Mag-aalas singko na ng hapon, wala pa rin akong natatanggap na confirmation kung seryoso nga silang ipadala ako sa davao, at yun ay ikinatuwa ko ng lihim..
Kase naman nun malaman ko na ako lng pala mag-isa ang pupunta don, aba nanghina ako, hindi kaya ng powers ko un.. new job, new environment… what`s new.. waaahh..
Sa kabila ng pagkabusy ko sa, testing na ginagawa naming sa paranaque MSC, ang isip ko ay abala rin sa panalangin na sana ay hindi ako matuloy at iba na lamang ang ipadala nila, gusto ko na ngang ilabas ang novena booklet ko, pero sa isang saglit lang, nagring ang telepono ng isa ko pang boss.. Matapos nyang makipag-usap ay nakangiting syang nakatingin sa akin, para sabihin may ticket ka na to davao, daan ka muna office para kunin.. gusto ko sanang maglaho na lang bigla, bakit hindi dininig ang panalangin ko, nangingilid na ang luha ko sa mata, pilit kong itinatago.. Kunyaring exited pero sa kabila nito napapamura na ako sa malas.. malas talaga.. Big job for a beginner.
Nagmamadali akong nagtungo sa opisina para kunin ang ticket at syempre ang orientation.. Wala na akong magagawa kaya, sige na nga.. Davao here I come.. Konting orientation sa office kung anong mga gagawin, gate pass for some sites.. Hay kakapagod, 8pm na, I`m still at makati, para sa mga ilang bagay na kakailanganin ko sa survey.. Ang flight ko ay 5am in the morning.. Wala pa akong nakaprepare na gamit.. Halos hindi na ako nakatulog, nagshift ang mode ko, naging excited.. First time ko ba namang sasakay sa airplane, tapos ako lang mag-isa.. “first time mo?” First time ko lahat…….. (to be continued)
Wow Exciting ito! keyalang bitin.. kaw tlga!! hehe!! maganda sa Cebu,,,sana me makasama kana pag punta mo dun!
ReplyDeletepara mag-enjoy ka, treat it as an adventure. try everything at least once. huwag matutulog sa plane, baka mapalampas ka. hahahah
ReplyDeleteTK, mana ako sayo e, nambibitin.. ahahahaha.. sa cebu, me kasama na ako, for now.. pero baka pagmagmomobilize na bigla na lng wala.. waahhh..
ReplyDeleteTnx ka uro sa pagpunta sa place ko, sana maging kapitbahay ka na rin.. hehehehehe. di talaga ako natulog..baka maflat e, di agad ako makababa.. :)