang feslak ko.. nyah!!!...nu ba yun... well, artista ba?? nyahahahaha.... and besides, ako lang inaasar nila, e samantalang mas adik pa sa akin ang pinagagagawa nila....






13 comments:

  1. una ako......

    wow ang ganda ng performance nyo....hay, akala ko lalaki ka...hhahahah

    tanga talaga ako.....

    balik na lang ako, 4pm na dito, magloto muna ako, darating na asawa ko, kain kaagad kasi nagugutom yon pagdating.....

    balik ako to read all sa post mo...

    natawa lang ako sa sabi mo, sana nandiyan din ang --three kings, para kanta kayo, poem n etc....

    tapos daming sweets pa.....bigay sa may bahay.....lol

    bye n have a nice day....

    ReplyDelete
  2. wahahahahaha... tita vk, naconfuse din kayo?? ahheehehehe... ako din nacoconfuse na.. hala.

    ReplyDelete
  3. tomboy ka na rin raz! parang si lembs!


    ikaw lang raz eh...
    ano ano na ang nasa library mo :D

    hmn... i have the following

    Success for Dummies -- Zig Ziglar
    21 Irrefutable Laws of Leadership -- John Maxwell
    Failing Forward -- John Maxwell
    8 Secrets of the Truly Rich -- Bo Sanchez

    :D
    pili na!

    ReplyDelete
  4. Kunting body building Razz, puwede ka na. LOL

    ReplyDelete
  5. Natawa ako sa Anaconda at Mcdo hahaha! luka luka ka tlga!

    ReplyDelete
  6. ayoko, mas gusto ko girl ka :D

    ReplyDelete
  7. hahahahaha!! hahahhaha! ngayon ko lang napanood video.... hahhaahhahaha!! hahahahha!!!!! todo energy ah.. hahahah!!! kaka-aliw ka razz... :p

    ReplyDelete
  8. wahahaha!ang anaconda naging bulate at ang agila naging McDo!!langhiya ka razz,di ko kinaya powers mo dito ahh!at ang pinakanaluha ako sa katatawa eh magstraw bah habang tinutungga ang beer??nyahahaha!lashing kana nga!!iba ka razz!Ajah!!;o)

    ReplyDelete
  9. @gerrry
    marami...tingnan mo sa shelfari.. hehhee.. oo nga, baka tomboy na lang ako, kase bading si ano e..nyahhahahah..at least pede pa rin..

    @Mari
    Oo nga po, mag weweights na ko, para makita nyo na totoong anaconda yun tattoo ko..wehehehe

    @Tikey
    Nyahahaha.. sabi kase ni inkee, mcdo daw un kabila.. hehe

    @ladycess
    ate cess, mas bagay bang girl?? ahehehehe

    @Inkee
    to the maximun level yan, tuloy...tinanong ng line manager namin kung nagpamedical daw ba ako bago pumasok sa ENP...wehehe

    @Ev
    akala ko kase juice, kaya nakastraw pa talaga.. wahahahahaha. hindi ako lashing.. nahilo lang..

    ReplyDelete
  10. Razzy, that meme you asked me to do last year (yes, it was that long ago) is now posted. Check it out here.

    ReplyDelete
  11. Grabe! Ok idea na yan. Buti game kayo lahat. Worth naman pala na natagalan yung kwento.

    Ok posing mo dun sa erickson ah..malamang mawalan ng benta ang erickson...hahaha!

    ReplyDelete
  12. pre... nilantad muna ang sekreto malufet natin .. patay ang mga boylet magdadalawang icip.. puro pa naman nalilink ako sa bading.. siyet..

    ReplyDelete
  13. hahaha!

    ang gwafu mo pala! aba'y magkakasundo tayo! teka baket di ka pde sa eb? pano tyo magkikita?

    ReplyDelete