
Halos hindi na nahintay ng mga mata ko ang tunog ng alarm clock ko, kusa itong nagmulat at nabuhay ang diwa ko.. alas tres na ng umaga, in 30min kelangang makaalis na ako.. habang natutulog pa ang kuya kong, maghahatid sa akin sa airport, tumayo na ako para maligo.. exited na ako, na kinakabahan na ewan..
Ayan na ang oras ng pag-alis: tanong naman ako sa kuya ko kung anong ggawin sa loob ng airport, kung saan pupunta, you know.. things that I should know.. huh! Baka magpashonga shonga ako dun, kakahiya.. sabi ng kuya ko, basta sundan mo lng ang mga tao, magtanong ka kung di mo alam..
Habang nakapili, nagmamasid na ako sa mga tao kung anong ginagawa nila. Magaling naman akong magpretend, kunyaring sanay na ko.. patingin tingin, Buti na lng un babae sa harapan ko e sa davao din ang punta.. yes! Ok na to, sa loob loob ko.. kung saan sya nagpunta, pumunta din ako.. Kaya kahit yung bag ko na pedeng hindi na I-baggage, e na baggage rin, (dun kase nagpunta un babae e) Go with the flow pa rin ako, finally nakarating naman ako sa seat ko.. sayang, wala ako sa tapat ng bintana.. di ko makikita masyado ang view sa ibaba.. hay.
After 1 ½ hour, nasa davao na ko.. ang layo ko na sa manila. Good thing is may team naman kami sa davao, hindi nga lang nila ako maaassist sa job, kase may iba silang project.
Huwaw, ibang place na to, nakakatuwa talaga.. kakaexcite. Parang gusto kong tumambling..
Una kong natuklasan sa davao, ang mga taxing non-air kung tawagin.. Ito ang mga taxi na walang aircon, 26 pesos plus 1 peso kada patak ng metro.. San ka pa ang mura diba.. Unlike manila, kahit aircon, pakiramdam mo walang aircon.. Buti naman, mura ang taxi sa Davao..
Dahil hindi pa ako nagbbreakfast, dumaan muna kami sa isang kainan, Bulkachong ang tawag sa restaurant na ito.. Nagseserve sila ng “kalabaw”. Nu kayang lasa nun..? Di pa ko nakatikim ng kalabaw.. Sabi nila, kelangang matikman ko daw yun. So kahit hindi ako kumakain ng may sabay tuwing breakfast, napilitan ako.. Ang pagkaing bulkachong ay parang bulalo, maraming sabaw, at gumuguhit ang anghang sa lalamunan, paghinigop.. halos tumulo ang sipon ko sa anghang. Tinatawag din itong hinalang. Masarap naman.. ok ang lasa, mahilig naman ako sa maanghang.. (to be continued)