Thursday, May 8, 2014

Let’s go to Sagada, meeting MESAU group (My 36th province)

Another last minute preparation for Sagada trip, but this time I’m not the spearhead for this trip. I was invited by my Sister in law sister, naguguluhan nga ako nun una kung paano ang  set-up ng trip na ito, that’s why I don’t really take it seriously. Then 3days before, ako na yung nag ask kung tuloy ba o hindi kase I never heard about the activities na. Finally last Monday na confirmed ko rin at medyo naintindihan ang set up (pero Malabo pa rin ehehhe.)

Meeting place: Victory Liner Pasay, 10PM.. medyo malayo sa manila area, at 8PM nasa house pa ako packing my things. Around 8:45PM nakaalis na ako ng bahay, good thing walang traffic along Quirino and Osmena that time, in 20min I arrived at the terminal.. (Just in time). J
 
Exactly 10PM umalis ang bus namin, then we arrived at Baguio around 445AM. Sumalubong ulit ang malamig na weather ng Baguio, pero mas malamig last March noong nagpunta kami ng Mt. Pulag. From Victory Liner nag taxi kami papuntang Dangwa bus station, kung  saan sasakay kami ng Bus papuntang Sagada. Pila pila ang mode, wala din pala kaseng reservation ng ticket dito. 5:45 umalis na ang bus namin.
 
Non-air na bus, at goodluck nasa pinakadulo kami ng Bus. It was a long and winding road… ahaha napakanta na lang ako. Ang hirap ng nasa dulo ng bus, wala kang pag lagyan, wala yata akong nakitang straight lang ang daan, puro sharp turn.. to the left to the right ang peg ng katawan ko. Plus ang dalawa kong katabi byahilo.. Yung moment na gusto mo na lang itali ang katawan mo sa upuan para hindi mag slide. Si ate coleen na nasa left side ko, hilong hilo na.. Si Oreanne naman na nasa right ko suka bag ang laging hanap. Halos mahawa na ako sa hilo nila..  Pahirap. Ahaha..  Pero ganun pa man, bawing bawi ka na sa view na makikita mo along the way.
Hindi naman halatang hilong hilo na kami. :)




11:35AM finally nakarating kami sa Sagada. Here’s my first sight of Sagada.


First thing we do is to register at MFPI (Mountaineering Federation of the Philippines, Inc.)
So yun pala yun, annual congress ng mga mountaineers.. ahahaha.. kaloka, walang kaalam alam sa mga mangyayari. So ayun pala yun. MFPI pala yung nag organized for this event and the 20th SEGA anniversary.


 
Nag pitch kami ng tent after registration. Then lunch after. Then we’re ready for the first activity. Sumaguing cave.

 
 

8 comments:

  1. Ang pagod biyahe palang, pero exciting din. More to come?

    ReplyDelete
    Replies
    1. more to come po.. ehehehhe... super pagod, pero nakakawala ng pagod ang lamig ng simoy ng hangin at ganda ng tanawin... :)

      Delete
  2. im planning to try victory linner's package to sagada or mt. pulag..

    ReplyDelete
  3. wow! ang saya naman ng bakasyon niyo...dont miss out there pinikpikan balita ng friend ko na nagpunta diyan masarap daw at mura heheheh

    ReplyDelete
    Replies
    1. yun lang ang namiss ko sa sagada... foodtrip... eehhehe as in foodtrip outside the camp...

      Delete
  4. OMG! Ganun pala kalayo ang Sagada from Baguio? :O Thanks for sharing this post. I'm planning to go to Sagada soon. :) YEY! I know the feeling ng byahe pero masaya naman :)

    YEY!
    Jewel

    ReplyDelete
    Replies
    1. yep medyo malayo sya.. pero worth it naman... :)

      Delete