Saturday, July 29, 2006
Bulkachong, hinalang, non air atbp
Halos hindi na nahintay ng mga mata ko ang tunog ng alarm clock ko, kusa itong nagmulat at nabuhay ang diwa ko.. alas tres na ng umaga, in 30min kelangang makaalis na ako.. habang natutulog pa ang kuya kong, maghahatid sa akin sa airport, tumayo na ako para maligo.. exited na ako, na kinakabahan na ewan..
Ayan na ang oras ng pag-alis: tanong naman ako sa kuya ko kung anong ggawin sa loob ng airport, kung saan pupunta, you know.. things that I should know.. huh! Baka magpashonga shonga ako dun, kakahiya.. sabi ng kuya ko, basta sundan mo lng ang mga tao, magtanong ka kung di mo alam..
Habang nakapili, nagmamasid na ako sa mga tao kung anong ginagawa nila. Magaling naman akong magpretend, kunyaring sanay na ko.. patingin tingin, Buti na lng un babae sa harapan ko e sa davao din ang punta.. yes! Ok na to, sa loob loob ko.. kung saan sya nagpunta, pumunta din ako.. Kaya kahit yung bag ko na pedeng hindi na I-baggage, e na baggage rin, (dun kase nagpunta un babae e) Go with the flow pa rin ako, finally nakarating naman ako sa seat ko.. sayang, wala ako sa tapat ng bintana.. di ko makikita masyado ang view sa ibaba.. hay.
After 1 ½ hour, nasa davao na ko.. ang layo ko na sa manila. Good thing is may team naman kami sa davao, hindi nga lang nila ako maaassist sa job, kase may iba silang project.
Huwaw, ibang place na to, nakakatuwa talaga.. kakaexcite. Parang gusto kong tumambling..
Una kong natuklasan sa davao, ang mga taxing non-air kung tawagin.. Ito ang mga taxi na walang aircon, 26 pesos plus 1 peso kada patak ng metro.. San ka pa ang mura diba.. Unlike manila, kahit aircon, pakiramdam mo walang aircon.. Buti naman, mura ang taxi sa Davao..
Dahil hindi pa ako nagbbreakfast, dumaan muna kami sa isang kainan, Bulkachong ang tawag sa restaurant na ito.. Nagseserve sila ng “kalabaw”. Nu kayang lasa nun..? Di pa ko nakatikim ng kalabaw.. Sabi nila, kelangang matikman ko daw yun. So kahit hindi ako kumakain ng may sabay tuwing breakfast, napilitan ako.. Ang pagkaing bulkachong ay parang bulalo, maraming sabaw, at gumuguhit ang anghang sa lalamunan, paghinigop.. halos tumulo ang sipon ko sa anghang. Tinatawag din itong hinalang. Masarap naman.. ok ang lasa, mahilig naman ako sa maanghang.. (to be continued)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
wow Razz!!buti ka pa nakarating na sa davao :)
ReplyDeletesana makapunta rin ako :)
ingats Razz!!
hahahahhahaha!mis you razz! i know somehow you had fun with the place..balik ka ha!!;)...this time ipapasyal na kita...pramis!hehehe
ReplyDelete@ghee
ReplyDeleteEv told me that you`re planning to go to davao.. maganda daw kung sa August kase may festival yata.. search the net first, para alam mo un mga place na magandang puntahan, or contact ev, para may tourist guide, kaso nun time na nasa davao ako, hindi nya ko pinasyal.....waaaahhhhhhhhhhhhh.. Busy kase, kaya kelangan ahead of time magpasked ka na sa kanya.. hehehehe
@Ev
hahahahaha.. miss you too.. busy busyhan ka kase.. balik ako jan.. may rapelling pala sa crocodile farm, sayang.. basta sana makabalik din.. kukunin ko un shirt ko na naiwan.. ahahahahahahah. promise mo yan ha, papasyal mo na ako sa susunod..
Naku kalabaw?? tlga? kawawa nman un... imbes na mapakinabangan sa bukid ginawang bulalo... huhuhu!! sana nag enjoy ka nman!
ReplyDelete