Every time I read Ruth’s entry bout her friendship with pb, naaalala ko ang friendship namin ni buds..
We call each other “buds” short for buddy. Sabi ng isa kong friend buds daw kase bad girls kami.. of course that’s not true, mga good girls kami. Hehehe. We’ve know each other for 3years, pero kahit ganon short yun span ng pagkakakilala naming, naituring na naming matalik na kaibigan ang bawat isa.
I still remember nun nag offer sya ng friendship sa akin, she wanted me to be her bestfriend.. Ako naman syempre nagulat, why on earth would she choose me to be her bestfriend e sa pagkakaalam ko may bestfriend na sya. I don’t really believe I could have a bestfriend. Not because, salbahe ako at walang magkakagustong maging bestfriend ako, actually maraming nag offer sa akin ng ganon friendship.. but I refuse to. Masyado kase malalim sa aking ang bestfriend, masyadong ideal.. On my mind, walang magfifit doon. But I have close friends, super close, pero I never treated anyone as my bestfriend., until “buds” came.
Naghesitate ako nun una, kase nga baka sa una lang yan.. sa una lang totoo, pero pag tumagal mawawala rin. That’s why I don’t wanna have it, kase everytime na ready na akong magkaroon ng bestfriend, bigla namamg nawawala. Pang sandalian lang ba. Gusto ko lifetime..
Selfish din ako, when it comes to bestfriend, pagsinabi mong “bestfriend mo ako”, that means ako lang.. Wala ka ng ibang bestfriend, kaya nga BEST db..
Then it started, we started from tears, would you believe that?? because the expectations took place. Napakaselosa ni buds, dati napakaprotective nya sa akin. She hated those people who are my friends na sa tingin nya ay bad influence sa akin.. Bigla na lang nya akong di kakausapin, and I don’t get it.. Naiinis ako, kase gusto nya lahat ng attention ko nasa kanya.. We always argue.. but eventually magkakasundo din.. We always laugh together, we laugh to things that only the two of us understood. We cry together, sa panahon ng problema, kami lang nagbobolahan para mabawasan ang pait na nararamdaman. We’re always together, kahit nga hindi mo sabihing magbestfriend kami, people would know.
As days goes by, nagkabaligtad na. Ako naman un feeling ko taken for granted ako. Dumating sa point na, I want to withdraw everything. Para bang ayoko na syang maging bestfriend kase sobrang nasasaktan na ako.. Hindi ko na sya maramdaman. Hindi nya ako maintindihan at ako rin hindi ko na sya maintindihan..
I tried to back off, hinayaan ko sya, pero I wasn’t happy at all. Napakarami kong tampo sa kanya, but I choose to understand her and love her more. Less na expectations ko sa kanya. Kase mas masakit pala pag sobra ang expectations. Sometimes na ooverlooked natin un binibigay ng isang tao, bec of our expectations.
Now, I’m able to handle it.. Mas pinipilit kong unawain.. Minsan lang akong magturing ng bestfriend, that’s why kahit madalas akong masaktan, hindi ko binibitiwan. Ganon akong magmahal ng bestfriend.
3rd times na syang nagbibirthday na kasama ako, and I’m thankful sa lahat ng memories na meron kami.. ang sarap balik balikan.. kaya may surprise bonding time ako sa kanya tom.. sana naman walang abirya. Ititreat ko sya sa spa salon.. hehehehe.
Ang haba nap ala nito… hehehehe