I don’t have a sweet tooth…I think. Pero nag ccrave ako ngayon sa Double Chocolate Yema Cake @ Slice. I can’t forget the first time I tasted it… Mukhang ang tamis, pero it is just right for me, so yummy lalo na kung may kasamang kape… Hindi ako mahilig sa cake, pero ito yung cake na hindi ko makalimutan.
Slice is located at Bonifacio High Street, Taguig.
One afternoon i was thinking of riding a bike again.. i was using honda wave before way back 2006 i think, it was company owned... Wala kaseng gustong magdrive sa office, e since ako naman e mahilig mag try ng mga kung anu anong adventure, e di nidrive ko.. (never pa ko nakapagdrive sa city ng motor that time).
E bakit ko nga ba naisipan ulit? Wala lang.. ehehhee... I was thinking mahal na ang gas, super traffic pa.. nakakabutas pa ng bulsa ang parking fee.. E what if magscooter na lang kaya ako? Na inspired din ako sa vietnam nun, and daming mga lady rider.. so why not? and magaganda ang mga scooter nila, may nakita pa ako one time retro style, and girly ang style... So I browse.. unang napuntahan kong site is Yamaha, since may friend ako na naka Yamaha Nouvo na scooter. Then I remember the retro scooter... voila, meron silang magandang retro style...
maganda pareho sa actual.. pero mas gusto ko yung pink kaya lang parang so so lang style..
Marami akong nabrowse pero, Yamaha Fino talaga ang malapit sa puso ko.. I checked it sa malapit na Yamaha shop sa lugar namin, and ok sya talaga... Then i decided na gusto ko talaga ng scooter.. The problem is, pano ko kaya sasabihin sa parents ko? So ang plano, ipangalan ko na lang kaya sa BFF ko, para walang problema.. eheheh.. kaya lang ganun din marami pang tanong, bakit ako gumagamit ng scooter hindi naman sa akin... Then i told my brother (gusto naman nya ng bigger bike...) kaya sabi ko, i wanna buy one.. Sabi nya NO... magkotse na lang daw ako.. so patay na wala na akong back up..
But then nababangit ko na sa parents ko, gusto ko ng scooter, wala naman silang sinasabi..
After 2months.. eto nakita ko..
Super cute talaga nito...thailand version daw ito, so that day, tumawag ako sa Yamaha kung available nga yung ganun style, sakto meron at nag iisa lang... wahhh... wala ng isip isip... buy na... after 2days... eto na sya...
Weeeee.. no problem at all with my parents basta mag ingat na lang daw..
Oh God.. This is the worst scenario of a traveler… Hay naku wala ata akong kadala dala o may sumpa ang flight ko pag ang destination ko ay boracay. It happened to me before, me and my bestfriend, hindi ko na anticipate ang oras, our flight was so early and we arrived 15min before the flight and hindi na kami na allow to be on that flight… arrrgg.. Rebooking cost around 1.2k each yata that time… and here I am again… bakit ba ako nalate? Waaahhhhh
I’m travelling alone; my family was already at boracay last Wednesday.Tinitipid ko ang vacation leave ko kase next week leave na naman kase uuwi kami ng probinsya with my bakasyonistang kapatid. Wednesday night, I got home at 10pm, prepare my things and all, finished packing my things at 2am.. I still have 1:45min para matulog. Sumagi na sa isip ko na baka hindi ako magising kase super pagod din ako, kaya minabuti kong ilayo ang cellphone ko and nag dalawang beses pa ako ng alarm.. I checked it twice baka kase mali yung oras na nilagay ko… Then natulog na ko, hindi ko alam kung anung nangyari pero nagising ako 525 na pero hawak hawak ko ang phone ko… my flight was 6:15am.. OMG gusto kong maiyak…kahit anung tumbling ang gawin ko hindi ako aabot… Inaway ko pa bestfriend ko na nasa room ko natulog dahil hindi nya ko ginising.. wahhh.. ni hindi nga daw nya nalaman na nag alarm ako…
Walang ligo ligo, go na agad… I just need to be there, kesa naman sa no show ako, forfeited ang ticket ko nun… ang tagahatid ko tulog din… pati sya wala ng hilahilamos.. ahahahha… Nakarating ako sa airport at 620am.. punta agad sa ofis ng cebu pac, hay naku mapapabayad na naman ako. Narebook naman ako ng 935am, 1.6k ang binayaran ko for rebooking, admin fee at kung ano anu.. hay parang lumalabas nasa 8k ang ticket ko balikan… wow ang gastos..Same scenario 2years ago, walang kadala dala.. kakaloka…
Oh well, wala na akong magagawa kaya nagkape na lang at naghintay ng flight ko.. L
This could be the worst pain I’ve ever experience in my entire life…woaaahhhh.. as in super sakit talaga. Nagstart ito Friday night, parang nararamdam mo masakit sya pag may pressure or pag may tumatama sa ipin ko.Nagkataon pa na birthday ng dalawa kong ka choir so inom inom din ng konte..Habang tumatagal parang hindi lang sakit dahil sa pressure o pag nadidiinan yung ipin ko, parang may kasama na syang kirot.. and ayaw na ayaw ko yung parang may nagddrill sa ipin ko ng walang anesthesia. Bili ako ng mefenamic (generic ito). Ininom ko pag kauwi sa bahay para hindi na tumuloy ang sakit. But unfortunately 2 oras na ang nakakalipas mas lalo atang tumindi ang sakit, iniisip ko siguro dahil medyo may alcohol ako sa katawan kaya hindi effective ang gamot… Pinilit kong matulog pero sadyang makulit ang nagddrill sa ipin ko, ayaw ako patulugin…
Kinabukasan masakit pa rin… parang walang pagbabago.. inom ulit mefenamic… parang wala, kinalkal ko sa mga kailaliman ng messages ng fon ko ang pinapatake sa akin dati ng dentist ko, amoxicillin.. mefenamic every 6hrs, antibiotics every 8hrs… Saturday afternoon I started the medication.. Waaahhh gabi na masakit pa rin… I can’t eat anymore. Pinalitan ko ng dolfenal ang generic kong mefenamic pero ganun pa rin… after 1hr masakit na ulit, waaahhh kung pwede lang oras oras ko inumin at laklakin ang mefenamic, actually natetempt na talaga ako lalo na sa gabi. Kahit walang laman ang tyan ko, nagtatake pa rin ako kase hindi naman ako makakain… basta maibsan lang ang sakit na nadarama ko.. iinumin ko lahat…
Sunday morning, umaasa n asana may development na ang ipin ko since nag aantibiotic na ako… and dapat gumaling na ito kase ipapasyal ko pa ang pamangkin ko… waaahhh… Pero masakit pa rin sya… naisip ko ulit baka hindi effective ang dolfenal.. try ko ponstan naman… sa nabasa ko anti inflammatory na rin ito.. hmmm siguro maganda na to then kinausap ko na rin ang dentist ko. Lunch na, ayan na naman ang matinding kirot, minamigraine na ko sa tindi.. pagkatapos kumain ng kanin na puro sabaw, inom agad ng ponstan, after 15min wow unti unti na nawawala ang sakit, pero utang na loob wag sana magtama ang mga ngipin ko kase sobrang sakit pagnangyari un.. mas matindi pa ang sakit kesa nakabraces ka..Dahil medyo ok na ang aking pakiramdam, pasyal pasyal na kami ng pamangkin ko at nanood ng movie…dahil natatakam ako sa pop corn na kinakain nyo, nitry ko ang isa, tutal natutunaw naman yon sa bibig… ayan nakakain ako… pero nun nagtama ulit accidentally un mga ipin ko..waaahhhhh ayan na naman ang mga trabahador, nagddrill na naman sa ipin.. waaahhh… wala pang anim na oras simula nun nag take ako ng mefenamic, pero gusto ko na ulit mag take para maibsan ang sakit…
Dapat may lakad pa kami ng mga kaibgan ko after ng date ko sa pamangkin ko kaso hindi na talaga kinaya ng powers ko, kung pwede lang hilahin ang oras para makainom na ulit ng gamot… Pinapaniwala ko pa ang sarili ko na sana naman makatulog ako.. pero super sakit talaga to the nth level.. At ng nag alarm na ang phone ko, reminder to take the med… halos tumalon ako sa tuwa.. ayan na.. 15min wala na ang sakit, pero mararamdam mo pa rin un tumitibok tibok na ipin… na parang anytime mag hahasik ulit ng lagim.. at least yun kirot hanggang utak nawala.. masayang Masaya na naman ako… Pero makalipas lang ang tatlong oras, ayan na naman umaatake na naman ang mga walang hiya… waaaaaaaahhhh…
I’ve been reading a lot what could be the causes.. then the symptoms… Then I’ve read about the tooth trauma.. aba natrarauma rin pala ang ipin… Nagsearch din ako kung gaano ba talaga katagal mag take effect ang antibiotics… Nakahinga ako ng maluwang nun nabasa ko mga 3days… Ayaw ko kase mabunot ang ipin ko, kung masasave pa, gawan na lang ng paraan…
Eto un naresearch ko na umaakma sa aking nararamdaman..
What are the symptoms of an abscessed tooth?
A toothachethat is severe and continuous and results in gnawing or throbbing pain or sharp or shooting pain are common symptoms of an abscessed tooth. Other symptoms may include:
Baka nga ito, meron abscess. Sunday night, right after ko uminom ng mefenamic, makalipas ang isang oras ayan na naman sya.. bakit ganun? Lalo atang lumalala… waaahhh… nakatulugan ko na lang ang sakit, and pag gising ko.. Wow eto na yata yung sinasabing 3rd day mag tatake effect ang antibiotic.. pero dahil sa takot kong bumalik ang sakit, minabuti kong mag leave na lang muna sa work para mag pa xray at ibigay sa dentist ko ang result.
Pagdating ko sa Rob, hindi ko mahanap yung zen na dating nirefer sa akin ng dentist ko, so kung saang clinic na lang na merong nag x-ray.
Unang Clinic:
Me: nag x-ray kayo?
Clinic: anung klaseng x-ray po?
Me: peri apical
Clinic: yes mam
Me: How much?
Clinic: Tinawag ang isang dentist
Dentist: 400 lang ang xray
Me: (Takot kase pa xray kase merong binabite un para mahold un film sa loob ng bibig, e masakit nga ipin ko) Yung ba yung xray na merong nilalagay sa bibig para i-bite?
Dentist : oo
Me: Kase masakit ipin ko pag may pressure, pano kaya?
Dentist: E di panoramic na lang (sabay talikod, nagsasalita pa ako)
Hmmp, iniwan ko. Kala mo sya lang ang dentist sa buong mundo… Lipat ng clinic, ayaw ko sa lahat yung ikaw pa masungit e kung wala kang patient susweldo ka ba? Bushet
Buti na lang mabait yung nalipatan ko, at niconsider talaga nya na masakit ang ipin ko… After x-ray, gutom na gutom na ako and I need to take med na, mashed potato lang katapat nito.. after kumain uminom naman na malamig na tea sa zip, aray ko po.. ayan na kakainom ko lang ng mefenamic tumibok na naman… waaaaaaaaaahhhh… nakakasakit nga pala yung malamig na inumin… hay para akong lalagnatin papunta sa dentist, at sa parking pa lang napakatraffic na… (doble doble na ang iritasyon ko sa katawan)
At last nakarating din ako sa dentist ko… And confirmed, meron ngang abscess… waahhhh.. natatakot ako sa root canal, baka sobrang sakit… waaahhhhh. Kala ko tapos na ang paghihirap ko after braces… :( Masakit na nga sya, masakit pa sa bulsa…
It's been awhile since i've heard his voice or anything about him, until i received an overseas call from him. Nung una, akala ko kung sino, pero syempre alam ko na sya, nahiya lang akong sabihin agad ang name nya baka mali ako, tas sabihin lang nun tumawag e hindi pa ako nakakaget over at waiting ako.. ahahaha... Marinig ko lang yung "pre" (well parang tawagan na rin namin) e alam kong sya yun... Nagulat lang ako kase since Vietnam days namin, e hindi naman kase gaanong nag uusap. Tapos biglang tatawag, so dalawa lang ang pumasok sa isip ko, galit sila ng GF nya, or magpapakasal na sya... ahahahahha
Akala ko nun una sya na ang sagot sa aking mga dasal na sana dumating na ang makulay kong lovelife.. pero ewan ko ba sa dami dami ng dasal ko e hindi naman e umaayon sa pagkakataon.. Pangatlo ko syang BF and sya rin yung pinakamabilis na pang yayari. pero matagal.. ahahah ang gulo.. in short magulo kami. And I guess it wasn't genuine love after all, well on my part siguro. Kase wasn't able to at least fight for something..
Nung una ko syang makita in Hanoi, napaisip ako meron palang installation engineer na may face.. ehehhe.. e kase naman matatanda na ang karamihan o di kaya naman e... alam mo na.. ehehhe... (kala mo naman kagandahan) eheheh... That was our first week in Hanoi, syempre maraming pinoy sa group namin, kaya kamustahan... Syempre exchange of contacts pero never ko syang nakakausap... ehehe un pala kala ko kase kaya hinihingin nila para sa coordination, yun pala may nagpapahingi, parang highschool lang, ehehe.. (designer kase kami sila implementation)...
At first akala ko joke time.. pero seryoso pala..pero nun nagkakausap na kami, para bang pakiramdam ko parang hindi e. Pero dumating parin yung time na ok i'll give it a try, gusto ko rin naman sya..e hehe.. let the love blossom.. ehehhehe... Pero as days goes by, parang hindi sya magiging happy ending.. well maybe because iba kami ng paniniwala when it comes sa religion.. ang it was hard. kahit sabihin pa natin na pede naman yun still... Iglesia kase sya, ako naman Catholic.. and sometimes nag aargue kami about that.. e mag bf-gf pa lang kami.. nag aargue na kami.. what more kung usapang kasalan na yan.. rather than investing more feelings, nag jump ako out sa relationship.. ibang usapin kase pag faith na pinag uusapan. Things are so complicated nun mga panahon na yun. hindi lang sa religion kahit sa aming mga personal na gusto. Sabi nga nila, what's wrong with him, ang bait bait nga nyan e.. minsan kase wala sa bait yun e.. yun e kung nagkakasundo kayo ng matiwasay kahit may mga argumento..I don't know, para bang hindi talaga tugma yung time.
Then nun umuwi na kami sa pinas, i never heard anything from him... sa mga common friends lang. Then i've heard na may GF na nga sya.. and happy naman ako sa kanya.. and everytime na maiisip ko sya parang sayang pero pag iisipin ko, siguro hindi rin kami talaga kahit gusto ko syang balikan. Dumating kase minsan na nakapag usap naman kami here in manila, na parang we both want each other back.. (well, malabo yung kase me GF na sya). siguro hindi rin pinag adya na magkita kami personally here, kahit group date... never ko sya talaga nakita dito sa pinas.(iniiwasan ata ako)
Ayun that call.. i conclude na it's more of a closure.. na we say sorry and yung nga, nitreasure ko talaga un time na yun.. and sya din naman.. kala ko nga lasing lang sya e.. ehehe... na kaya daw talaga umiwas sya sa akin when he was here ay para mag move on... kase kung kakausapin nya pa ako, hindi daw sya makaka move on.. well on my part sana makita ko na ulit yung makulay na lovelife... naiingit ako sa kanya e... ahahahhaha
CPA board exam 2012.. ang bilis na lumabas ngayon ng results ng exams.. At least mas konti na lang yung kaba ng paghihintay. Naalala ko noong panahon na nagtake ako ng board exam, tatlong araw akong hindi mapalagay, napakabagal ng oras, sana may result na pero sana ma extend din. Ang pinakamahirap gawin talaga sa totoo lang ay maghintay.
Noong nalaman ko ang result ng exam ko noon, walang paglagyan ang tuwa ko.. sleepless nights, hard work, paid off.. iba talaga. Yung confidence mo sa sarili mo lalong lumakas, feeling mo ang tali talino mo.ehehehe.. Pero mayron din lungkot, sabi nga wala naman sitwasyon na lahat kayong magkakaibigan ay papalarin.. mayron din hindi pinalad. Noong mga panahon na yun wala akong maicomment kase syempre ikaw nakapasa sila hindi, ang hirap naman sabihin na "ok lang yan" kase kung ikaw mismo ang nandun sa sitwasyon na yun, e lalo siguro akong malulungkot.. syempre hindi ok yun..
At ngayon eto na naman, this is my friend's second time to take the board exam, we really prayed for her, and talagang winiwish namin makuha na nya.. But unfortunately wala pa rin.. Mas mabigat siguro ngayon ang pakiramdam, mas doble pa sa sakit nun unang take. Nalulungkot ako para sa kanya, ako kase yung una nyang tinatawagan, pinaghuhugutan ng lakas ng loob... and talaga naman nakakalungkot...
But then, minsan itatanong mo sukatan ba talaga ng talino yan o passport ba yan para maging successful? Para sa akin hindi ito sukatan.. Iba ang may title syempre, but it doesnt mean na wala ka ng pag asa to get high paying job.. Nun nagsisimula akong magtrabaho pakiramdam ko non pag hindi ka galing sa mga kilala at popular na school deadma ang resume mo. And kung ang grade mo sa board ay average lang, deadma pa rin kahit license ka na.. pero habang nagkakaexperience ka pala, dun mo makikita it's not the academics actually...but of course syempre dapat may diploma pa rin.. pero transcript? tinitingnan ba? hindi rin e... the most important part e dapat talaga may kakilala ka o backer.. pag wala, patay ka na...
I've seen a lot, iba talaga ang politics din sa trabaho.. minsan kahit nakasalang ka na as in ok ka na, minsan narereplace pa ng iba.. depende sa kakila or kung sino ang nakapwesto sa company na un.... kung may experience kas mas may chance ka at kakilala pasok ka agad.. iba ang experience, pagdadala ng sarili at diskarte pa rin talaga ang pinakamalakas na pwersa.
Hindi rin porke nakagraduate ka ng ganitong kurso, ay magiging ganun na ang profession mo.. Minsan kahit board passer sa call center din nagwowork.. Marami akong kakilala, sa buhay telecoms sa ibang bansa hindi board passer, hindi rin ECE, but they earn a lot, pero pang ECE ang trabaho...
Pero dapat pa rin tayong mag pursige sa napili nating profession.. hindi ko sinasabi na wag na lang magtake or ok lang na hindi pumasa... my point is, don't get too depressed or isuko ang laban kung mag fail man tayo sa academics..
Basta gusto mo ang isang bagay, don't give up.. and focus lang.. Claim it.. Just believe na you can do it.. most importantly, naalala ko sinabi ng isa sa mga mentor ko, Don't entertain negative thoughts... kelangan ma divert mo sya agad into something happy and positive.. and i still apply it until now..
Bakit kaya ang hirap mag workout?My tummy is getting bigger and bigger… huhuhu..instead of going to a gym, I would rather play badminton na lang siguro, this is what I preferand enjoy doing. Kase naman sa gym, pagkatapos ng treadmill ayaw ko na.. ehehhe.. nakakainip, unlike badminton hindi mo namamalayan ang oras (sana lumiit nga tyan ko dito).My only problem lang talaga is TIME…
Pero ngayon kelangan na.. para na rin kahit papano may exercise. Hindi ko rin kase ma maintain ang jogging, kakatamad pag wala kang kasama.. kaya eto talagang pina re-gut ko ang raket para ready to play. Right now, I’m doing it every Saturday, kelangan talaga kase meron akong coach, para hindi ako tamarin at kahit ako lang mag isa nakakaplay and train ako..
I really need to improve my stamina, kase talagang feeling ko mahihimatay ako sa drill.. ahahaha… ikaw na ang puyat tapos patakbuhin ka ng isang oras sa court? Grabe super nakakapagod. My coach always ask me, puyat ba ako? Sabi ko na lang hindi.. ahahahha… para tuloy tuloy ang laro.Sabi ko na lang sa sarili ko, I’ll do the drill everyday.. at least 3min na dire-diretso.. kaso naman Thursday na ngayon at kahit isang beses hindi ko pa ngawa ang sinasabi kong practice on my own.. kamusta naman ang 11pm kong pag uwi gabi gabi? I still have 2 days para magawa ang drill, para naman pag dating ng Saturday ay hindi ako tumirik sa gitna ng court…I can do it… ehehehe