Saturday, July 1, 2006

I'm back for awhile

Sa wakas nakapag internet din ako. Pakiramdam ko ang isang dekada na akong hindi nakakasulyap sa bahay ko.. ang mga muwebles ko ay puno na ng alikabok pinaglumaan na ang mga entry.. Hindi ko alam kung sa aking pangsumandaliang pagbabalik ay makilala pa ako ng mga kapitbahay ko..

Sa pag-kawala ko, nagbago din configuration ng time ko at buhay. Sa umaga gigising ng maaga para pumasok, uuwi ng gabi, kakain, kwentuhan with the team at tulog na.. ganon ulit kinabukasan.. Unlike before, no responsibility at all. ngayon kahit ayaw mo, hindi pwede..

Nagulat ang lahat pagbalik ko, hindi na yata nila mapigurahan kung sino ako.. nagtransform daw ako.. to make it clear naging nognog ako, as in super itim, sunog ang balat.. kung dati rati ay sa opisina lang ako, at puro pag bblog ang ginagawa, at hindi naarawan, kabaligtaran ngayon.. but i enjoy it a lot, full of adventure..

Dumaan ako sa bahay na ito para madalaw din ang lahat... Sa susunod na lang ang iba pang kwento, at mga pics na rin.. kamusta na kaya kayo?? Dalaw muna ako sa inyo...

6 comments:

  1. Uy Welcome back! sa iyong pagkawala marami rin kaming nawala at sayong pag babalik, marami rin kaming bumalik hehe! ang gulo! Nognog kana? oks yan balck is beautiful nman eh!!!

    ReplyDelete
  2. yehey! balik na rin sya. balik na rin ako... heheh! tara! blog blog at blog na tayo. nakakamiz mangapitbahay noh? sige, dalaw muna ako sa ibang bahay.

    ReplyDelete
  3. Hey,Razz!welcome back!

    pakit na para kang kabute at sabi mo nga ay nognog ka na,kilala pa rin kita :)

    gudluck sa adventures mo,mas gusto ko yan kesa sa boring routines :)

    ReplyDelete
  4. mukhang ganda ng trip mo ngayon ah, san ka ba nagliliwaliw at naging nognog ka.

    nwayz, ok lang na mag transform ka, ang importante di magbago ang magandang saloobin mo.

    ReplyDelete
  5. nice naman raz... :) youre back na ha?!? grabeh, lam mo yun it is as if ngaun pa lang nagsisimula ang lahat...

    darn...

    ReplyDelete
  6. oi saan ka galing at saan ka ngayon? nawala ka ata ulit

    ReplyDelete