Wednesday, May 28, 2014

Spelunking at Sumaguing Cave

We prepare for the Sumaguing Cave right before we had our lunch. It was around 1:30PM. It was a bit gloomy when we left the camp. So ayun na nga it was raining na when we arrived at the entrance of the cave, it was a 5-minute drive from our camp.


Entrance.

While the guides were preparing for our guiding light, the lampara… picture picture muna..

Guides preparing the lampara

After short briefing from the guide, we start to enter the cave. It was so dark (without the lampara) and cold inside. First instruction, don’t look up and don’t open your mouth or else…. Ehehe.. There is lot of bats at the ceiling of the cave. So magttry ka pa na tumingin sa taas? And when something drops on you, like warm liquid… alam mo na yun.. eheheheh.
The first stage was sharp and slippery rocks, you just have to be very careful and follow the steps aof the person in front of you, hawak hawak na lang sa mga bato bato, kahit medyo eeewww yung hahawakan mo. Mas gugustuhin mo sigurong madumihan ang kamay kesa naman maslide ka at tumama ang ulo sa bato bato… ehehe..

Going down.
 
 
Trail going down was steep, it’s 80deg inclined, there are parts that’s 90deg inclined. Slowly but surely, I’m glad I used my trekking shoes instead of slippers. It’s too slippery inside. And then we stop at the, what they called elephant cage, and then we saw these two guys who are so putikan and wet. Sabi nila galing daw sila sa crystal cave, so connected din pala ang crystal cave sa sumaguing cave. Then someone ask from our group kung mahirap and kung pwede sa kids, and they said, its difficult and wag nyo na subukan isama ang kiddos… Aside from putik, me mga scratches din sila.. Now I’m picturing them on a difficult path inside the crystal cave. Hmmm, gusto ko yung, challenging.. ehehhe…
Then we proceed with our Sumaguing exploration.. Merong part dun na pinagtanggal lahat ng sapatos at tsinelas, kase madulas masyado. Ayaw ko sana magtanggal kaso they insist, madulas daw kase ang mga bato.. and yes madulas nga, specially the white na bato, super dulas, so iwasan ang maputing bato.

As we go down, heto na ang aming nakita…
 
 


And then when we reached the bottom, hmm I don’t know if it’s the last part, wherein you can see a rock formation that looks like the rice terraces and it was so nice… parang inukit lang ng tao.. Pero aside sa part na ito, may makikita ka pa na mga maliliit na lagusan, I don’t know kung where it leads but since I was focusing on the formation, and the beauty of the cave, hindi ko na natanong kung may mahirap na daan.. kase bumalik na kami from where we enter. Sabi nga ng isang guide if you want na mas mahirap na way meron pa, but the group didn’t push thru..Ok na daw sila don.. ehehhe..



And then me, I was like, really? Tapos na.. yun na yun? Ahahah I was expecting a more challenging path.. ahahahha… ako kase yung mas nahihirapan mas masaya… ahahahha But to sum it up, it was a nice, moderate adventure… We finished spelunking at around 430PM, and it’s still raining outside. Hah, ang lamig… eheheheh
And ang pinaka pagsubok sa lahat? Ang maligo after magcave. Since we’re just staying on the camp, at walang hot and cold shower, wow super lamig maligo ng 5pm.. Halos hindi na nga ako nakabanlaw ng maayos sa lamig, at sumasakit na rin tenga ko.. Hindi naman pwedeng hindi maligo, kamusta naman..
 

Thursday, May 8, 2014

Let’s go to Sagada, meeting MESAU group (My 36th province)

Another last minute preparation for Sagada trip, but this time I’m not the spearhead for this trip. I was invited by my Sister in law sister, naguguluhan nga ako nun una kung paano ang  set-up ng trip na ito, that’s why I don’t really take it seriously. Then 3days before, ako na yung nag ask kung tuloy ba o hindi kase I never heard about the activities na. Finally last Monday na confirmed ko rin at medyo naintindihan ang set up (pero Malabo pa rin ehehhe.)

Meeting place: Victory Liner Pasay, 10PM.. medyo malayo sa manila area, at 8PM nasa house pa ako packing my things. Around 8:45PM nakaalis na ako ng bahay, good thing walang traffic along Quirino and Osmena that time, in 20min I arrived at the terminal.. (Just in time). J
 
Exactly 10PM umalis ang bus namin, then we arrived at Baguio around 445AM. Sumalubong ulit ang malamig na weather ng Baguio, pero mas malamig last March noong nagpunta kami ng Mt. Pulag. From Victory Liner nag taxi kami papuntang Dangwa bus station, kung  saan sasakay kami ng Bus papuntang Sagada. Pila pila ang mode, wala din pala kaseng reservation ng ticket dito. 5:45 umalis na ang bus namin.
 
Non-air na bus, at goodluck nasa pinakadulo kami ng Bus. It was a long and winding road… ahaha napakanta na lang ako. Ang hirap ng nasa dulo ng bus, wala kang pag lagyan, wala yata akong nakitang straight lang ang daan, puro sharp turn.. to the left to the right ang peg ng katawan ko. Plus ang dalawa kong katabi byahilo.. Yung moment na gusto mo na lang itali ang katawan mo sa upuan para hindi mag slide. Si ate coleen na nasa left side ko, hilong hilo na.. Si Oreanne naman na nasa right ko suka bag ang laging hanap. Halos mahawa na ako sa hilo nila..  Pahirap. Ahaha..  Pero ganun pa man, bawing bawi ka na sa view na makikita mo along the way.
Hindi naman halatang hilong hilo na kami. :)




11:35AM finally nakarating kami sa Sagada. Here’s my first sight of Sagada.


First thing we do is to register at MFPI (Mountaineering Federation of the Philippines, Inc.)
So yun pala yun, annual congress ng mga mountaineers.. ahahaha.. kaloka, walang kaalam alam sa mga mangyayari. So ayun pala yun. MFPI pala yung nag organized for this event and the 20th SEGA anniversary.


 
Nag pitch kami ng tent after registration. Then lunch after. Then we’re ready for the first activity. Sumaguing cave.

 
 

Wednesday, April 23, 2014

Traveling to Marinduque for Holy Week

   It’s been 2years. Ngayon lang ulit makakapag holy week sa aking lupang sinilangan. Nag file na ako ng leave for Wednesday para makaalis ng Tuesday night at makahabol sa Holy Wednesday.
 
   As usual, last minute empake na naman ang peg ko. I don’t know, but the more time I have to pack my things, the more things I put on my bag and the more things I forgot something. So, mas mainam na last minute emapake na lang. Then I double check the OR/CR but then it’s not in the car… whoaaa.. so all this time, I’m traveling without OR/CR copy in my car… instead the OR/CR that I put in my car is the copy  of my scooter’s OR/CR.. toinks… So kalkal mode ako sa mga documents ko kung asan na nga. Pero syempre sure naman ako na updated ang OR/CR nya… We’re supposed to leave at 9:00PM but then since I don’t have my car’s documents, nakaalis kami around 1030PM.
 
   At around 230AM, we arrived at Dalahican Port. And much to my surprise nasa bungad pa lang ng Port, may pila na ng sasakyan…OMG, kamusta naman? Ok then.. Let’s just sleep and wait. I’m hoping makakasakay kami ng barko at around 1030AM or 12NN. So tulog mode muna sa tabi tabi…


Ginawang kama ni Joy ang gilid ng dagat.. :)
 
 

   Unang alis na barko 4:30AM, then 8AM, then 1030AM, ang layo pa rin naming. Nawalan na ako ng pag asang  maka abot ng Mass at prusisyon ng 5PM. Tulog, kain, at buti na lang kasama ko sina, Chapman and Vaus (Orange is the New Black), Mike and Harvey (Suits), para aliwin ako.

   Meron din magandang naidudulot ang pamumundok, sanay na sa pawis, init, walang ligo, swerte na yung makapag toothbrush ka sa paghihintay.. Naubos na ang mga pinapanood ko at naubos na rin ang antok ko, nasa Port pa rin kami at naghihintay makasakay.
   At dahil bored na bored na ako, binaba ko na muna si Rain (my bike) at nag ronda patrol. Dahil naiinip na kami lahat, we are starting to observe, and we found out na marami pala ang sumisingit singit na mga sasakyan.. Dahil dun, kami na ang naging gwardya sibil. Lahat ng papasok na sasakyan sinisita namin. Sadyang marami lang din mapanlamang na mga tao. Akalain mo ang tagal tagal naming nakapila don tapos sisingit lang sila.. Oh no way…
Afternoon View.. super dami pa rin ng sasakyan.. 

Ang ronda patrol.
 
   At 1030PM, sawakas nakasakay na rin kami ng Barko… What a long day…. Now ko lang na experience ang ganito sa pag uwi sa amin… Usually isang barko lang yung palilipasin mo..  At 3:00AM, nakarating din ng bahay.