Monday, October 19, 2015

Aldub Fever

So ano nga ba itong ALDUB at mukhang nakarating na rin sa akin ang virus? Aldub is so popular na kahit bata or matanda alam ang mga ganap. Contaminated na rin ako ng Aldub. Me, as in hindi naman ako nanonood ng TV at lalong walang sinusubaybayang mga teleserye or shows locally, well kahit naman sa international, minsan lang. I only watch TV pag basketball or volleyball or tennis… something to do with sports or cooking.. 


I don’t even know na may sikat pala na nag dudubsmash, to think na palagi din naman akong laman ng social media. Nakwento lang ito ng isa kong officemate while we’re having our lunch. Si yaya dub sikat na, and me like,  who’s Yaya Dub? and what is she doing? My friend told me na nadiscover sya ng Eatbulaga. She’s chef, working at US and then discovered by Eatbulaga, the she went home.. Then sabi pa ng officemate ko ang gwapo daw ni Alden, and me like, sino si Alden? Ahahhaa.. So that’s it.. So I got curious, kaya ayun nakinood na rin ng sa youtube ng kalyeserye.  And ayun na nga, nahook na rin ako..


Sky Rocket ang pagsikat ni Maine and Alden, well kay Maine na lang… kase fresh talent.. and the plot is kinda unusual or different from the normal one..  Right timing. Sobrang right timing, from the person na nagdecide na kunin si Maine as a talent, then experiment kung makaka jive sa JOWAPAO.. (I’m not really a FAN of them.. pero aliw ako sa EATBULAGA everytime na may chance makanood). 


Ang galing lang, kase un script is more I think lang ha, on the spot.  I think they just know the flow, the line, I’m not sure kung spoon feed, pero parang sila sila or artist lang din ang may idea ng sasabihin, not sure tho, pero because it’s spontaneous, on the spot, natural reactions, no edits, kaya sobrang nakakabilib at nakakaaliw. You see raw talents talaga from kalyeserye. Super fresh and unique na platform. And then the story line, yung tipong aabangan mo talaga what will happen next, magkikita na ba, magkakalapit na ba, totoo na nga ba yung love story nila, yung thrill ng paghihintay kung anung mangyayari. Sa tamang panahon.. ahahahha. Parang pag ibig natin, aabangan, tayo na ba? Game na ba? May gusto ka rin ba? Kaya naman talagang maraming naaadik, kase sobrang ganito ang culture natin. Napaka meaningful din sa atin ng mga “firsts”, first meeting, first touch, first……kiss.. ahhahaha… 


Super bilib din ako sa mga behind the camera, naiisip nila agad overnight what will happen next, yung totoo natutulog pa ba sila? Yung mga instances na absent ang isa, nagagawan ng paraan. Ang hindi ko makalimutan yung totoong nahimatay si Maine, sobrang spontaneous lang, the show must go on talaga. Grabe, galling lang nila, ng JOWAPAO.. clap clap clap talaga.


And I think kaya sumikat din agad agad si Maine, is because she’s just she. Not the usual artista. Still interesting pa rin sya behind the camera. There’s something in her that you wanna know more. Oh well nakakatuwa lang din. Super interesting lang din ng personal background nya, at dahil may personal blog din sya kaya mas na curious din ako, relate.


Well as of today, mas dumadami pa ang nag kakainteres sa show na ito, and it’s really fun watching. Oh well, medyo ALDUB fan here, ahahaha.. Medyo lang.

No comments:

Post a Comment